Chereads / Crumpled Paper / Chapter 9 - Pinaglakip na kabatiran (1.6)

Chapter 9 - Pinaglakip na kabatiran (1.6)

Isang linggong pagtitiis, isang daang kaalaman.

"Wala ka bang planong tumakas?" dinig kong tanong ni Tiyo Gastor habang ngumunguya ng pagkain sa aking tabi.

Sa isang linggo kong pananatili dito sa bilangguan, walang ginawa itong matipuno naming roommate kundi ang magtanong nang magtanong.

Akala ko nga ay tahimik siya nung nakita ko siyang nakabalukot ng kumot, daig niya pa pala ang isang mamamahayag.

"Nasubukan ko na pong tumakas at hindi ko gusto ang naging kahihinatnan nito" Malumanay na saad ko sa kaniya matapos ay nagpatuloy na sa pagkain.

"Pansin ko lang sa'yo dong ha, bakit ang lalim mong magsalita ng tagalog? Ang pangit lang kasing pakinggan" napapailing siya.

"Pansin ko lang rin Tiyo, bakit ba hindi ka nauubusan ng mga katanungan? Naiinip na kasi akong sumagot eh" Ininom ko na ang isang basong tubig nang natapos ko ng kainin ang pagkain ko.

"Alangan namang si Jazzib ang tatanungin ko, hindi ko nga alam kung bakit panay senyas siya gamit ang kaniyang kamay. Ang sagwa lang kayang tingnan" nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ni Uncle Jazzib sa aming harapan matapos siyang diktahan ni Tiyo Gastor.

"Lahat naman sa iyo ay masagwa Tiyo..." Dahan-dahan ko siyang tinitigan "...maliban siguro diyan sa mga droga mo"

Napahalakhak ako nang mahina matapos niyang sinapak ang aking balikat.

"Tumahimik ka nga diyan, papatayin talaga kita kapag narinig iyon ng nagbabantay na pulis" Nagpatuloy lang ako sa pagtawa habang tinitingnan ang ekspresyon ni Tiyo Gastor.

"Maria!" Napatigil ako sa pagtawa nang isigaw iyon ni Tiyo Gastor.  Agad akong nanginig nang may marinig akong malanding halakhak ng taong pumapalapit sa amin.

"Tiyo naman" Pagmamakaawa ko pa kay Tiyo Gastor habang hinahawakan ang kaniyang braso.

Siya naman ngayon ang tumatawa.

"Yes, Papa Gasty?" Pinagtayuan ako ng balahibo matapos itong marinig.

Kusa na akong tumayo at pumunta sa mga presong naghuhugas ng mga pinagkainan upang mahugasan din ito.

"Ooops, bakit nilagay mo lang iyan d'yan? Hindi kami maids dito, gwapo! Parehas lang tayo ng posisyon dito kaya't maghugas ka rin!" Napatango na lamang ako sa matipunong lalaking may markang biak na puso sa braso. Mukha pa naman siyang sawi kaya't hindi ko na lamang dadagdagan ang kaniyang pagka-inip.

Ano ba namang kasing klaseng buhay 'to?

Nakakulong na nga't lahat-lahat, may papatay pa sa'yong asungot.

Akala ko noon ay halos mga matitipunong lalaki lang ang nasa loob ng mga piitan. Ang hirap lang kasing tanggapin na pati sa bilangguang ito ay may makakapansin pa sa aking taglay na kakisigan.

"Magandang tanghali, makisig na ginoong nakapagpabihag sa puso kong kay lambot na maihahalintulad mo sa isang spongha, batid kong pinatawag mo raw ang aking presensiya ani Papa Gastor?"

Nandidiri na ako ngayon habang pilit siyang ipinagsasawalang bahala.

Patuloy lamang ako sa pagkukuskos ng mga pinggan subalit hindi ako masyadong nakagagalaw dahil sa higpit ng kaniyang pagkakahawak sa isa kong braso.

Sa totoo lang ay natatakot ako kapag nararamdaman ko ang kaniyang presensiyang malapit sa akin.

Hindi ko alam kung masusuka ba ako o mahihimatay.

"Ano ba naman iyan, Clovis. Naiinis na ako sa'yo ha! Ang hirap-hirap kayang makipagsalita sa katulad mo tapos hindi mo lang ako papansinin? You're unfair!" Aniya pa sabay mahinang sinapak ang aking braso.

"Maria tinatawag ka na ni Dormo sa kwarto niya, pumunta ka muna roon nang sa ganon ay hindi na magkaroon ng gulo rito"

Napangiti ako nang ibulalas iyon ni Tiyo Gastor.

"What! Eh kakapunta ko palang sa kaniya kanina ah. Ano 'to one minute rest, five hours duty?" Pumalapit siya kay Tiyo Gastor matapos ay mariing hinawakan ang magkabilaang balikat.

"Papa, hindi ka ba naaawa sa anak mo? Anong klaseng ama ka ba!" Dagling iwinaksi ni Tiyo ang kamay ng bakla.

"Ano bang pinagsasatsat mo diyan, hindi naman kita totoong anak eh. Putangina lahat naman siguro ng lalaki rito ay tinatawag mong papa. Sabi ng tinatawag ka na ni Dormo dun sa kwarto eh"

"Alam niyo Papa kasalanan mo 'to eh, ikaw ang kusang nagpatawag sa akin na pumarito pagkatapos ay pababalikin niyo rin ako! Anong trip niyo Tay?"

"Putangina magsitigil nga kayo diyan, ang ingay-ingay!" Agad na tumahimik ang buong paligid nang sumigaw ng malakas ang guwardiyang nakapwesto sa tabi ng kusinero.

Padabog na umalis si Mario sa harap ni Tiyo habang nagsusumigaw pa rin.

Kukuskusin ko na sana ang kalderong pinaglutuan ng kanin nang hilahin ako nang malakas ni Tiyo Gastor.

"Tumayo ka diyan, hindi ka dapat naghuhugas ng plato"

"Putangina, kuya ano bang nakain mo at ganyan ka kabait sa baguhang iyan dapat nga lang na siya ang maghugas ng plato..." Pinutol ni Tiyo Gastor ang sasabihin pa sana ng kaniyang kapatid na si Gaspar nang ipalamon nito ang isang piraso ng tinapay.

"Putangina mo rin hugasan mo nalang lahat ng 'yan"

"Putangina hindi ba talaga kayo titigil?" tiningnan ni Tiyo ng masama ang dalawang guwardiyang nagbabantay sa amin matapos ay maangas na pumunta sa kanilang gawi.

"Gusto niyo bang ibulgar ko ang mga sekreto niyo kay Akiran?" Napagitla ang dalawa sa binulalas ni Tiyo.

"Ano bang sekreto ang sinasabi mo diyan?" Maangas pang ani ng isa habang pinipilit na hindi mautal.

"Bertie, pumunta ka nga rito" Agad na may lumapit sa aming makisig na lalaking sa tingin ko ay kaedad lamang ni Tiyo Gastor.

"Boy, may nakita ako kagabi" Ani pa nito habang tumatawa.

"Sabihin mo sa kanila kung anong nakita mo" Utos sa kaniya ni Tiyo.

"May nahuli akong dalawang lalaki doon sa may bandang gulayan. Boy, humihithit sila ng marijuana!" Ani pa nito ng pagkalakas-lakas na pati ang mga presong kumakain pa ay nakarinig.

"Ano ba iyang sinasabi mo, wala ka ngang ebidensiya sa nakita..."

Namutla ang dalawang guwardiya nang makita nila ang inilabas na cellphone ni Tiyo Bertie.

"Nais niyo bang mapasama sa amin dito?" Natatawang pananakot ni Tiyo Gastor sa kanila.

Labis silang napailing habang tagaktak na ang pawis sa mukha.

"Hindi namin kayo isusumbong kay Akiran kapag ginawa niyo ang pinag-uutos ko"

Maawtoridad pang bulalas sa kanila ni Tiyo habang naglalakad sa kanilang harapan.

"Itakas niyo kami dito"