Chereads / Crumpled Paper / Chapter 3 - Malabong bugtong, Pauna

Chapter 3 - Malabong bugtong, Pauna

Zamboanga del Sur, Mindanao

Ika-6 ng Abril, 2006

Tanghaling tapat||

Khalil Marid Zavier

Kasalukuyan akong nasa balkonahe habang nagbabasa ng aking isinulat na lumalarawan sa taglay naming kalakasan ni Uncle Jazzib. Napapahalakhak ako nang tuluyan na itong matapos, story description pa lamang ang naisusulat ko subalit tila napakahangin na ang dating nito. Gumagawa ako ng aking sariling kwento na mayroong nakakapang-akit na pamagat.

'Ako at ang pepeng makisig'

Dagli akong napaubo nang mabasa ko ang sariling sinulat sa papel. Hindi ko kailanman nagustuhan ang bawat kamalian ng aking pagbabaybay.

Ano ba ang pumasok sa aking kaisipan at ganiyan ang aking naisulat sa papel?

Naiinis na tinapon ko ito sa sakong may nakasulat na 'nabubulok'. Ang papel ay gawa sa kahoy at ang kahoy ay nabubulok kung kaya't ang papel ay nabubulok, iyan ang turo sa akin ni Uncle Jazzib.

Kumuha ulit ako ng panibagong papel na susulatan ko subalit bigla kong narinig ang malakas na kalabog mula sa kusina. Agad akong napatayo at naglakad sa loob nang maaninagan ko ang ngumingiting mukha ni Uncle Jazzib. Ang pagkalabog lamang ang nagsisilbing gawi ni Uncle Jazzib sa tuwing tinatawag niya ako o mayroon siyang kailangan sa akin.

Sumisenyas siya na handa na ang pagkain at ang kakain na lamang ang kulang. Katulad niya ay napangiti rin ako habang tuwid nang nakaupo sa silya upang bigyang-galang ang mga pagkain.

Tumango lamang si Uncle Jazzib sa akin matapos ay nagsimula nang kumain na para bang isang asong walang kain mahigit sa dalawang araw. Ginalaw ko na rin ang aking kakainin at ginaya ang estilo ng pagkain ni Uncle Jazzib.

Ibinulalas niya sa akin na dapat ay ganito ka kumain kung talagang nasasarapan ka sa pagkaing nakahain sa mesa. Sino ba naman ang hindi masasarapan kung ang ulam na nakahain ay adobong kangkong?

Habang nagpapatuloy ako sa pagkain ay hindi ko maiwasang mapaluha nang makita ang kalagayan ng aking tiyuhin. Isang butil ng luha na nagpapahiwatig ng kahirapan at awa. Nang makita ni Uncle Jazzib ang aking namumulang mata ay agad niya akong sinenyasan kung ano ang nangyari? Subalit bumalik din ang aking ngiti at sinenyasan siyang lumabas lamang sa aking mata ang tubig na aking iniinom.

Tumango lamang siya pagkatapos nun at nagpatuloy na naman sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay agad kong hinugasan ang mga kasangkapang aming ginamit kanina.

Nang akma kong kunin ang sponge sa lagayan ay mayroong nahagilap ang aking mata sa tabi ng nakausling kutsilyo. Isang lapirot na kulay murang kayumangging papel.

Agad ko itong inayos at nang buksan ko ito ay mayroong nakasulat dito.

'Isa akong lugar; mayroong gulay, isda, karne, prutas at mga tao. Hindi ka makakakain kapag wala ako' -iyan ang nakalagay sa kumukunot na papel.

Posibleng ang pinapahiwatig na lugar ng papel na ito ay ang kusina. Sapagkat mayroon kaming gulay, mayroon din kaming isda. Mayroong karne, karne ng isda. May prutas din, subalit inuod na ito. Mayroon ding tao at ako iyon. At hinding-hindi ako makakakain kapag hindi ako pumunta dito sa kusina.

Sa wakas ay nahulaan ko na ang bugtong. Tinitigan ko lamang itong mabuti subalit agad akong nagulat nang agad itong kinuha ni Uncle Jazzib mula sa akin.

Kinakamot niya ang kaniyang ulo na para bang nag-iisip at binatukan ako ng mayroon siyang nakuhang kasagutan.

Mayroon siyang sinenyas sa akin na agad ko ring nakuha, isang palengke.

Ang labo ng sumulat ng bugtong na iyan. Hindi ito tumutugma sa tamang sagot. Nararamdaman ni Uncle Jazzib ang tamang mga kasagutan kung kaya't ito nga ang naaayon. Sa palengke ito at hindi sa kusina.

Ngunit ano ang ipinapahiwatig ng sumulat sa papel at bakit sa palengke ang sagot sa ginawa niyang bugtong? Sino nga ba ang nagsulat sa kunot na papel na iyan?

Hindi ko maaaring pagbintangan si Uncle Jazzib sapagkat isinusumpa niyang mas mabuti pang magpatiwakal kaysa magsulat ng kahit ano sa papel o ano pang ginagamit upang masulatan. Hindi siya marunong magsulat kung kaya't napakaimposible iyon.

Ano naman ngayon kung palengke? Kapag ba pupunta akong palengke ay mayroong magandang mangyayari? Hindi naman siguro ako mamamatay kung aking susubukan.

Naririto pa rin si Uncle Jazzib sa aking harapan at maiging naghihintay sa aking magiging desisyon. Sinenyasan ko siya na pagkatapos kong maghugas ng aming pinagkainan ay didiretso agad kami sa Palengke at baka sakaling matatagpuan ko dun ang siyang nagsulat ng bugtong na ito. Tumango lamang siya sa akin pagkatapos ay nagpaalam na pumunta sa kaniyang kwarto.

Pinagpatuloy ko ang aking pinaghugasan. Matapos ko itong banlawan ng ikatlo ay inayos ko na ang pagkakapwesto upang madaliang matuyo. Naiinis akong tinitigan ang suot na damit, wala talagang oras na hindi mababasa ang aking kasuotan sa tuwing ako ay maghuhugas.

Dumiretso agad ako sa paliguan at nilinisan na ang sarili. Mahigit kalahating oras o tatlumpong minuto ang aking ginugol dahil lang sa paglilinis ng katawan. Pumasok na ako sa sariling kwarto at isinuot ang natatanging kasuotan. Isang nagkukulay kahel na walang disenyo ang aking napiling damit, kalsonsilyo naman ang aking sinuot pang-ibaba. Mabilis akong pumwesto sa harap ng salamin; napapailing at namamangha ako sa tuwing masasaksihan ang sariling kakisigan sa salaming ito. Kaunting pag-aayos lamang sa aking kasuotan ang aking ginawa pagkatapos ay lumabas na ako sa aking silid.

Isang malakas na kalabog ang aking narinig sa labas ng pintuan. Ito ay hudyat na labis nang naiinip si Uncle Jazzib sa kakahintay sa kaniyang pinakagwapong pamangkin.

Nakangiti akong lumabas habang nasa bulsa ng kalsonsilyo ang aking kaliwang kamay. Binungad ako ni Uncle Jazzib ng naiiritang tingin. Mayroon siyang buhat-buhat na kulay itim na mutsila o backpack. Napasinghap ako matapos ay sinenyasan siya kung bakit mayroon siyang bitbit na mutsila. Para siyang isang construction worker kung tititigan.

Subalit napapalakpak na lamang ako nang makita ang kaniyang sagot sa akin. Siya lamang daw ang construction worker na mayroong gwapong mukha. Labis akong sumang-ayon sa sinenyas niyang iyon. Hindi mawala-wala ang kakisigan ng aming pamilya kahit na si Uncle Jazzib lamang ang aking kinikilalang angkan. Mayroon kaming lahing Mexicano kung kaya't para kaming mga dayuhan lamang dito sa Pilipinas kung pagbabasehan ang aming mukha. Kwento pa sa akin ni Uncle Jazzib na isang purong muslim ang kanilang Ama at kalahating mexicana't pilipina naman ang kanilang Ina.

Sa kanilang limang magkakapatid, ang aking Ama raw ang pinakamakisig ang awra, ito ang dahilan kung bakit isinilang akong mayroong gwapong mukha. Iyan lamang ang kinikwento sa akin ni Uncle Jazzib sa kanilang nakaraang pagsasamahan noon. Nais ko mang maaninagan ang mukha ng aking Ama subalit hindi ko ito magagawa sapagkat hindi pa naman ako namamatay. Walang sinabi sa akin si Uncle Jazzib kung bakit pumanaw ang aking Ama.

Diniktahan niya akong simulan na ang paglalakad kung kaya't tumango ako sa kaniya. Sa bawat kantong aming dinaraanan ay mayroong mga kababaihang sumisitsit sa akin. Hindi ko sila pinapansin sapagkat bawas kakisigan daw ito sabi ni Uncle Jazzib. Mahaba-haba pa ang aming lalakarin patungong palengke.

Ang gara-gara ng aming mga kasuotan subalit wala kaming pera upang magsilbing pamasahe kaya ito kami ngayon at patuloy na naglalakad. Dagdag polusyon lamang daw kung sasakay pa kami ng sasakyan at wala pang magandang maidudulot ito sa aming kalusugan, sabi ni Uncle Jazzib.

"Hi Khalil"

"Khalil, anakan mo'ko"

"Pakiss ako, Khalil baby"

"Choke me daddy, ugh!"

Labis akong naiirita sa mga pinagsasabat ng mga mababang klase ng kababaihang nadadaraanan. Kung ako ang magiging babae, hindi pa sila nakakalahati sa aking angking ganda.

Imbis na pansinin ang mga mababang babae, napili ko na lamang na taas-noong maglakad na parang isang prinsipeng birhen hanggang sa makaabot kami ni Uncle Jazzib sa palengke.

Napangiwi ako nang bumungad sa akin ang amoy ng palengke. Imbis na tiisin ang umaalingasaw na amoy nitong paligid ay inilabas na lamang ni Uncle Jazzib sa kaniyang mutsila ang dalawang mask para sa amin. Agad ko itong kinuha mula sa kaniya at dali-dali nang isinuot.

Pinagpatuloy naming pasukin ang maruming palengke at napahinto na lamang nang mayroon akong maaninagang isang lalaking sa paningin ko ay nag-eedad tatlumpo at isang batang dilag sa bilihan ng karneng manok.