JACK AND LORAINE STORY
Gustong gusto ko ng umalis dito pero kailangan ng pera ng mga inay inatake kasi ng hika si totoy buti nalang pinasahod na kami kahapon at naipadala ko ng lahat sobrang pasasalamat naman ng inay sakin pero kulang pa iyon kailangan ko pang mag pursigi
"Bes mag mall tayo tinuro na ni nay dalia kung pano tayo makakapunta dun day off naman natin heheh"
"Sorry jam wala na akong pera pinadala ko lahat"
"Akong bahala sayo kami ni jam libre ka namin"
Niyakap ko naman si elaine buti nalang naging kaibigan ko sila kung hindi matagal na akong sumuko sa lugar nato
" Wag na nakakahiya pinaghirapan nyo yan kaya"
"Hay sus yun lang ehh tara na ohh bawal tumanggi magbibihis na kami"
Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko silang dalawa
"Tama na drama excited na ako mag mall"
Natawa nalang ako sa dalawa hahah teka dipa ako nakakapuntang mall nakikita ko lang sa dyaryo yun ehh nakaka excite naman
Tiningnan ko ang drawer ko wala naman akong magandang bistida ehh ano susuotin ko hayss teka yung regalo ni nanay sakin oo yun nalang
Pag tapos kong suotin yun humarap ako sa salamin nakita ko naman na napa ngiwi yung dalawa bakit ang ganda kaya maong na palda sya hanggang tuhod at white v neck na shirt na tinak in ko naman nag lagay din ako ng sinturon na itim at kinuha yung shoulder bag ko na 4 years na sakin kulay itim yun na maliit lang sobrang ingat na ingat ako 150 pesos din yun ang mahal mahal
"Yan na talaga suot mo?"
"Day wala na tayo sa probinsya ang haba naman ng palda mo"
"Ehh ito lang ang meron ako hayaan nyo na please"
" Oo na hahaha halika na"
Nagtatawanan kami na nagpaalam kay nanay dalia naglalakad na kami palabas ng mansyon ng may nag pitpit na sasakyan samin kaya tumabi agad kami
"SA INYO BA ITONG DAAN"
napayuko agad kami si sir alexiel yun galit na galit na naman hayss kelan kaya yan kakalma
"SAN KA PUPUNTA MAID"
nag angat ako agad ng tingin at sumagot nasa loob ito ng napaka ganda nyang kotse habang masamang nakatingin sakin
"Sa ma-mall sir day off po namin'
Hindi na ito nag salita at pina andar na paalis yung sasakyan nya nag simula naman na kami maglakad para makapag abang ng tricycle
"Ang sama talaga ng ugali nun sayang ang gwapo pa naman" Elaine
"Epal lang ang lalaking yun" jam
"Tara may tricycle na"
Pagdating namin sa mall ay naglibot lang kami ng naglibot at kumain sa Jollibee yung fast food daw masarap ang pagkain at masasabi kong nag enjoy ako kahit wala akong pera hiyang hiya nga ako sa mga kaibigan ko binilhan pa ako ng bistida na kulay pink medyo maiksi ito angat sa tuhod na fitted sakin medyo labas ang dibdib ko pero disente padin tignan at yung presyo 500 pesos hiyang hiya talaga ako sobra sabi ko nalang na babayaran ko pag ka sweldo omoo nalang yung dalawa pero alam kung di nila tatanggapin ang bayad ko kung sakali
Enjoy na enjoy kaming nag sukat pero di naman bibilhin hahaja ang saya lang ganun pala ang mall at darating ang panahon na dadalhin ko dito ang pamilya ko pinapangako ko yun
"Hahaha ang ganda talaga nung heels"
"Oo nga parang ginawa para sakin"
Natatawa nalang ako sa kabaliwan ng dalawang to hahaha
"Hahah baliw kay---- aray"
Tiningnan ko yung lalaking bumangga sakin pag lingon nun nagulat naman kaming tatlo
"Sir jack"
"Loraine I mean erich"
Nakangiti itong lumapit sakin tiningnan ko yung babae nyang kasama gulat na gulat na nakatitig sakin teka may mali ba sa muka ko
"Jack who is she"
Kita ko yung takot sa mata nung babae bakit kaya nginitian ko naman yun at yumuko bago nagsalita
"Mga maid po kami ma'am sorry po kung nabangga ko kayo"
Mas lalo naman gumuhit yung gulat sa muka nya may problema ba
"A maid?"
"Tara erich may pupuntahan tayo"
"How about me jack?"
"You have your car Jasmine"
Nakangiting hinila ako ni sir jack kumaway nalang ako kila jam kumaway lang din sila sakin
"Sakay kana wag kang matakot magkaiba kami ni alexiel"
Tumango naman ako at sumakay sa kotse nya nahihiya ako ngayon lang ako nakasakay sa ganito ka gandang sasakyan jusko ang bango bango pa
"Kuya ben sa restaurant ko tayo"
Napatingin ako sa driver si kuya ben pala ngumiti ako dito ngumiti din si kuya ben
"Sir ok lang bang sa tabi nyo ako nakakahiya po"
Naiilang kong sabi sa kanya totoo naman ehh di naman ako nababagay sumakay dito ehh
"Isipin mo magkaibigan tayo para dika na mahiya"
Nagkatitigan kami at ngumiti ito sakin grabi ang gwapo din nito walang katulad talaga ang kagwapuhan ng mga Hussion
"Magpakilala ka sakin Erich kwentuhan mo din ako ng buhay mo wag kang mahihiya ok"
"O- opo sir pe-pero po kakatulong lang po ako"
"Then we're friends "
Inabot nito yung kamay nya
"Frie-friends"
Ngumiti ito ng matamis sakin ang gwapo talaga ang bait pa kaya siguro kumabit sa kanya si loraine kahit sino kasi talaga ma fafall sa kanya ehh
"Saan po tayo pupunta Sir?"
"It's Jack call me with my name"
"Hindi naman po pwede yun sir"
"Please"
Nag pacute pa ito sakin parang si totoy pag magpapabili ng sapatos sakin diko tuloy mapigilan humanga sa kanya
"Sege po sir este Jack"
Niyakap naman ako nito at sinabi na bumaba na kami kakain daw kasi kami
Hinawakan nya ako sa kamay pagbaba namin at hiyang hiya naman ako kasi pinagtitinginan kami
"Si ma'am loraine ba iyon teka himala ata walang make up"
"Ang simple ng suot nya mas bagay pala sa kanya yun ehh"
"Sus tingnan lang natin baka yung ugali bastos padin"
Mas binilisan pa maglakad ni jack at sumakay kami sa elevator
"Sa private room nalang tayo kumain pwede ba pag jan kasi sa baba pag titinginan ka"
"O-ok lang lang po kayo po bahala"
Ginulo naman nito yung buhok ko ang bait talaga ni jack malayong malayo sa alexiel nayun hmmp
Pagpasok namin sa room omorder ng pagkain si jack at maya maya dumating na
"Thank you"
"Sa-salamat po ate"
Nginitian ko naman yung nagbibigay ng pagkain pero parang nagulat naman yun may mali na naman ba akong ginawa
"Erich"
Nilingon ko si jack nakalabas naman na yung waitress
"Ba-bakit po "
"So kwentuhan mo naman ako sa buhay mo"
"Ayon po mula bata ako asa barangay Bonifacio na ako laking palengke nagtitinda ng isda yung inay ko naman po labandera ang itay naman ay driver ng bus may tatlo akong kapatid si beka totoy at gema mga nag aaral sila kaya kailangan kong mag katulong para mabigyan sila ng magandang buhay sana nga'y maibigay ko sa kanila yun hahah ano bayan ang iyakin ko mahal na mahal ko po kasi ang pamilya ko "
Niyakap naman ako ni jack jusko kinikilig na ako ahh
" I'm proud of you erich you love your family over your life"
Ngumiti lang naman ako konti lang naintindihan ko sa sinabi nya hahaha
"Ikaw po sir kwento ka din gu-sto ko po sana yung sa inyo ni ma'am loraine"
Nakita kong sumeryoso yung muka nya yumuko naman ako nakakahiya yung bibig ko feeling close naman ako
"Dont be shy ehh kukwento ko sayo hahah may alam kana pala tungkol kay loraine "
"O-ok lang po-"
"Makinig ka jan ok at kumain "
"Opo opo"
Excited naman akong umayos ng upo at kinamay yung fried chicken ang sarap kaya kumain ng naka kamay
" Nakakatuwa ka talaga hahaha"
"Thank you po"
"Now it's confirmed your not loraine because your the lovely erich"
Tumawa nadin ako nahahawa ako sa gwapong muka ni jack may pa lovely lovely pa hahah
"Loraine is my friend magkababata kami pati ni kuya alexiel mas matanda lang si kuya ng 3 year's samin ni loraine pero masaya kami nung kinasal sila ni kuya sobrang buto ako sa kanilang dalawa alam kong mahal na mahal ni kuya si loraine pero nabago yun ng naging sobrang busy ni kuya sa trabaho nya nakakalimutan nya na may asawa sya ako naman ay palaging nasa tabi nya isang gabi umamin sakin si loraine na mahal nya ako gusto nya ng hiwalayan si kuya ayoko nun hindi ko sya mahal hindi ko sya ipaglalaban pero lasing kami may nagawa akong mali may nangyari samin at ng malaman ni kuya at nila mommy pinadala nila ako sa U.S at dun ko din nalaman na patay na si loraine naaksidente ito sinisi ko ng sobra ang sarili ko nun"
Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya hindi ko alam pero niyakap ko sya at dun nanga umiyak si jack sa balikat ko
"Hindi nyo po kasalanan kasi kung matinong babae po sya alam nya ang tama at mali"
"You think that"
"Opo"
"Your so lovely erich you make me laugh and cry hahah"
Pagtapos ng iyakan namin nagtatawanan kami pagdating sa mansyon kung ano anong corny jokes kasi ang pinagsasabi nito
"Ang pangit mo umiyak hahah"
"Ehem sino po?"
Natatawang tanong ko kasi mas grabi yung iyak nya kanina pero gwapo padin naman
"Pero GWAPO padin ako"
Nagtawanan kami at nag apir sobrang saya nya talaga kasama
"Thank you ulit jack"
"Thank you too Erich until next time?"
"Opo naman pahinga kana po bye po"
Yumakap naman ulit ito at umakyat na paitaas tiningnan ko naman yung orasan sa pader alas otso na pala matagal din kami nagusap ni jack napangiti nalang ako sa kawalan madami na ako kaibigan yung isa boss ko pa pag nalaman to ni nanay masayang masaya yun
"Did you enjoy my brothers company ahh?"
Napalingon ako sa taong nasa likod ko at boses palang nun na malamig magsalita alam kona agad kung sino
"Go-good evening sir"
"What's good kung ikaw makikita ko"
Yumuko nalang ulit ako nung maramdaman kong wala na ito sa harap ko ay nakahinga na ako ng maluwag bakit ba ganun yun hindi naman ako ang asawa nya ahh nakakainis ayoko talaga sa lalaking yun lagi nalang galit sayang yung ka gwapuhan