Chereads / My Erich / Chapter 7 - CHAPTER 06

Chapter 7 - CHAPTER 06

PARTY PART(1)

Abala kaming lahat para sa party ni ma'am Alexa mamayang gabi 48th birthday nya iyon at ang sabi ni nay dalia ehh bongga kaya kaming mga maid ehh mag aayos at mag susuot ng magarbo may mag aasikaso naman daw na catering kaya parang mamayang gabi ehh day off namin

"May susuotin kana ba"

Tanong sakin ni jam pinagiisipan ko din kasi na mag stay nalang sa kwarto namin ayoko umattend di naman kami bagay dun pang sosyalan

"Wala mag stay lang ako sa kwarto natin medyo di rin ok pakiramdan ko"

Palusot ko nalang kasi di ako titigilan ng mga babaeng to pag nagkataon

" Sayang naman minsan lang kaya sa buhay natin yun no"

"Ok lang di ako bagay dun"

Nalungkot naman yung dalawa tumawa nalang ako kunwari

"Iha pakibigay naman dun sa sala kay ma'am alexa"

"Sege po"

Kinuha ko naman yung isang pitchel ng pineapple juice pati mga baso sa tray at dinala sa sala nakita kong busy sila sa pinaguusapan nag excuse nalang ako at pinatong sa mesa yung mga baso at nilagyan ito ng juice kinuha ko yung tray at pitchel at bumalik na sa kusina

"Erich tawag ka ni ma'am Alexa sa sala"

Tumango naman ako kay ding yung maid din katulad namin

Pagdating ko lahat sila nakatingin sakin pati nadin si Mr galit lagi at syempre ang aking jack shet kinikilig naman ako sa iniisip ko

"Erich come sit here"

Lumapit naman ako kay jack at naupo sa gitna nilang dalawa ni alexiel oopss mali teka bakit ba kasi ako andito kabadong kabado naman ako

"Erich pwede bang maging date ka ni alexiel mamaya sa party"

Na shock naman ako sa narinig ko date? Yung parang sa prom nung high school teka nakakahiya bakit naman ako ehh halos isuka nga ako ng anak nilang yun

"Ma'am i want Erich to be my date"

Nakangiti pa si jack na tiningnan ako ngumiti lang naman ako at nararamdaman ko din sa kabilang side ko ang masamang awra ng halimaw shit natatakot na ako

"Anak Jasmine will be your date and ok na kayo sa usapang yun diba?"

"Fine"

Inis naman na nahimik si jack kaya mas lalo pang nadagdagan yung takot ko dalawa na silang bad mood

" May dress kaba na pwede kay Erich Trisha?"

"Of course ma'am halika dito Erich susukatan kita"

Tumayo naman ako pero tumingin kay ma'am alexa

"Ma'am sorry po pwede po ba ako mag salita?"

Magalang kong tanong at nag bow pa

"Of course iha ano ba yun"

"Happy birthday po ma'am ma-masama po ka-kasi pakiramdan ko hi-hindi po sana ako attend ma'am sorry po talaga"

Paulit ulit pa ako nag bow hiyang hiya talaga ako sobra

"Wait ikukuha kita ng gamot"

"O-ok lang po ako sir jack ka-kaya ko po " ngumiti pa ako sa kanya kaya kumalma naman sya kinilig na naman tuloy ako

"No it's ok kung dimo talaga kaya pero pwede bang kahit sa opening ehh umattend ka I'm so sad pag dimo ako pinagbigyan"

Napapikit naman ako ng madiin shit wala talagang kawala

"Se-sege po"

"Then sukatan muna sya trisha"

Lumapit naman ako kay trisha pinadipa nya yung mga braso ko nakatitig lang naman sila ma'am Alexa sir Jack at si sir alexiel umiwas naman. Ako ng tingin ng magsalubong yung mata namin ito na naman yung lakas ng tibok ng puso ko

"Ang sexy mo namang bata ka perfect na perfect yung katawan ang ganda ganda pa ng muka mo sinong mga magulang mo mukang mayayaman at ganyan ka gandang kutis at muka ang meron ka"

Tiningnan ko naman si ma'am alexa na natatawa hiyang hiya naman ako na yumuko bago sumagot

"Maid lang po ako dito ma'am Trisha at nasa probinsya po ang mga magulang ko"

"WHAT?"

Ngumiti lang ako kay trisha na gulat na gulat na nakatitig sakin bakit bawal ba sa mahirap ang may gantong muka ede sana iba nalang

"Hindi bagay ang muka mo sa pagiging maid lang"

Para naman akong sasabog sa inis na tiningnan si trisha

"Sorry po ma'am kung mahirap lang ako kung pwede nga lang po na palitan tong mukang to mas magiging masaya po ako diko po kailangan ng magandang muka kung di naman ako kayang respituhin ng mga tao sa paligid ko ang alam ko lang po wala po akong ginagawang mali nagtratrabaho lang po ako para sa pamilya ko sorry po sa inasal ko"

Pinunasan ko yung luha ko at nag bow kay trisha pati nadin kay ma'am alexa

"Sorry po ma'am excuse po"

Umalis na ako dun at pumunta sa kwarto namin at niligpit ang mga gamit ko bukas na bukas din ay aalis na ako marami pa naman sigurong pwede pag trabahuan jan

"Erich anong ginagawa mo"

"Sorry jam diko na kaya aalis na ako ayoko ng ganitong trato sakin tao lang naman ako nasasaktan diko naman ginusto na ganito ang muka ko ehh malay ko ba na pag silang ng inay ito na yung muka ko jam masamang tao ba ako"

"Hindi sobrang bait mo nga ehh shhiii tahan na please"

Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap kay jam hiyang hiya ako sa ginawa ko pero alam ko sa sarili kong tama lang ang ginawa ko pinagtanggol ko lang ang sarili ko

"Erich"

Tumayo naman kami ni jam at bumati kay jack bigla naman itong yumakap sakin

"Sorry sorry hindi kita naprotektahan sorry kung nasasaktan ka"

Sinenyasan naman ako ni jam na lalabas na sya ngumiti naman ako

"Jack wala kang kasalanan kung tutuosin ang laki nga ng utang na loob ko sayo napaka buti mong kaibigan sakin thank you mamimiss kita"

Bigla itong humarap sakin dun ko lang nakita yung pasa nya sa muka putok yung gilid ng labi nya

"Jack anong nangyari ok kalang masakit ba wait lang ok kukunin ko nalang yung first aid kit jan kalang"

Agad naman ako pumunta sa may sala andun kasi yung first aid kit buti nalang walang tao babalik na sana ako ng makita ko si jack

"Ohh bat ka umalis halika nga dito"

Hinila ko sya sa may hagdan at pinaupo sya

"Ano bang nangyayari sayo kanina ang gwapo pa ng muka mo ahh"

"So you see me as gwapo ahh"

Tumawa naman ako sa pang aasar ni jack actually natututo na ako mag English may English dictionary akong binili inaaral ko yun sa gabi

"Oo naman no gwapo na gentleman pa"

Kumindat pa ako kaya mas lumakas pa tawa namin ginulo naman nya yung buhok ko at nag excuse may tumatawag ata sa cellphone nya

"EXCUSE ME"

tumayo naman ako agad at kinuha yung mga ginamit ko para makadaan sya jusko sobrang lawak nung hagdan gilid na nga ako nakaupo ehh naglakas loob naman akong tingnan sya nagulat ako may putok din ito sa gilid ng labi kaya hinabol ko sya at di sinasadyang mahawakan ko sya sa braso

"Sorry po sir"

Tumayo naman ako ng maayos at yumuko

"Gusto ko lang po sana na ga-gamutin yung sugat nio"

Tiningnan ako nito at umupo dun sa pwesto ni jack kaya lumapit nadin ako at ginamot yung sugat nya nakatingin naman ito sa labas di katulad ni jack na nakatitig sakin

"Ma-masakit po ba"

"It's fine"

Wala paring emosyon itong nakatingin sa kung saan hayss gusto ko ako naman yung tignan nya pero bakit naman diba makikita nya lang sakin yung muka ng asawa nya baka insultuhin na naman ako

"O-ok napo"

"Go to my room around 5:30pm that's an order your my maid remember"

Tumango lang ako at nakita itong naglakad na pabalik sa taas

"What happened anong ginawa na naman ng lalaking yun"

Niyakap naman ulit ako ni jack teka nga nanananching na to ahh

"Ok lang jack ano ok kana ba"

"Yes of course ikaw yung nurse ko ehh"

"Sira ka talaga hahah"

"Ayan tumatawa kana ang ganda ganda mo talaga"

"Arayy jack ikaw ahh"

Tumatawa naman itong nag tatakbo pataas kinurot ba naman yung pisngi ko

"See you later"

Tumawa lang ako habang nawawala na sa paningin ko si jack niligpit ko na yung first aid kit at binalik sa lalagyan pag balik ko sa kwarto nakita ko yung dalawa kinakalkal yung mga gamit nila

"Huyyy"

"Ayieeee kakilig naman kayo ni sir jack"

"Mga baliw haha"

"Type mo"

Tumawa naman ako kay jam at tumango bakit type ko naman talaga si jack ideal man kung baga

"Wala naman masama sa crush diba?"

"Naku Erich matanda na tayo sa crush crush no jowain muna maunahan kapa ng iba jan"

"Baliw"

"So dika na aalis hahah"

"Oo para sa pamilya ko"

"Hasus baka para kay papa jack hahahha"

"Tigilan nio nga ako dalawa mga baliw ano ba ginagawa nio ang kalat na"

"Nag hahanap ng susuotin sa party mamaya"

"Ikaw ba may susuotin na"

Tiningnan ko yung dalawa at tumango

"Pinasukatan ako ni ma'am Alexa kanina"

"Ang swerte mo talaga bes hahaha"

"No mas swerte ako sa inyo no"

"Ayieeee group hug "

Sobrang thankful ko talaga at may kaibigan akong gaya nila nababawasan yung pag ka miss ko sa pamilya ko