Chereads / My Erich / Chapter 6 - CHAPTER 05

Chapter 6 - CHAPTER 05

TOGETHER

Mag dalawang buwan na ako dito sa mansyon ng mga Hussion sobrang miss na miss ko na ang pamilya ko pilit nadin ako pinapauwi nila inay tuwing magkakausap kami umiiyak palagi ang nanay hayss para sa kanila yan erich tiisin mo ok

"Jam mag papahangin lang ako sa may pool matulog na kayo ahh"

"Hmmm"

Napatawa nalang ako sa kaibigan ko antok na antok ehh dahan dahan naman akong lumabas at bumaba papunta sa pool pag dating ko umupo ako at niloblob yung paa ko pinikit ko yung mga mata ko at ninamnam yung hangin at mga amoy ng bulaklak

Sana someday dina namin problemahin ang pera para nakakatulog sila inay na di iniisip yung kinabukasan na kailangan magtrabaho sila para may pera haysss bakit ba puro pera ang kailangan sa mundo kung sana lang pantay pantay mamuhay ang mga tao napaka sarap mabuhay

"Thinking my brother ahh"

Dina ako lumingon dahil alam ko naman na sya yun akala ko pa naman makakapag muni muni ako

"Sorry po aalis na ako"

Tumayo na ako at handa ng umalis ng hawakan ako nito sa braso ang sakit bumabaon na naman yung kuko nya naka duster lang kasi ako

"gusto mo ba sya gusto mo ba si jack"

"Sir masakit po"

Parang natauhan naman ito at binitawan ako

"Sir wa-wala po akong gusto sa kapatid nyo wala pa po yun sa isip ko ang alam ko lang po ay mag trabaho para sa pamilya ko"

Pumatak na pala ang luha ko kaya pinunasan ko ito at umalis na ako dun pag dating ko sa kwarto namin nahiga na ako at natulog pero shit di ako makatulog si sir alexiel yung nasa isip ko pag pumikit ako yung muka padin nyang galit yung nakikita ko

"Arrghhh umalis kanga sa isip ko ang pangit mo"

Tumayo naman ako at naupo sa sofa nakapatay na lahat ng ilaw kaya yung buwan nalang na tumatama sa bintana ang ilaw na nakikita ko

"Erich iha?"

Napatingin ako sa pinto si nanay dalia yun kaya agad kung binuksan

"Nay bakit po?"

"Iha pwede bang puntahan mo si alexiel sa kwarto nya lasing na lasing pa asikaso naman pagod na pagod kasi ako"

"Ayy sege nanay mag pahinga kana po tara hatid na kita sa kwarto mo"

"Salamat iha napaka bait mo talaga"

Pag kahatid ko kay nay dalia pumunta na ako sa kwarto ni sir alexiel naka ilang katok na ako walang nagbubukas kaya pumasok na ako ano ba naman puro bote ng alak ang sasalubong sakin nasipa ko pa nga yung iba kainis

Hinanap ko naman yung masungit nayun ayon pala asa veranda naka handusay sa kalasingan

"Sir tara sa loob"

Humawak naman sya sa balikat ko kaya pinipilit kong itayo parang lalabas ang tae ko ang bigat nya jusko po

"Si-sir pagaan kapo ang bigat"

Parang narinig naman nya kaya sya na mismo yung tumayo kahit pagewang gewang ehh pumasok sa sala pagtapos ay sumalampak sa sofa

Pinulot ko naman lahat ng kalat nya tapos kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig nakita ko naman na nakasandal sa sofa ito at nakapikit kaya tumabi na ako at sinimulan ng punasan yung muka nya lumuhod naman ako sa sofa para makita ko yung muka nya ang kinis at ang tangos ng ilong shit ang pula ng labi ang haba ng pilikmata ang gwapo naman ng lalaking to napaupo ako ng maayos ng nagmulat ito ng mata

"Loraine my wife"

Hinawakan ako nito sa pisngi kitang kita ko yung lungkot sa mga mata nya yung sakit at pangungulila sa pagkawala ng asawa nya ganun siguro nya ito kamahal napaka swerte naman ni ma'am loraine

"My wife i-ikaw ba yan"

"Sir ako po si erich yung maid po"

Tatayo na sana ako ng hilahin ako nito paupo pagkatapos ay hiniga sa sofa lumapit naman yung muka nya sa muka ko shit ang lakas ng tibok ng puso ko nanlalaki yung mata kong nakikipagtitigan sa kanya

Ang sunod nalang na nangyari ayy dumampi yung mapupula nyang labi sakin ako naman tong tanga parang estatwa na naninigas diko alam ang gagawin ko lalo na ng gumagalaw yung labi nya at dun na ako natauhan itinulak ko sya ng malakas bumagsak naman ito sa sahig

"Shit sir ok kalang"

Binuhat ko naman na sya pa punta sa kwarto nya at hiniga dun hingal na hingal naman ako ang bigat nya shit gaano ba kabigat yung muscles nya

Kinuha ko ulit yung bimpong basa at tinanggal yung long sleeve nya walang malisya tono Erich diba boss mo kaya natural lang na alagaan mo pagtapos ko syang punasan aalis na dapat ako pero hinawakan nya ng mahigpit yung kamay ko pero tulog na tulog naman

Kinumutan ko nalamang sya dahil hindi ko nabihisan ng damit umupo naman ako sa sahig habang hawak nya ang kamay ko tiningnan ko yung oras sa side table nya 3am na antok na antok nadin ako kaya nakatulog ako kasama ng masungit na boss ko

Naalimpungatan ako ng tumatama sakin yung sikat ng araw pag bangon ko teka asan ako nilibot ko yung paningin ko asa kwarto pala ako ni sir alexiel nakikita ko kasi yung litrato nila ni loraine tssk bat ba yan agad bubungad sakin ang pagmamahalan na sinubok ng tadhana

Tiningnan ko ang sarili ko teka nasa sahig ako naka tulog ahh bumangon naman ako agad at niligpit yung higaan nakakahiya sa kama pa talaga ako ni sir alexiel nakatulog pag naabutan ako nun tigok na ako dali dali akong lumabas ng kwarto at bubuksan na sana yung pinto palabas

"Where are you going"

"Aalis napo sorry po pala hindi ko po sinasadya mahiga sa kama nio sorry po lalabhan ko po agad yung cover at papalitan sorry po"

Nahihilo naman ako sa ginagawa kong pag bow ng bow sa harap ng lalaking to kasalanan naman nya kung hindi nya hinawakan yung kamay ko ede wala ako dito sya nga tong may atraso ehh

"Ok palitan mo agad yun ayoko mahiga dun ng may amoy maid pang katulad mo"

Napapikit ako ng madiin sobra na talaga ang lalaking to imbis na magpasalamat iyon pa ang sasabihin nya mang iinsulto lang hmm erich kalma intindihin mo nalang boss ehh

" Opo sorry po"

Yumuko ako ulit at nagmadali ng lumabas tsss kahit kelan Wala ng pinagbago ang lalaking yun napaka sama nya wala syang kwentang lalaki kinamumuhian ko sya to the highest level

"Erich why are you crying"

Diko alam pero bigla akong lumapit kay jack at niyakap ito sobra na yung sakit ng pangiinsulto ng kapatid nya hindi kona matiis gusto ko ng sumuko pero hindi pwede kailangan ako ng pamilya ko

" Cge iiyak mo lang yan I'm here ok for you"

Mas humigpit pa yung yakap ko sa kanya sobrang thank you talaga ako at naging kaibigan ko si jack sobrang bait nya wala na akong hihilingin pang iba kundi maging kagaya nya ang lalaking yun