Chereads / My Erich / Chapter 2 - CHAPTER 01

Chapter 2 - CHAPTER 01

NOTE

There are typographical error, grammatical error and misspelled words in this story. FIRST STORY KO PO KASI😅

DISCLAIMER

This is work of fiction any names, business, places, events and incidents. Lahat po ay nagmula sa kasulok sulukan ng aking kokote

NO TO PLAGIARISM

Stealing someones work is strictly prohibited. I work hard for this story please so you shouldn't claimed it just appreciate and let's support each other ❤️🙏

Copy right

No part's of my story should transmitted, modified, republished or derivated without my authority or permission if you see someone copying please report it immediately. THANK YOU 😊

MANILA

" Nanay nanay ehhhh nanay wahhhh"

Nagtatakbo ako sa inay ko na naglalaba sa kapitbahay namin agad ko naman ito nakita at niyakap ng mahigpit

"Ano ba iyon anak ko at tuwang tuwa ka"

"Inay may trabaho na ako narinig nyo may trabaho na ako"

Nagtatalon ako sabay gumiling giling at nag sexy dance sa harap ni inay

"Ehh giling giling ehh giling giling hanggang matunaw ang taba wahhhhhhhh may trabaho na ako inay ko"

"Ohh anak tama na hahah nakakahiya kila aling diding shhhhiii wag kana tumili ano bang trabaho iyan"

Agad kong binuklat yung hawak kung dyaryo ipinakita yung Mansyon ng mga HUSSION isa sa pinaka mayaman sa pilipinas

"Magiging katulong ako doon inay malaki ang aking sasahudin mapapalaki natin yung bahay tapos bibili ng lupa ipagpapaaral pa natin kila beka, totoy at gema"

Masayang masaya ako habang naiisip ko na yun mga bagay na itutulong ko sa pamilya ko

"Anak sigurado kana ba malayo iyon sa maynila pa wala kadin alam sa lugar na yon dito nga sa atin naliligaw kapa"

Seryosong seryoso ang inay ko Kaya nawala yung ngiti ko pero hindi ako papayag na pigilan nila ako para sa kanila yun

"Inay ko kaya ko to kinuwentuhan naman na ako nung kaibigan ko tungkol sa maynila may alam na ako huwag kayong mag alala heheh"

"Kung yun ang nais ng anak ko ehh dina kita pipigilan pero ang itay mo diko lang alam"

Tinulungan ko ng maglaba ang inay para matapos sya ng maaga pag kauwi namin binalita agad namin kay itay nung una ayaw nya pero pinilit ko talaga para sa kinabukasan namin lahat iyon ayoko naman magtyaga sa kaunting sahod sa pag bebenta sa palengke ng isda gusto ko din ng mas maganda pa

Ngayon ang araw ng alis ko umiiyak sila inay ayaw talaga nila ako paalisin

"Inay itay aalis na ako ahh huwag mag pagod masyado magpapadala ako agad ng pera para bumili kayo ng cellphone at magkaron tayo ng kumonikasyon at kayo totoy gema at beka mag aral kayo mabuti alagaan nyo sila inay ha? Mag iingat kayo lahat mahal ko kayo"

Umiiyak nadin ako na yumakap sa kanila mamimiss ko sila lahat pero mas pag iigihan ko ang pagtratrabaho para sa kanila

Hinatid nila ako sa nag aabang na van sa labas ng bahay may dalawa pang kaedad ko ang nandoon kapwa magiging katulong din

"Anak mag iingat ka kumain sa tamang oras ahh"

"Anak ko tumawag ka kaagad kay aling diding pag dating mo sa manila para alam namin na ok ka"

"Ate ate chokolate ahh"

"Ako sapatos"

"Bistida sakin ate ko"

"Aba oo naman lahat ng gusto nio bibilhin ko"

Nagyakapan na ulit kami at sumakay na ako sa van habang papalayo ito nakita ko pa ang pag kaway ng pamilya ko kaya napaiyak na ako ngayon palang ako malalayo sa kanila

"Sigurado kang magkakatulong ka miss"

Pinahid ko ang luha ko at tumingin sa kasama kong dalawang babae

"Oo mga beh kailangan ko ng trabaho ako nga pala si Erich kayo ba"

Ngumiti sila sa akin at nagpakilala din

"Ako si Jamaica 24 na dati akong tindera sa bakery sa bayan natin"

"Ako naman si Elaine 23 katulong din kaso maliit ang sahod kaya nag apply ako sa mga Hussion"

Tumango tango naman ako sa kanila hmm si Jamaica kasing tangkad ko pero maitim sya kumpara sakin mestisa kasi ako diko din alam kung bakit di naman ganun ka puti ang mga magulang ko si Elaine naman ay mas maganda kay jamaica

" Erich alam mo ang ganda mo yung maputi mong balat matangkad tapos ang tangos ng ilong mo sigurado kabang magkakatulong ka"

Ngumiti ako kay jamaica

"Oo naman hahah ano kaba dati akong tindera ng isda sa palengke atsaka magaganda rin kayo ahh walang pangit sa probinsya natin"

"Hahahaha oo nga"

"Apir good luck satin hahaha"

Nagtawanan lang kami at natulog muna sa byahe mahaba haba padaw kasi hayss saglit palang ako nawala sa bahay namiss ko na sila ano kaba Erich kaya mo yan akang aka basta sipagan mo 100% para matuwa ang mga amo mo ok

"Asa maynila na tayo"

Napamulat ako agad ng mata sa sinabi ni kuya ben yung driver gigisingin ko sana yung dalawa pero tulog na tulog kaya binuksan ko nalang yung bintana at tiningnan ko ang paligid shet ang ganda

"Ang gaganda naman ng bahay ang taas pa ng building ohh my puro kalsada na walang lupa teka teka napaka gwapo naman ng nasa billboard na yun ang matcho nya teka abs yun bat naman naghuhubad yung lalaki nayun alam naman nyang madaming makakakita sa kanya"

"Teka building yun ahh nakita kona ito sa dyaryo ang ganda ang tataas parang umabot na sa langit"

"Erich huwag mo ilabas ang ulo mo bawal yan isara mo yung bintana"

Nahiya naman ako at sinunod si kuya ben hayss nakaka excite naman kasi ang ganda ganda dito ganun ba kayaman ang mga tao dito

"Erich nandito naba tayo"

"Ayy Elaine wala pa daw matulog ka muna haha"

Nakatulog din ako at umabot ng tatlong oras ulit ng tumigil kami sa isang malaking gate

"Jamaica Elaine andito na tayo dali tingnan nio yung mansyon gate palang ang laki na ang taas pa dali"

Tuwang tuwa naman kami nung bumukas yung gate at pumasok yung van tiningnan ko yung paligid diko alam kung saan ako lilingon ang daming halaman may fountain pa tapos may napaka laking bahay jusko lord nalulula na ako ang ganda

"Pwede na kayo bumaba"

"Salamat kuya ben ahh" sabay sabay namin na sabi pag labas ng van

"Girls tingnan nio nakakalula yung mansyon ang laki sa labas palang to ahh" Jamaica

"Mukang malaki laki ang lilinisin natin baliw" elaine

Tahimik lang akong nakangiti napaka ganda kasi diko alam ang sasabihin ko

"Ito ang mga gamit nio kami na magdadala sa magiging kwarto nyo kayong tatlo nakikita nyo yun si dalia pinuno ng mga maid lumapit kayo sa kanya"

Tumango kami kay kuya ben at sabay sabay lumapit dun sa matanda na masungit na nakatingin samin

"Magandang hapon po madam"

Nagkatinginan kaming tatlo at ngumiti sa matanda pagkatapos namin batiin

"Sumunod kayo sa akin"

Bumukas yung malaking pinto at dun talaga kami napanganga ang ganda ng loob kulay gold lahat pati dingding yung hagdan na malaki kulay gold pero may nakalatag na pulang carpet madami ding figurines at mga malalaking vase jusko mas maganda ito sa personal kumpara sa litrato

"Tutungo tayo sa maids quarter bukas kona kayo ehh lilibot sa mansyon pagabi nadin tutulong nalang muna kayo mag handa ng dinner halina bilisan"

Agad agad kaming sumunod mahirap na bago palang kami pagagalitan na

"Ito ang magiging kwarto nio may tatlong kama jan de aircon din may tv at cr sa loob"

Pumasok kami sa magiging tulugan daw namin literal na nganga ako parang buong bahay na namin ito ahh napaka laki ang ganda ganda din maids room ba talaga ito

"Nakikita nio ang paldat polo na gold nayun uniform nio yan hala bilis magbihis kayo at pupunta tayo ng kusina"

Nauna naman ako sa cr at nagbihis yung palda medyo maiksi sya saakin pero desinte padin tinak in ko naman yung polo at tinupi yung kwelyo tinali ko din yung mahaba at straight kung buhok hmm maganda sya ahh parang ang sosyal kong tignan umbok yung pwetan at dibdib kong pinagpala shet maids uniform lang ba talaga ito sinuot ko din yung doll shoes na itim kasama sa uniform namin

Nang matapos kami magbihis binaba na kami sa kusina napakalaki rin doble nung kwarto namin at madami ding naka uniform na katulad namin

"Erich ang ganda ganda mo talaga"

Kumindat pa si Jamaica at Elaine napatawa tuloy ako

"Magpakilala kayong tatlo itong mga nakikita nio ay mga kasama nio sampu kayong lahat na maids"

"A-ako po si Jamaica Bueras 24 year's old"

"Ako po si Elaine Flores 23 year's old"

Kinakabahan naman ako na mag salita shet sa akin na sila lahat nakatingin

"A- a- ako po si E-erich Candilier 23 year's old"

Ngumiti naman sila lahat kaya ngumiti rin ako pero diko maiwasan pakinggan yung bulong bulongan nila habang nag luluto kami ng dinner daw sila Jamaica kasi at Elaine sa dining table daw pinag aasikaso

"Kamukang kamuka nya yung asawa ni sir alex diba?"

"Oo kahit saang parte pero pano nangyari yun"

"Baka naman nagkataon lang yun pero ang ganda nya ano"

Lilingon sana ako sa kanila ng may lumapit sakin

"YOU"

napa atras ako sa pagkakatayo may gwapong lalaki lang naman na nakatitig sakin papalapit ng papalapit sakin shet ano ba problema nya

"Erich amo natin yan"

Bulong nung nasa likod ko

"Si-sir"

Mas nagulat ako ng bigla nya ako hilahin at yakapin ng sobrang higpit hala sir wag po kahit gwapo matangkad at macho at mabango kayo wag po

"Si-sir ba-bakit po"

"It's you my wife shit wife I miss you"

Hano daw wife sino ako teka diko nga sya kilala ghad

"Sir hindi nio po ako asawa sir"

Pero parang wala syang naririnig mas hinigpitan nya pa yung pagkakayakap sakin jusko lord help me nanginginig na yung tuhod ko po

"Sir alexiel ano pong ginagawa nyo?"

Kumalas naman sya sa pagkakayakap sakin pero hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko teka ano bang problema ng gwapong to

"WHAT"

galit itong sumigaw kay madam dalia nakita ko naman sila jamai na sinisenyasan ako kung anong meron sinenyasan ko din na diko alam

"Bago pong maid yan sir"

Tumingin naman ito sa akin pero mas diko kinaya yung sunod nyang ginawa binuhat ako na parang sako at dinala ako sa kung saan nag pupumiglas naman ako shet ano ba talagang problema mawawalan ba ako ng trabaho