Pero sadya talagang may mga tao na pinagtagpo para maging kaibigan lang ang papel sa buhay ng isa't-isa. Nag-ipon siya ng tapang at lakas ng loob para magtapat kay Wila noon.
The day he confessed was the first time he witnessed tears from Wila's eyes. She cried after saying that she can't accept his love, for she has already someone whom she will give her "Yes" to. Hindi si Arkin sinungaling para sabihin na hindi siya nasaktan. He was in total pain that night, at hindi niya alam kung ilang "bote" nang "pampamanhid" ang nainom niya ng gabing iyon.
Yet, the love that he have for her never changed. Hindi iyon nawala o nabawasan man lang. May nadagdag nga lang sa nararamdaman niya sa tuwing nakikita na niya si Wila. Kung noon ay masaya siya sa tuwing nakikita ito, ngayon ay may kasama na iyong kirot na minsan ay sinasabayan ng pag-ulap ng dalawa niyang mga mata. Hindi na rin niya kayang salubungin ang mga mata ni Wila na dati-rati ay halos araw-araw niyang gustong masilayan at matitigan.
He slowly opened his eyes. Tinitigan niya ang mga tumutulong tubig sa salaming bintana na likha ng patak ng ulan. He was then about to pick-up his phone para mag-reply kay Wila nang bigla iyong nag-vibrate. Nang tignan niya ang registered caller ay ang pangalan ng babaeng gumugulo sa isip niya ngayon ang naka-display sa screen.
Biglang lumungkot ang mukha ni Arkin. Sa tingin niya ay tumatawag ito dahil siguro hindi ito mapalagay na sa text message lang ito magpapaalam sa kanya. Is she double killing him? Ayaw sana niya iyong sagutin dahil nagsisimula na namang sumakit ang lalamunan niya. Napansin din niya na nagsisimula nang mag-ulap ang kanyang paningin. But how can she reject her call, kung maging siya man ay gusto niyang marinig ang boses nito... bago man lang ito tuluyang umalis?
"H-Hi Arkin..." iyon ang bungad ni Wila sa kanya nang sagutin niya ang incoming call nito.
"H-Hello..." iyon lang ang katagang naibulalas niya.
"Kanina ka pa ba d'yan?"
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Nakita ko ang sasakyan mo d'yan sa kabilang kalsada nang dumungaw ako sa bintana ng sala namin. Wala ka bang dalang payong? Hintayin mo ako d'yan ha, Arkin, pupuntahan kita," matapos iyon ay pinutol na nito ang linya.