Ilang sandali pa ay natanaw niya na lumabas si Wila sa gate ng bahay nito. Nakapayong ito at may tangan-tangan itong isa pa na alam niyang para sa kanya. Seeing Wila from afar and thinking that that will be the last time he will be seeing her causes his pain to double even more. Hindi niya namalayan na kusa nang bumalong ang luha sa magkabila niyang pisngi and he can't find a way to stop those tears from falling.
Wala anu-ano ay tila may kung anong pwersa na naudyok kay Arkin na buksan ang pinto ng sasakyan. Walang pag-aalinlangan na lumabas siya sa kotse at tumawid sa kalsada, hindi alintana ang pagdantay ng malamig na tubig-ulan na unti-unting bumasa sa kanya.
"O, ano ba naman 'yan Arkin!" Gulat na gulat na bulalas ni Wila sa kanya. "Ano bang pumasok sa isip mo at nagpabasa ka sa ----"
Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Wila. He just followed what his body, his heart, and his mind wants him to do --- he put his arms around her, pulling her to him, allowing his chest to meet her heart, to make her feel the fast beating of it...
"I-I will miss y-you Wila..." his breath hardened. Kasabay ng garalgal na pagbigkas niya ng katagang iyon ay ang walang humpay na pagtulo ng luha niya na sumasabay sa banayad na pagdaloy ng tubig-ulan sa kanyang mukha.
Is he overreacting?
Tanga na ba siya?
Baliw?
Hindi naman siya nanonood ng mga teleserye para maging ma-drama ng ganito. Nakakatawa siya kung iisipin, pero wala na siyang pakialam.
"I will really miss you...." Hindi pa man ito umaalis ay bakas na sa boses niya ang pangungulila.