Maya-maya ay naramdaman niya ang isang kamay ni Wila na tumatapik sa likuran niya. Hindi siya nito itinulak palayo kahit nabasa na niya ang suot nitong damit gawa nang pagkakayakap niya. Parang hinahayaan na lang siya nito na manatili silang dalawang sa ganoong sitwasyon --- parang pinagbibigyan siya dahil iyon na ang una at huli. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang mahina nitong mga hikbi.
After a long while, he unwrapped his arms from her. Magsasalita na sana siya nang mapansin niya ang kanang kamay na humahawak sa payong nito. His eyes ceased after seeing a ring on her finger. Wala sa sarili na napalunok siya.
"O-Oo, nag-propose na siya, Arkin," mahinang sambit ni Wila at iniiwas ang mga mata sa kanya. Inunahan na siya nito bago pa man siya magtanong. Napansin marahil nito ang pagkatigagal niya.
He bit his lower lip. "K-kailan pa?" Kahit masakit ay nakuha pa rin niyang magtanong.
"K-kahapon lang, Arkin. Sa... sa.... sa Australia namin balak magpakasal..."
At that very moment, the ache that his heart carries got worsened. Wala siyang maapuhap na salitang sasabihin.
"Ate Wila!"
Kapwa sila napalingon sa boses na bumasag sa kanilang dalawa. Nasa gate ang bunso nitong kapatid at may suot na kapote.
"Nandito ka lang pala sa labas, Ate. Nakailang tawag na si Kuya Theo sa landline. May iko-concern lang daw siya saglit tungkol sa wedding preparations ninyo. Bilis na Ate, hinold ko lang ang tawag niya. Naghihintay na 'yon."
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Wila. Nang magtama ang mga mata nila ay makahulugang mga tingin ang ibinigay nito sa kanya, at pagkuwan ay yumuko ito at pinunasan ang luha na hindi na rin nito napigilan pa.
"P-Pasensya na kung hindi ko sa'yo sinabi Arkin..."
Nang tingnan niya ang kapatid nito ay sumisenyas ito sa kanya na pumasok siya sa loob at sinabi pa niyon na may bakanteng damit na pwede niyang isuot, ngunit sunud-sunod na iling ang isinagot niya dito.
"I'm sorry Arkin," si Wila. "I'm really, really sorry..."