The moment she turned her back, he knew he is totally left behind together with his one sided love. Nakasarado na ang gate ng bahay nito ngunit nanatili pa rin siya sa kinatatayuan.
A miserable smile parted his lips. Para siyang nasa eksena ng isang makalumang pelikula.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na sa dinami-rami ng kantang nag-i-exist sa mundo, may kantang akala mo ginawa para sa'yo? Kumbaga sa libro, aakalain mo na ikaw 'yong bida sa kantang 'yon"
Bigla ay naalala na naman niya ang sinabi na iyon ni Wila. Ngayong gabing ito, napatunayan niya na totoo pala ang sinasabi nito noon.
Laglag ang mga balikat na dahan-dahang inihakbang niya ang mga paa. Ang ingay nang pagbagsak ng ulan sa malamig na kalsada ang pumapainlanglang sa paligid, ngunit tila naririnig niya ang paborito niyang kanta na sumasaliw sa ingay niyon.
Unti-unting lunurin
ang aking nadarama
O, buhos ng ulan
'Wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi
Labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa
Turuan mo naman akong
limutin ka...
He never imagined that the story of his favorite song will happen to him, literally. Sa mga oras na iyon, tingin niya ay ginawa ang kanta na iyon para sa kanya... sa tingin niya ay siya ang bida sa likod ng kantang 'yon dahil halos lahat yata ng liriko niyon ay umaakma sa kanya.
Unti-unting lunurin
ang aking nadarama
O, buhos ng ulan
'Wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi
Labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa
Turuan mo naman akong
limutin ka...
Patuloy pa rin niyang naririnig ang kantang iyon sa utak niya na waring sumasabay sa ritmo ng buhos ng luha niya at ng ulan --- Paulit-ulit. Nagpaparinig. Nananakit. Nananadya.
Hindi niya sigurado kung kailan huhupa ang ulan sa gabing 'yon... pero mas lalong hindi niya sigurado kung kailan huhupa ang nararamdaman niya ---- ang sakit, ang kirot, ang lungkot, ang hinagpis, ang pagkatalo, at ang katotohanang simula bukas ay magkaibang mundo na ang gagalawan nilang dalawa ni Wila.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawala niya, na sumabay sa malamig na simoy hangin na humahampas sa ulan.
Bahala na. Lahat naman ay nalilipasan ng panahon. Lahat naman ay humuhupa. Lahay naman ay tumitila. Pero kailan?
Iyon din ang hindi niya alam...
-END-