Chereads / No More Promises / Chapter 25 - Chapter 24: Bad mood

Chapter 25 - Chapter 24: Bad mood

Dumating kami ng kanilang bahay na maingay. Hindi ko iyon pinansin nang alalayan ako ni tita paakyat sa isang silid. Pansamantala kami muna doon hanggang di pa bumabalik ang katinuan ni mommy. Matino naman sya. Ngunit hindi sya makausap ng maayos ngayon. Laging tulala tapos biglang iiyak.

Naging mainit ang pagtanggap nila samin sa bahay nila. Lalo na si tito Rex. He hugged me tightly nung gabing matapos kumain. Si Denise naman. Nahuhuli ko lagi ang kanyang mga irap. Binalewala ko na lamang para wala na akong isipin pa. Sya lang ang ganun sakin. Ang kapatid nya namang kambal na sina kuya Rozen at Ryle ay nginitian at tinapik pa ako sa ulo. Nangilid luha ko sa kanila. Ganun din ang bunso nilang si Ali.

The other day. Hindi muli ako pumasok. Tumulong ako sa gawaing bahay. Ganuon ang routine ko maghapon. Lagi rin akong pinipigilan ni tito lalo na ni tita subalit nahihiya talaga ako. "Hija, hindi mo kailangan pang gawin yan.." suway nya sakin sa paghuhugas ng mga plato.

"Ayos lang po.." gumaralgal ang himig ko kung kaya't yumuko ako lalo upang itago ang luhang pilit kumawala.

"Oh my God!.. hija.." nag-aalala nyang tinig bago ako pinaharap sa kanya at niyakap ng mahigpit. Yakap na mahigpit ngunit tama lang para ako ay makahinga.

Ayoko ng umiyak eh. Pero di ko talaga mapigilan.

Dalawang araw pa bago ako pumasok. Sinalubong agad ako ni Winly. Sa labas kasi area of responsibility nila ngayon. Ako hindi ko alam. Wala akong alam dahil absent ako ng ilang araw. "Gurl.." nilahad ni Winly ang braso sakin kaya duon ako dumiretso kahit maraming mga kaklase namin ang nakatingin samin. Hinagod nito ang likod ko. Naiiyak na naman ako. Kumurap ako upang pigilan ang nagbabadyang luha.

"Win, pahiram ng dust pan mo.." Ani Bamby sa likuran ko. Kumalas ako kay Winly saka humarap din sa kanya. Magandang maganda ang mukha nya. Malayo sa itsura ko. Di naman sa naiinggit ako. Sadyang, nagagandahan talaga ako sa kanya. Wala ng iba.

Tinitigan ko sya. "Hi.." masaya nyang bati sakin saka nginitian. Isang sinserong ngiti ang pinakawalan ko bago nya ako tinalikuran pabalik sa loob ng school.

I miss you bestfriend. Lugmok kong bati sa sarili. Tinatanaw ang nilarakaran nya kanina.

"Ayos na ba pakiramdam mo?.." si Winly. Inakay na ako papasok ng room. Tinanggal ko ang bag ko. Nilagay sa sariling upuan. "Ayos na ako. Salamat.." mahina kong sagot. Nasa labas pa rin ang lahat. Abala sa paglilinis.

Malungkot syang ngumiti sakin. "Magiging maayos din ang lahat.. tiwala lang gurl.. hmm.." Anya pa. Ginulo ang nakaipit kong buhok.

Maglalakad na sana ako para kumuha ng panglinis ng hilahin nya bigla ang braso ko. "Nga pala. Bad mood lagi si baby... hmmm?.." nanunukso nyang himig. Nag-iwas ako ng tingin sa mapanukso nyang tingin. "Laging inaaway si Bamblebie.." nguso nya ng harapin ko na sya. "You should talk to him huh..para iwas bad vibes.." tinaasan nya ako ng kilay. Hinihintay ang tugon ko. Tumango nalang ako para matigil na sya.

Bad mood?. Really Lance?. Why?