Chereads / Meet Me In My Dreams / Chapter 3 - Kabanata 1

Chapter 3 - Kabanata 1

I remained calm as I continue to look at him. He's real right?

"Can I pinch your face?" I asked. His brows furrowed with my question.

I tried to get near him but as soon as I raised my hand to pinch his face, he held my hand. "Don't touch me!"

I frowned with his reaction. "Ang damot mo naman. I'll just check if you are real."

Humalakhak naman siya at sinabayan ito ng huni ng mga ibon kaya namangha ako habang tinititigan siya. It was the wonderful five seconds of my life.

"Silly girl. Don't you know that I am a demon?"

"You're bluffing out Josiah."

Pinagmasdan ko ulit ang paligid at napansin kong pamilyar ang lugar na ito. Para bang napuntahan ko na ito dati. Matataas ang mga puno, maraming ibon at nakakaakit ang berdeng mga damo.

"Who gave you the bracelet?" he asked.

Itinaas ko naman ang bracelet ko at ipinakita sa kaniya. "Ah ito? A random old woman gave this to me in Quiapo."

Tumango naman siya at nagsimulang maglakad palayo. Hindi na siya nagsalita kaya sumunod ako sa kaniya.

"Sa tingin mo ano pang puwede kong gawin dito?"

"Your choice. Please don't follow me. I have some stuffs to do."

"Like what?"

He sighed. "None of your business."

There's something in him that made me curious. In a blink, everything changed.

Ang dating tahimik na lugar ay napuno ng mga kababaihang nakasuot ng baro't saya habang ang mga kalalakihan ay nakasuot naman ng kanilang magagarang barong.

"Saan mo ko dinala Blair?"

Kahit ako ay nagulat na posible palang mangyari ang naisip ko. Naisip ko kanina na sana ay makabalik kami sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

Napatingin ako sa kaniya na nakasimangot at tila mapipigtas na ang pasensya.

"Hindi ko naman alam na puwede pala itong naisip ko..." sagot ko.

"Bumalik na tayo doon Blair. I have some stuffs to do," mariin ang pagkakabanggit niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bumalik ka kung gusto mo. I want to experience their lifestyle so I'll stay here."

Huminga naman siya nang malalim. "Fine, I'll stay here also."

Dumaan kami sa pamilihan at nakita naming ang gaganda pala ng mga produkto noon.

"Ang ganda nitong abaniko, bilhin ko kaya?" tanong ko kay Josiah.

"May pera ka? Iba ang pera sa panahong 'to."

In just a blink, I have a few cents.

Nanood din kami ng sarswela at nakisali sa mga nagsasayawan sa plaza. Nagsimba rin kami at hindi rin namin naintindihan ang pari dahil Espanyol ang wikang ginagamit niya.

"That's all for today Blair. Bumalik na tayo."

Pumikit ako at pagdilat ko ay nandoon na ulit kami.

"Nandito ka ba ulit mamaya?"

Tumango siya.

"Pupunta ulit ako dito mamaya!"

Tinitigan ko siya ngunit nakaramdam ako bigla ng panghihina na para bang hinihigop ang lahat ng enerhiya ko. Naramdaman kong nawalan ng lakas ang tuhod ko kaya natumba ako.

"Blair!" agad akong dinaluhan ni Josiah at nakita ko ang unti-unting pagiging transparent ng katawan ko.

"A-anong nangyayari?"

Josiah muttered a silent curses. "You've been gone for almost 15 hours. Someone is waking you up and your astral body is not yet back on your physical body. You need to hurry up or else the silver chord that connects you will disappear!"

"Will you be here later?"

"Yes, fuck. Go back please so I can go home too."

Halos manginig ako at nagmadali sa pagbalik sa sarili kong katawan. Nakita ko si Mommy na ginigising ako kaya't sinubukan kong bumalik ngunit nahirapan ako.

"Blair, wake up!"

Kinabahan ako nang hindi ako makabalik at halos manigas na ako. I emptied my mind and relaxed myself. You can do it.

I tried getting back to my body. I opened my eyes and I saw the worried face of my Mommy.

"Good morning Mom!" I said.

Nagulat naman ako nang bigla akong niyakap nang mahigpit ni Mommy.

"I thought you're gone Blair anak. Bakit ba kasi ang tagal mo magising?"

I faked a laugh. "Sorry Mom, napasarap lang ang tulog ko."

"Mag-ayos ka na at nakahanda na ang almusal. Inutusan ko na si Manang Terry."

Tumango na lamang ako at iniwanan ako ni Mommy. Huminga ako nang malalim at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Muntikan na 'yon.

Napatingin ako sa bracelet ko. I silently muttered a thanks. Hinawakan ko ito. Buti na lamang at binigay sa'kin ito ng matanda.

Nagmadali akong mag-ayos at kumain. Maaga akong pumasok ngunit alam ko namang wala masyadong gagawin dahil Foundation Day namin ngayon.

"Hailie!"

"What happened?"

"Nagawa ko Hailie. I learned how to do astral projection."

Kumunot ang noo niya at ilang segundo lamang ay tumawa siya. "What's funny?"

"I am bluffing out girl. Astral projection is not real. I told you about that so I can divert your attention to it. I know you're so broken because of Matthew. I never knew you'll take it seriously!"

"But I am damn serious Hailie. Nagawa ko nga siya kagabi..." I said.

Umiling naman siya. "Have you eaten your breakfast? Gutom lang 'yan."

Pinili ko na lamang manahimik. Kung ipipilit ko pang totoo ang astral projection, they will think ill of me.

"Halika sa gymnasium Blair. Manood tayo ng basketball game," pag-aaya sa'kin ng kaibigan ko pang si Dixie.

Nakita ko ring nakatingin na sa akin si Casandra at Hailie na naghihintay ng pagpayag ko.

"Matthew is there..." I said.

Hinila ako ni Casandra. "That's okay. Ipapakita natin na you're okay without him!"

Huminga na lamang ako nang malalim at nagpadala sa kanila. Umupo na kami sa bleachers at halos mabingi ako sa sigawan. Napatingin ako kay Matthew na seryosong naglalaro. He's still the same, with his foreign and defined features, para siyang naiiba sa lahat.

Mula dito ay nakita ko si Alyana na nakaupo sa dati kong inuupuan tuwing nanonood ako ng game ni Matthew.

Ako dapat 'yan.

Nanalo ang team ng school kaya halos lahat ay naghiyawan at nagtalunan.

Matthew Alcaraz, my ex-boyfriend, is still the MVP.

"Halika batiin natin sila Blair!" hila sa'kin ni Dixie.

Umiling ako habang pinapanood ko kung paano punasan ni Alyana ang pawis ni Matthew. My heart hurts at the scene. Parang gusto ko na lang matulog at isagawa ang astral projection kahit mapanganib.

"Dito na lang ako sa gilid. I'll wait."

Hinayaan na lamang nila ako kaya nagtipa na lamang ako sa cellphone ko para hindi ako magmukhang nasasaktan.

Napansin ko namang may tumabi sa'kin kaya napatingin ako sa tabi ko. Tinago ko naman bigla ang cellphone ko.

"U-uy!"

Matthew is right beside me and he's looking to me. "You look busy. Are you texting someone? Perhaps a boy?"

"Yes I am. Why?"

He smirked. "Ang bilis naman."

I rolled my eyes. "Why do you care?"

"I care because you're my ex."

Wow. Ex.

That hurts.

"By the way, congratulations to your team and to you also."

Maglalakad na sana ako palayo ngunit hinaklit niya ang braso ko kaya napatigil ako.

"Matthew, bakit?"

Any moment from now, mangingilid ang luha ko kapag hindi niya pa tinigil 'to.

"Are you okay?"

I nodded. "Yes, I am. Now if you please excuse me. May kailangan pa akong puntahan."

Dahan-dahan niya naman akong binitawan. Naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya pinalis ko ito.

Tinext ko na lamang sila Hailie dahil hindi na ako makakapagpaalam.

Ako:

Hailie, umuwi na ako. May importante pa akong lakad.

Nagtungo ako sa Quiapo upang hanapin ang matanda at nakita ko siya sa puwesto kung saan ko siya nakita kahapon.

Nakita kong hindi siya nagulat sa pagdating ko at para bang inaasahan na niya ito.

"Lola, magtatanong lang po sana."

"Nangyari na ba? Muntik ka nang mapahamak diba?"

Tumango naman ako. "Lola paano pong nagagawa kong mag time travel?"

Ngumiti naman siya at tinuro ang bracelet. "Ang pulseras na 'yan ay maraming hiwaga. Matutuklasan mo 'yan habang tumatagal."

"Ano pong dapat kong gawin?"

"Maging maingat ka lamang. Ang bawat desisyon ay dapat na pinag-iisipan. Hindi puwedeng nararamdaman ang manaig. Dahil sa oras na 'yan ang manaig, malalagay ka sa panganib."

Nakaramdam ako ng kaba kaya tumango ako.

"Lola, para sa inyo po pala..." inabot ko sa kaniya ang inorder kong pagkain sa isang fastfood chain ngunit tinanggihan niya ito.

"Hindi ako tumatanggap ng alok ng iba. Basta't mag-iingat ka palagi, Blair."

The way she pronounced my name made me shiver. I nodded and went home immediately.