Chereads / The Wife / Chapter 6 - CHAPTER 4

Chapter 6 - CHAPTER 4

ALANA

"I've been there sa kinatatayuan mo iha that is why I want to help you. Look at me I'm old now and I am not happy dahil sinunod ko ang puso ko kasi mahal ko yung tao. Hanggang sa tumanda nalang ako di ko naramdaman ang mahalin. But kahit na ganun hindi narin ako nagsisisi kasi choice ko ito at lalo akong magsisisi kapag hindi kita ginabyaan. I know how much you love Knight kitang kita naman sa mga mata mo but please love yourself more. Ibang-iba na ang itsura mo ngayon kaysa sa dati, mahalin mo ang sarili mo. Paano nalang kung makikita ka ng papa mo? Gusto mo ba yun? Kung hindi mo pa gustong mapahiwalay kay Knight fix yourself pero kapag di mo na kaya, you know to reach me iha," malumanay na saad niya sa akin, naririto na kami ngayon nakaupo sa sa garden at humihigop ng kape. Panay naman ang hila ni ko pababa ng aking long sleeve na siya namang hindi maiwasang tignan ng matanda.

"Mahal ko po si Knight momsy kaya nga po ako ang gumawa ng paraan upang maikasal lamang kami," ngumiti ako at alam kong di naman abot sa mga mata ko.

"I know that love," saad niya at kinuha ang aking kamay, gusto ko sanang bawiin ito ngunit huli na ng itaas niya ang damit dahilan upang makita niya ang mga sariwa ko pang mga pasa.

"My god! Where is he?!" sigaw ng matanda at akma ng tatayo mula sa kanyang kinauupuan nang bigla ko naman siyang pinigilan. Halos mabingi ako sa kabog ng dibdib ko.

"Please momsy don't just please don't hihilom din naman to. I can manage may self pa naman po," mahinahong saad niya ngunit ang mata ng matanda ay halos nag-aapoy na sa galit ngunit ng makita niya na akong umiiyak ay agad din naman itong huminahon at napaupo nalang muli.

"Hindi ko alam na umaabot na pala kayo sa sakitan, dito ka na ba mamamatay? I mean dito mo na ba ililibing ang sarili mo dahil sa lintik na pag-ibig mong yan? Naririto ako Alana please buksan mo naman ang mga mata mo, tignan mo naman ako gusto mo bang magaya sa akin na hanggang sa pagtanda hindi mo man lang nalasap kung paano maging masaya?"

"Pag-iisipan ko po muna, marahil po ngayon ay di ko pa naaabsorb ang mga sinasabi niyo pero huwag po kayong mag-alala sa akin," saad ko at hinila niya naman ako para yakapin, napahigpit ang yakap ko sa kanya dahil ngayon lang uli ako nayakap ng isang tao. Simula kasi nung ikasal sila ni Knight ay hindi na nakadalaw sa kanya ang kanyang mga magulang.

Kumabog ang dibdib ko nang biglang may nagsalita mula sa aking likuran.

"What are you doing?" a deep husky voice asked at agad naman akong napabitaw mula sa pagkakayakap sa akin ni momsy, mabuti nalang at wala ng mga luha ang aking mga mata, ayokong mag-isip siya ng kung ano.

'My god Alana as if naman may pakialam siya sayo,' sigaw ng isip ko.

"Nothing iho, gusto ko lang kamustahin kayong dalawa and especially Alana," saad niya na may mga makahulugang titig patapon kay Knight.ngunit agad naman iyong napalitan ng pagkalola niya.

"Bakit ka nga pala andito mamay ni hindi ka man lang nagpasabi na darating ka para makapaghanda kami rito," saad niya habang nakatingin sa akin, sa mga tingin niya ni hindi ko magawang makahinga ng normal at ang tibok ng puso ko ay mas lalong bumibilis agad namang hinawakan ni momsy ang nanlalamig kong mga kamay.

"Tara iha, may dala akong pagkain nasa kusina na siguro at naiprepare na ni nanang. I bake delicious cookies, leche flan, butterscotch, uhm a carbonara ofcourse your favorite iha how could I forget that and I also cook adobong manok just how you like it," saad niya at tila naman kumislap ang aking mga mata sa pagkakabanggit niya ng mga pagkaing dala dala niya halos lahat ata ng kanyang binanggit ay ang siyang mga paborito ko.

"Talaga momsy? Kung ganun naman pala bakit di niyo sinabi agad para lapangin ko yun lahat?" tawang saad ko at tila ba nakalimutan kong nasa harapan pala namin si Knight.

"Looks like you're the one whose most need it," sarkastikong saad ni Knight at agad na naglakad paalis at tila papunta sa kusina.

"And you don't need it hindi naman para sayo bleh," pabulong na saad ni momsy upang di lang marinig ni Knight at inilabas pa ang kanyang dila at inirapan ng mata na para bang bata at di ko napigilang di matawa, sa ganitong edad niya ay para bang marami siya di nagawa nung kabataan niya. Magiging ganito rin ba ako sa susunod?

"Tara momsy kainin na natin yung mga dinala mo, tamang tama may binake pala akong pandesal kagabi masarap yun pag pinalamanan ng leche flan," saad ko at tumango tango naman siya at inakay na akong maglakad papuntang kusina.

Nakaupo na pala si Knight doon at nagsisimula ng kumain, di narin siguro nakahintay dahil kung titignan ay napaksarap ng mga nakahain sa lamesa kahit na puro dessert ang iba.

"Masarap ba Knight?" tila may pangkukutya ang tono ni momsy sa pagtatanong ngunit di naman siya sinagot nito at halatang ang buong atensyon ay nasa sa pagkain niya.

Nagsimula na kaming kumain at di ko napigilang kainin ang isang tub ng leche flan at agad na naubos ito sa isang upuan lang agad naman akong tinitigan ni momsy na para bang nagulat.

"Iha ginugutom ka ba dito at para kang di nakakain ng ilang buwan?" saad niya at tinignan naman ako ni Knight na para bang nag-aalala o baka guni-guni ko lang naman uli.

"Masarap po kasi momsy sorry naubos ko na po," paliwanag ko at tumawa lamang siya.

"Specialty ko ata yan iha and speaking of bago ko malimutan darating pala ang kapatid mo ngayon Knight. Wala siya matutuluyan dahil under construction pa ang bahay niya dito, so I suggest na dito na muna siya manunuluyan sa inyo since napakalaki naman nitong bahay niyo diba why not let him here para naman magkatao," saad niya at tila napasimangot naman si Knight sa balitang inihayag ni momsy

"Bakit di nalang siya mag apartment o condo diyan marami diyan," labas sa ilong niyang mungkahi na inismiran naman ni momsy.

"You know naman what happened before Knight diba, nag apartment siya sinugod naman siya ng sandamakmak na mga lintang babae, kilala si Ash kahit saan at kung sa condo naman ay pinagpyepestahan siya, ginagawa pang negosyo ng iba para lang makita ang kapatid mo," saad niya at tila ba nauubos na ang kanyang pasensya dito.

"Okay naman sa iyo diba iha," baling niyang tanong sa akin at agad naman akong napatango sa kanyang tanong.

"Okay naman po sa akin pero si Knight parin po yung madedesisyon kaya siya nalang po uli yung tanungin niyo momsy," mahinang saad ko at tinitigan si Knight na sa nagyon ay para bang may iniisip.

"Iho?" tawag sa kanya ni momsy.

"Okay, isang buwan lang siya titira dito," saad niya at dahan dahang tumayo at pinunasan ang kanyang bibig.

"Maraming salamat sa pagkain mamay kailangan ko ng umalis at maaga pa ako sa kompanya," saad niya at agad na umalis, di man lang nag-abalang tapunan ako ng tingin ano pa nga ba ang inaasahan ko dapat nga ay masanay na ako at di na umaasang may magbabago pa.

Kaming dalawa na lamang ni momsy ang niawan sa kusina at tila nawalan agad ako ng ganang kumain pa kahit na mukha masasarap ang nakahain sa aking harapan.

"Don't look at the food like that dear, para kang patay na cellphone nang umalis si para bang siya yung charger mo," mapanuksong saad niya habang tumatawa tawa.

"Alam mo ba iha ngayon lang ako nakakatawa ng ganito pag kasama ka, para rin kasing kinakausap ko yung sarili ko sayo," ngiting saad niya at dahan dahan ring tumayo at inayos ang kanyang sarili.

"Aalis na po kayo agad?" malungkot na tanong ko dahil para bang gusto ko muna siyang manatili dito.

"Kailangan iha pero huwag kag mag-alala dadalaw dalawin rin kita dito at hindi ka narin mabobored kasi andito na mamaya maya si Ash. Alam kong magkakasundo kayo nung batang yun, hindi ka talaga mabobored sa kanya unlike sa asawa mong nakakapanes ng laway hay naku hala sige aalis na ako ha, mag-iingat ka dito at huwag mo namang pabyaan ang sarili mo."

"Opo tatandaan ko po yang bilin niyo mag-iingat po kayo pauwi," paalam ko at hinalikan siya sa kanyang pisngi.

"Nobody learns from their mistakes by doing everything the way they should be done. Just make sure you're actually learning from them, not repeating them, sana yun ang tandaan mo iha," saad niya at tulyan ng nagpaalam na may mga ngiti sa kanyang mga labi at naiwan nalang akong napatulala sa kawalan.