Chereads / The Wife / Chapter 9 - CHAPTER 7

Chapter 9 - CHAPTER 7

ALANA

"Ah Sir Knight, naririto po pala kayo," masiglang bati ko, dapat ay maging proud ako sa sarili ko dahil sa pagpapanggap na ito, ngunit di ko parin mapigilang di laruin ang aking mga kamay sa aking likuran.

"Yes, we were just going to get something, so if you may excuse us," malamig na sagot niya at iginiya ang babaeng kasama niya paalis, hawak hawak niya ito sa bewang, ni kailanman ay di ko naranasang hawakan ako ni Knight ng ganun.

"Ah sige po Sir, mag-iingat po kayo," mahinang sagot ko at pinanood ko na lamang silang umalis sa aking harapan ngunit tila napatigil sa paglalakad ang babae at hinarap ako.

"Parang nakita na kita I don't know where pero-," saad niya at tila ba kinabahan ako bigla. Agad naman akong tinitigan ni Knight at agad niyang hinawakan ang kamay nung babae.

"She's the daughter of our maid, she's not literally the one that I hired pero dahil narin sa tinutulungan niya ang kanyang ina sa bahay ay masasabi kong maid narin siya. Kaya baka nakikita mo siya noon kung saan saan," sabad niya at dahan dahang tumango na lamang ang babae at tuluyan na lamang silang umalis.

"May nakakakilala rin pala sa akin," mahinang saad ko sa aking sarili. Matagal tagal narin akong di nakakalabas pero kahit ganun ay medyo pamilyar parin ang mga tao sa akin. Solong anak siya ng mga Herrera at laging nasa magazine ang kanyang mukha hanggang ngayon, the sole heiress of the Herrera family. Bago pa niya ilakad ang kanyang mga sariling paa ay bakit hindi siya magtrabaho sa kanilang kompanya? At bakit ngayon niya lamang ito napag-isipan? Ayaw na niyang makulong sa bahay na iyon at umiyak na lamang araw araw at gabi gabi. Hindi naman siya nagkukulang sa pera, ang gusto niya lamang ay malibang. Ngunit araw araw din niyang makikita doon si Knight but she don't mind, hindi niya alam kung makakasama ba sa kanya ang lagi siyang makita o hindi. Simula nung ikasal sila ay nag merge narin ang kanilang kompanya, mas lalong naging malaki, makapangyarihan, at lalong mas yumaman.

"Kailangan kong tawagan si daddy," saad niya sa kanyang sarili at inilabas ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag at agad na nagtipa sa keyboard at hinanap ang number. Agad niyang dinial ang number at ilang segundo lamang ay sinagot din ito agad.

"Honey?" sagot sa kabilang linya at di niya napigilang di mapangiti, miss na miss na niya ang kanyang mga magulang.

"Dad? Dad kailan kayo uuwi? Miss ko na kayo ni mommy," sagot niya sa kabilang linya at nagsimula ng maglakad patungo sa refreshments.

"Soon honey, malapit na kaming matapos dito. Bakit ka pala napatawag anak may problema ba, is there's something wrong honey?" alalang saad niya and I can't blame him kung ganun na lamang ang pag-aalala niya, ngayon lang kasi ako napatawag sa kanila.

"Uhm dad pwede bang magtrabaho ako dun sa kompanya natin?" mabilis niyang sagot at di niya alam kung naintindihan ba yun ng kanyang daddy sa sobrang bilis at napa cross fingers nalang siya habang nasa harapan na ng malaking ref kung nasaan ang mga kailangan niyang bibilhin, mabuti nalang at walang mga tao.

"Bakit? Don't mind me asking honey pero kinukulang ba yung pera mo sa bank account mo? I could send you more if you want I won't mind honey," sagot niya sa kabilang linya.

"No no dad ,it's not that. Gusto ko lang malibang kasi lagi nalang akong nakakulong sa bahay. Please dad just this time please," saad ko at narinig siyang bumuntong hininga.

"This would make you happy then?"

"Yes dad sobra."

"Nakausap mo na ba si Knight regarding dito?" agad niyang tanong at tila naman napepe ako.

"Honey?"

READ ON DREAME!