ALANA
Tila ba natigilan ako saglit sa mga sinabi ni momsy sa akin kanina. Masyado na ba talaga akong nagiging tanga? Tanga na ba ako sa kakaibig sa kanya at sa kagustuhan na ibigin niya rin ako? Nakakatawang isipin na asawa na ako ni Knight for how many years and yet wala parin nangyayari sa amingrelasyon. Para bang may nakaharang parin sa aming dalawa ang pinagkaiba lang ay may singsing kami sa isa't-isa. Ngunit sa mga nagdaang araw narin ay napapansin kong di na niya isinusuot ang kanyang singsing at dun din ako nanlulumo dahil kahit na yun nalang sana ang nakikita ko sa kanya para maisip ko ring pianahahalagahan niya rin ang aming kasal pero marahil ay nakalimutan niya na lamang itong suotin, naiwan sa kanyang opisina, itinago o naiwala na niya ito. Sino ba namana ng niloloko ko, I look like pampering myself.
"Stop it Alana, mamahalin ka rin niya. Just be a wife to him at pasasaan ba at matututunan ka rin niyang mahalin. Cheer up Alana," bukang bibig ko na lamang at pinilit na ngumiti. Napagdesisyunan ko na lamang na ako nalang ang magligpit ng aming pinagkainan upang mabaling ang aking atensyon sa kung saan. Napaisip rin ako sa darating na kapatid ni Knight. Pansamantalang dito na muna siya maninirahan kaya it's better siguro if I prepare his room at makapag grocery narin ng mga pagkain dito sa bahay para kahit papaano ay maging busy rin ako. Malakas kong naitabig ang aking kamay sa lamesa dahilan upang mapasigaw ako sa sakit, natamaan ata ang namamaga kong mga pasa.
Agad naman akong nakarinig nag mga yabag na papunta sa aking direksyon at nang lingunin ko iyon ay ang nagkukumahog na si nanang ang lumuwa sa pintuan.
"Bakit?! Alana?!" nag-aalalang sigaw ni nanang nang makapasok siya sa kusina, agad naman siyang pumunta sa direksyon ko nanag makita ako. Nakasuot siya ng boots at nakakalo, galing ata siya sa pagdidlig ng mga halaman sa likod.
"Ah wala po nanang, tinamaan lang po itong mga pasa ko habang nagliligpit nitong mga pinagkainan namin," paliwanag ko at halata sa kanyang mga mata ang awa sa akin. Awang ayaw na ayaw kung makita sa kanya, ayaw kong kaawaan ako ngunit sa sitwasyon ko ba namang ito ay kaawa awa naman talaga ako. I look like a battered wife.
"Naku iha di ka kasi nag-iingat bakit kasi di mo na lamang ako tinawag para ako nalang magligpit niyan, hala ako na magliligpit niyan ha baka masaktan mo pa lalo ang sarili mo. Trabaho ko naman yan Alana eh ano ka bang bata ka," saad niya at nagsimula ng tapusin ang ginagawa ko.
"Gusto ko lang naman po kasing mabaling ang atensyon ko sa iba nanang," malamyang saad ko habang nakatingin sa bahaging sumasakit pa sa kirot.
Agad namang napatigil si nanang sa kanyang ginagawa at lumapit sa akin, kinuha niya ang aking kamay at ngumiti, iginiya niya ako malapit sa lababo at pinaandar ang gripo. Dahan dahang inilagay niya ang aking kamay sa dumadaloy na malamig na tubig at para bang unti-unting nawawala ang sakit.
"Yan para maibsan kahit papaano ang dala dala mong sakit iha. Bakit kaya hindi nalang muna ikaw ang bumili sa grocery store ng mga kakailanganin natin dito sa bahay? Para malibang ka naman dalhin mo yung sasakyan mo matagal tagal narin nung hindi kita nakitang nagmamaneho nun at di narin nagagamit yung sasakyang yun. Siguro wala atang nakakakilala sayo dito kasi di ka naman nila nakikitang lumalabas labas man lang dito. At siguro panahon narin para lumabas labas ka din dito atsaka darating diba yung kapatid kamo ni Knight? Naku mabait na bata yun eh ako din ang nagpalaki sa batang yun, malayong malayo kay Knight ang ugali peksman iha at tiyak ko talagang magkakasundo kayo nun kaya di ka na mabobored dito sa pamamahay na ito. Anong masasabi mo iha ha?" mahabang pahayag niya at tila din napangiti ako sa kanyang suhestiyon, wala narin namang mawawala kong susubukan ko, total matagal tagal narin at namimiss ko narin ang saasakyan ko.
Regalo din kasi ni daddy para sa akin ang sasakyan na iyon, gusto niya akong bilhan ng sasakyan na pang babae pero mas gusto kong imaneho ang ford ranger iyon kasi ang sasakyan ni Knight noon kaya ginaya ko narin, ganun na siguro ako ang pagkabaliw ko sa kanya dahil kahit pati sasakyan ay gusto kong magkapareho kami. Ford ranger din ang sa kanya kulay itim at ang sa akin naman ay kulay asul, tila naunawaan naman ni Dad kung bakit yun ang napili kong sasakyan nung una ay parang ayaw niya dahil masyado raw itong malaki sa akin, totoo namang malaki iyon para sa akin dahil sa liit kung ito ay para akong nagmamaneho ng bulldozer. Ngunit nung kalaunan ay binili niya narin ito at ibinigay sa akin.
"Tama ka nanang sige ako nalang ang bibili ng mga kailangan natin dito, akyat po muna ako sa kwarto ni Knight nandun po kasi yung mga damit ko na pang labas kasi yung nasa kwarto ko puro pang bahay. Namimiss ko naring suuotin yung mga damit ko noon at sana ay kasya pa sa akin," saad ko na nakangiti at di rin napigilan ni nanang na hindi matawa.
"Naku iha as if naman na tumaba ka ni walang halos bakas iha, hindi ka nama nabuntis o ano at-," agad naman siyang natigilan sa pagkakasalita at agad namang kinuha ang aking mga kamay.
"It's okay nanang tanggap ko naman, simula nung ikasal kami akala ko ay magkakaroon na ako ng sarili ko ring pamilya pero hindi rin pala. Ni hindi nga ako kayang halikan ng asawa ko, oo siguro nagagawa niya pero lahat ng iyon ay pawag palabas lamang, kaya no need to say sorry nanang, I have to accepth this besides it's my choice," sabad ko at hinaplos ang kanyang kamay.
"Sige nanang akyat na muna ako kukuha lang ako ng gamit at dun na ako maliligo sa kwarto ko," paalam ko at agad naman siyang tumango.
***
Kumatok muna ako sa pintuan bago pumasok at nang wala naman akong nakuhang response ay agad kong pinihit ang doorknob at natuklasang hindi naman ito pala nakalock. At sa pagkapasok ko rinig ko ang umaagos na tubig mula sa shower room marahil ay naliligo pa siya ngayon.
Agad namang napako ang mga mata ko sa kama at sa pagkakatanda ko ay wala naman siyang naiuwing babae kagabi ngunit may bakas ang kanyang unan ng isang bahid ng lipstick at alam niyang mula ito sa mga babaeng dinadala niya dito sa kwarto niya. Di ko na naman napigilan ang aking mga luha at kusa na lamang silang umagos sa aking mga mata agad-agad ko naman itong pinunasan gamit ang likod ng aking kamay dahil baka bigla na lamang magbukas ang pinto at iluwa nun si Knight. Napagpasyahan ko na lamang na linisin na muna ang kanyang kwarto. Sinong mag-aakalang ang isang asawang tulad ko ay naglilinis ng pinagkalatan ng kanyang asawa, nasasaktan parin ako sa ginagawa ko.
Pagkatapos kung pagpagin ang kanyang higaan ay ang siya namang pagbukas ng banyo at iniluwa nung ang nakatapis na si Knight. Tumutulo tulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok at pati narin sa kanyang katawan na para bang isang model habang pinupunasan ang kanyang buhok gamit ang kanyang maliit na tuwalya. Agad namang dumapo ang kanyang mga tingin mula sa aking kinatatayuan at agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Narinig ko naman siya bumuntong hininga kaya naman napagpasyahan kong sabihin kong bakit ako nandirito sa kanyang kwarto, ayaw na yaw niya na kasi na pumapasok ako dito.
"Uhm p-pumasok nalang ako kasi may k-kukunin sana ako dito na mga damit ko, pupunta ngapala ako sa grocery store ngayon Knight at baka hapon na ako makakabalik kasi gusto ko sanang bisitahin si Daddy-," hindi ko na naipatuloy ang dapat kong sabihin nang bigla siyang nagsalita.
"Do I look like I care? Wala akong pakialam kung saan ka man pupunta Alana the hell I care and please gawin mo ang gusto mo wala namang nagbabawal sa iyo sa pamamahay na ito. Just do whatever you want," he coldly stated at walang emosyong tinitigan niya ako.