ALANA
Di ko mapigilang di na naman lumuha, sabay ng mga patak ng tubig sa aking mukha at katawan ay ang siya namang pagsabay ng pagdaloy ng aking mga luha. Hindi parin pala ako manhid sa sakit, hindi parin pala ito minamanhid.
"Kunin mo na ang dapat mong kunin para makaalis ka na," malamig na saad ni Knight at agad naman akong gumalaw at pumunta agad sa closet.
"Wala na diyan ang mga damit mo, kunin mo na yang mga naka karton diyan. Yan ang mga damit mo, ayokong nakikita ang mga basurang yan tulad mo at malapit sa mga damit ko, ang dumi sa paningin," dagdag pa niya at para namang paulit ulit niyang tinutusok ang puso ko. Nagbabadya namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi dapat, hindi niya dapat ako makitang umiiyak dahil bubulyawan na naman niya ako at ayokong mangyari iyon. Mamaya na lamang ako iiyak.
Ilang taon na pero ganito parin kasakit. Agad kong pinihit ang shower at ibinalot ang aking katawan ng tuwalya. Kailangan ko na ata munang umalis sa bahay na ito. I need fresh air.
Tinignan ko ang tatlong karton na dinala ko sa aking kwarto, mamaya ko nalang ata ito aayusin pagkabalik ko. Agad ko naman binuksan ang isang karton at naghanap ng isang pares ng pantalon at blouse, napili ko naman ang isang baby pink collar na blouse. It reminds me of being a single, binili ko ata ito nung gusto kong magpa cute kay Knight pero hindi naman umubra.
"Okay Alana, let's fix you up," I cheered to myself at agad na nagbihis.
Naglagay ako ng moisturizer at kaunting light cream sa aking mukha, namiss ko ding maglagay ng kung ano ano sa aking mukha. Gustong gusto ko kasi noon ang manuod ng mga korea novela at gusto kong ma achieve ang mala poreless nilang mukha kaya hanggang sa nadala ko na ito. At ngayon ko nalang uli sila nagagamit.
"I guess hindi naman masakit pag bibili ako uli ng mga ganito," ngiting saad ko habang inayos ang mga cream sa salamin.
Kinuha ko ang aking bag at chineck kung dala ko na ba ang lahat, iyon kasi ang turo sa akin ni mommy na bago ako lumabas at may pupuntahan ay huwag kakalimutang i'check kung dala na ba ang lahat.
"Wallet na may lamang pera ofcourse check, cellphone fully charged check, panyo, pulbo," medyo natawa ako nang makita ko ang pulbo sa aking maliit na bag. Hindi ko alam pero mas gusto kong gumamit ng pulbo kaysa sa foundation.
Pagkatapos kong icheck lahat ay agad din akong lumabas ng kwarto, napatingin naman ako sa gawi ng kwarto ni Knight.
'Nandiyan pa kaya siya?' bulong ko sa aking sarili. Bakit ko ba kailangang alamin kung andiyan pa ba siya.
"Iha ang ganda mo," salubong ni nanang at tila ba kumikislap pa ang mga matang nakatitig sa akin.
"Salamat nanang, uhm andiyan pa po ba si-."
"Knight? Naku kakaalis lang nagmamadali nga eh as usual, oh heto yung susi ng sasakyan mo baka pupunta ka sa saksakyan mo tapus wala ka namang susi," tawang saad niya at iniabot sa akin ang susi, akala ko ay na check ko na lahat nakalimutan ko pa pala ang susi ng sasakyan ko.
"Ay naku iha sige punta muna ako sa kusina yung niluluto ko, darating na daw mamaya si Ash, at alam ko pagdating nun gutom yun eh kaya nagluluto na ako, sige mag-iingat ka iha ha, ingat sa pagdadrive, tingin tingin sa daan ha," saad niya at dali daling pumunta sa kusina.
***
Matagal tagal naring di ako nakakalabas ng subdivision na ito at di ko nahihimas ang manubela ko. Ang sarap din palang lumabas at pansamantalang umalis sa kasakitan kahit ngayon lang.
Malapit na ako sa grocery store at naghanap agad ako ng parking space.
READ ON DREAME!