Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 65 - Powerpuff meets Jaguar

Chapter 65 - Powerpuff meets Jaguar

Dollar's POV

"Nasaan si Moi?!" lingon ko kay Zilv na tahimik na sumisimsim ng alak sa sulok ng balcony.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Kainis naman siya. Ngayon lang tayo hindi kumpleto sa Pasko. Bakit ba kasi umupa pa siya ng apartment eh anlaki-laki ng bahay nila? kasing bulok na ng pickup ni Uncle ang inupahan niyang kwarto eh. Ano bang meron doon?"

Walang sagot si tatay Zilv.

Kelan ko lang nalaman na hindi umuuwi si Moi sa bahay nila. At nang sundan ko siya noong isang araw mula sa Al's Billiards, napag-alaman ko lang naman na umuupa siya sa bayan sa lugar sa tapat ng Community Park. Anim na pintong paupahan iyon, at mukhang survivor na ng ilang bagyo ang bahay. Hindi naman totoong bulok na ang building pero sa katulad ni Moi... nakapagtatakang iyon ang napili niya. Alam ba ng namamahala doon na nagpapatira sila ng isa sa mga mayayamang teenager sa Pilipinas?

Haay.... Ang lungkot ng pasko. Pati mga tao dito sa bahay. Si Uncle minsan na lang magsalita, nahawa na yata sa kaibigan niyang si Mr. Agustin na napakatahimik. Kami lang ni Cheiaki ang masaya dahil lungad kami sa regalo, Hehehe!

Nangalumbaba ako sa pasimano ng barandilya at tumanaw sa labas.

Kamusta kaya sila Lolo? Masaya kaya pasko nila? Si Shamari? Si Rion ma-labs kaya? Kainis kasi hindi dumating yung load ko na-traffic yata sa dami ng nagtetext.

"Uy tatay Zilv."

"What?"

"Pwedeng makitawag?"

Inabot niya sakin ang cellphone niya. Wow! Sosyal ng model! Ibato ko kaya 'to sa labas ano kayang reaction niya? Hehehe, try lang. Pero nakakunot noo siya sa 'kin kaya nagbago ang isip ko.

"Doon muna 'ko ah."

Lumayo ako sa kanya at nilabas din ang cellphone ko na laging gutom sa load. Pero hindi ko pa nakokopya ang number ni Rion sa cellphone ni Zilv dahil maya't maya ang dating ng mga messages. Kayamot! Puro numbers lang pero nang mag-open ako ng isa, babae ang sender. Hindi lang bumabati ng Merry Christmas, may kasama pang panlalandi. Langya, daming babae ni tatay Zilv.

Sinimulan kong i-dial ang number ni Rion at naghintay...

"What?" Rion snapped on the other line.

Hindi ako nakapagsalita agad, ninanamnam ko pa boses.

"Zilv? Anong kelangan mo?"sabi pa niya.

Teka... Nalito pa 'ko ng tawagin niya akong Zilv. Pero oo nga pala, number to ni... Zilv. Pero ba't alam niyang si Zilv ang tumawag? May contacts ba sila sa isa't isa? Baket???

Napalingon ako kay Zilv na kausap ni Uncle. Magpapakilala na sana 'ko kay Rion nang magsalita ulit siya.

"Meet me at the basement, Zilv. Mamayang alas tres ng umaga... may pag-uusapan tayo." and the line went dead.

I gasped. Bakit nabanggit nya ang basement sa pag-aakalang si Zilv ang tumawag? At anong pag-uusapan nila? Ibig sabihin magkakilala talaga sila? Tiningnan ko ang call logs sa cellphone at sa halip na numbers lang ni Rion ang nandon, Flaviejo ang naka-save na pangalan. Ch-in-eck ko din sa phonebook...

Hmn...

Naka-save sa cellphone nila ang numbers ng isa't isa? Sasabihin ko ba kay Zilv ang 'usapan' nila ni Rion?

^^^^^^^^

Marahan kong tinulak pabukas ang pinto sa basement...

Ang tahimik... Sarado kasi ang restaurant kaya walang tao kundi ako. Naglakad ako pababa. Mas maaga ako ng 30 minutes kesa sa sinabing oras ni Rion.

Lumapit ako sa nakita kong pick-up truck para doon magtago. Sa likod sana ko pupunta pero nang subukan ko ang pinto ng front seat... Bukas! Nakatungo akong pumasok at dahan-dahang umupo...

"I'm a killer, Dollar."

Muntikan na 'kong mapasigaw sa gulat dahil sa nagsalita. Nilingon ko ang nasa driver's seat...

Si Rion, nasa ibabaw ng steering wheel ang mga kamay at nakatingin sa windshield.

"A-Anong sinabi mo?" tanong ko.

"I kill people." Walang gatol niyang sabi at sinulyapan ako saglit.

Napahawak ako sa buhok ko. Ano bang iisipin ko? O ano bang sinasabi sa mga ganitong sitwasyon? "Alam mo ba na hindi si Zilv ang tumawag kanina?" tanong ko na lang.

He nodded.

"H-How?"

"Dahil narinig ko ang boses niya sa background."

"Eh pano mo naman nalaman na ako ang tumawag?" tanong ko. Hindi naman kasi ako nagsalita. Baka naman kilala niya pati paghinga ko?

Nilingon niya ko. He's not smiling but his eyes sparkling with some emotions. Pero guniguni ko lang yata 'yon. Madilim sa pwesto namin eh. " I just know. Malakas ang pakiramdam ko pagdating sa 'yo."

Napatango ako at napangiti. "So pinapunta mo talaga ko dito sa basement para sabihin lang na killer ka?"

Nag-jo-joke ba siya? O baka naman pick-up line to? Magsasabi na ba 'ko ng 'Baaaaaaket?'

Lumingon ulit siya sa'kin at tiningnan ako nang diretso. Mas lalong naging blangko ang ekspresyon niya. Nawala ang ngiti ko.

Katahimikan.....

Mayamaya ay in-start niya ang sasakyan pero hindi pinaandar. Nabawasan lang ang dilim dito dahil sa liwanag ng headlights. Hindi pa din siya nagsasalita, nakapatong lang ang mga kamay sa steering wheel. Pero bakit nga ba siya magbibiro?

Parang bumalik sa'kin ang mga hinala ko. Pero ang hula ko lang naman dati ay may tinatago siya. Eto na ba iyon? Hindi na 'ko masyadong nagulat sa conclusion ko na nabuo sa pinagtagni-tagni kong pangyayari dati.

Chances are... ito na ang sinasabi sa'kin ni Vaughn... And bingo! Rion is the Jaguar....

Binalik ko ang tingin sa kanya at hinintay na tumingin din siya sa 'kin. Pero ayaw niya yata. I saw his jaws tightened at pinatay ang makina ng kotse.

Bumalik ang kadiliman dito sa basement. Tumingala ako sa maliit na bintana sa isang sulok ng basement. Lumalagos doon ang liwanag ng buwan na tumatama sa sahig. Parang liwanag sa stained glass kapag sarado ang simbahan. Ang ganda....may maliliit na alikabok na parang lumalangoy sa liwanag.

So? Anong magagawa ng alikabok sa usapang 'to?

Inabot ko ang kanang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng steering wheel at dinala sa pisngi ko. Hindi naman siya tumanggi. He just gave me a questioning look.

"Rion, bakit mo 'to sinasabi sa'kin?"

"Because things aren't perfect. May mga tao o pangyayari na magdadala sa'yo para makilala mo 'ko. At mas gusto kong ako na ang magsabi sa'yo. I want to introduce my real self to you."

"Then...nice meeting the real you, Rion. Nothing's changed, I still love you."

"Damn it, Dollar! Naiintindihan mo ba?" Hinila niya ang kamay niya at lumabas sa sasakyan.

Sa pinag-alisan niya sa driver's seat naman ako umupo. Nakasandal lang siya sa kotse, mayamaya ay may kinuha sa bulsa at nagsindi ng sigarilyo.

He lit up the stick while staring at me. Humithit at marahang nagbuga ng usok pataas.

"Do you even know that I smoke?" tanong niya sa'kin

Umiling ako. Hindi naman talaga. Pero ano na lang ba ang manigarilyo sa lalake? Hindi naman siguro siya nakakaubos ng isang kahon sa maghapon di ba?

Natanggap ko nga kanina ang sinabi niya eto pa kaya? O baka naman sinasabi at ginagawa niya lang lahat ng 'to dahil gusto na naman niya 'kong iwasan? O gusto niya akong lumayo sa kanya?

"My mother was killed when I was eight..." panimula niya.

Hindi ako nagsalita at hinintay ang sasabihin nya.

"I joined a team years ago...and my reason? To avenge the death of my mother."

"Ang grupo ni Uncle?" Lumingon siya sa'kin dahil sa sinabi ko.

He frowned then gave me a look that said to go on.

"Kelan ko lang nalaman na may grupo si Uncle. May nakita akong mga files, accidentally. At kabilang ka sa grupo niya. That explains why you're always here in the basement. At pinag-isip din ako ng mga sinabi ni Vaughn. At sa lumang bahay...I may not identified you but deep inside me, I know it's you. Ewan ko... basta. Siguro katulad mo, malakas din ang pakiramdam ko pagdating sa iyo."

"And when you found out?"

"I was shocked. Pero hindi lahat ng nagugulat Rion nawawala ang damdamin nila sa isang tao. So gaya nga ng sinasabi ko sa'yo kanina... tanggap kita."

"That's bullsh*t! I am no hero, Dollar! I'm a killer not a protector." Tinapakan niya ang sigarilyo at namulsa.

"Hindi ka naman pumapatay ah sabi ni Vaughn."

"You really believed him? Sa tingin mo hindi maiiwasan iyon sa trabaho ko?"

"I think you don't kill just for fun, right? And you only kill the bad guys."

Napailing siya at mapait na ngumiti. "Alam mo ba kung bakit ako sumali sa grupo ni Uncle Al? It's for my training ground because I'm preparing for a bigger battle. Laban kung saan sisiguraduhin kong mamamatay ang mga taong pumatay sa ina ko. And to be able to do that, I have to be an international assassin. Do you get that? I will kill people I will be ordered to...man, woman, innocent or not...hindi ka ba natatakot?"

"Kung natatakot ako.....sana kanina pa 'ko tumakbo palayo dito nang ma-realize ko pa lang na totoo ang sinabi mo na pumapatay ka di ba? Ba't ba ayaw mong maniwala na tatanggapin pa din kita?"

"You're just too good to be true... Hindi mo ba 'ko huhusgahan?" he asked bitterly.

Hindi ako nagsalita. Maldita ako minsan, inaamin ko, madaldal at maingay at makulit pero hindi ko ugaling humusga agad base sa nakita o narinig ko mula sa isang tao. There's a deeper reason behind all of these. At biktima lang siya siguro ng pagkakataon. His mother was killed according to him and he grew up in a very tight and cold environment of the richest, no wonder he became so tough and aloof. At ilan lang iyan sa mga bagay kung bakit niya 'to pinasok. And like what I believed in...there's deeper and deeper reason behind all of these. Tama siguro ako o hindi, walang makakapagsabi.

Problema na ng makulit na lalakeng 'to kung ayaw niyang maniwala sa'kin. Someday he will learn to trust and be a part of the world, not just some predator who's always ready to attack anyone who dare come near him.

May inabot siya sa'king key chain na hugis jaguar na parang handang umatake. It was a flash drive.

"Nandyan lahat ng affiliations ko sa mga grupo ko. Alvaro's team and The St. Martins. Diyan mo lahat makikita, even the drafts of my plans at ang mga taong target ko at ang mga personal info. nila. The dirty backbone of the St. Martins is also in there."

"B-Bakit mo sa'kin binibigay? Mahalaga 'to ah."

"Just for you to know me better. Ikaw lang ang meron niyan. Even the people who knew my identities don't know that. Nang magpakilala ako kay Vaughn, a year ago, one-eight lang ng content niyan ang nalaman niya. Keep it. Bahala ka na."

V-Vaughn? No wonder, siya ang unang nagsabi sa'kin ng tungkol kay Rion.

"Sino pang nakakakilala sa'yo?" tanong ko na lang.

"Zilv was the first one to know. Then my father, Uncle Al, Vaughn at sa mga oras na 'to alam na din siguro ni Moi."

"Si Zilv at Moi?"

"Yeah. Matagal ng alam ni Zilv at sabi ko nga, siya ang unang nakaalam. And that's why we want to kill each other since day one. And his anger even doubled when you told him that you had something for me."

Yes, pag-aalalang kaibigan from Zilv. Ngayon ko naintindihan.

"Umuwi ka na."

Dahan-dahan akong lumabas ng kotse at humarap sa kanya.

"Walang nagbago, Rion. May usapan tayo sa 27 ng hapon sa tree house di ba? I'll come."

"No. Binabawi ko na."

"Basta!" Nagsimula akong maglakad palayo pero tinawag niya ko.

"No. You'll never accept me, Dollar. No one did before. Maski magulang ko hindi ako kayang tanggapin kahit inosenteng sanggol pa lang ako. Iniwan ako ng ama ko hindi pa man ako pinapanganak. Then my mother.... Hindi niya siguro matanggap na nakikita at naaalala niya sa'kin si Daniel Agustin kaya lumayo siya at bumuo ng pamilya na hindi ako kasali. Even Lolo.... Magre-retire na sana siya nang pitong taon ako pero nang namatay si Mommy... bumalik siya sa pagtatrabaho, not to make more money, damn! Kahit siguro apo ko sa tuhod kayang suportahan ng pera nya. But why worked so hard? Dahil kahit alam kong mahal niya 'ko, may panahon pa din na nakikita niya sa'kin ang pinatay niyang anak at ang pangta-traydor ng ama ko. So he decided to just focus on his business and tried to stay away from home. So see, no one really accepted me. Kaya anong magiging kaibahan mo lalo na't alam mo na masama akong tao?"

I almost sobbed and ran to hug him but I stilled myself. Mahirap para sa kanya ang outburst na 'to at hindi siya ang tipo ng tao na kailangang yakapin para aluin. He's far from that. At pinigilan ko ang sarili ko para huwag siyang hiyain.

God! Ano bang gagawin ko sa lalakeng 'to? I'm willing to love him more at iyon nga ang balak ko. I will love him not to change him or to make him forget about his life but to make him love himself.

Iniwan ko siya sa basement at naglakad pauwi sa bahay. Naglakad ako sa madilim na daan at nang ilang metro na lang ang layo ko sa harapan ng bahay... huminto ako.

Nararamdaman ko siya sa paligid. His moves were very careful like a really trained assassin. Pero akala niya ba ay siya lang ang malakas ang pakiramdam?

"Rion... Naniniwala ka ba talaga na walang tatanggap sa 'yo o ayaw mo lang na may tumanggap sa 'yo? Well... kahit ano pa 'yan. I still love you. At wag mo ng bigyan ng justice ang tawag ko sa 'yong 'Unsmiling Prince' okay? Ang dami ko pa namang reserba, how about babycakes? Muffin? Or glucose?" sinabi ko iyon nang hindi humaharap sa kanya. At sinabi ko iyon dahil gusto kong ngumiti siya, bigyan ng pagkakataon na lumigaya ang sarili niya.

Pssh! Baduy ng departing words ko...

"Merry Christmas sa'yo." iyon lang at tuluyan na 'kong pumasok sa bahay....

Related Books

Popular novel hashtag