Sa papel, magandang ideya ang huminto ang oras eh. Lalo nang maganda 'to habang nalilate ka na sa trabaho.
Pero sa kaso ko, na nasa gitna ng traffic. WALANG IBANG PARAAN KUNDI MAGLAKAD.
Sa totoo lang, naiisip ko parin na nanaginip ako kaya pinipilit kong i-manipulate ang panaginip na 'to na mkakapunta ako agad sa office namin. Posisyon pa ko ng kagaya sa mga palabas sa sine na ilalagay ang daliri sa sintido ang magko concentrate para gumana 'yung teleportation.
Pero hindi gumagana yung teleportation sa panaginip na 'to kaya naglakad na lang ako simula Magallanes hanggang Makati. Nautot lang ako sa concentration ko na ginawa ko.
Natawag ako sa bahay at sa opisina pero hindi nagana ang tawag. Out of coverage yung mga cellphone ng lahat ng tawagan 'ko.
Pagod na pagod ako sa ilalim ng araw ako naglalakad. Buti talaga at medyo umaga huminto ang oras, dahil kung tanghaling tapat 'to nangyari, baka malamang naluto ako ng araw sa kalsada.
Naisip ko ring umuwi kaagad pero mas malayo kung maglalakad ako pauwi kesa papuntang opisina. Kailangan kong maghanap ng kakilala na gising sa mga gantong pangyayari. Imposibleng ako lang ang ganito.
Kahit kailan hindi ako naging ganito ka paborito ng pagkakataon.
Gaano kalawak 'tong phenomena na 'to? Tsaka ano 'to? Birthday wish granted? Sana pala limpak limpak na salapi yung nabulong ko. Ang tagal tagal ko nang hinihiling yung limpak limpak na salapi kahit isang beses hindi nangyari ah.
Naiisip kong tutal naman huminto ang oras, bakit hindi ako mag drive ng isang kotse?
Hindi ako marunong mag driveMadaming nakaharang na kotse sa daanMadaming tao ang pwede kong masagasaanHigit sa lahat, hindi ko alam kung kelan babalik sa normal lahat. Papano kung bumalik sila sa ulirat na nasa kotse nila ko? Anong sasabihin ko para 'wag nilang maisip na carnapper ako.
Kaya ito, naglalakad ako.
Nasa bandang pa akyat na sana ako ng overpass (naiisip ko na talagang tumawid na lang basta sa gitna ng kalsada kaso nga, natatakot ako na baka biglang umandar 'yung oras. Nakakita pa naman ako ng malaking bus) nang makita ko ang mamang nagtitinda ng ice cream sa kalye.
Kung sa hindi niyo naitatanong, sobrang baliw ako sa ice cream. Sa sobrang uhaw at pagod ko sa paglalakad mula Magallanes pinatulan ko nang kumuha ng ice cream. Sa layo ng nilakad ko lahat na papatulan kong kainin o kahit anong magpapa-basa sa lalamunan ko. Nag iwan naman ako ng pera pambayad kasi pakiramdam ko pagnanakaw pa rin ang basta kumuha ng icecream, pakiramdam ko nga napamahal pa ko dahil di ko alam ang presyo at sobra na lang ang binigay ko.
Pakiramdam ko ilang oras akong naglakad papunta sa trabaho para lang malaman yung coverage ng phenomena. Sinubukan kong tumawag kay Mama ulit pero walang nasagot. Nag-ring na naman pero walang nasagot. Inulit-ulit ko ang tawag hanggang sa bumalik sa pagiging out of coverage.
Chineck ko din ang cellphone ko. Nagana naman. May signal at nakakapag online parin ako. Hindi lang nagana ang oras. Hindi nagana ang timer. Sinubukan kong mag play ng video para masubukan ko ang oras. Nagpi play naman pero kapag hindi na ko nakatingin sa video, tumitigil 'to mag play. Pag balik ng tingin ko saka lang sya gagana ulit.
Wala akong pang sukat ng oras. Natunog pa naman ang music na kaya kong pakinggan sa cellphone ko kaya sinubukan kong gumawa ng playlist para yun ang ipangtantya ko ng oras.
Naisip kong nagana ang mga bagay kapag nakadikit sa mga senses ko. Hence, the playlist timeline.
Nagset ako ng isang buong playlist na may bilang ng kantang pwede kong idagdag para malaman ko lang kung gaano katagal ang gantong phenomena.
Pagkarating ko sa opisina. Ganun parin ang mga senaryo. Nakahinto parin sila tulad ng inaasahan ko.
Hindi pala effective yung playlist kasi nadadala ako ng music lalo na ngayong parang nasa apocalyptic scenario ako. Hahahaha.
Nakita ko bawat employee na kinakainisan ko. Lahat ng mga sipsip, ng mga chismosa, 'yung mga grabe mag critic ng gawa ko na akala mo pakagaganda ng gawa nila.
Isa sa mga napansin kong nakahinto habang nakatuwad dahil nakuha ng tubig sa water dispenser ay ang isa sa mga manager namin na nagpapahirap ng buhay ko sa araw-araw. Ito yung tipo ng manager na hindi mo gugustuhin makasama sa project kasi kapag mali mo, mali mo lang, pero kapag maganda ang gawa mo, may credit sya dun. Grabe din 'to mang pressure ng "Kailangan matapos natin kasi request ng client". Bale kapag sinabi ng client na magbenta kami ng droga gagawin niya din talaga kasi diyos niya masyado yung client.
Alam ko masama pero, naisip kong kunin ang lalagyan niya ng tubig at ibuhos sa ulo niya. Bibilisan ko lang para kung sakaling magbalik yung oras nakalayo na ko kaagad. Alam kong sobrang sama nun pero kung alam niyo lang kung ilang credits ang ninakaw sakin nitong tao na 'to maiisip niyong sana sinipa ko na lang sya sa pwet (habang nakaharap sa bukas na bintana).
Binilisan ko kaagad ang kuha para ibuhos sa ulo niya. Lahat ng bagay naka hinto pero may isang rule akong natuklasan, gumagalaw sila kung involve sa action ko. Kaya, gagalaw sila kapag hinawakan ko. Tapos nun, binuhos ko na sa ulo niya sabay takbo sa malayo at talikod just in case magreset yung oras.
Hindi naman nag start agad yung oras. Nagbilang muna ko ng hanggang sampu bago lumingon. Nagawa ko talaga, oras na mag simula ulit ang oras, basang basa na sya sa pagkakabuhos ko. Hahahaha.
Revenge is sweeter than love the second time around. LOL.
May biglang ideya ang pumasok sa isip ko, kung pwede ko yung gawin sa kanya, pwede ko yung gawin sa lahat, diba?
Kaya naisip ko, Birthday revenge gift ba 'to? Handog ng langit kasi sa wakas umabot ako sa edad para maging mature enough para ma handle ang paghihiganti?
Buong kagalakan kong gagawin.
Una kong napagdiskitahan si Cherry. Backstory time, ito si Cherry kung meron mang diyos ng chismis, si Cherry 'yung source of power niya. Kapag nakita ka niyang napulot ng ballpen, magagawan niya yun ng kwentong interesado yung mga taong uhaw sa chismis. Sky is the limit sa genre - pwedeng horror, romance at religious preference! Magkakaiba man ang tema laging may isang goal ang mga kwento ni Cherry, makapanira sa iba. Totoo o hindi yung chismis, makikita mo silang nagbubulungan sa pantry pero kapag papasok na yung pinag uusapan nila, magbabago sila ng topic, agad!
Wala naman sana akong pakialam sa mga kwento niya dahil hindi naman interesting yung buhay ko at wala din naman akong interest sa malulungkot nilang buhay.
Kaso may isang beses na nakita niya lang na tinulungan ko 'yung bagong HR na magdala ng kahon-kahon na files sa kabilang kwarto ng office. Tapos kinabukasan ba naman, may kumakalat nang chismis na pinu-pormahan ko ung bagong HR. Umabot 'yung issue hanggang sa kinakailangan kong magpaliwanag sa HR department mismo na wala akong ginawang kakaiba kundi tumulong. Naisip pa tuloy nung taong tinulungan ko na may masama akong intensyon sa pagtulong ko sa kanya. Kaya simula nun, kahit hirap na hirap na si tukmol magbuhat ng mga kahon-kahon, pinapabayaan ko na lang sya. Minsan nga inaasar ko pa.
Kaya naisip akong ilagay si Cherry sa posisyon na nakahalik sa isang boss naming napaka chismoso din. Posisyon na magkayakap sila. Sa gitna ng maraming tao.
Oo, pinagbubuhat ko sila kasi sobrang dedicated ako sa ganitong art exhibit. Sobrang bibigat nila, ang kakapal ng mukha mag-usap ng mga 'to tungkol sa diet tapos ambibigat pa rin naman.
Pagkatapos ko sa obra kong grand story para kay Cherry - featuring herself - hindi ko maiwasang alalahanin lahat ng gulong inabot ko dahil sa chismis niya. Hahahahaha.
Magkayakap sila ni Sir Leo na magka halikan sa paligid ng madaming tao. Kinuhanan ko rin sila ng mga litrato tapos in-upload ko sa lahat social media account nilang dalawa para kung sakaling magkaisa ang buong opisina na kalimutan, nasa internet parin. Kinuhanan ko rin sila syempre para sakaling i-delete nila kung sa account nila.
Naisip ko ring gawan ng sariling paghihiganti lahat ng grabe mag comment sa mga gawa ko sa trabaho. Lalong lalo na yung grupo ni Bennie. Ang kapal ng mukha nun magpa ulit ng buong project akala mo naman talaga kagaling magsalita. Naalala ko nanaman yung galit ko sa kanya sa ginawa niyang pagbibigay sakin ng maling instruction tapos nung ginawa ko na, mali pala yung buong project, hindi pala yun yung pinapagawa ng client.
Kaya naisip kong i format yung PC niya. Simple lang pero gusto kong makitang mabaliw sya kakaisip kung papano umulit ng gagawing trabaho tulad ng pinagawa niya sakin.
Hanggang sa makita ko ang pinaka kanang-kamay ng demonyo sa opisina. Ang boss ko na dapat sanang magsasabon sakin dahil sa late 'ko. Nakatayo lang sya sa gitna ng hallway. Malamang nag aantay ng mga kawawang kaluluwang dudurugin dahil lampas alas otso nanaman. Nakatayo lang sya dun na parang gina gwardyahan ang pinto. Napansin ko lang na naka akmang lalabas ng pintuan ang mga paa niya.
Kaya magsosorry na lang ako kay Mama. Hindi pa ganun ka mature ang baby boy niya. It's revenge time!
Iniisip ko kung anong magandang pang ganti kay Boss e. Elementary yung buhusan ng tubig. Muka namang magtatagal 'tong phenomena na 'to kaya madami akong oras mag-isip. Actually, wala akong oras mag-isip. Haha. Get it? Walang oras? Okey.
Isa pa, kung panaginip man 'to, malamang magigising akong may galak sa puso kung magawa ko to sa kanya.
Madaming idea ang sumagi sa isip ko. Naisip kong yung isang sipsip na officemate ko ipapasampal ko sa kanya para pag nag start ulit yung oras masasampal niya si Boss.
Pero sobrang gaan nun. Naiisip ko pati na hindi sya masyadong mapapahiya nun, masisisante lang siguro yung sipsip kong officemate, at kahit medyo magandang mangyari yun, hindi pa rin niya mararamdaman ang mga pagkakataong pagpapahiya niya sakin.
Dapat mapahiya din sya sa sarili niyang mali.
Sa ganitong punto, alam kong nag cross na ko sa moral line ko. Pero kasi, ilang beses na niya rin akong pinahiya sa harap ng maraming tao. Sinisigawan niya ko kahit sa harap ng mga teammates ko. Kaya pagkakataon ko na talaga 'to. Hinayaan na ng Diyos na makaganti ako. Kaya naisip kong buksan ang cellphone niya para malaman ko kung ano mang mga baho niya sa opisina. Meron kaya siyang kabit? Dealer kaya sya ng droga? Bukod sa mga pangarap ko, may pinatay na kaya siya?
Kinuha ko ang cellphone niya at nang buksan ko gamit ang fingerprint niya (buti nalang fingerprint ang password niya at hindi lang code), isang unread message ang nakita kong naka pop up na message.
"Kuya, masama na talaga ang lagay ni Nanay."
Nagulat ako sa message na yun. Alam kong mali pero parang naakit ako sa kung anong nangyayari sa buhay ni Boss - hindi na para maghiganti pero kung anong nangyayari sa nanay niya.
"Ginagalingan ko sa trabaho, Nay. Kasi ang turo mo, dapat gawin ko ang best ko diba? Magpalakas ka 'nay. Babalik pa tayo sa paborito mong beach sa birthday mo." Galing sa boss ko 'tong message na 'to? Ang layo sa demonyong kilala ko na laging nakasigaw. Kung hindi man nakasigaw, laging may puna sa email (alam niyo yung ganitong email na madaming "!!!!" na kulay pula, aakalain mong pop up job ads sa internet).
Binasa ko ang palitan nila ng message sa text. May sakit ang nanay ni Boss. Gustuhin man niyang pumunta para mag alaga, sinasabi ng nanay niya na ayos lang. Kailangan niyang galingan. Kasi yun ang pangarap niya. Wala din naman syang magagawa kung magkasama sila.
"Mas napapalakas ako, anak, kapag alam kong gingawa mo ang nagpapasaya sa'yo, kesa makita mo kong nanghihina. Lumalakas ako kapag nalaban ako para sa'yo" sabi sa isang message ng nanay niya.
Pinsan na ata ang huling nag message na tungkol sa masamang kalagayan ng nanay niya.
One ticket to Guilt City, please.
Pinipilit ko mang i justify sa isip ko na iba yung kasalanan niya sakin, hindi ko parin maisip na magagawa kong gantihan yung ganitong tao na may mabigat palang pinagdadaanan.
"Mali parin na sigawan niya ko sa harapan ng madaming tao dahil lang gusto niyang gawin ang best niya para sa nanay niya noh" paulit ulit ang sinasabi ko sa isip ko.
Hanggang sa mapaisip ako, ano bang ginawa ko nun bakit niya ko sinigawan? Nagkamali ata ako ng napasang code sa client. Hindi ko na maalala yung eksakto e. Dapat ba akong sigawan nun? Hindi ko na ba talaga ginagawa ng maayos ang trabaho ko? Nag aaksaya na lang ba talaga 'ko ng oras nun?
Ganito ata talaga mag-work yung guilt? Para akong tinulak sa waterslide na madaming loop. Tapos kada andar ng isip ko ang dami kong nadidiskubreng pangit na ugali ko.
Napalingon ako sa station ko at naimagine ko ang itsura kong pumapatay ng oras. Ang lakas ng loob kong mag sayang ng oras kapag nasa opisina. Habang may mga taong importante ang gingawa dito sa office.
Pero mali pa rin sya sa pagsigaw sakin. Hindi kaya yun yung araw na nalaman niyang malala ang sakit ng nanay niya? Tapos tatanga tanga pa 'ko. Tapos nung sumama naman ang loob ko, hindi ko naman sinabi agad sa kanya. Magbabago kaya yun kung nag open ako sa HR?
Umabot ako sa realization:
Isa din pala ko sa mga office assholes?
Naisip ko 'yung mga panahong ako ang nagsasabi sa mga ka officemate ko na incompetent sila. Naalala ko bigla 'yung mga araw na ako naman ang nambubully sa kanila. Kung tutuusin, halimaw din ako. Naisip kong hindi tao ang tingin ko sa kanila, at hindi rin tao ang tingin nila sakin.
Pero dahil sa nabasa ko sa Boss 'ko. Tao sila. Tao si Cherry, si Bennie at pati yung mga kagaya nila.
Alam kong may pakiramdam akong gusto kong bawiin ang lahat ng ginawa ko, pero masyado nang tumatagal na nakahinto ang oras. Naiisip ko nang kailangan kong gumawa ng paraan para sa gantong panahon dahil sigurado na kong hindi ako nanaginip. Masyado nang nahaba ang ganitong panahon para sa simpleng "error" lang sa natural design. Kaya, naisip kong lumabas sa opisina. Kailangang bumalik ako kay Mama. Kailangan kong malaman kung ayos lang ba sya. Kailangan kong malaman kung gising ba sya o ako lang ba talaga ang gising sa mga ganitong pagkakataon.
KALAMPAG. Malakas na kalampag ang narinig ko sa pantry.
Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang nangyari 'yun kaya napasigaw talaga 'ko
Kasabay ng pagtalon ko palayo.
Bakit may nalaglag na bagay sa pantry? Walang bagay na nakilos hanggat hindi ko hinahawakan ah. Wala namang ibang nakilos sa buong opisina. Sa kanina ko pang paikot-ikot para dito sa pinag-gagagawa kong kalokohan, wala ni isa akong nakitang gising. Halos masuyod ko ang buong floor namin.
May isang gising kagaya ko. 'Yun ang sigurado.
Tumakbo ako papuntang pantry pero wala akong nakitang tao kundi nakatumbang refrigerator.
Sumigaw agad ako ng "SINO YAN!". Ang bobo ko, alam ko. Eh kung malaking halimaw pala 'yun edi tinawag ko pa sya palapit sakin. Malaking halimaw na naisip ko kasi ngayong huminto ang oras, wala nang imposibleng mangyari. Kaya, malaking halimaw ang pumasok sa isip ko.
Pinilit kong tumakbo palabas ng building para makaramdam ng safety sa liwanag ng labas. Halos sumabog yung dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso sa pagpipilit tumakbo papalabas sa fire exit.
May isang gising. Posibleng ibang tao. Posibleng halimaw. Posibleng kakampi. Posibleng kaaway.
Halimaw na mas malala sa Boss ko. Halimaw na mas malala sakin.
Kailangan kong bumalik kay Mama. Kailangan kong bumalik sa oras.