Sa loob,
Ang daming nag kukumpulan animo'y may artistang dumating.
"Patrick?" Sabay sambit nila Kian, Keith at Kim nakita rin naman ito ng kani-kanilang asawa.
"Aha! Na miss nyo ba sya?" Ani Kevin na kasama ni Patrick na pumasok.
"He-- Hello po." Ang nahihiyang sambit ni Patrick.
"Hello rin sayo pero sandali lang muna." Sambit ni Keith.
Hinila naman ni Keith at Kim si Kevin kasama si Kian sa isang tabi habang sila Rica, Faith at Lenny muna ang nag eestima dun kay Patrick.
"Talagang ininvite mo ang mokong na yon?" Ani Keith.
"Kaya nga! Paano si Kelly?" Sabi naman ni Kim.
"Mga kuy's past is past isa pa kaibigan ko rin naman si Patrick at kasal ko ito. Maintindihan na yon ni Bunso."
Kim bonked him "ungas! Ang laki ng galit ni Kelly sa mokong na yon."
Keith bonked him too "nga naman!"Aniya.
At pinagkekeltukan naman ni Kian yung dalawa "tigilan niyo si Kevin!"
"Pero kasi kuya..." Anila.
"Hindi na kasalanan ni Kevin kung inivite niya sa kasal niya si Patrick."
"Eh?"
"Pero kuya hindi ba dati ayaw na ayaw mo diyan kay Patrick?" Tanong ni Keith.
"Nag babago ang tao hindi ba ako pwedeng mag bago? Isa pa, kung wala ng feelings yung dalawa sa isa't isa there's no big deal. Kayo lang itong nag papalaki ng walang kwentang problema."
"Kuya Kian is right, sa pag kakaalam ko mag girlfriend na si Patrick."
"Ano?!" Sabay sambit nung tatlo nila Kian.
"Yun ang balita ko."
"Paano na yan? Ano ng gagawin mo tol?" Ani Kim kay Kian.
"Ewan ko! Bahala na kayo! I'm tired mauuna na kong umuwi." Sabi ni Kian.
"Ha? Pero kuya..."
Sa kabilang banda kinakamusta naman nung tatlong maria si Patrick.
"Really? May girlfriend ka na?" Sabay sambit nung tatlo.
"Ah, eh... Ano po kasi..."
"Tigilan nyo na nga yang si Patrick. Pakainin nyo muna yung tao bago nyo i-marites." Ani Kian.
"Eh honey kasi... Teka... Are you going home?" Tanong ni Rica.
"Um. I'm tired and bit tipsy may pasok pa ko bukas. Kaya mauna na ko sa inyo."
"Ha? Hinde, uuwi na din kami ng mga bata tulog na din kasi si baby girl. Tipsy ka na din kamo ako na ang mag dadrive."
"Ikaw bahala."
"Teka, uuwi na kayo?" Ani Keith.
"Oo daw, yung kambal eh tulog na rin siguro umuwi na rin tayo." Sabi ni Faith.
"Sumabay na kayo samin." Ani Kian.
"Oo kuya sige."Sabi ni Keith.
"Oh, uuwi na kayong lahat? Ang daya naman ng mga ito." Sabi ni Kevin.
"Hindi maiiwan kami dito ng ate Lenny mo." Sabi ni Kim.
"Oo tama, tutal wala pa naman kayong mga anak kayo ng bahala sa nga bisita." Sabi ni Kian.
"Oo kuya kami ng bahala." Sabi ni Kim at napatingin sya kay Lenny na ngumiti naman sa kaniya.
"Ba buti naman kala ko ako lang mag eestima sa mga bisita."
"Halika Patrick, kumain ka na muna sasamahan kita." Sabi ni Lenny.
"O-- Opo."
"Pasensya ka na Patrick at kailangan na naming umalis." Sabi ni Kian.
"Ah, hindi po ayos lang medyo late na rin po kasi ako dumating."
"Oo nga eh kung inagahan mo kasi. Pero okay lang naiintindihan naman namin ang businessman na gaya mo." Ani Faith.
At ng mag paalamanan na nga inihatid muna ni Kim sila Kian sa kotse at ito namang si Kevin binalaikan ang kaniyang bride at nag estima muna sa nga bisita.
Habang nakuha naman ng pagkain si Patrick kasama niya si Mr. Johnsen na nasa likod niya habang kausap si Lenny.
"Buti nga nag punta ka."
"Ah, ano nga po eh di po talaga ako dapat pupunta kasi na late na ng tapos yung convention namin." Sagot ni Patrick na siniko si Mr. Johnsen dahil busy ito sa pagkuha ng pagkain.
"Ah... O-- Opo muntik na po talagang di maka punta dito si Chairman." Sambit ni Johnsen na namumualan na sa kaniyang kinakain habang nakuha pa ng pagkain.
"I see, ahm... Bakit di mo sinama yung girlfriend mo?"
Nasamid namang bigla si Johnsen "cough! cough! Girlfriend? Si Chairman may girlfriend? Kailan pa po?"
"Ha? Hindi ba..."
Siniko naman ni Patrick si Johnsen at bumulong "manahimik ka! Kung ayaw mong bukas wala ka ng trabaho."
"Chairman naman..."
"Guys?"
"Ah... Ano... Ano po ang ibig sabihin ko po eh hindi ko alam na nasabihan ni Chairman yung girlfriend niya. Opo ganun..."
"Oh... Di mo na sabihan Patrick?"
"O-- Opo. Busy po kasing tao yon."
"Oh... From business industry rin ba ang girlfriend mo?"
Nagkatinginan yung dalawa at sabay sinabing "oo" kay Patrick at "hindi" naman kay Johnsen.
"Ehh?" Reaction ni Lenny.
"Ah... Ano... Ang ibig sabihin po namin ni Chairman is oo galing din po sya sa isang business family at hindi po dahil hindi lang po from business industry dahil isa po rin itong model. Di ba po Chairman?"
"O-- Of course, you... you are right."
"Ohhh... ganun pala..."
May ina-nnounced bigla yung MC at ang sabi the bride will ready to throw her bouquet.
At lahat nga ng mga abay na babae ay nag si puntahan sa may gitna at pinipilit pa nga ng mga Dela Cruz cousins itong si Kelly. Dahil ayaw nitong sumali di nga rin nila na pansin na wala itong suot na sapatos.
Bulong bulungan naman sa venue kung gaano kaganda itong si Kelly.
"Chairman, ang ganda po ni Ms. Kelly." Pabulong na sambit ni Johnsen.
At natulala na nga itong si Patrick at sinabing "lagi naman syang maganda sa paningin ko..."
Nagulat naman si Lenny at Johnsen sa sagot na iyon ni Patrick.
At ng mag simul na nga wala ng naging choice si Kelly kung hindi ang sumali at nagkataon namang sa direction niya din papunta yung bouquet.
"What the? Bakit dito?"
At dahil ayaw nga ni Kelly iniwasan niya ito at bigla naman nyang natapakan ang gown niya kaya na out of balance sya.
"Kelly!!!" Sabi nila Kevin at ang mga kalalakihang abay ay handa na nga syang saluhin pero...
Pag mulat ng mata ni Kelly "Pa-- Patrick?"
Tak!
At sakto rin namang bumagsak rin kay Kelly yung bouquet.
"Are you okay?"
***
After that scene isang araw na hindi lumabas si Kelly sa room niya.
"What? Hindi pa rin nalabas ng room niya si Kelly?" Ani Keith.
"Um. Bukas na nga ang flight niya di man lang tuloy sya naka gala bago sya pumunta ng Canada." Sagot ni Faith.
"Ano sabi nila kuya? Wala pa ba sila? Nauna silang umuwi sakin eh."
"Ah, si ate Rica kasi need umuwi ng Bulacan reunion ata ng family kasama yung mga bata."
"Ahhh... Kaya pala ang aga ni kuya umuwi."
"Si kuya Kim naman at ate Lenny bumibili ng pandalang pasalubong ni Kelly para kila Mommy."
"Ohh... Eh yung newly wed? Di pa ba nauwi?"
"Ito naman! Syempre dun muna sila sa hotel baka bukas na yun pumunta dito para sunduin si Kelly."
"Tsk! Teka nga at mapuntahan itong si Kellang."
"Oo puntahan mo naawa nga ako kay Bunsuan."
"Hmm? Is something happened?"
"Ahm... Wala naman but I heard she's crying."
"Ha? Bakit raw?"
"Nag knock ako sa door nya sabi niya ayos lang daw sya pero rinig ko talaga na umiiyak sya."
"Tsk! Sabi na eh, hindi tamang ininvite ni Kevin yang si Patrick eh lalo lang madedepress si Kelly."
"Sinong depressed?!" Ang bungad ni Kelly na namumugto ang nata ay di nakakasuklay kaya nagulat sa kaniya yung mag asaw.
"Ay multo!" Anila.
"Ate, anong pagkain?"
"Ha? A-- Ano nag luto ako ng favorite mong chicken curry."
"Oh... Kakain po ko okay lang?"
"Oh... O-- Oo naman! Sandali paghahain ko kayo ng kuya mo para sabay na kayo." Sinenyasan naman niya si Keith.
Keith nod at inalalayan si Kelly "baby sis, ayos ka lang ba?"
"Tsk! Oo! Kaya kong mag lakad!"
"O-- Okay... Okay kalmahan lang natin."
At na upo na nga yung mag kuya sa may dinning area.
"Ahem! Ahm... Bunsuan..."
"Sabi na ngang ayos lang ako!"
"O-- Oo nga wala naman akong sinasabing di ka okay. Ang akin lang eh bakit ka ba nag kakaganyan? Di ka nalabas ng room mo tsaka naligo ka na ba after nung kasal ni Kevin?"
Inamoy ni Kelly ang sarili at ang sama ng tingin nya kay Keith.
"Ah... Eh... Don't... Don't get me wrong bunsuan. Syempre nag aalala kami ng mga kuya mo. Pati yang sila ate Faith mo."
"Oo." Ani Faith.
Bigla namang umiyak si Kelly "kuya!!!"
"Oh, oh... Bakit?" he hugged her.
"Kuya!!!"
Kinalma naman nung mag asawa si Kelly.
"Don't cry na baby sis andito kami ng kuya mo para sayo. Kapag mag problema ka sabihin mo lang samin."
"Oo, sinong nang away sayo? Malilintakan samin yan!"
"Wala, wala akong kaaway."
"Eh bakit nga? Bakit ka nagkakaganyan? Tignan mo yang sarili mo baka kain ni Ma pagbalik mo sa Canada pinabayaan ka namin namayat ka na agad."
"Babysis, dahil ba ito kay Patrick?"
"Faith!"
"Okay lang kuya... Sya naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito."
Nagkatinginan yung mag asawa.
"Ano ba kasing nangyare that night?"
Kelly sighed "wala ako sa mood kuya. Gusto ko nalang munang mag pahinga."
"Ha? Pe-- Pero kababa mo palang at kagigising."
"Wala nga ako sa mood!"
Siniko ni Faith si Keith at bumulong "hayaan mo na!"
"O-- Okay, sige na umakyat ka na bumaba ka nalang pag naisipan mong kumain."
"Um."
At pag akyat ni Kelly nag usap naman agad yung mag asawa at tinawagan ang mga kapatid nila.
"Oo kuya, kaya umuwi kayo agad."
"Oo mga ate kaya nga umuwi kayo pag tapos niyo diyan."
Pag akyat ni Kelly sa kwarto nya para syang walang energy at bumagsak nalang sa kama.
"AHHH!!!!" Sigaw niya habang may naka takip na unan.
"Bwiset! Ang sabi ko ayoko ng makita pag mumukha niya bakit Kelly? Bakit ka pumayag na gawin nyo yon?!" She sit up abruptly.
"Hinde! Hindi Kelly! Hindi mo kasalanan ang nangyareng yon sa inyo. Oo! Hinde!!!!"
Humiga syang ulit at nag sisigaw sa unan nya.
Ring... Ring...
May biglang tumawag na unknown number "hello?"
"Kelly! Let's talk!"
"Pa-- Patrick? Ikaw ba yan?"
"Oo, magkita tayo kung ayaw mong ako ang mag sasabi sa mga kuya mo sa nangyare satin that night!"
"Ha? Te-- Teka lang!!!"
"Magkita tayo sa condo ko."
"No way!"
"Okay, mamaya lang andiyan na ako sa inyo."
Toot... Toot... Toot...
"He-- Hello? Hoy!!! Hello?!!! Patricio!!! Bwiset ka talaga!!!!"
Samantala sa office ni Patrick,
"Oh? Ang saya niyo po ata diyan? May nabasa po ba kayong maganda sa phone nyo?" Ani Mr. Johnsen pag pasok nya sa office.
"Hmm? Ah, wala naman pero kung sa tingin mo masaya ako edi masaya."
"Sus! Nga po pala, napalinis ko na po ang condo nyo pero hindi po ba ayaw nyo ng matutulog dun kasi naaalala nyo lang si Ms. Kelly."
"Hmm? Kailan ko sinabi?"
"Eh? Di ba nga po pinagsisira nyo pa yung mga gamit dun."
"Ah, wag mo ng masyadong po nag papansin yung past. Kaya nga di ba past is past. By the way, ako ng mag dadrive sa condo ako uuwi ngayon pakisabi kila mom and dad."
"Pero Chairman...may meeting po kayo mamaya kay Mr..."
"Cancel all my schedule tonight and next day, and sa susunod pang next day."
"Po? Pero, may shoot kayo sa bagong brand ng sapatos nyo."
"Cancel mo nga may importante akong gagawin."
"O-- Opo pero pwede ko po bang malaman kung ano yung importante nyong gagawin? Kasi panigurado po ako na naman ang malalagot sa parents nyo."
"Ikaw ng bahala mag palusot. Basta wag mo kong tatawagan mama at sa mga susunod pang mga araw."
"Pero Chairman..."
Tumingin si Patrick sa wrist watch niya "gimme the key."
"Pero Chairman..."
"The key!"
"O-- Opo eto na."
"Good! Sige aalis na ko ikaw ng bahala dito at kila mom and dad."
"Chai-- Chairman!!!"
Pagka alis ni Patrick tinawag niyang agad si Maricar ang secretary ni Patrick.
"Ha? Cancel? Pero may shoot sya bukas. Kaya ba sya nag mamadaling umalis? San na naman ba sya pupunta? Mag aadjust na naman tayo ng sched.niya ginawa nya yan nung naghiwalay sila ni Ms. Kelly."
"Ohhh... Now I know."
"Hmm? Anong nalaman mo?"
"Panigurado akong makikipagbalikan yang boss natin kay Ms. Kelly."
"What?!"
"Good news yan! Sandali lang tatawagan ko si Ma' Lady May."
"Oo tatawagan ko rin Richmond."
"Mukhang sooner or later magkakaroon na tayo ng young madam ulit."
"Oh my God! I'm happy for Patrick!"
"Sino ba namang hindi? Matagal nag mukmok sa kwarto niya yang si Patrick kaya deserve niyang maging masaya ulit. At tanging si Ms. Kelly lang ang makakapagbigay nun sa kaniya."
"True!!!"
Makalipas ang 1hour,
Ding... Dong...
"Oh, buti dumating ka." Ani Patrick kay Kelly.
"Wala kong panahon sayo! Tapusin na natin to!"
Pumasok si Kelly sa condo ng walang alinlangan at lihim na napangiti naman si Patrick.
Napansin ni Kelly na nag bago na ang condo ni Patrick.
"Maupo ka, what do you want juice? Pineapple juice parin ba ang gusto mo?"
"Wala! Wala akong gusto! Sabihin mo na ang sasabihin mo! Marami pa akong gagawin!"
Naupo si Patrick sa opposite na side ni Kelly.
"Oh, balita ko nga paalis ka na bukas. Gusto mo bang sumama ako?"
"Shut up! Kung wala kang matinong sasabihin aalis na ko!"
Tumayo na si Kelly at handa na ngang umalis pero may sinabi si Patrick na nag pahinto sa kaniya.
"Paano tayo?"
"Huh! Tayo? Walang tayo Patrick! Kung iniisip mo yung gabing may nangyare satin... Isipin mo nalang na matatanda na tayo normal nalang ang one night stand sa edad natin."
"Ano?! Ganun nalang yon sayo?"
"Oo! Bakit? Anong gusto mong gawin ko panindigan ka? Wow! Ano ka bakla?"
"Bakla? Huh! Hinahamon mo ba ko?"
"Ba-- Bakit a--anong gagawin mo?"
Nag alis kasi ng belt niya itong si Patrick at lumapit kay Kelly hanggang sa nahulog sila sa sofa.
Kelly gulped "i-- ikaw!!! Pag di ka umalis sasapakin kita!"
"Weh? Bakit ka nauutal at yang tenga mo namumula. Do you want me to do something to you?"
Kelly started to cry.
"He-- Hey!!! Ba- Bakit ka na iyak?!!"
Umiyak ng umiyak si Kelly haggang sa naupo na nga lang itong si Patrick sa may sahig habang naka sandal kung saan nakahiga si Kelly.
"Wala naman akong gagawing masama sayo. Tumahan ka na! Bakit ba parang ang weak mo na? Di ba dapat pinag sisipa at sasapak mo na ko?"
"Bakit ko gagawin yon? Babae ako, hindi ako lalake!"
"Ha?"
"Ewan ko sayo! Bwiset!"