Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 447 - Kabanata 447

Chapter 447 - Kabanata 447

Nagising si Kelly sa isang kama na sobrang laki at parang prinsesa ang kaniyang kwarto.

"Hmm? Asan ako? Kuya!!!"

"Oh... Gising na ba ang mahal kong prinsesa?"

Nagulat si Kelly sa biglang may nag salita dahil nag bukas bigla yung malaking tv sa harapan nya.

"I-- Ikaw?"

"Aha, ako! Ang future husband mo."

"Ano? Baliw ka na Paulo! Pakawalan mo ko dito!!!"

"Paulo? Ohhh... Paulo nga pala ang name ko sa Palawan but my true name is Jarious Paulo. I didn't know that you know my name na pala. Na touch naman ako don."

"Shut up! Pakawalan mo ko dito!!!"

Pumunta si Kelly sa may pintuan pero hindi nya ito mabuksan kahit ang bintana at ang pintuan papuntang balcony ay di niya mabuksan.

"My little princess you don't get out of here hangga't di ko sinasabi. Kaya wag mo ng pagurin ang sarili mo!"

"Pakawalan mo kong walanghiya ka!!!"

"No, bakit ko naman gagawin yon sa babaeng mapapangasawa ko?"

"Mukha mo!!!" Hinampas nya yung tv kaya nawalan ng connection kay Jarious na kilala as Paulo.

"You can't escape my princess. Sakin ka lang!!! Hahahahahaha..."

May cctv camera sa kwarto ni Kelly kaya nakapag salita parin itong si Paulo pero sinira rin ito ni Kelly.

"Damn it! Kailangan kong makataks dito."

Nag isip si Kelly ng way para makatakas sya. At gaya nga ng ginawa nya sa tv binasag nya ang class door na nasa balcony.

"Huh! Napaka weak naman pala ng glass door na ito."

At dali-dali ngang lumabas si Kelly at dumungaw sa may baba.

"Easy peasy." Aniya at tumalon sya sa may bubong at nag mala stunt woman. Dahil nga marunong sya sa martial art magaling rin sya sa pag talon-talon.

"Ayos!"

Pero ng makababa sya nagulat syang marami ng nakabantay na security guard.

"Anak ng!"

"Get her!" Sambit ng isang guard na si Benjo.

"Tsss! Ayaw nyo kong tigiln ha. Pwes, pasensyahan tayo."

Isa laban sa lahat halos mahigit sa 20 katao ang kalalabanin ni Kelly.

"Miss, wag na lang po kayong pumalag. Sumama nalang po kayo samin."

"Sumama your face!"

Sipa dito, suntok doon. Ilag dito, ilag doon. Paulit ulit hanggang sa ilan nalang ang natira sa mga guard at pagod na rin itong si Kelly.

"Ano? Sugoood!!!!" Ani Kelly na talagang palaban at makalipas pa nga ang ilang minuto isang guard nalang ang di nya napatutumba.

"Matigas ka ha. Pwes etong sa...yo..." Sambit ni Kelly ng mawalan sya ng malay.

Hindi kasi napansin ni Kelly na may itonurok sa kanya yung isang guard na pampatulog kaya nawalan sya ng malay.

"Magaling, ipasok yan sa kwarto ko." Sambit ni Paulo na kanina pa nanood sa monitor doon sa loob.

"Pero Sir, kailangan po natin syang dalhin sa hospital." Ani Benjo na sinalo kanina si Kelly ng mahimatay ito.

"Ano?!"

"Mukhang may allergic reaction po sya dun sa gamot na pampatulog.

Lumapit namang agad si Paulo at tinignan si Kelly na namumula at nag kakaroon ng red spot.

"Bwiset! Call Dr. Rafael at siguraduhin mong sya lang ang makakaalam about dito sa rest house."

"Opo Sir. Paano po si Ms. Kelly?"

"Ako ng bahala sa kaniya bilisan mo!"

"Opo."

At bigla namang umulan ng na buhat na ni Paulo itong si Kelly.

"Manang!"

"Sir."

"Get her a new clothes and ice she need tp take a bath."

"O-- Opo Sir."

"Bilis!"

"Opo."

Nang makarating naman sa cr sila Paulo ibinaba nya ng dahan-dahan si Kelly sa may bathtub.

Paulo gulped "lintek! Manang!!!"

Hindi kaya ni Paulo na hubaran si Kelly.

"Si-- Sir eto na po ang pinakukuha nyo."

"Paliguan mo sya."

"Po?"

"Babae ka di ba?"

"O-- Opo."

"Then, paliguan mo!"

"Opo Sir."

At lumabas na ng cr si Paulo.

"Bwiset!!!" Pagalit ni Paulo at iniwan nga kay Manang itong si Kelly na inaapoy na ng lagnat.

Samantala,

Sa Hospital...

"Kuya! San ka pupunta? Hindi ka pa magaling!" Sambit ni Kevin na saktong pag pasok sa kwarto ni Kian eh nag aayos na ito para umalis.

"May pupuntahan ako. Hindi ako pwedeng naka higa lang dito na alam kong nasa panganib ang kapatid natin!"

"Pero kuya! Hindi naman pwedeng pati ikaw eh mapahamak rin! Sila kuya Kim na ang bahala sa pag hahanap kay Kelly!"

Nag panting ang tenga ni Kian at kinuwelyuhan si Kevin "kung ikaw kaya mong paring mag trabaho sa hospital pwes ako hinde!"

Pak!

Sinapak ni Kevin si Kian.

"Kevin!" Bungad naman ni Rica na galing sa labas para ihatid muna sa bahay si Jacob.

Tinulungan namang tumayo ni Rica ang asawa.

"Ano bang ginagawa nyong mag kapatid?!"

"Sorry ate pero sumosobra na kso si kuya eh. Parang pinamumukha niya na wala akong pakialam kay Kelly!"

"Totoo naman kung may pakialam ka hahayaan mo kong hanapin sya! At di ka na mag tatrabaho!"

Slap!

Sinampal ni Rica si Kian.

"Ate Rica..."

"No Kevin, para matauhan itong kuya mo. Para malaman niya na kung hindi dahil sayo baka wala na sya."

"A-- Anong ibig mong sabihin?"

"Ate Rica... Wag na..."

"Hindi pwede ang ganito eh. Kailangan nating ipamukha sa kuya mo na ikaw ang nag ligtas ng buhay nya."

"Pero ate..."

"Ano bang nangyayare??? Anong ibig sabihin mo Rica sa kung hindi dahil kay Kevin wala na ko?"

"Matapos kang mawalan ng malay at mawala si Kelly sa resto kung saan kayo kumakain. Tumawag si Kelly kay Kevin bago mangyare yung gulo pinapunta nya ito sa resto kung na saan kayong mag kapatid dahil malapit lang itong si Kevin sa area."

"What?"

"Oo kuya, tumawag sakin si Kelly bago mangyare yung insidente nakita konksibyung my day nya at that time sobrang lapit ko lang dun sa resto kaso na late ako ng punta bago makidnap si Kelly."

"What? Sana sinundan mo!"

"Makinig ka nga muna kasi! Hindi pa tapos!" Pagalit na sambit ni Rica.

"That time kasi may volunteer ako sa isang barangay na malapit sa resto kung nasan kayo ni Kelly..."

Ang pangyayare kanina,

"Ayos, malapit na mag lunch gutom na ko kanina pa." Ani Warly.

"Tsss! Wala ka pa ngang nagagawa doyan gutom ka na agad." Sambit naman ni Carla.

"Huh! Sino kaya yung taga abot lang ng mga vitamins."

"Ano?!"

"Tumigil nga kayo diyan. Nakakahiya sa mga makakarinig sa inyo." Sambit ni Dr. Remil.

"Sorry po Doc." Anila.

"Ayaw nyo gayahin si Kevin tahimik lang."

At napatingin sila Warly at Carla at nag senyasan tapos lumapit at ginulat si Kevin na nakatulala.

"Ay kalabaw!"

"Itong dalawang to! Tigilan nyo nga si Kevin."

"Pero doc, kaya po yan eh tahimik kasi di nya alam kung paano sya mag papaalam sa inyo." Ani Warly.

"Warly!!!"

"Bakit? Ano ba yon Kevin?"

"Nag chat po kasi sa kaniya yung bunso nilang kapatid nag aaya na mag lunch daw po sila. Eh kilala nyo naman po yan si Kevin pag dating kay Kelly di nya ito matanggihan." Sambit naman ni Kevin.

"Carla naman!"

"You can go Kevin."

"Doc?"

"Like what Carla said di mo kayang hindian si Kelly."

"Pero Doc..."

"No worries kaya na namin nila Carla at Warly ito."

"Doc naman." Sambit nung dalawa.

"Heh! Kilala niyo naman si Kevin na paka dedicated niyang tao. Minsan lang yan mag excuse di gaya nyo."

"Hehe... Sige po doc payag na po kami." Ani Warly.

"Sige na Kevs, kami ng bahala ni Warly dito." Sabi ni Carla.

"Thanks guys and doc salamat po."

"Nako, wala yon alam mo namang di ko rin matitiis ang inaanak kong yon."

"Doc, inaanak nyo po si Kelly?" Pagulat na sambit nung dalawa.

"Oh, bakit naman gulat na gulat kayo diyan? Bata pa naman si Kelly no? Saka di naman sa binyag sa kumpil. Oa niyo!"

"Ahhhh..." Reaction nung dalawa.

"Hayaan mo na nga yang dalawang yan sige na umalis ka na baka inaantay ka na ni Kelly paki kamusta mo nalang ako."

"Sige po doc salamat po."

"Doc, pag nagka tuluyan po kami ni Carla kukunin din po namin kayong ninong ha?"

"Huh! Asa ka naman Warly kahit ikaw na lang ang nag iisang lalaki sa mundo di ako papatol sayo ulol!"

"Doc oh, si Carla ang harsh."

"Amakana Warly."

"Back to work!"

"Opo Doc."

"Itong dalawang talagang ito." Ani Kevin habang papaalis.

Ring... Ring...

Kelly: Kuya ano? Pinayagan ka ni Ninong?"

Kevin: Oo naman, lakas mo dun eh nangangamusta nga sayo kaya dalawin mo isang araw.

Kelly: Oo kuya. So, asan ka na? Papunta ka na ba?

Kevin: Oo mag lalakad nalang ako malapit lang naman yung resto dito.

Kelly: Okay kuya, cr lang muna ako nasa table naman na si kuya Kian hanapin mo nalang pag dumating ka dine.

Kevin: Okay sige. Bye.

Dahil nga may service sila Kevin hindi na nya na dala ang motor nya. At dahil nga malapit naman yung resto sa barangay kung asan sila nilakad niya nalang ito.

"Hu...Hu... Hu..."

At habang nag lalakad nga itong si Kevin may nakita syang batang lalaki na umiiyak.

"Hmm? Bata, ayos ka lang? Bakit ka naiyak?"

"Tinulak po kasi ako nung kalaro ko."

"Ha? Nasan siya?"

"Di ko po alam. Hu... Hu...Hu...."

Nakita naman ni Kevin na mag sugat yung bata sa tuhod nito.

"Taga san ka? Where's your mom? I mean asan ang nanay mo? Bakit ka ba nasa labas?"

"My mom need to work that's why I'm with my auntie."

"Oh, mga bata nga pala ngayon magagaling na rin amg english." Pabulong na sambit ni Kevin.

"Did you said something po?"

"Ha? No-- Nothing. Ahm... By the way where's your auntie? Tsaka gagamutin ko muna yang sugat mo para di mainfection. Nurse ako." Pinakita nya yung id nya dun sa bata.

"Okay po but can you be more gentle po?"

"O-- Okay lang naman."

At sinumulan na nga ni Kevin na gamutin yung tuhod nung bata buti nalang at lagi syang handa kaya lagi syang may medkit sa bag nya.

"Arci!!!"

"Auntie!"

"Where have you been ba?"

"Sorry po Auntie tumakas ako sayo."

At niyakap nung si Arcinang tita niya.

"Ahem!" Reaction ni Kevin.

"Ah, auntie Maecey si Nurse Kevin po sya po yung nag treat ng right knee ko."

"What? What happened?"

"Thane get mad at me then he pushed me and left."

"What? That kid!!!"

"Ahem... Mga bata lang naman sila part na yan ng pag laki nila

"Ah... Sorry, by the way thankyou for treating my nephew."

"Ah, wala yon. Sige maiwan ko na kayo nag mamadali kasi ako. Arci, take care always okay? Wag mo munang basain yang sugat mo. Okay?"

"Opo nurse thanks po."

"Ah... Wait, nurse..."

"Kevin nalang."

"Oh yeah... Ahm... Where are you going? Baka pwede ka namin i-drop by."

"Ah, di na malapit lang naman yung Al Fresco Resto na pupuntahan ko."

"Oh, yung bagong bukas? Dun kami pupunta ni Arci may ka meet up kasi ako."

"Ah... Di ko sure pero parang nabanggit ng kapatid ko na bago nga yung resto na yun dine."

Hinawakan naman ni Arci ang kamay ni Kevin.

"Pumayag ka na po sumabay ka na po samin."

"Ha? Pero kasi..."

"Just think that this is our way to say thankyou for helping my nephew."

"Nurse Kevin? Sige na po."

"Sige na nga... Lets go?"

"Opo!"

At dahil nga sumakay na itong si Kevin dun sa kotse nila Arci nakarating agad sya sa resto.

"Ito na ba yung resto? Bakit may dumating na mga pulis?" Sambit ni Kevin.

"Hmm? Alam ko ito yun eh. Arci stay here muna sa kotse okay?"

"Opo Auntie."

At dali-dali na ngang pumunta sa resto yung dalawa pero di sila pinapasok.

"Anong sabi nyo? May kidnapang nangyare?" Pagulat na sambit ni Kevin.

"Oo base sa narinig ko yung babae mayaman kasi fiancée daw ng young master ng Santos Corp."

"Si Kelly?!"

Dali-dali namang nag pumilit na pumasok si Kevin.

"Kuya!!!" Ang pa gulat na sambit ni Kevin ng makita nya si Kian na papalabas ng resto.

"Sir, di po kayo pwedeng lumapit." Sabi ng pulis.

"Sir, kapatid niya po ako. Isa rin po akong nurse."

"Andito na ang ambulansya!" Sabi nung isang pulis.

"Sige na, isama niyo na rin ito." Sabi nung pulis at sumakay na nga rin sa ambulansyabai Kevin.

"Kuya!!!"

At habang nasa biyahe nga biglang bumaba ang bloof pressure at oxygen level ni Kian.

"Ku-- Kuya?"

"Nurse ka ba?"

"Opo Sir. Bakit po?"

"Sorry pero bad timing walang oxygen tank sa ambulance na ito."

"Ano ho? Ambulansya po ito pero walang oxygen?!" Galit na galit na sambit ni Kevin.

"Mamaya ko na ipapaliwanag tulungan mo na muna ako sa kuya mo. Bago mahulibang lahat!"

At di na nga naka pag timpi si Kevin tinulak yung lalaking nurse na kausap niya at sya ang gumawa ng paraan para mailigtas ang kuya Kian niya.

"Kuya Kian!!! Lumaban ka!!!" Ani Kevin habang mag pa pump sa kuya niya at umiiyak.

"Seroy! Bilisan mo mag patakbo!" Sabi ning nurse na kausap kanina ni Kevin.

"O-- Oo malapit na tayo sa hospital!"

"Bilisan mo pa kung kinakailangan paliparin mo ang palpak na ambulansya na ito!!!"

"O--Oo."

***

Habang lumilipas ang mga oras lalong di mapakali ang ang Dela Cruz brothers. Dahil sobra na silang nag aalala kay Kelly.

Sa hospital,

"Guys!"

"Ethan! Anong balita?" Sambit agad ni Kim.

"Papunta ng tagaytay ang tropa may balitang nakita doon si Kelly."

"Sasama kami." Sabay-sabay sambit ng mga kuya ni Kelly.

"Pero hindi ka pa ayos Kian."

"Ayos na ko. Di ba Kevin?"

"Oo, ako nalang bahala kumausap sa doctor mo."

"Ayos! Tara na mga brother sunduin na natin ang prinsesa natin. Lintek lang talaga ang walang ganti!" Ani Keith.

"Oo!" Anila.

At ng mag punta ang mag kakapatid sa lugar na sinasabing nakita si Kelly kasama ang mga pulis ay wala sila roong nadatnang kahit bakas na ng galing roon ang kanilang kapatid.

"AHHHH!!!"Sigaw ni Kian at pinagtatapon ang mga gamit doon sa lugar na pinungahan nila.

"Sorry kuya nahuli po ako." Bungad ni Patrick.

Pak!

Dahil nga galit na galit si Kian di niya na pigilan na sapakin si Patrick.

"Kuya!!!" Anila Kevin at inawat si Kian.

"Hindi ba sinabi mong may konekayon ang pamilya mo? Bakit hanggang ngayon wala parin si Kelly?!!!!"

"So-- Sorry po kuya..."

"Wag mo kong tawaging kuya!!! Hindi kota kapatid!!!"

"Kuya, kumalma ka muna." Sabi ni Kevin.

"Paano ako kakalma? Halos mag dadalawang araw na pero wala paring balita kay Kelly!!!" At bigla nalang nanlambot ang mga tuhod ni Kian at unti-unti ring tumutulo ang kaniyang luha. "Hindi ako naging mabuting kuya kay Kelly... Bakit sya ang pinarurusahan..."

"Kuya..."

At naging malungkot na ngang bigla ang atmosphere at natulala nalang at walang gustong mag salita.

"Ganon nalang? Susuko nalang kayo?" Sambit ni Vince.

"Vince!" Anila.

"Nakabalik ka na?" Sabi ni Keith.

"Oo kuya, halos kararating ko lang galing Taiwan. Umuwi akong agad ng malaman ko ang nangyari kay Kelly. So, ano? Anong balak nyo? Tutunganga nalang?!!"

"Sa tingin mo ba? Kaya naming matiis si Kelly?! Yan ngang si Patrick walang lead!!! Walang kwenta!!!"

"Kuya Kim!" Ani Kevin.

"Kuya Kian, may nakuhang impormasyon si kuya Emman sa taong pinapahanap mo."

Ibinigay ni Vince kay Kian yung calling card.

"Sinong tao?" Tanong ni Keith.

"Kuya, ipinahanap mo yung taong yon? Hindi ba nag usap na tayo na wag munang..." Hindi na nga natapos ni Kevin ang sinasabi nya.

"Hello..."

"Kuya Kian!"

Tinitigan ng masam ni Kian si Kevin at di na nga ito nakapag salita.

At nag patuloy naman si Kian sa pakikipag usap dun sa may ari ng number sa calling card.

"Oo, ako ito si Kian Dela Cruz panganay na anak ni Kemwell Dela Cruz ang taong binaril mo ng walang kalaban laban!"

Nagkatinginan ang mag kakapatid at sila Vince at Ethan pati na rin itong si Patrick na kanina pa di nag sasalita dahil sa kahihiyan.

"Kuya! Bakit mo tinawagan ang taong yon?!" Ani Kim.

"Sinabihan ko na yang si kuya pero di nakinig." Sambit ni Kevin.

"Kuya! Bakit sya pa ang gusto mong hingan ng tulong?! He killed our dad!" Pagalit na sambit ni Keith.

"Enough! Sa tingin nyo ba gusto kong gawin ang bagay na ito? Desperado na ko mahanap lang si Kelly!"

"Pero kuya, hindi tamang sa taong yun pa tayo hihingi ng tulong! May mga pulis na nag hahanap kay Kelly andito pa si Ethan isa rin syang pulis." Sabi ni Kim.

"O-- Okay lang brad naiintindihan ko. Alam kong na babagalan kayo sa pag hahanap naming mga pulis pero... kung sa illegal kayo hihingi ng tulong baka..."

"What Ethan? Mag susumbong ka?! Go! Gawin mo! Hindi ako natatakot! Dahil gagawin kong lahat para lang makitang agad si Kelly! Kahit makulong pa ko!"

"Ah... Ahm... Hindi naman sa ganun kuy's... Ang akin lang naman kasi eh baka..."

"Kuya Ethan, si Kelly ang pinaguusapan dito. Kung yun ang mabilis na paraan para mahanap ang pinsan ko, susugal na rin ako! Count me in kuya Kian! Para kay Kelly!" Ani Vince.

"Ako rin Sir!" Sabi ni Patrick.

"Nice dude!" Sambit ni Vince at umakbay kay Patrick.

"Handa rin akong gawing lahat mahanap lang si Kelly!" Sabi ni Keith.

"Ako rin! Hindi ako papayag na di ko rin mailigtas si Kelly kaya handa rin akong humarap sa consequences."

"What about you kuya Kevin? Ano na?!" Ani Vince.

"May choice pa ba ko? Ayoko naring patagalin ito nag aalala na ako kay Kelly mabilis syang mag ka sakit. Lalo na sa hindi naman nya environment. We need to rescue her a soon as possible."

"Fine! I will help you guys! Pero guys, tandaan nyo pulis pa rin ako kaya di nyo maalis sakin na gawin ang trabaho ko. Pero para kay Kelly, para ko na rin naman syang nakababatang kapatid. Lalabagin ko ang batas maligtas lang sya!"

"Nice kuya Ethan, magiging proud lalo sayo si ate Alice nyan." Ani Vince.

"Para sa kapamilya gagawin ang lahat."

"So, one for all, all for one ba mga kuy's?"

"Yeah!!! Para kay Kelly!!!"

"Let's go!!!"