Gabi na ng nakauwi si Kelly at pag pasok nya sa bahay nila nasa sala nakaupo ang mga kuya niya maliban kay Kim at sa twins na wala noon sa kanila. Pero hindi pinansin ni Kelly ang mga ito at nag dire-diretso lang sa pag lalakad patungo sa kwarto nya.
"Kelly! Bunso!" Sambit ni Kevin na di natiis ang kapatid.
"I'm tired I want to rest."
"Pero bunso... Please talk to us!"
Lumapit na rin naman si Keith ng mga oras na yon kay Kelly "bunsuan, sorry na hindi naman namin sinasadya na mag secret sayo. Di ba Kevin?"
"Oo, ayaw lang namin na isipin mo na masamang nanay si Mommy. Sana maunawaan mo."
"Enough!"
"Bunso..." Sabay sambit nila Kevin at Keith na hawak ang kamay ni Kelly na para hang nag mamakawa.
"Let me go! Inaantok na ko gusto ko ng mag pahinga."
"Pero Bunso... Makinig ka naman samin muna." Sabi ni Keith.
Nag pupumiglas si Kelly at sinabing "gusto ko ng mag PAHINGA!!!"
Sa pag sigaw na yon ni Kelly bumitaw agad sila Kevin at Keith sa pagkakahawak sa kaniya.
"Bunso... Sorry..." Anila.
Di na kumibo si Kelly at nag patuloy sa pag lalakad at jung nasa pag akyat na sya ng hagdan napahinto sya at tinignan nya ng masama ang mga kuya niya.
"Mag babakasyon ako sa Batangas bukas na ang alis ko."
"Were going with you!" Sambit agad ni Kian.
"No! Walang susunod sakin kila lola! Kapag sumunod kayo ipagkakalat ko ang baho ng pamilyang ito!" Then he continued to walk at di na lumingon pa sa mga kuya niya.
"Kelly Ann Marie!!!" Pahabol na sambit ni Kian.
"Kuya, hayaan mo nalang." Sabi ni Kevin.
"Ano ng gagawin natin? Lalo ng magagalit satin si Kelly kapag sumunod tayo." Sabi ni Keith.
"Don't worry tol, nakausap ko na si Patrick about diyan at ayos ng lahat." Sagot ni Kevin.
"Anong sabi ni Patrick?" Tanong ni Kian.
"Doon tayo sa labas baka biglang bumaba si Kelly."
"Tara, tara."Sambit agad ni Keith.
At nag usap-usap na nga yung tatlo about sa plan ni Patrick.
"Ano?! Bakasyon? Silang dalawa?" Sabay sambit nila Kian at Keith.
"Shhh... Ang ingay nyo naman! Kaya nga tayo lumbas dine eh!"
"Sorry, sorry..." Anila.
"Pero bakit silang dalawa lang?! Mag kasama silang dalwa?" Tanong agad ni Kian.
"Hindi kuya chill ka lang. Kila lola titigil si Kelly at di kasama si Patrick."
"Pero kung di sila mag kasama paano pa nagong bakasyon yon?" Tanong naman ni Keith at nabatukan sya ni Kian at sinabing "pwedeng mag bakasyon ng di mag kasama sa bahay!"
"Oo na tol. Ang akin lang eh paano ang gagawin dun ni Patrick? Paano nya mapag lalapit siila Kelly at yung twins?"
"Sa ngayon, mabuting wag na muna tayong makisawsaw sa plano ni Patrick dahil tayo ang may kailangan sa kaniya."
"Pero sabihin mo sa mokong na yon na wag syang lalagpas sa limitation nya. Kung ayaw nyang di na siktan ng araw." Seryosong sambit ni Kian.
"Oo kuya na sabihan ko na sya at di naman yun sisira sa pangako nya dahil alam nyang magagalit tayo sa kaniya. Isa pa, mahal nya si Kelly at gusto nyang ma-accept na natin sya para sa kapatid natin. Kaya mag tiwala nalang tayo dun sa tao."
Nang gabi ring iyon nakipag meeting sila Flin at Nick kay Patrick sa isang fine dining restaurant na sila mismo ang nag mamay-ari.
"Oh... I like it! The meat is so soft that it can melt in my mouth." Sambit ni Patrick.
"You really liked it?" Sabi ni Flin.
"Um. Actually, I love meat especially steak but I like it with my special e from our resto. Sorry for including other resto here."
"It's okay we know that you and your family has a lot of businesses and compare to your restaurant ours is nothing."
"No! Don't misunderstand I just wanna say that..."
"It's okay you don't need to explain everything the important here is our sister, Kelly." Sambit ni Nick.
"Oh yes, sorry for the interruption. Mr. Johnsen!"
Lumapit si Johnsen na nasa kabilang table lang at may iniabot na brown envelope kay Patrick na iniabot naman nito sa twins.
"What is this?" Anila.
"Mr. Johnsen will explain everything."
Nagkatinginan yung kambal at binuksan yung envelope at nag simula na ring mag explain si Nr. Johnsen.
"A beach and resort?" Sabay sambit nung twins.
"Yes, our president and that's him my young master he will giving you that beach and resort after the endorsement from us."
"But wait, we can't accept this kind of deal or reward or something. This is too much!" Sambit ni Kian na ibinalik sa envelope yung mga papeles na nag sasabing mapapasakanila yung beach and resort na binili ni Patrick after the endorsement contract within a month.
"Aha, and I think now I know why our brothers especially Kian ain't like you because of your attitude or should I say you're freaking rich boy!" Sabi ni Nick na para bang na disappoint kay Patrick.
"Ah... Ahm... Sorry but please don't misunderstand my young master."
"It's okay Johnsen you can go back to your seat. Ako ng bahala dito."
"Pero Sir..."
"Okay lang sige na."
"Opo Young Master."
After Mr. Johnsen si Patrick na nga ang nag explain kung bakit nya ginawa yung ganon.
"Like what I have said I want to help you guys to be closer to Kelly I don't want you two misunderstand me."
"I know you just want to help us but beach and resort is too much! We don't need it we need Kelly to accept us!" Sagot ni Flin.
"Yes! We don't need your freaking beach and resort!" Pag sangayon naman ni Nick.
"Okay guys you two passed!"
Nagkatinginan yung twins at sinabing "what do you mean we passed?"
"I think Kelly will eventually like you guys."
"We don't understand you." Sabi ni Flin.
"Wait, by any chance are you...testing us or somethin' like that?" Sambit naman ni Nick
"Aha! Nadale mo! I mean you got it!"
"What? You're really testing us?"Anila.
"Um. I know, Dela Cruz family they're not into money or anything materialistic ekek. I mean, I'm dating Kelly for so long and on that I noticed her family is humble and so down to earth. That's why I'm rooting to you guys."
"Huh! You're unbelievable man!" Sabi ni Nick.
"So... from the very beginning we enter your company you are watching our moves?" Opinyon ni Flin.
"That's right, and nalaman ko rin kay Mr. Johnsen na hindi nyo tinanggap ang other deal out of the contract. But why? I triple the talent fee just to make you guys stay here in the Philippines but why aren't you guys accept it? That's a good deal! As far as I know, our company is the first company that offer you guys a high talent fee and good benefits pero bakit hindi nyo pa rin tinanggap? Aren't you guys short of money?"
"Huh! So what, if we are short of money? That's none of your business! As you can see, we owned this restaurant and we are proud that we invested our money here and we don't regret it. Because all of this is for our siblings especially Kelly." Ang seryosong sagot ni Nick na kinagulat ni Patrick ganoon rin itong ai Joyna nakikinig rin sa usapan.
"Yoou mean... All of this is for Kelly and to her brothers? But why are you guys doing this for them? Hindi ba after so many years ngayon lang kayo nag meet?"
"Um. We want mom to become happy and this restaurant also is our gift to her so she can stay here in the Philippines together with her family."
"But, you guys are her family too..."
"Yeah, but after a decade or something years that mom is in our side she never showed sadness she's always happy and responsible even though we know that she misses our brothers and sister here in the Philippines. Now, it's payback time."
"So we made a decision that when mom get back here she will surely stay with them and to this resto also."
"But what about you guys?"
"Nick and I were going back to Canada and leave there forever."
"Pero, bakit ayaw nyo nalang mag stay sa Pilipinas? Isa pa kapag nalaman ni Kelly ang mga ito sure akong magiging close na kayo and 100% sure rin na she won't let you go."
"Maybe what you've said is true but we cant leave here. Philippines is not for us its for our siblings. We don't want them to think that we stole everything from them. And we don't belong here right, Nick?"
"But what about Kelly? Gusto nyong matanggap niya kayo at maging close sa kaniya pero iiwan nyo rin pala siya? Inisip nyo man lang ba ang mararamdaman ng kapatid nyo?"
Sa isip-isip ni Johnsen "ang ganda ng sinabi ni young master pero naiintindihan kaya nila? Kailangan ko kayang i-translate?"
"Johnsen!"
"Young Master?"
"Tara na!"
"Po?"
Tumayo na nga si Patrick ng mga oras na yon dahil sobrang na disappoint sya doon sa kambal.
"O-- Opo Young Master."
Paalis na sana yung mag amo ng biglang tinawag ni Flin si Patrick "are you still willing to help us to get close..."
Huminto si Patrick at he interrupted Flin "yes! I'm still willing to help you guys para mapalapit kayo kay Kelly. But, I have one condition..."
Humarap si Patrick dun sa twins at nagkatinginan naman yung kmmag kapatid at sinabing "what is it?"
"Don't make her happy."
"What?"
Tumalikod na ulit at nag patuloy si Patrick pero may huli pa syang sinabi "for you to find out guys. See yah!"
"He-- Hey!!!" Pahabol na sambit ni Flin pero hindi na sila nilingon ni Patrick at tuluyan na ngang umalis.
"Let him be. I think I know what he wants to tell us." Sambit ni Nick.
"Hmmm?"
Samantala,
Papunta naman ang mag among sila Patrick at Johnsen sa Batangas...
"Pero Young Master, bakit ganoong condition po ang hiniling nyo sa kambal?" Tanong ni Me. Johnsen habang nag dadrive.
"Sinabi ko yon para sa kapakanan ni Kelly. Because knowing her mabilis lumambot ang puso nun kahit mabilis uminit ang ulo nya. Kaya in no time I'm pretty sure magiging close na agad sya doon sa twins at pag nangyari yon gugustuhin na ni Kelly na mabuo silang mag kakapatid hanggang sa..."
"Hanggang sa tuluyan ng mahulog ang loob ni Miss tapos ending forda cry sya kasi iiwan rin pala sya ng mga ito tapos magagalit lang uli sya sa mga kuya nya kasi ang pinangarap nyang buong mag kakapatid nag laho lang ng ganon. Tama po ba?"
"Oo, kaya ayokong pasayahin ng kambal si Kelly kung sasaktan rin nila ito. Dahil di ko mapapatawad ang sarili ko kapag nakita kong broken si Kelly."
"Pero sa tingin nyo bakit ayaw nu g kambal na mag stay dito sa Pinas?"
"Actually, naguguluhan na rin talaga ako iniisip ko nga ngayon na bakit ba ako nag agree na tulungan ang mga yon? Mga wala naman silang kwenta dahil gusto nilang iwanan si Kelly."
"Pero Young Master baka talagang ayaw lang nung kambal na makisawsaw pa kila Madam. Lumugar din po kayo sa pwesto nung dalawa."
"Ewan ko! Bahala na sila di na ko masyadong mag eeffort I will let them realize na worth it na mag stay dito at buoin ang family nila."
"Ahm... Young Master..."
"What?!"
"Ahm... Kanina ko pa po talaga ito gustong itanong sa inyo."
"Ano ba yon?"
"Ahm... Bakit po gusto nyong mauna tayo sa Batangas? Hindi po ba may usapan na kayo ni Ms. Kelly na susunduin natin sya para sabay kayo papunta sa Batangas?"
"Ha? Did I said that to her?"
"O-- Opo. Kaya nga po ako eh nag tataka ng sinabi nyong pumunta na tayo ngayong gabi sa Batangas knowing na may plan na po kayo with Ms. Kelly."
"Hayssss! Bakit di mo sinabi?! Are you still my assistant ha?"
"Sorry na po na dala lang din po ako ng emosyon. Pero okay na rin po na mauna tayo kay Young Miss para i-surprise po natin sya."
"Tsss! Siguraduhin mo lang talaga na ma surprise sya kung ayaw mong wala kang sweldo next month."
"Young Master naman..."
"Heh! Manahimik ka! Tatawagan ko na si Kelly! Pasaway!"
"Opo Young Master sorry po."
At tinawagan na nga ni Patrick itong si Kelly na ng mga oras na iyon eh nag aayos na ng maleta para sa magiging bakasyon nila....
Kelly: Ha? Akala ko ba susunduin mo ko sa office bukas?
Patrick: Sorry Babe, something came up kaya I need to go first sa Batangas. Papasundo nalang kita sa office okay?
Kelly: Okay sige ingat kayo.
Patrick: Um. Goodnight love you.
Kelly: Love you too see you tomorrow.
Patrick: Um. Bye- Bye.
Kinabukasan,
Maagang nagising ang mga kuya ni Kelly para mag luto ng kanilang agahan at nagulat naman sa kanila sila Faith at Rica dahil naunahan sila ng mga ito.
"Ayos lang yun ate dati naman kami na ang nag luluto sa bahay isa pa pagod kayo sa pag aalaga sa babies." Sabi ni Kevin na naghahain na sa mesa.
"Kaya maupo na kayo dun at mamaya eh kakain na rin." Sambit naman ni Keith.
Ding... Dong...
"Oh? Ang aga ng bisita natin." Sabi ni Faith.
"Ako na ang mag bubukas." Sabi ni Kevin at pag bukas nya nga eh bumungad sa kaniya yung kambal na may dalang pasalubong at bouquet of flowers para kay Kelly.
"Ang aga nyo hindi ba ngayon mag sisimula ang shoot nyo?" Sabi ni Kian.
"Yes, later, so we drop by to see you guys first before we go there." Sabi ni Flin.
"Ohh... Tamang tama kakain na have seat and eat with us."
"Um. But where is Kelly? Is she still sleeping? We have flowers and eggpie for her." Sambit ni Nick.
"Yes we have pasalubong to everyone too." Flin said.
"Oh, thanks. Pero tulog pa si Kelly but later she will be here na rin." Sagot ni Kevin.
"Oh, ayan na pala si Kelly at may... dalang... ma...leta???" Pagulat na sambit ni Faith.
"She's going to Batangas, honey. I will tell you later." Pabulong na sambit ni Keith.
Nakita naman ni Kelly na nasa bahay na naman nila yung kambal kaya umiwas nalang sya at di na sila pinansin.
"Bunso!!! Teka lang!!!" Pahabol na sambit ni Kevin at nagsi sunod ro naman ang mga ito kay Kelly sa labasan.
Iniaayos naman ni Kelly ang maleta nya sa atv car at di parin nakibo sa mga kapatid nya.
"Ihahatid nalang kita wag ka na dyan delikado." Sabi ni Kian na ibinaba ang maleta ni Kelly.
"Oo nga bunso hahatid ka nalang namin kumain ka na muna nag luto kami ng paborito mong tapsilog." Sabi ni Keith.
"Um. Tsaka may pasalubong sayong eggpie at flowers sila kuya Flin at kuya Nick." Sambit naman ni Kevin.
Di kumikibo si Kelly at itinaas nyang kuli sa likuran nga atv car nya gung malete na ibinaba namang muli ni Kian "ihahatid ka na nga lang namin wag ka ng makulit delikado yang ginagawa mo eh baka mabagsak yang maleta mo."
"Nga naman babysis mag kotse nalang tayo." Sabi naman ni Kevin.
"Oo bunso para di ka na mahirapan." Opinyon naman ni Keith.
Nag sisimula ng uminit ang ulo ni Kelly ng mga oras na yon lalo na ng lumapit yung kambal at iniabot yung pasalubong nila.
"I hope you will like it." Sabi ni Flin.
"Mom told us that you like pink carnation and eggpie so we buy..." Sambit ni Nick na di na nyanatapos dahil biglang may sinabi si Kelly at ang sama ng tingin sa kanila nito.
"Hindi ko na gusto ang mga yan starting today!!!"
"Ha?" Reaction nung twins habang hawak parin ang pasalubong nila kay Kelly.
"What? Hindi nyo na intindihin ang sinabi ko?"
"N-- No we understand." Sabay sambit nung twins.
"Good! Wag kayong tatanga tanga nasa Pilipinas kayo!"
"Kelly! That's enough!!! How dare you to talk back to them like that? Ganyan ba ang itinuro namin sayo kung paano makipag usap sa ibang tao? Respetuhin mo naman sila kahit galit ka dahil tao rin sila at hindi robbot!"
"Kuya..." Sabi ni Kevin na para bang inaawat ang kapatid.
"Ohhh... Nga naman, tao nga pala sila dahil ako lang pala ang hindi tao dito para paglaruan at gawing tanga ng buong buhay ko!!!"
"Bunso, hindi naman ganun ang ibig sabihin ni kuya Kian." Sabi ni Keith.
"Pwede ba, leave me alone? Buong buhay ko naging sunod sunuran ako sa inyo lahat na kahit ang sarili kong desisyon kayo ang nangingialam. Pagod na ko, kaya pabayaan nyo ko. Isipin nyong hindi nyo ako kapatid!" Kinuha nya yung maleta at nag walk out.
"Kelly!!!" Pahabol na sambit ni Kevin at hinarangan nya ang kapatid bago pa man ito makalabas ng gate nila.
"Kuya, this is the last time na maririnig mo kong tatawag na kuya sayo kapag hindi ka umalis diyan!!!"
"Pero bunso, ano bang gusto mong gawin namin para mapatawad mo kami?"
"Wala."
"Ha?"
"WALA, DAHIL AYOKONG PATAWARIN KAYONG LAHAT!!! Galit na galit ako sa inyo kuya!!!" Pagalit na sagot ni Kelly at nag simula na rin syang lumuha ng mga oras na yon "when I was kid akala ko kayo na ang perpektong mga kapatid pero anong ginawa nyo? Sinira nyo yung trust ko sa inyo! Lalo ka na kuya Kevin alam mo sa inyong apat ikaw ang paborito kong kuya kasi ikaw ang parati kong kakampi at lagi mo akong ipinagtatanggol lalo na kay kuya Kian. You even sacrificed your knees para lang samahan akong lumuhod sa munggo kapag pinarurusahan ako ni kuya Kian. Pero bakit kuya? Bakit sa kanilang lahat ikaw pa ang hindi nag sabi sakin ng totoo? Hindi ba wala tayong secrets? Pero bakit? Bakit ganito??? BAKIT KA NAG LIHIM SAKIN??!!!!"
Iyak ng iyak si Kelly ng sumigaw sya kaya niyakap sya ni Kevin at humingi ng tawad.
"You said, you're always by my side pero bakit ka... Nag SINUNGALING?!!!" Tinulak nya si Kevin.
"Bunso, sorry!!! Hindi ko naman ginusto na mag sinungaling sayo. Pero wala akong magagawa ayokong masaktan ka."
Pinunasan ni Kelly ang luha nya at sinabing "huh! Masaktan? Sa tingin nyo ba hindi ako nasasaktan ngayon? Bakit? Ano bang tingin nyo sakin? Robbot?"
"Bunso, ginawa lang naman naming mag lihim sayo para na rin sa kapakanan mo. Ayaw naman namin na isipin mong hindi tayo mahal ni mommy dahil second family nya lang tayo." Sabi ni Keith na inalalayan si Kevin na tumayo.
"Huh! Sa kapakanan ko? Bakit sa tingin nyo ba kung hindi ko malalaman ang sikreto nyo matatahimik ang mga konsensya nyo?"
"HINDE!" Pa sigaw na sagot ni Kian na kinagulat ng lahat. "Siguro nga tama ka sa lahat ng sinabi mo pero sa tingin mo ba kung sinabi namin agad sayo na second family lang tayo ni Mommy at nasa Canada sya dahil kila kuya na ang mas pinili niya na makasama ay sila over us! Sa tingin mo ba di ka magtatanim ng galit kay mom? O sa tingin mo ba madali lang saming mga kuya mo ang lahat? Sa tingin mo ba di rin kami na sasaktan? Kelly, bilang mga kuya mo kami ang mas unang nasaktan ng nalaman namin ang sikreto na yon. Tinanong ko nga ang sarili ko ng mga oras na yon, bakit? Bakit hindi kami ang priority ni Mom? Pero eventually I realized at ipinaintindi ko sa sarili ko at sa mga kuya mo na ito na ang buhay natin. Oo second family tayo ni Mom at may iba pa syang anak pero dapat doon lang tayo sa positive side dahil mahal tayo ni Mom itinaguyod nya tayong lahat ng nawala si Daddy."
"At katulong rin ni Mom na nag taguyod satin eh sila kuya Flin at kuya Nick." Sabi ni Keith.
Tumingin naman si Kelly dun sa twins pero nahiya ito sa kaniya kaya tumungo nalang sila na para bang animo'y nag tinignan sa baba.
"Kaya sana maintindihan mo na hindi ka namin gustong pag lihiman. Ninais lang namin na magkaroon ka ng good impression kay Mom dahil hindi naman nya tayo totally iniwan nag trabaho sya sa Canada kasama sila kuya Flin at kuya Nick para rin sa future natin. Kita mo naman nakapag tapos tayong lahat ng pag aaral may magandang tinitirahan at may pagkain sa araw-araw." Sabi ni Kian.
"Sa tingin mo ba kuya ganon nalang yon? Na tatanggapin ko nalang ang lahat? Bakit wala na ba akong karapatang masaktan? Oo sabi mo nga doon tayo sa positive side pero kuya naisip mo o nyo rin ba ang magiging impact nito sakin dahil nag sinungaling kayo? Lahat ng negative ngayon ako ang nakakaramdam! Pamilya tayo dito pero pinili nyong mag lihim sakin para lang isipin ko na best mom si mommy. Pero bakit ganito? Sobrang sakit sakin na ang mga pinagkakatiwalaan ko hindi pala nagtitiwala sakin na pinili nalang nilang mag sinungaling imbes na sabihin ang katotohanan."
"Bunso, hindi naman sa ganon... Don't misunderstand us." Sabi ni Kevin.
"No, I'm okay or maybe not? Hindi ko na rin talaga alam. Pero isa lang ang alam ko at sigurado ako ayokong makita o makasama kayo. Gusto kong mapag isa kaya wag kayong susunod kung ayaw nyong hindi na ako bumalik dito." Then she walks out.
"Kelly!!! Bunso!!!" Pahabol na sambit ni Keith.
"Honey, pabayaan nyo na muna si Kelly she needs time to heal and space to breath." Sambit ni Faith.