Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 411 - Kabanata 411

Chapter 411 - Kabanata 411

At sumimple na nga si Kelly ng labas ng bahay nila para kitain si Patrick doon sa may tindahan malapit sa kanila.

"Kelly!" Bungad naman ni Kim at kinagulat naman yon ni Kelly.

"Ku-- Kuya! Andiyan ka parin sa kotse?"

"May kinuha lang ako. San ka pupunta? Gabi na!"

"Hmm? Ahm... Sa tindahan lang may bibilhin."

"Bibilhin? Ano? Para ako nalang ang bibili."

"Ha? Ah... Eh..."

"Ano?"

"Ahm... May bibilhin lang ako kay ate Haidie."

"Ano nga? Ako na ang bibili para sayo."

"Di na kuya ako nalang snacks lang naman."

"Snacks? Meron sa pantry ah."

"Maiba lang kakasawa na kasi..."

"Oh sya, bilisan mo gabi na."

"Um."

At nag madali na nga si Kelly papunta sa tindahan kung nasaan si Patrick.

"Babe!" Bunga ni Patrick ng makita nya agad si Kelly nasa loob pa sya noon ng kotse.

"Oh? Ikaw ang nag drive?" Sagot ni Kelly na sumakay sa kotse.

Niyakap naman ni Patrick ka agad si Kelly ng makasakay ito sa kotse nya.

"Namiss na kita sobra."

"Tsk... Um. Nasan si Mr. Johnsen? Bakit ikaw ang nag drive hindi ba at kabilin bilinan nila Uncle na wag kang mag dadrive!"

"Chill ka lang! Si Johnsen ang nag drive nasa labas lang sya look out."

"Oh... Akala ko ikaw nag drive eh magagalit talaga ko sayo."

"Oh? Concern ka?"

Kelly bonked him "alangan! Baliw!"

"Ahm. Nga pala, here may dala akong vanilla icecream."

"Eh? Kanina ka pa dine edi pa tunaw na yan!"

"Ehhh... kasi... wala akong maisip na ipasalubong sayo kaya yan nalang ka ko. You don't like ba? I will order nalang just tell me."

"Hayssss... Yan na nga ba ang ayaw ko sayo eh kung gusto mong tumagal pa tayo wag mo kong bigyan ng bigyan ng kung ano-ano hindi naman tayo mag asawa para sa mga ganyang bagay. Isa pa, ayokong isipin ng iba na pineperahan kita dahil mayaman ka. Kaya kong bumili ng gusto ko kung gugustuhin ko kaya wag mo na kong ini-spoiled!"

"Sorry..."

Kelly sighed and hold Patrick's right hand "ayoko lang kasi na pati ikaw ma misinterpret mo ko dahil sa palagi mo akong binibigyan ng kung anu-ano. Gusto kita dahil mahal kita hindi dahil mayaman ka."

"Talaga? You loved me? Kiss mo nga ko." Sambit ni Patrick na para bang nag papa cute. Pero inilayo ni Kelly ang mukha nya.

"Tigilan mo ko sa ganyan mo!"

"Ito naman parang di ako na miss eh. Kala ko ba love mo ko? Kiss lng eh."

"Hayssss... pasaway ka!"

At bumwelo na nga si Kelly para i-kiss si Patrick sa cheek lang sana pero lumingon si Patrick kaya it ends to lips to lips.

"Now, I can tell na you really love me."

Pulang pula naman ang mukha ni Kelly kaya na sabunutan niya sa kaba si Patrick "baliw ka na!!!"

"Ah... Ah...! Babe!!! Sorry na!!!"

At tumigil na nga si Kelly ng pag sabunot sa buhok ni Patrick matapos ang 30 seconds.

"Wag mo ng uulitin yun kung ayaw mong mabubog talaga!"

"Oo na! Ahm... Nga pala, bukas sure kang magkikita tayo kasama ang mga kuya mo?"

"Um. I know na nabanggit sayo ni Jacob ang about sa my winning strike kila kuya kaya yun ang deal."

"Ang ma meet up ako?"

"Ahm... Parang ganun na nga I just want to prove to them na you are fit for me."

"Ahhh... Babe naman!!!"

"Ano?"

"Eh kasi you sounds like you are proud of your boyfriend and that's me."

Kelly bonked him "ang arte mo ha! Gusto ko lang kasi na makilala ka pa lalo nila kuya ayaw mo ba?"

"Syempre gusto! Kating kati na nga ko na masabi na were engaged na eh."

"Hoy! Wag na wag mo yang sasabihin kila kuya bukas lalo tayong malilintikan."

Napagitingin naman si Patrick sa kamay ni Kelly at parang na disappoint "kaya ba hindi mo suot yung ring?"

"Ah... Eh... wag ka ng mag tampo alam mo naman kung bakit eh."

"Yah... It just that... Sige, umuwi ka na baka hinahanap ka na ng mga kuya mo."

"Ha? Pero..."

"Okay lang ko. Chat mo nalang ako kung anong time bukas. Sige na."

"Pero kasi..."

"I'm tired."

"O-- Okay... Ingat kayo."

"Um."

At umalis na nga si Kelly at syang pasok naman sa kotse ni Mr. Johnsen.

"Young Master, ano kamusta po? Kinilig po ba si Ms. Kelly sa bigay nyong icecream?"

"Let's go home."

"Hmm?"

"I'm tired."

"O-- Okay po."

Sa isip-isip ni Johnsen "parang nag away sila ni Miss."

At ng makauwi naman sa bahay nila si Kelly nagulat sya pg bukas ng gate nila dahil bumungad sa kanya ang kuya Kevin niya na noon ay kararating palang sa kanila.

"Oh? San ka galing? Gabi na."

"Diyan lang sa tindahan."

"Anong binili mo?"

"Wala. Sige kuya akyat na ko."

"Ha? Te-- Teka lang!"

At hindi na nga sya nilingon ng kapatid ka si Kelly at nag dire-diretso lang papsok sa bahay nila kahit nakasalubong nito si Kian.

"Kelly!"

"Hayaan mo na kuya. Inaantok na ata."

"Anong problema nun? Kanina lang nasa good mood. Teka nga bakit ngayon ka lang?"

"Ah... Eh... Nag gala lang kuya."

"Gala? Akala ko ba sa hospital ka pupunta at may kukunin ka lang kamo."

"Ahm...Ang totoo kasi kuya sinamahan ko si Jarie."

"Sino? Si Jarie? Yung pinsan ni Leny?"

"Um."

"At baket? Aber!"

"Ahm... Wala lang. Nagkakwentuhan kasi kami tapos nalaman kong sa DLRH rin pala sya nag tatrabaho."

"Eh?"

"Um. Sya pala yung bagong hired na Med- Tech samin."

"Ohh... Then?"

"Hmm?"

"Anong nalaman mo?"

"Nalaman?"

Kian bonked him "ano pa?! Dun kay Leny sa pinsan nya about sa relsyon nito kay Kim."

"Sorry kuya, pero wala kasi kaming na pag kwentuhan about dun."

"Hayssss... Kahit kailan talaga wala akong maasahan sayo. Sige ba kumain ka na ng dinner nakakain na kami."

"Di na kuya I'm full kumain kasi kami ni Jarie sa isang resto. Sige akyat na ko sa room ko."

At wala na ngang naging imik si Kian dahil pakiramdam nya na fall na ang kapatid kay Jarie.

"Oh, honey. Anong problema? You look so upset." Sambit ni Rica.

"Tsk! Ewan ko! Habang tumatagal hindi ko na maintindihan ang mga ugali ng mga tao dito sa bahay."

"Hmm?"

"Sige na dun na muna ako sa study room mauna na kayo ni Jacob matulog may kailangan pa ako g tapusing school works."

Rica kissed him sa cheek and said "okay goodnight. Tumaas ka na agad wag ka may puyat wala pa namang pasok bukas."

"Um. Sunod ako mamaya. Goodnight." He kissed her wife too sa cheek rin.

Kinaumagahan...

"Morning guys our menu for today is Bangusilog. Alam kong miss nyo na mag isda kaya sabi kay Leny mag bangus kami maaga kami nagising para mamalengke." Ang masiglang bati ni Rica sa mag kakapatid ni Kelly.

"Salamat Ate." Sabi ni Kevin na good na good ang mood.

"Sana sinabihan mo ko na mamalengke kayo para nasamahan ko kayo." Sabi naman ni Kian na nasa good at medyo bad ang mood dahil di pa sya tapos sa school works nya.

"Okay lang kuya, ako naman ang nag drive hindi si Ate Rica." Sabi ni Leny.

"You know how to drive?" Sabi ni Kim.

Napatingin naman ang lahat kay Kim at nag tataka na hindi alam nito na marunong mag drive ang asawa.

"What?" Aniya.

"Asawa mo si Leny pero hindi mo alam ang skills nya?" Sabi ni Keith.

"So?"

"Pero dapat alam mo yon. Asawa mo sya."

"Ah... Eh... Okay lang, hindi rin naman kasi ako nakikita mag drive ni Kim."

"Don't defend him. Hindi sa lahat ng bagay ipagtatanggol mo sya ngayong mag asawa na kayo matuto kayong maging responsable. Naiintindihan mo ba Kim?" Sabi ni Kian.

"Oo kuya."

"Okay, that's enough morning na morning dapat goodvibes lng kaya tara let's eat na. Baby boy, ang tita Kelly mo?" Sambit ni Rica.

"Pababa na po mommy."

At dumating na nga si Kelly na parang walang energy "morning everyone." Aniya.

"Oh? Are you okay?" Tanong agad ni Kevin na inalalayan si Kelly at pinaupo.

"Um. Inaantok pa kasi ako."

"Bakit di ka ba natulog agad? Maaga kang tumaas ah." Sabi ni Kian.

"Ahm... Nag sulat pa kasi ako ng novel ko kuya."

"Novel o nag puyat ka na naman kung saang bagay na wala namang katuturan?"

"Di ah! Nag sulat talaga ko kuya."

"Pero wala kang update sa chapter mo ngayon sa novel mo tinignan ko kanina sa site kung san ka nag re-release ng novel mo." Sabi ni Keith.

"Ha? Ah... Eh... kasi nga kuya di ko natapos wala ko sa mood buong gabi walang pumapasok sa utak ko na scene. Ang hirap pala pg romantic."

"Talaga lang Kelly Ann Marie."

"Oo nga kuya!"

"That's enough! Nasa hapagkainan tayo hindi ba't ayn ang number one rule ni daddy. Wag mag aaway sarap ng pagkain dahil lalayuan tayo ng grasya." Sambit ni Kian.

"Sorry kuya." Anila.

"Kumain na kayo."

At kumain na nga silang lahat ng tahimik at mga ilang minuto pa ang nakalilipas...

"Done. Leny, pagtapos mo dyan mag bihis ka na at aalis na tayo." Sabi ni Kim.

"O-- Oo tapos naman na ko." Sagot ni Leny na nag madaling isinubo pa ang pagkain nya kahit di pa talaga sya tapos.

"Kuya, mauna na kaming dalawa."

"Um. Mag ingat kayo at mag chat o tawag kapag nakarating na kayo roon."

"Um. Leny, lets go."

"Yes. Ahm... maiwan na namin kayo. Have a nice day."

Pagkaalis naman nung dalawa nag sunod-sunod na ring matapos sa pagkain ang mga naiwan at ang nahuli nalang ay si Kelly na walang ganang kumain.

"You don't like the food po Tita?" Sabi ni Jacob.

"Oh, bebe boy."

"Wala ka po sa sarili mo ayos ka lang po ba?"

"Yeah... Tamad na tamad lang talaga akong kumilos."

"Bakit po? Dahil kay Tito Patrick?"

Kelly sighed only.

"I knew it! Kaya pala nag chat sakin si tito Johnsen nawala rin sa mood si tito Patrick. Kaya pala di nya ko tinawagan kagabi. Nag away po kayo?"

"Di ko alam dun parati nalang nag tatampo daig nya pa ang babaeng may dalaw."

"May dalaw?"

"Ah... Girls thingy yun na dumadating monthly. Kaya mainit minsan ang ulo naming mga babae dahil dun we felt so irritated when it comes to that matter."

"I see, but I still don't get it."

"Yeah. Boy ka kasi. By the way, sa tingin mo ba papayag sila kuya na sumama sakin para makipagkita kay tito Patrick mo?"

"Um. Hindi po ba nasabi nyo na sa kanila?"

"Ha? Hindi pa."

"Oh? Pero alam naman na po nila yun at inaasahan na nila daddy yun sure po ko kaya don't worry wala naman silang magagawa dahil nanalo kayo sa game."

"Right, pero parang tinatamad ako makipagkita sa tito Patrick mo sure ganun din naman sya. Haysss...Kainis!"

"Kayo pong bahala chance nyo na po yan. At hindi naman po makaka kontra sila daddy kasi may isang salita naman po sila."

"You think?"

"Um. Its in your hands now tita Kelly. Fighting!"

"Yeah."

"Are you done na Kelly?" Sabi ni Rica.

"Um. Sorry ate di ko naubos pero masarap po ang luto nyo ni ate Leny."

"Don't worry its okay kung may kailangan ka just tell me I will help you. Right Jacob?"

"Opo."

"Salamat Ate and bebe boy."

At the same time,

Sa condo ni Patrick...

"Young Master? Gising na po." Sambit ni Johnsen na ginigising ang katutulog palang na si Patrick na nakatulog na sa sala habang may binabasang libro.

"Mommy, gimme five minutes more."

"Mo-- Mommy? Young Master!!!"

At nagulat naman si Patrick sa sigaw na yon ni Johnsen sa tengw nya.

At napaluhod namang agad si Johnsen sa ginawa nyang yon ng makita nyang ang sama ng tingin sa kaniya ni Patrick.

"So-- Sorry po...."

"What time is it? Did you check my phone?"

"Ahm... as for today morning wala pa pong chat sa inyo ang Young Miss."

"What the heck? I mean my parents or si ate May at kuya Richmond. Hindi ako nakauwi sa bahay kagabi."

"Ah, opo ang mommy nyo po ang Madam."

"What did she said?"

"Nag good morning lang po pati si Ma 'Lady May po."

"Oh..."

Sa isip-isip ni Johnsen "ayaw pa kasing maunang mag chat kay Ms. Kelly eh halata namang puyat kakaisip. Haysss..."

"Mr. Johnsen!"

"Po?"

"Ang sabi ko wag mo ng i-cancel ang mga appointment ko today."

"Po?"

"I'm going to change my thing and wait for me outside."

"Po? Pero san po tayo pupunta?"

"Sa company! San pa?!"

"O-- Okay po."

Pagkalabas naman ng condo ni Johnsen tinawagan agad niya si Kelly.

Kelly: Ano? Papasok sya?

Johnsen: Opo, wala pa nga po yung maayos na tulog eh. Tapos gusto po ipa resume lahat ng pina cancel nyan today na appointment.

Kelly: Ano? Huh! He said that? Wala syang sinabi about sakin?

Johnsen: Wa-- Wala po eh. Pero di po ba magkikita kayo ngayon?

Kelly: Hindi! Sabihin mo dyan sa Young Master mo na kapag ako tuluyang nagalit sa kaniya baka di nya kayanin.

Johnsen: Po?

Toot.... Toot... Toot...

Johnsen: Young Madam? Hello? Andiyan pa ba kayo?

Samantala sa bahay nila Kelly,

Tinapon ni Kelly ang phone nya sa kama sa inis nya.

"Huh! Edi wag syang makipagkita! Bahala ka sa buhay mo Patricio!!!"

Knock... Knock... Knock...

"Hmmm?"

"Kelly..."

"Kuya Kevin?"

Binuksan ni Kelly ang pintuan ng room nya.

"Oh, kuya!"

Pumasok na nga si Kevin sa room ni Kelly.

"Ano bang problema kuya?"

"Maupo ka bilis."

"Hmm?"

At ng makaupo yung dalawa...

"What?! Bakit fake yung kasal nila kuya Kim at ate Leny? Paano mo na sabi kuya?"

"Ehhh... kasi kahapon kasama ko si Jarie."

"Yung pinsan ni ate Leny? Oo nga pala hinatid mo sya."

"Um. Hanggang sa sinamahan ko na sya sa mga errands nya."

"Ano? Aba kuya! Anong nangyayare sayo?"

"Ewan ko nga rin pero ang gaang kasama no Jarie nasasabayan nha ang mga gusto ko tapos sa DLRH rin pala sya nag tatrabaho mag ka iba lang kami ng department."

"Anak ng tokwa! Crush mo na?"

"Parang? Feeling ko okay naman kami."

"Ikaw bahala kuya she looks kind and responsible naman for me at maganda. Pero paano mo na sabi na fake ang kasal nila kuya Kim at ate Leny?"

"Hindi ko pa talaga sure pero nahalata ko yun kahapon kay Jarie ayaw nyang pinag uusapan yung dalawa tas kanina na silip mo yung room nila kuya Kim."

"Naninilip ka na ngayon kuya?!"

"Sira! Di ko naman inaasahan na makitang naka bukas yung pintuan nila ng kapiraso mas na una kasi akong nagising at lumabas ng room sa kanila."

"Tapos?"

"At yun na nga nasilip ko na di sila magkatabi na tulog."

"Ha?"

"Oo nakita ko si kuya Kim na iniimis ang hinigaan nya sa lapag."

"You mean sa lapag natulog si kuya Kim? Pero yun ang ayaw nya ang matulog sa matitigas na bagay."

"Oo kaya siguro wala sa mood si kuya Kim."

"Hmm..."

"Tas eto pa nakita kanina lang na naka lock ang door ng room nila kuya Kim. Di ba hindi naman nag lo-lock ng pintuan si Kuya kahit na alis sya feeling ko may something talaga eh. Fake marriage talaga sila!"

Kelly bonked him "baliw ka na kuya!"

"Kelly naman!"

"Malamang privacy na yon! May kasama na sa room ngayon si kuya Kim kaya mag lo-lock na talaga yun ng door."

"Pero may something fishy talaga sa dalawang yun na kating kati akong malaman."

"Kuya, wag mo muna yang sasabihin kay kuya Kian we need proof muna alam mo naman si kuya OA yun nag react."

"Okay, okay."

"Good. Now, dalhin mo sa labahan yung marumihan ko."

"Aba! Bakit ko dadalhin?"

"Kuya, paano kung makita ni kuya Kim na galing dito? Sure mag susupetsa yun kaya dalhin mo pa labas ang marumihan kong damit. Madali ng lumusot from there."

"O-- Okay. Ah, nga pala me na kwento sakin si Jacob nanalo ka daw sa board game at isang araw susundin nila kuya Kian ang gugustuhin mo? So, makikipagkita sila kuya kay Patrick?"

"Hindi na."

"Ha?"

"Ayoko wala na ko sa mood dito nalang ako sa bahay mag hapon."

"Eh? May problema ba?"

"Wala kuya... Sige na lumabas ka na nga."

"Oo na! Ikaw talagang bata ka. Napaka bilis uminit ng ulo. Sana lang talaga bigyan pa ng sobrang habang pasensya si Patrick sayo."

"Ewan!"

Related Books

Popular novel hashtag