Linggo ng umaga naka ayos na ang lahat para sa magaganap na kasalang Kim at Leny.
Knock... Knock...
"Babysis are you there?" Sambit ni Kevin na kumakatok sa pintuan ni Kelly.
"Hmmm? Bihis ka na?"
"Um."
"Can I come in?"
"O-- Okay..."
Nag paplantsa ng buhok ng mga oras na iyon si Kelly kaya bilang andoon na rin naman si Kevin sya na ang nag tuloy nito.
"Ha? Bakit naman? Mabait maman si ate Leny maalaga ri yu kaya bakit ka naman may doubts?"
"Hindi naman sa may doubts ako sa kaniya para kasing biglaan eh."
"Well, nakakagulat nga wala rin namang nababanggit sakin si ate Leny about sa relationship nila ni kuya Kim. Although, I know naman na crush nga si Kuya."
"Wait, crush nya si Kuya?"
Knock... Knock...
"Ako ng mag bubukas maupo ka nalang dyan."
"Okie."
At pag buka nga ni Kevin ng pinto si Keith naman ang pumasok sa room ni Kelly.
"Eh? So crush pala ni Leny si Kuya?" Sabi ni Keith na sinusuutan naman ng sandals si Kelly at patuloy naman sa pag plantsa ng buhok ni Kelly si Kevin.
"Oo nga, hindi nyo pa ba na hanalata. Sabagay, ako naman kasi ang parating kasama ni ate Leny pero wag na kayo g maingay ah."
"Pero bakit naman kaya biglaan ang pag papakasal nung dalawa? Ni hindi pa intayin si Mama na makauwi."
"Ehhh... ayos lang rin naman kay mama na simple lang ang kasalan. Di rin naman kasi sya makakauwi agad at di naman nag pa abiso man lang si Kuya." Sagot ni Kevin.
"Okay rin naman ang ikasal sa Mayor ah. Isa pa, kung mahal talaga nila ang isa't isa wag na tayong mag question pa. Bagay naman kaya sila tignan nyo nga bff sila."
"Kelly is right, kung san masaya si kuya dapat masaya na rin tayo." Sabi ni Kevin.
"Nag tataka lang ako kung kailan naman bumalik na si Yannah ng bansa saka pa na isipang mag pakasal ni Kuya Kim" Opinyon ni Keith.
"Eh? Nasa Pinas na si ate Yannah." Sabay sambit ni Kelly at Kevin.
Knock... Knock...
Sa pagkakataong iyon si Kian naman ang pumasok sa room no Kelly.
"Sandali nga, bakit ba parang naging meeting room ang kwarto ko?"
Patuloy naman sa pag plantsa ng buhok ni Kelly itong ai Kevin habang si Keith naman ang nag lalagay ng accessories kay Kelly at si Kian naman ang nag aayos ng kwarto ni Kelly.
"Dahil ikaw ang malapit kay Leny bukod kay Kim." Sabi ni Kian.
"Isa pa, Boss ka nya kaya natural lang na marami kang alam sa kaniya." Opinyon naman ni Keith.
"Pero gaya nga ng sinabi ko ang alam ko lang ay crush ni ate Leny si kuya Kim. At di ko rin alam na may relasyon pala silang dalawa."
Naupo sa may end ng kama ni Kelly ang mga kuya nya.
"So, technically speaking... urgent yung kasal? Then timing pa na kababalik lang ni ate Yannah sa bansa." Sabi ni Kevin.
Tumayo si Kelly at tinitignan ang sarili nya sa whole body na mirror. Habang salita ng salita ang mga kuya niya.
"Tignan nyo!" Sabi ni Keith at ipinakita nya yung phone nya kila Kian at Kevin.
"Kinasal na si Yannah?" Sabi ni Kian.
"Patingin nga." Sabi ni Kevin at nakita nya yung date "a week ago? So it means bago pa sya umuwi dito sa Pinas ikinasal na sya?"
"At tignan mo ang engrande ng kasal." Sambit ni Keith.
Napapaisip naman si Kian ng biglang na patingin siya kay Kelly "hoy! Kelly!"
"Kuya?"
"Ano't pinalitan mo yang dress mo?"
"Kuya, kasal ni kuya Kim ngayon at di naman ako abay kasi nga kay Mayor lang naman. Kaya okay na ang hoodie and pants."
"Tumigil ka nga! Kahit na hindi sa simbahan ang kasal ng kuya Kim mo kailangan parin baka formal! Ano nalang sasabihin sa atin ng pamilya ni Leny?"
"Ahm... Kuya, hindi makaka attend ang parents ni ate Leny."
"Ano?!!" Sabay- sabay na sambit ng mga kuya nya.
"Kalma! Pero may aattend naman na pinsan nya."
"Pero kasal yun ng anak nila bakit hindi aattend ang magulang ni Leny?" Sabi ni Kevin.
"Hindi ko alam kuya pero ang sabi nya kasi busy raw eh."
"At naniwala ka naman?" Sambit ni Kian.
"Well, not really pero bahala na sila ang importante masaya silang dalawa at hindi ba kayo excited may bago ng member ang family natin. Siguro dapat mag pa renovate na tayo ng bahay? Tapos...."
Napa facepalm nalang ang mga kuya nya at di na nakinig sa mga sinasabi nya.
"May hindi tama dito. Kevin, tawagan mo si Ethan para mag hire ng investigator." Seryosong sambit ni Kian sa mahinang boses para hindi siya marinig ni Kelly.
"Okay kuya ako ng bahala."
"At ikaw naman Keith, siguraduhin mong makakausap mo yung pinsan raw ni Leny na magiging witness sa kasal."
"Copy!"
"Alam kong parating nasa panig ko si Kim pero sa pagkakataong ito hindi ko gusto ang nagiging desisyon nya sa buhay. Kailangan nating malaman kung bakit biglaan ang pag papakasal niya kay Leny."
"Yeah." Reaction nung dalawa.
"Anong pinag uusapan nyo diyan? At parang ang seseryoso nyo?" Sabi ni Kelly.
"Wala! Mag palit ka na!" Anila.
"Tsss! Eto na po! Humph!"
Samantala,
Sa office ni Patrick...
Kausap ni Patrick via video call si Vince.
Patrick: Ha? Hinde, ayoko munang mag pakita sa kanila. Mahirap na parang may mali kasi sa kasalang magaganap.
Vince: Oo nagulat nga rin kami nung sinasabihan ako ni Kelly. Pero kilala naman namin si Leny taga roon lang din kasi yun sa Batangas.
Patrick: Nabanggit nga rin yon sakin ni Kelly and knowing ate Leny mabait namam sya at maalalahanin ay sobrang mapagkakatiwalaan. Pero hindi ko akalain na may relasyon pala sila ni kuya Kim?
Vince: Yun nga eh sabi sabi lang sakin ni ate Alice bff lang sila ni kuya Kim pero nagulat lang din sila na into relationship na pala tapos kasalan na wagas.
Patrick: Nag chat sakin si Kelly ngayon lang topic raw ng nga kuya nya si ate Leny dahil pinsan lang pala nito ang aattend ng kasal.
Vince: Ano?
Patrick: Oo yung ang chat sakin eh busy daw ang family.
Vince: Hmmm... may something nga talaga. Sure akong hindi ito papalagpasin ng mga kuya ni Kelly lalo na ni kuya Kian.
Patrick: Oo kay sabi rin sakin ni Kelly na wag na raw ako g unattend.
Vince: Sabagay, baka mag ka rambola pa. Nga pala, salamat dun sa approval ng pag branch out ng Café nyo ni Kelly kahit di pa ako fully paid.
Patrick: Wala yon, para ka namang others.
Vince: Hehe... Basta pag may kailangan kang pabor sabihin mo lang akong bahala.
Patrick: Really?
Vince: Um. Kahit pa sa mga kuya ni Kelly akong bahala sayo, future bayaw.
Patrick: Eh?
Vince: Wag mo ng ikaila alam mong hindi pwedeng mag tago ng sikreto sakin si Kelly kaya alam kong fiancée mo na ang pinsan ko. Congrats Pre!
Patrick: Ah, eh... Hindi pa naman yun official gusto ko parin ng proper proposal para kay Kelly yung tipong alam na ng pamilya nya at hindi patago.
Vince: Sorry Pre, gusto man kitang tulungan about diyan eh parang kahit ako eh mahihirapan. Pag dating kasi sa mga kuya ni Kelly talagang maangas mga yun kahit si kuya Kevin na malambot pag dating kay Kelly. Pag iyon ang na galit mas malala pa kay kuya Kian.
Patrick: Eh?
Vince: Tutulungan kitang mapalapit sa mga kuya ni Kelly pero wag na wag mong gagalitin si kuya Kevin. Talagang malala pa yun sa malala. Kung natatakot ka na kay kuya Kian mas matakot ka kay kuya Kevin dahil nasa loob ang kulo nun. Pag nag explode yun mala bulkan talaga.
Patrick: Talaga? Grabe pala si kuya Kevin kala ko chill lang sya parati. Sya pa naman ang una kong naging close at okay lang sa kanya ang relasyon namin ni Kelly.
Vince: Di ka sure pre. Mahirap mag salita ng tapos.
Patrick: What do you mean?
Vince: Ang mga kuya kasi ni Kelly ay may level ng anger. Malala kasi ang trust issue ng mga yon. Siguro dahil na rin sa nangyare sa daddy nila. At na adopt yon ni kuya Kevin may phobia kasi sya sa dugo nung bata sya parehas ni Kelly pero na wala yun nung sa harap mismo nila binaril ang daddy nila si tito Kemwell.
Patrick: Oh? Tapos? Anong nangyayare?
Vince: Teka lang, tinatawag na ako nila ate mukhang aalis na kami. 11am kasi ang kasal ni kuya Kim. Sige na, mamaya nalang.
Patrick: Ah, oo sige mamaya nalang. Ingat kayo.
Vince: Gege.
Matapos ang conversation nung dalawa tumatak sa isipan ni Patrick yung sinabi ni Vince about kay Kevin kaya naman...
"Po? Gusto nyong ipa background check si Sir Kevin? Yung kapatid po ni Young Miss?" Ang pagulat na sambit no Johnsen.
"Oo, curious kasi ako sa sinabi ni Vince kanina sakin na mas malala daw magalit si kuya Kevin kumpara kay kuya Kian. Ang napaka understandable at mabait na kuya ni Kelly na si Kevin nasa loob pala ang kulo?"
"Hindi naman po kasi talaga dapat tayo nang huhusga agad kahit sino naman po siguro sa atin may tinatagong lihim ng kahapon."
"Yah... Ikaw meron ka?"
"Po?"
"Just kidding masyado kang seryoso."
"Sorry po Young Master."
"Hindi mo kailangang mag sorry ayos lang yon. At kahit ano pa man ang nakaraan ng isang tao ang importante ang ngayon kung sino sya at kung ano sya. Sabi nga di ba it's a free country you can do what you want. Pero dapat nasa lugar dahil ang sobra masama."
"Opo."
Sa mag kaparehong oras,
Sa Apartment ni Leny...
"Ang ganda mo pinsan." Sambit ng pinsan ni Leny na si Jarie.
Naka simpleng white dress lang si Leny at si Jarie mismo ang nag ayos sa kaniya.
"Kinakabahan ako beh!"
"Bakit naman? Chill ka lang. Sabi naman di ba sayo ni Kim syang bahala sa lahat basta aattend ka sa kasal."
"Ah... Oo, buti nalang din malapit lang ang apartment natin sa munisipyo dahil kung hindi baka late na talaga tayo di ka kasi nag alarm sinabi ko na sayo eh."
"Ehhh... okay ka naman na ah. Ang ganda-ganda nga ng ayos ko sayo eh kahit simpleng clip lang at plantsa lang ng hairlalu mo pak na. Infainess naman kasi sayo pinsan pang model ang awrahan mo. Kaya siguro ikaw ang pinili ni Kim para sa contractual marriage nyo."
"Shhhh!!! Wag kang maingay baka may makarinig sayo! Alam mo namang sikreto lang namin yung dalawa ni Kim di nya alam na nabanggit ko sayo."
"Ito naman! Walang ibang tao dito tsaka baliw ba yang si Kim? Paanong di mo sasabihin sakin edi hindi ko kayo natulungan about sa parents mo?"
"Um. Salamat nga pala din dun ha? Kasi syempre pag nalaman nila na ikakasal na ko nako, forda panic ang mga fersonnnn!"
"Ang problema, baka dumaldal ang mga kapamilya ni Kim."
"Sabi naman nya kung a-acting kami ng tama walang mag dududa. Isa pa, hindi maman talaga kami ikakasal ni Kim kakilala nya kasi yung Mayor kaya ginawan nya na rin ng paraan."
"Eh?"
"Um. Di ba nga contract lang naman ang lahat ng ito?"
"Ehhh... Ang tanong ayos lang ba sayo? Knowing you? Bata pa tayo crush mo na si Kim eh. Kaya nga para mapalapit ka sa kaniya kinaibigan mo sya gang sa naging bff na nga kayo."
"Wala naman akong magagawa mahal ko yung tao tsaka malaki ang utang na loob ko sa kaniya."
"Kaya kahit masakit sayo ayos lang? Paano sa loob ng 3months ma fall sya sayo? Anong gagawin mo?"
"Huy! Wag ka nga! Hindi yun mafafall sakin ginagawa nga namin ito para lang sa ex nya. Kaya wag tayong mag assume beh!"
"Ikaw bahala. Kilala mo ko lahat ng sinasabi ko nagkakatotoo kaya tandaan mo ang araw na ito mag bilang ka na ng araw dahil hindi matatapos ang 3months contract nyo na hindi na iinlove sayo si Kim."
"Para kang baliw!"
"Ano pusta ka? Pag ako nanalo ikaw ang mag babayad ng apartment natin for the next 3months din at pag hindi naman nagkatotoo ang sinabi ko ako ang mag babayad ng apartment for the next 3months rin. Deal?"
"Ayoko!"
"Para naman itong ano eh! Sige na kasi! Bakit di ka ba confident sa sarili mo na mafafall sayo si Kim? Dapat nga gawin mong lahat para mainlove sayo si Kim dahil kung ako sayo hindi ko na hahayaang mapalapit pa sya sa ex nya. Wag mo ng hayaang bumalik si Kim sa ex nya pangatawanan mo na ang pagiging asawa mo sa kaniya."
"Hindi ko alam. Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong kaibigan lang naman ang tingin sa akin."