Nang makarating sa mall sila Kelly at Jacob...
"Excited ka na Baby Boy?" Sambit ni Kelly kay Jacob pagka pasok nila ng mall.
"Opo! I'm excited na po sobra. Bago po kasi tayo dito eh."
"Okay, mag lalagalag tayo ngayon kaya wag kang bibitaw kay tita. Naiintindihan mo ba? Kasi maaari kang mawala dito gaya nga ng sabi mo bago tayo sa lugar na ito kaya dapat dikit ka lang kay tita. Mapapagalitan ako ng parents mo kapag nawala kita. Gusto mo ba yon? Ang pagalitan si tita Kelly?"
"Ayoko po kaya hindi po ako bibitaw sayo."
"Good boy. So, saan mo gusto mag umpisa? May sweldo na ang tita kaya sige lang mag turo ka ng mga gusto mo treat ko!"
"Okay po, pero gusto ko po munang kumain eh. Hehe..."
Napatingin sa phone nya si Kelly "oh, almost 12nn na pala sige kakain muna tayo. Anong gusto mo?"
"Ahm... di ko po alam eh kahit san nalang po. Basta masarap...hehehe..."
"Okay... syempre dun tayo sa..."
"Walang gulay!" Sabay sambit ng mag tita at natawa at masaya silang nag patuloy.
At habang nag hahanap ng makakainan sila Kelly at Jacob nakamasid naman sila Patrick at Dave sa kanila.
"Dude, bakit ba tayo nakatago?" Tanong ni Dave.
"Wag ka ng maraming tanong! Sumunod ka nalang!" Sagot naman ni Patrick.
At habang nag tatago nga yung dalawa kada stall o pag tigilan nila na shop ay napapansin sila ng mga employee at ng mga customer.
"Ha... Ha... hindi po kami masamang tao just don't mind us. Ha... Ha..." Sambit ni Dave na nahihiya sa mga nakakakita sa kanila.
At sa wakas nakahanap na rin ang mag tita ng kanilang kakaininan sa isang fast food resto. Pumasok rin doon sila Patrick at Dave na nanatiling sumusunod.
"Ano pong order nila?" Sabi ng isang crew kila Patrick.
"Yung gaya nung sa dalawa." Sambit ni Patrick na naka pila sa linya at nauuna yung mag tita sa kanila.
Hinanap naman nung crew na lalaki yung sinasabi ni Patrick "sino pong dalawa?"
"Ahhh... yung mag tita ayun sila nasa may counter na naghihintay."
"Oh...si— sige po."
At sinulat naman nung crew yung order at iniabot kay Patrick yung papel na maliit.
"Oh, ikaw na ang umorder mag hahanap na ako ng pwedeng upuan."
"Okay Boss."
Pag alis ni Patrick "Sir, pwede po mag tanong?" Sabi nung crew kay Dave.
"Ano yon?"
"Anak po ba sya ng Chairman?"
"Sshhhh... wag kang maingay di pwedeng malaman ng iba."
"Ah... okay po."
"Ganito, sabihan mo ang mga kasamahan mo na wag kaming papansinin dito. Okay?"
"Opo Sir."
"Good, now you get our orders and use this card." At inibot nya yung white card sa crew.
"Okay po Sir."
Habang doon naman sa table nila Kelly at Jacob mag start na sila kumain.
"Amen."
"Sige na kain na baby boy."
"Opo."
"May iba ka pa bang gusto?"
"Wala na po, okay na po ito."
"Sige mamaya nalang pag nanood tayo ng sine I will buy you shawarma at milk tea bet mo yon?"
"Opo."
Pinisil ni Kelly ang pisnge ni Jacob "pag talaga pagkain agree ka lang ng agree eh no? Cute mo!"
"Hehe... mana po sayo eh."
"Sus! Nambola ka pa sige na eat well."
"Um."
Samantala sa table naman nila Patrick na di kalayuan sa table nila Kelly.
"Aba naman Young Master mauuna pa atang matunaw si Kelly kesa sa ice cream mo." Sambit ni Dave na niloloko si Patrick na nakatulala lang kay Kelly.
Patrick bonked Dave "wag kang maingay!"
"Sorry na. Di naman nila tayo maririnig naka mask pa nga tayo pano tayo kakain nito?"
"Gumawa ka ng paraan!"
"Ha?"
"Kapag nakita tayo nung dalawa wala ka ng trabahong babalikan sa Manila!"
"Boss naman!"
"Heh!"
Nag isip naman si Dave kung paano s'ya kakain na hindi sila makikita ni Kelly at Jacob.
At makalipas ang isang minuto "ginagawa mo?" Sambit ni Patrick kay Dave na kumakain habang naka mask.
"Kumakain."
Patrick bonked him again "alam ko! Alam ko! Sapakin kita eh. Ang akin lang bakit ganyan ka kumain?!"
"Eh Boss, ang sabi mo di tayo pwede makita dito nung dalawa kaya binutasan ko yung mask ko. Edi pwede na kong kumain wala pang hassle!" Kinuha nya yung gunting nyang de fold at inilapit kay Patrick "ayan, gunting yan parati ko yang dala sa bulsa ko gupitin mo na yang mask mo para maka kain ka na."
"Tsss! Baliw! Sayo na yang gunting mo!"
"Ikaw rin bahala ka magugutom ka."
"Heh!"
Grrrrrrhgrhrhr....
"See, nag mamaktol na yang tiyan mo Boss gawin mo na kasi yung idea ko."
"Sira ulo!"
Sa pagkakataong iyon si Patrick naman ang nag isip ng paraan kung papaano sya kakain ng naka mask o hindi makikita nila Kelly.
Tumingin sya sa paligid nya at may nakita syang small na parang standee na inilalagay sa mesa for promotional purposes.
"Ehhh???" Reaction ni Dave.
Tinanggal ni Patrick ang mask nya dahil cover gang ilong nya yung taas ng standee "basic! Gamitin mo kasi yang utak mo hindi yung iniiwan mo sa inyo."
Sa isip-isip ni Dave "business minded nga sya."
"Oh ano? May problema ka?
"Wa— Wala po Young Master."
"Tsss!"
Samantala,
Sa Office ni Patrick,
"Unfortunately, the President is not here Ms. Galvez." Sambit ni Ms. Maricar kay Sweet ang fiancée ni Patrick.
Naupo si Sweet sa chair ni Patrick.
"Call him and tell him na his fiancée is here."
"Pardon?"
"Eventually, all Patrick's property even you will be mine too. Now! Call him immediately!!!"
"Don't do it Ms. Maricar!" Sambit ng isang familiar voice.
"Ri— Richmond?" Ang pagulat na sambit ni Maricar.
"And who the hell are you interrupting my order?"
"Me? I'm the eldest son of d' Santos and your supposed to be fiancé cause I'm back!"
"Wha— WHAT??? No way!!!"
At muli ngang nagbabalik itong si Richmond para sa pagbabago and this time babawi sya sa mga Santos bilang alam na nyang hindi talaga sya totoong taga pag mana pero tanggap na nya at wala syang masamang binabalak. Dahil ang gusto nya ngayon ay maging responsable at makabawi sa mga Santos sa pag aaruga at walang sawang pagmamahal ng mga ito sa kaniya especially to Patrick.
"Rich...mond... anong ibig sabihin nito? And why are you here?" Ang sambit ni Ms. Maricar na hindi parin makapaniwala sa nakikita nya.
"Mamaya na ko mag papaliwanag can you help me muna sa isang ito?" Richmond reply and he is referring to Sweet dahil nahimatay ito.
"Ah... O— Oo wait lang ihiga mo muna sya sa couch tatawag lang ako sa 911."
"No it's not necessary, ikuha mo lang ako ng ammonia and cotton nahimatay lang naman ang isang ito mamaya okay na din sya."
"O— Okay."
"Just relax everything is under control I'm here don't be nervous."
"Um."
Mabalik sa Mall...
"I told you na bantayan mo kung san sila pupunta I just went to restroom tapos nawala mo na agad sila Kelly?!" Ang nagagalit na sambit ni Patrick kay Dave.
"Sorry na bigla kasing tumawag si ate May."
"Kahit na! Paano na ngayon yan? San natin hahanapin sila Kelly?!"
"I knew it! Kayo yung na sumusunod samin ni Jacob!"
"Ke— Kelly!" Pagulat na sambit nung dalawa.
"Tell me bakit nyo kami sinusundan? Iniwan ko tuloy si Jacob sa playhouse para lang mag investigate tapos kayo lang pala yan!"
"So— Sorry Master si Boss Patrick talaga ang may pakana nito na damay lang ako."
Siniko naman ni Patrick si Dave at pabulong bulong "humanda ka sakin mamaya!"
Dali-dali namang nag tago sa likod ni Kelly itong si Dave "Master si Boss he is cursing me."
"Dave!!!" Pagalit na sambit ni Patrick.
Kelly made a facepalm "sighhh... Fine you two come with us. Alam naman na rin ni Jacob na andito kayo."
"Ehhh?" Reaction nung dalawa.
"Sabi niya kasi kanina nakita daw niya ang tito Patrick nya pero hindi ako naniniwala kasi bakit naman pupunta ang isang busy President ng isang company para lang kumain sa isang fast food resto?"
Nagkatinginan sila Dave at Patrick "nakita nya kami na kumakain dun?"
"Wait, so... kumain nga kayo don?! Anak ng! Baliw ka na!!!" Then she bonked Patrick.
"So— Sorry na."
Sa isip-isip ni Dave "napaka satisfying palang makitang binabatukan si Boss. Pffft... Hahahaha..."
"Sorry? Pano nalang kung pagkaguluhan ka? Alam mo namang public place ito ayaw mong mag sasama ng security mo."
"Me! I'm here to protect Boss kaya don't..."
Dave ain't finish what he was trying to say dahil binatukan din sya ni Kelly.
"Master naman eh..."
"Heh! You can't even fight me tapos sasabihin mong kaya mong protektahan si Patrick? Eh mas malambot ka pa kay Mimay."
"Di kaya!!!"
"Tigilan mo ko!"
Patrick smiles habang nakikinig sa alitan nung dalawa masaya syang makita si Kelly na nag aalala sa kaniya.
"Boss? Ayos ka lang? Bakit ang tahimik mo?"
"Um. Are you okay? Bakit kasi hinayaan mong kumain kayo sa fast food eh di naman sanay ang tiyan ng isang yan"
"Master, si Boss kasi ang nag pumilit kasi nga sinusundan namin kayo ni Jacob."
"Kahit na ba! Nasan ba si Mr. Johnsen? Bakit ikaw ang kasama nya? Kunsintedor ka kasi kung ano magustu..."
"I miss you..." Sambit ni Patrick na niyakap si Kelly out of nowhere.
"A— Ano..."
"Kelly?!"
Tinulak namang agad ni Kelly si Patrick "Jelseen?"
"Ikaw nga!!!" Sambit nga nitong si Jelseen o Jelson talaga sa totoong buhay na niyakap si Kelly.
"Boss, calm down mag hunos dili ka pinsan mo yan." Pabulong na sambit ni Dave na kunwari inaawat si Patrick.
Patrick bonked him "wag kang ngang OA diyan!"
"Hindi ka nagagalit?"
"At bakit naman? I know him and normal lang sa magkakilala ang mag hug pag nakita ang isa't isa."
Napatingin naman si Dave sa fist ni Patrick "oh, really... then why are you clenching your fist?"
"Heh!"
"It's been a while..." Sambit ni Jelseen kay Patrick.
"Yeah."
They made a handshake na para bang may gigil na kasama.