Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 370 - Kabanata 370

Chapter 370 - Kabanata 370

Nang makalawa nag simula ng mag trabaho si Flin sa posisyong ibinigay sa kaniya ni Kelly ang maging assistant manager at patuloy kinikilala ng mag kakapatid ang kuya Flin nila hanggang sa lumipas ang mga araw at halos 2weeks nalang ay manganganak na si Kelly napagpasyahan naman ni Kevin na mag propose ng kasal sa kaniyang long time girlfriend na si May ang ate ni Patrick. Matagal na silang mag nobyo at nobya at dahil nalaman rin nila Kevin na hindi pala register ang kasal nila May at Lester wala ng hadlang para hindi sila mag pa kasal ni May. Sinisigurado rin niyang hindi nila malilimutan na iregister ang kanilang kasal kung sakaling maikasal nga sila.

"Talaga kuya? Mag popropose ka na kay ate May?" Ang pag gulat na sambit ni Kelly habang kausap silang mag kakapatid kasama ang kanilang mama Keilla sa kanilang sala.

"Oo bunso, sana tulungan mo ko ha?" Ang masayang masaya na sagot naman ni Kevin.

"Aba oo naman kuya kala mo ba si ate May kaya eh nay balak na noong mag propose sa iyo ang bagal mo raw kasi."

"Eh?"

"Pero awkward naman ata yun bunso kung ang babae ang mag popropose?" Ang sabi naman ni Julian.

"Oo kuya kaya sabi namin ni Patrick kay ate wag gawin yun tapos ayun nakinig naman pero wala syang pakialam talaga kung s'ya ang mag poprose kay kuya Kevin."

"Eh, ano namang dahilan at napa payag n'yo syang wag gawin ang binabalak niya?" Ang tanong naman ni Kim.

"Ah... simple lang hindi namin s'ya gagawin ninang ng kambal kapag ginawa n'ya yon."

"Nice, ang wais mo talaga babysis." Ang opinyon naman ni Jules.

"Aba syempre, mana yata sakin yan." Ang proud na sambit ni Keith.

Kaya nabatukan naman s'ya ni Kian.

"Kuya naman!!!"

"Heh!"

Natawa naman sila sa reaction nung dalawa "nasabi mo na ba yan sa daddy n'yo?" Tanong ni Keilla.

"Opo Ma, pumayag naman po s'ya tsaka nabanggit ko na rin po kay tita Patricia and she agreed naman rin po."

"Si Patrick sinabihan mo?" Tanong naman ni Flin.

"Hindi pa sa personal nag text lang ako sa kaniya kasi madalas syang late kung umuwi dine kung aalis naman s'ya napaka aga kaya di ko na s'ya maabutan."

"Hayaan mo kuya ako ng bahala what if pumunta tayo sa mansion alam ko may meeting s'ya dun bukas ng hapon." Suhestiyon ni Kelly.

"Sakin ayos lang naman off ko rin bukas eh."

"Same here. Off namin ni Julian kaya makakasama kami." Sabi ni Jules.

"Sasama kayo?" Sambit ni Kevin.

"Oo naman kuya suportahan ka namin." Sagot naman ni Julian at nag agree din naman si Jules.

"Ehhh... kung ganon sasama na rin ako. Tutal half day naman ang class ko bukas" Sabi naman ni Keith.

"Ako rin isa lang ang klase ko sa hapon kaya makakasama rin ako." Sabi naman ni Kim.

"Talaga mga kuys?"

"Oo kung sasama din ang kambal syempre dapat kami ring mga kuya mo." Sagot naman ni Flin.

"Ikaw rin kuya Flin?"

"Oo dahil kasama naman ang boss ko kaya pwede naman akong sumama right Bunso?"

"Um."

"Salamat mga tol and babysis."

Napatingin naman si Kim kay Kian "ikaw tol?"

"Ha? Ah... eh... gang 4pm kasi ang klase ko."

"Ayos lang kuya 5pm naman ang start ng meeting ni Patrick." Sagot naman ni Kelly.

"Oh, yun naman pala eh sumama ka na kuya." Ang sabi naman ni Keith.

"Okay sige kita kits nalang tayo sa mansion ng nga Santos."

"Ayos!!! Maraming salamat sa suporta mga tol and bunso."

"Walang anuman." Anila.

"Mukhang settled naman na ang lahat ako nalang ang bahala sa pagkain niyo para naman mag pag salu saluhan kayo habang nag uusap usap." Opinyon naman ni Keilla.

"Wait Ma, di ka po sasama?" Sabi naman ni Kelly.

"Nako, di na muna kapag mamumulungan nalang kasi walang maiiwan sa mga bata."

"Ay, oo nga pala sorry Ma pero babalik rin naman sa gabi si Faith." Sabi naman ni Keith.

"Okay lang, masaya kong mag alaga ng mga apo."

"Si Jacob naman po eh di na alagain kaso gabi parin po kasi ang dating ni Rica kaya sorry rin Ma." Sabi naman ni Kian.

"Sabi ko nga ayos lang masaya akong alagaan ang mga apo ko. Yun nga lang di na muna ako makakasama sainyo Kevin."

"No need to apologize Ma naiintindihan ko po tsaka si Patrick palang naman po ang kakausapin ko. Eh ere namang mga ire eh gusto pong magsi sama rin."

"Aba syempre naman tol full support kami sayo." Sagot naman ni Flin.

"Hehe... salamat kuya."

"Oh s'ya sige tulungan n'yo na muna akong maghain sa hapag para tayo eh makapag dinner na." Sambit ni Keilla.

"Opo." Anila maliban kay Kian na parang wala sa mood bigla.

Habang katulong ng iba nilang kapatid ang mama Keilla nila na maghain ng kanilang kakainin nilapitan ni Kim si Kian at naupo sa tabi nito.

"May problema ba kuya?"

"Hmm?"

"Para kasing parati ka nalang wala sa mood."

"Ako? Hindi naman ayos lang ako."

"Napapansin ko kapag naagawan ka ni kuya Flin ng linya o ng pagiging kuya para kang pipi na nanahimik nalang."

"Bakit may pipi bang maingay?"

"Tol naman, alam mo namang ka sanggang dikit mo ko rito kaya pwede mo kong sabihan."

"Wala naman akong problema nag o-overthinking ka na naman dyan para ka ng si Mama."

"Sus! Wag ako kuya. Alam kong kaya ka nag kakaganyan kasi feeling mo nawawala na sayo yung shine mo bilang nakatatandang kapatid."

"Pinagsasabi mo?"

"Kapansin pansin namang kapag kausap ni Kelly o kahit sino samin si kuya Flin nag iiba ang mood mo kasi pakiramdam mo na o-out of place ka na. Are you jealous?"

"Huh! Ako? At bakit naman?"

"Tsss! Wag nga ako. Sa ilang taon na naging panganay para samin di ka pa nagkakanganyan kaya wag mo kong isahan tol! Ramdam kong ramdam mong parang useless ka na lalo na pag dating kay Kelly. Kasi madalas si kuya Flin ang gusto nyang kausapin, hingan ng advice o kahit ang pagiging pala utos nya nabago dahil kay kuya Flin na parating ginawa sayo ni Kelly nung wala pa si kuya Flin dito."

"Napaka dami mong sinasabi. Halika na kakain na raw."

Tumayo na si Kian para pumunta sa dining area nila pero hindi sya tinantanan ni Kim "kung ako sayo masanay ka na dahil parte na ng pamilyang ito si kuya Flin at di mo na yon mababago. Pero, bakit di mo subukan na maging pangalawa sa panganay masaya rin minsan ang hindi maging panganay. Tandaan mo yan kuya. Learn from me I'm the second oldest brother nung wala pa si kuya Flin at masaya ko and grateful dahil sayo."

Kim pats his kuya Kian then he went to their dining area "kuya Kian, kakain na." Ang pa sigaw na sambit ni Kelly.

"O— Oo andiyan na."

Sa magkaparehong oras,

Sa opisina ni Patrick dumalaw si May na may dalang icecream...

"Icecream?"

"Hindi ba kapag mainit ang ulo mo gusto mong yan ang parati mong kinakain?"

"Oo, pero kulang ang icecream para sa ulo kong malapit ng sumabog nakikita mo ba yang mga papers na yan kailangan ko pa yang pirmahan tapos ikaw pa chill-chill lang?"

"Hahaha... kalma! Kaya nga naririto ako."

"Ayan ka na naman ate. Last time na sinabi mo na kumalma ko pero anong nangyare? Wala! Tumaas lang ang level ng stress ko dumagdag pa yang si Cindy sa isipin ko."

"Kaya nga andito ako kasi may good news ako sayo."

Patrick smirked then he grab the ice cream that his ate May gave it to him "kung sasabihin mong aalis na sya sa mansion yun lang talaga ang good news para sakin. Pero kung hindi,!wag mo nalang ituloy yang sasabihin mo ate dahil puro kapalpakan yang pinaplano mo."

Tinanggal ni May ang isang heels nya para ibato sana kay Patrick pero di nya ito na ituloy "sige ate, kapag tinuloy mo yan uuwi kang iisa ang heels mo dahil sisirain ko talaga yan."

"You ungrateful brother!!!"

"Okay then, maaari ka ng umalis my dearest boring sister."

"Kahit na sabihin ko sayong di ka na kukulitin ni Cindy kasi pinsan pala natin sya."

"Ano?!"

"Oo, kaya titigilan ka na nya sa pag papantasya nya na magiging kayo balang araw."

"Pero teka lang ate paano natin sya naging pinsan? Kilala ko naman ang parents ni Cindy at ni isa sa kanila ay hindi natin relative."

"Yun ang akala mo at ng lahat pero ampon lang pala nila Mr. and Mrs. Gao si Cindy."

"No way! Paano naging ampon si Cindy? Eh hawig nya si tita Cunsuello."

"Oo kasi kapatid ni tita Cunsuello ang biological mother ni Cindy. "

"Then? Kahit na magkapatid sila di parin naman natin kamaganak ang mga Gao."

"Oo pero ang lolo nila tita Cunsuello ay kapatid ng ating great grandfather."

"Ha? Pero paano nangyare yon?"

"Kapatid ng lolo ni lolo ni daddy sa labas ang lolo nila tita Cunsuello."

"What? Totoo ba yan?"

"Oo nag search ako about sa family ni Cindy eh."

"Hmm? Bakit?"

"Ehhh... kasi nga nabalitaan ko na yung marriage na magaganap kila Cindy at dun sa fiancé nya eh arrange marriage pala."

"Ha? Modern time na ngayon uso parin ba yun?"

"Oo kung Chinese ka. May ilan na sumusunod parin sa kinaugalian nila at kasama na nga doon sila Cindy at yung fiancé nya."

"Kaya naman pala napauwi ng Pinas si Cindy dahil don."

"Oo, pero hindi na natin sakop yun ang importante di pwede ng maging kayo ni Cindy."

"Ate nababaliw ka na ba?"

"Aba't ikaw na nga itong tinutulungan eh ayaw mo pa?"

"What I mean is hindi naman talaga pwedeng maging kami dahil may asawa na kong tao."

"Ah... Oo nga, yun nga ang ibig kong sabihin. He... He..."

"Tsss! Kala mo naman lulusot ka ang intindihin mo kung paano natin didispatiyahin si Cindy."

"Sira ulo! Anong gusto mong gawin ko mag hire ng hitman?"

"Ano ba ate? Naiwan mo ba sa mansion ang isip mo? Syempre in a good way ang ibig kong sabihin sa dispatiyahin. Umisip ka ng paraan kung paano mapapaalis is Cindy sa mansion na hindi sya mao-offend."

"Wala nga ko maisip. Alam mo na yang si Cindy napaka sensitive kaya kung meron man sating dalawa na dapat mag pa alis kay Cindy walang iba kung hindi ikaw."

"Anak ng? Ayoko ate! Alam mo namang naiwas akong pumunta ng mansion dahil andun si Cindy."

"Oh talaga ba? Eh paano ang meeting mo with our new shareholders? Hindi ba sa mansion ang place nyo?"

"Ha? Dun ba?"

"Oo kaya, ikaw pa nga ang nag suggest dahil gusto mong makausap ang mga bago nating shareholders kasi nga gusto mo ring ipagmalaki ang mga paintings at awards ni daddy."

"Sinabi ko ba yon?"

"Bahala ka tantan mo ko. Babush na umuwi ka ng agad wag kang mag pa late ng uwi miss ka na ni Kelly nabanggit sakin ni Kevin na halos di na kayo nakakapag usap dahil sa office works mo. Ipaubaya mo yung iba kila Dave andyan rin naman si Ms. Maricar."

At tuluyan na ngang umalis si May at napa isip naman si Patrick sa sinasabing iyon ng kapatid "kung tutuusin nga halos isang buwan ko na palang di nakakusap ng matagalan si Kelly. Miss ko na sya. Sighhh..."

***

Kinaumagahan gaya ng nakakaraan maagang umalis Patrick at hindi na nya ginising pa si Kelly na mahimbing na natutulog dahil madaling araw na rin ito nakatulog dahil pagising gising s'ya upang umihi bilang buntis madalas syang naiihi kaya naman hindi dire-diretso ang tulog nito.

"Aalis ka na?" Ang bungad ni Keilla na maagang nagising para magluto ng kanilang umagahan.

"Good morning po Ma, opo maaga po kasi ako ulit eh. Kayo po, bakit maaga po kayo na gising ngayon?" Sagot naman ni Patrick.

"Ah, narinig ko rin kasi yung mga manok di pala napakain nung hapon ni Keith kaya ayun pinakain ko na muna kaya ere mag luto na rin ako ikaw mag kape ka na muna gagawan kita ng sandwich."

"Di na po Ma, salamat nalang pero nag mamadali rin po kasi ako maaga pa po ako sa site sa Cavite eh."

"Ah, ganun ba? Sige sandali lang, mabilis lang ito nag bake kasi kami ni Jacob ng muffins kahapon kaya eto." Kinuha n'ya sa ref ung box ng six muffins at ibinigay kay Patrick.

"Sakin po ang lahat ng ito?"

"Um. Marami naman kaming ginawa don't worry di yan katamisan alam ko namang di ka into sweets."

"Salamat po."

"S'ya sige na, ingat ka sa pag mamaneho."

"Opo ma." Nag Mano sya sa mama Keilla nya bago umalis.

Bigla namang napa isip si Keilla "nabanggit kaya ni Bunsuan kay Patrick na pupunta silang mag kukuya sa kanila? Hmmm... Baka naman nabanggit nung gabi."

Pero ang totoo walang alam si Patrick na pupunta sa mansion ang Dela Cruz siblings at di rin naman iyon alam ni May dahil nga surprise ang lahat.

"."

Kinahapunan...

Nag hahanda na sila Kelly na umalis para mag tungo sa Santos Mansion ng biglang nagka aberya yung sasakyan nila.

"Ano? Bakit walang gas?" Ang sambit ni Kim.

"Si kuya Keith ang huling gumamit ng van eh." Sagot naman ni Kevin.

"Ah... eh... sorry nalimutan ko kasing mag pa lagay na a-ano kasi ako nung araw na yon number 2 lam nyo na call of nature." Nahihiyang sagot naman ni Keith pero ramdam nya ang inis sa kaniya ng mga kapatid nya.

"Pano yan? San tayo sasakay?" Sambit ni Kelly.

"Don't worry we're here baby sis. Sakin yung iba sumabay tapos yung iba kay Julian." Ang suggestion naman ni Jules.

"Alright!" Ang masayang sagot naman ni Kelly.

"Okay, ako na at si Kelly ang sasabay kay Jules." Ang sabi ni Kevin.

"Ako rin sabay ako senyo." Ang sabi ni Keith.

"Heh! Mag motor ka!" Ang sabi naman ni Kim.

"Ha? Aba ayoko!"

"Ganito nalang ako nalang ang mag momotor." Ang sabi ni Flin.

"Dina kuya kasya naman ang tatlo sa kotse." Ang sabi ni Julian.

"Oo nga si kuya Kim kasi." Ang opinion na naman ni Keith.

"Manamik ka! Dapat nga sayo mag lakad nalang inubos mo yung gas ng van epal ka!"

"Eh kasi nga..."

"Ayos lang para patas dalawa ang sasabay kay Jules tapos kayo ni Keith and Kim ang sasabay kay Julian. Para wala ng away."

Kelly winked "nice kuya Flin."

Flin smiled "hehe... thankies."

Napa isip naman si Kim "buti nalang at wala dine si kuya Kian kung hindi mag hihimutok na naman yon kain si kuya Flin na naman ang nakita ni Kelly."

"Oh so, it's a deal na ba mga kuy's?" Ang sabi naman ni Kelly.

"Yeah." Anila.

Tahimik namang nakamasid lang sa may terrace ang mag lola na si Keilla at Jacob "momsie..."

"Ano yon apo?"

"Ahm... bakit po kayo naka ngiti?"

"Ahh... kasi masaya ako na mag kakasundo ang mga Tito mo at ang tita Kelly mo. Ngayon ko lang kasi naranasan ang ganito."

"Ang alin po?"

"Yang ganyan. Tignan mo sila ang saya nilang pag masdan kahit na simple lang ang problema pinapalaki nila pero in the end of their conversation na aayos naman nila."

"Ma, alis na po kami." Sambit nila Kelly.

"Oo mag ingat kayo."

At umalis na nga ang Dela Cruz siblings.

"Gusto ko po pag laki ko maging si tita Kelly."

"Hmm? Bakit ang tita Kelly mo ang gusto mong gayahin imbes na ang daddy Kian mo?"

"Eh kasi po momsie si tita Kelly at si daddy mag ka ibang mag ka iba si daddy po kasi mainitin ang ulo ang strikto feeling sya lagi ang magaling. Well, he's doing great naman po talaga but I must prefer parin po to be tita Kelly's disciple."

"Silly, how do you say so?"

"Ehhh... kasi po pag si tita Kelly na ang nag salita lahat umaayon sa kaniya wala ng kokontra kahit na bunso po sya."

"Well, tama ka naman dyan pero kasi babae rin ang tita mo at syempre overprotective rin ang daddy at mga uncle mo sa kaniya kaya talagang sumusunod sila kay Kelly pero in a good way pinangangaralan parin sya ng mga kuya nya at pag nasa tama sya sya talaga ang sinusunod ng mga kuya nya lalo na pag alam ng mga itong galit na ang tita Kelly mo."

"Pero ending po nasusunod pa rin naman si tita Kelly even if she made a mistake po kasi mahal po sila nila daddy."

"Hehe... Oo you have a point. Halika na nga pumasok na tayo at baka nagising na ang mga pinsan mo."

"Opo."

Habang basa biyahe sila Kelly...

"Ha? Hindi mo na banggit kay Patrick na pupunta tayo sa kanila?" Sabi naman ni Kevin kay Kelly na nasa front seat at back seat naman si Kelly.

"Ayos lang yun kuya nabanggit ko naman kay Manang Tina."

"Pero kahit na baka mamaya wala yun dun."

"Don't worry alam ko ang mga schedule ng taong yon."

"Nga naman bro syempre asawa yun ni baby sis." Sagot naman ni Jules na nag mamaneho.

"Pero kahit na busy na tao si Patrick baka mamaya mag change na schedule yung tao ikaw talaga Kellang."

"Kuya, alam ko nga dahil kausap ko si Mr. Sensen eh."

"Ah... yun naman pala kuya kaya wag ka na magalit diyan."

"Kow! Ito naman sulsol kaya na laki ang ulo niyang si Kelly eh iniispoiled nyo ni Julian."

"Ehhh... kami lang ba? Sino kaya satin yung sinalo ang parusa nila kuya Kian para lang di lumuhod sa munggo si baby sis?"

"A— Ano? Kelly!"

"Pfft... hahahaha... sorry kuya na kwento ko kasi yun kay tita Jenny nung nag uusap uusap kami nila mama sa kubo natin eh bigla kasing dumating si kuya Jules eh kaya yon narinig nya."

"Haysss..."

"Okay lang yun kuya kung kami rin naman ang nasa position mo ni Julian gagawin din namin yon."

"Tsk! Tama na nga yan high school pa nun si Kelly. Anyways, back to our topic siguraduhin mo lang bunso na andun sa mansion yang asawa mo."

"Oo nga kuya. Bayan paulit ulit."

Nakaramdam naman bigla ng pag sakit ng tiyan nya itong si Kelly.

"Anong nangyayare?" Anila Kevin at Jules.

"Okay lang ako sumipa lang yung isa sa kambal."

"Sigurado ka? Kanina pa kita napapansing namumutla ka kaya ako na ang nag prisinta na sumabay dito sa kotse eh." Ang nag aalalang sambit naman ni Kevin.

"Oo nga baby sis parang ang putla mo nga." Pag sang ayon naman ni Jules.

"Wag nyo kong alalahanin ayos lang ako."

Pero ang totoo simula nung isang umaga nakaramdam na ng pananakit ng tiyan si Kelly at sumasakit rin ang ulo niya pa minsan-minsan at nitong mga nakaraan na diagnosed sya na bumababa ang sugar nya kaya inadvise ng OB nyang wag syang mag papagod at mag papa stress.