Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 367 - Kabanata 367

Chapter 367 - Kabanata 367

Kinabukasan sabay-sabay na nag agahan ang Dela Cruz siblings at masayang masaya si Kelly na nakikipag usap sa mga kuya niya....

"Bunso, ubusin mo na muna yang pagkain mo napag iiwanan ka na ng mga kuya mo." Ang sambit ng mama Keilla nila na natutuwa dahil sama-sama na nag aagahan ang magkakapatid sa unang pagkakataon.

"Hehe... Opo Ma."

"Di pa kayo na sanay diyan eh napaka bagal nyang kumain." Ang sabi ni Keith.

"Kaya malamig na ang pagkain bago makatapos. Naku po Kellang..." Opinyon naman ni Kim.

"Di naman kaya. Bleeeh!" Sagot naman ni Kelly.

"Tigilan nyo na yan at bilisan nyo ng kumain." Ang seryosong sambit naman ni Kian.

Nangingiti naman si Keilla habang sinusubuan ng pagkain ang bunsong anak ni Keith.

"Ba, ako eh tapos na." Sagot naman ni Keith.

"Tapos ka na nga, yang si Tum-Tum naman di mo na pinakain." Ang sabi naman ni Kian.

"Ay, sorry baby." Dali-Dali naman nyang inasikaso ang panganay niya.

Tumayo na si Kevin at sinabing "Ahm... mga tol, babysis hindi ako sasabay sa inyo papunta ng DLRH."

"Hmm?" Reaction ng mga kapatid nya.

"Pero kuya sabi mo sabay-sabay tayo pupunta sa hospital." Ang sabi ni Kelly.

"Wag kang mag alala dun din naman ako sa DLRH pupunta mauuna lang ako kasi kailangan na ko dun di papasok yung isang kasamahan ko."

"Ohh...ganun naman pala wag ka ng sad bunso." Sambit naman ni Julian.

"Okay."

"Siya sige mauna na ko senyo. Ma, alis na po ako."

At nag mano naman sya sa mama Keilla nila.

"Sige mag ingat ka."

"Opo. See you guys later."

"Oo." Anila Kian.

Umalis na nga si Kevin at nag patuloy ang lahat sa pagkain at pag uusap.

"Ma, iiwan ko muna sa inyo ulit yung dalawang bata uuwi na si Faith mamaya." Ang sabi ni Keith.

"Sige ako ng bahala."

"Ah... Ma si Jacob wala naman syang pasok uuwi rin si Rica mamaya." Ang sabi naman ni Kian.

"Uuwi na po si mom?"

"Oo nak, hindi ba sinabi sayo?"

Sa isip-isip ni Jacob "kung alam nyo lang nasa kabilang bahay lang naman sila mommy at tita Faith."

"Ilang taon na si Jacob?" Tanong ni Flin and he smile.

"Mag 9years old na sya sa sususnod na buwan ang bilis nga ng panahon ang tangkad na di pa yan tuli."

"DADDDDDDYYYY!!!"

"Hahaha... di ka pa tuli baby boy?" Ang sambit naman ni Jules.

"Tsss... ikaw rin naman nung nasa age ka ni Jacob 10years old ka na nga tinuli eh." Sambit naman ni Julian na para bang inaasar ang kakambal nya.

"Hoy Julian! Ikaw nga kamo yon di ako."

"Ikaw yon di ako!"

"Oh, tama na yan baka mamaya san pa mapunta ang usapang yan." Ang sabi naman ni Flin at napatingin sa kaniya si Kian.

"Yan... si Julian kasi mag ligpit ka na nga dun."

"Ikaw kaya di ka nag liligpit."

"Hindi na po ako nalang po mag ligpit aalis pa po kayo." Sagot naman ni Jacob.

"Ang bait naman ng baby boy. Anong gustong pasalubong?" Sabi naman ni Kelly na patapos na sa pagkain nya.

"Wala po pero gusto ko po sana sumama kaso hindi po pwede. Right daddy?"

"Yeah, tsaka na samahan mo na lang muna ang mamsie mo dito pa uwi na rin naman ang mommy mo."

Ang lungkot naman bigla ng mukha ni Jacob "opo daddy."

"Isama nyo na sya ayos lang naman ako dito."

"Hindi na Ma, mas okay na andito si Jacob para may kasama kayo na mag bantay sa dalawang bata habang di pa nadating sila Rica at Faith."

Napatingin naman si Keilla sa apo niyang si Jacob dahil nabanggit nito sa kaniya na miss na nito ang kaniyang papsie. Higit sa lahat gusto rin ni Jacob na makasama ang mga uncle nya at si Kelly lalong lalo na si Flin.

"Hello guys!" Sambit ng isang babaeng bigla nalang sumulpot.

"Mommy?" Pagulat na sambit nung kambal at napatayo pa dahil ang dumating nga ay ang kanilang mommy Jenny.

"Jenny!" Ang sambit naman ni Keilla at sinalubong nya ito at nag beso-beso sila "kanina ka pa ba?"

"Hindi naman ngayon lang bukas kasi yung gate kaya pamasok na ko sorry."

"It's okay ikaw naman at hindi ibang tao."

Lumapit naman ang kambal at sinabing "anong ginagawa nyo dito?"

Binatukan naman ni Jenny yung kambal nyang anak "mom!"

"Heh! Inimbitahan ako ng tita Keilla nyo dito, ano kayo lang?"

"Pero mom, I thought you will be back sa Cebu na?" Ang sabi ni Jules.

"Ah... Eh... sabi ko kasi dito na muna sya sa Manila. Ayos lang ba yon sa inyo?" Ang nahihiya namang sambit ni Keilla.

"O— Opo naman po kaso maarte po yang si mommy baka di nyo matansa."

Paningot naman ni Jenny si Jules sa sinabing iyon "mommy aray ang sakit... Bro, help me...."

"Bahala ka diyan. Maarte ka rin naman." Sambit naman ni Julian at bumalik na sa kinauupuan n'ya kanina.

"Bro!!!"

Natatawa naman sila Keith lalong lalo na si Kelly "Hahahaha... napaka prangka mo kuya Julian. Hahahaha..."

"Hoy, makatawa ka dyan hindi magandang tawa ka ng tawa." Ang sabi naman ni Kim.

"Hahaha... I can't help it kuya sobrang straight forward kasi ni kuya Julian Hahahaha...."

"He... He... sorry bunso." Sambit naman ni Julian kaya lalo namang natawa si Kelly at nababatukan n'ya pa nga ang kaawa awang pamangkin nyang si Jacob sa sobrang tawang tawa n'ya.

"Ah... Eh tita Kelly... masakit po."

"Ay, sorry... pfftt... kuya kasi bakit sakin ka nag sosorry eh kay kuya Jules ka may kasalanan. Hahahaha.... silly."

"Oo nga!" Pag sang ayon naman ni Jules.

At nag patuloy ang pag uusap ng mag kakapatid habang inililigpit ng pa unti-unti ni Keilla ang mga pinagkainan nila.

"Ako na po ang mag huhugas ng pinggan." Ang sambit ni Flin na sumunod kay Keilla na may dala ring ilang mga pinggan.

"Ah, nako, hindi na bisita ka dito at ang bisita dapat nag rerelax lang."

"Nako, hindi po wag n'yo akong ituring na bisita ako nga po ang dapat mag pasalamat kasi tinanggap n'yo kong muli sa tahanan n'yo."

"Wala yon, masaya akong magkakasama na kayong magkakapatid."

"Salamat po tita."

"Tawagin mo nalang ako Mama kung ayos lang sayo."

"Ta— Talaga po?"

"Um. Wag mo sanang masasamain pero habang nandito ka samin gusto ko ako ang ituring mong ina wag ka na sanang aalis ng bahay ng walang paalam. Mag aalala ako sayo wag mo na sanang ulitin yung nakaraan. Sobrang nag alala sayo si Kelly kaya pagkatandaan mo hindi ka nag iisa andito lang kami, ako para sayo. Wag mo sanang isipin na walang nag mamahal sayo bilang ina masakit kapag nakikita n'ya ang anak nyang nasasaktan at... kasama ka na rin dun kaya wag..."

Hindi na natapos ni Keilla ang sinasabi n'ya dahil bigla nalang syang niyakap ni Flin at umiiyak ito "maraming salamat po sa pag tanggap sakin Ma— Ma..."

Napangiti at napaluha rin si Keilla ng marinig n'ya ang mga linyang iyon kay Flin.

"You're always welcome Flin... anak."

Naiyak na rin naman si Flin sa kadahilanang hindi n'ya maikubli ang sayang nararamdaman n'ya dahil sa matagal ng panahon may matatawag na uli syang pamilya higit sa lahat ang magkaroon uli ng "ina" na mag aaruga sa kaniya.

"Naiyak ba kayo?" Ang sabi ni Kelly ng pabulong habang lihim sila ni Kian, Kim at Jacob na nakamasid sa kuya Flin at Mama Keilla nila.

"Si— Sinong naiyak ang sinasabi mo dyan? Imbento." Ang nag kukunwaring sambit naman ni Kim na nakatingin sa kisame.

"Sus... wag nga ako kuya."

Napansin naman ni Jacob na ang seryoso ng tingin ng daddy niya sa Mamsie at Tito Flin n'ya "ikaw daddy naiiyak ka rin ba?"

"Ako? Why should I? After all, eldest brother namin ang Tito Flin mo so, he is welcome to our house."

"Ohhh... ganun po pala."

Pero iba ang nasa isipan ni Jacob dahil nakita na n'ya ang ganung reaction ng daddy n'ya nung isang beses na may kasamang ka workmate na lalaki ang mommy n'ya.

Samantala busy naman ang kambal sa mga anak ni Keith na pinabantayan muna sa kanila dahil may kukunin ito sa kwarto.

"Mom, bakit di kayo nag sabi na pupunta kayo dito? Edi sana na sundo namin kayo ni Jules." Sambit ni Julian habang dala si Baby Ellion ang bunsong anak ni Keith.

"Para namang may bago kay Mom she always do what she wants. Tignan mo nga may plano na pala s'ya na mag stay sa Manila for the meantime." Sagot naman ni Jules na nakikipag laro kay Tum- Tum sa may sofa.

Kinuha naman ni Jenny kay Julian si Baby Ellion at s'ya ang nag buhat dito "ngayon nalang uli ako nakapag buhat ng baby. Ano pa kasing inaantay n'yo? Mag asawa na kayo."

"Mom!" Anila.

"What? You two are in a relationship right? Kaya mag propose na kayo and don't worry I will..."

"No Mom!" Ang sabi ni Julian.

"Ha? Sasagutin ko na nga ang lahat mag pakasal lang kayo."

"Mom, listen... walang magaganap na kasal okay?"

"What? I thought you and Wendy are together na?"

Namula naman ang mukha ni Julian dahil di n'ya inaasahang alam ng mommy nila ang tungkol dun.

"What? Did I surprised you na bakit ko alam?"

"Jules!"

"Ano? I ain't tell Mom about that matter di ko rin alam na nag sasama na pala kayo ni Wendy?"

"Wha— What??? No! Hi— Hindi naman kami mag ka..."

"Enough! Julian, alam kong busy kang tao dahil sa profession mo pero I won't tolerate na may ka live in ka na."

"Mommy!"

Binatukan naman ni Keith si Julian "ku—kuya..."

"Sorry na carried away lang ako. Ha... Ha..."

"Eh?"

"Sorry pero totoo ba na may ka live in ka na?"

"Ha? Ah... Eh... hindi naman sa ganun kuya..."

Kinuha naman ni Keith si baby Ellion kay Jenny at binihisan ng damit at tinulungan rin naman sya nito "sus! Mukhang totoo kuya wag kang maniwala dyan kay Julian."

"Jules, tama na yan."

"Pero mom, sabi mo di mo sya kukunsintihin bakit ngayon parang kinakampihan mo na sya?"

"I know, but I think okay rin naman ang ganun pala."

Jules made a facepalm and he said "bahala na nga kayo."

"Pero tita dapat di kayo pumayag sa ganung set up. Naranasan ko na rin po kasi ang ganun sa nanay ng mga anak ko. Well, hindi po exactly na nag live in kami ni Faith pero bago po kasi kami ikinasal na buntis ko na sya at hindi iyon naging maganda. Na depressed si Faith na galit sa kaniya ang pamilya nya kasi bilang babae kailangan maging maingat."

"Pero kuya wala naman kaming ginagawang masama ni Wendy." Sagot namang agad ni Julian.

"Sa ngayon oo, eh paano kung bukas o sa susunod na araw magka mali na kayo? Kilala ka pa man din bilang sundalo kaya dapat maging modelo ka sa iba. Di ba no kuya?" Sabi naman ni Jules.

Napangiti naman si Jenny at sya na muli ang nag buhat kay Ellion "makinig ka Julian kung handa ka na maging padre de pamilya pakasalan mo na si Wendy. Wag ka ng gumaya samin ng kuya Kian mo."

"Hmm? Anong meron dito?" Ang bungad namang sambit ni Kian na pataas na sana ng hagdan papunta ng kwarto n'ya.

"Ah... si Julian kasi kuya may ka live in na daw." Sagot naman ni Jules.

"Ano?!"

"Ah... Ah... Ano kuya let me explain."

Lumapit naman si Kian at paningot ang tenga ni Julian "a— aray kuya ang sakit."

"Give me 20 push ups now!"

"Ye— Yes Sir."

Dali-dali namang nag push up nga itong si Julian "pagtapos n'yan mag sit ups ka rin 50 times!"

"Ha? Kuya naman!"

"Heh! May usapan na tayo bakit ka nag lihim?!"

"Hi— Hindi naman kasi totoo na may ka live in ako eh."

Natatawa naman si Jules kaya sinulsulan n'ya pa ito para mag init lalo ang ulo ni Kian sa kakambal n'ya "hindi kuya wag kang maniwala dyan buntis nga daw si Wendy eh."

"A— ANO?!" Ang sabay namang sagot ni Kian at Jenny.

Napahawak pa sa batok n'ya itong si Kian sa gulat at bigla namang nanlambot ang tuhod ni Jenny kaya dali-dali naman itong inalalayan ni Keith dahil buhat-buhat rin nito si Ellion.

"Hi— Hindi yon totoo kuya, mommy wag kayong maniwala kay Jules. Wa— Wala nga nangyari samin promise at hindi kami nag live in kahit nung kami pa."

"Wait, nung kami pa? Bakit hiwalay na ba kayo?" Ang curious na tanong naman ni Keith.

"Oo kuya nung nakaraang buwan pa."

"Ehhhh?"