Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 343 - Kabanata 343

Chapter 343 - Kabanata 343

"Kuya, pakawalan mo na sya ako naman ang kailangan mo di ba? Maawa ka kay manong." Ang sabi ni Kelly habang naka luhod at may naka tutok na dalawang riffle sa kaniyang magkabilang balikat.

Sa isip-isip naman nung lalaking tumulong kay Kelly "manong?eh halos mag kasing edad lang kami maka Manong naman sya wagas."

Lumapit si Flin kay Kelly at sinampal sya ito "ang sabi ko wag mo kong tatawaging kuya!"

Ang sama naman ng tingin ni Kelly kay Flin "masaya ka?! Sige saktan mo pa ko kung yan ang ikasasaya mo. Oh patayin mo na rin ako para tuluyan kang maging masaya! Hindi mo tanggap na kapatid mo ko o sila kuya? Bakit? Sa tingin mo ba masaya kami na may kapatid kaming gaya mo?"

Sinampal naman ulit siya ni Flin sa kabilang pisnge naman nya "sige, saktan mo ko! Sana multuhin ka ni daddy! Ay, baka hindi ka rin nya magawang multuhin dahil wala kang kwentang anak!"

Galit na galit na si Flin at sasampalin nya ulit sana si Kelly pero huminto sya ng makita nyang naiyak na ito "gaya mo hindi ko rin naman nakasama ng matagal si daddy namatay sya noong ika limang taong kaarawan ko. Alam mo yung masakit? Sa harapan ko sya nawalan ng buhay kuya! Kaya hindi lang ikaw ang nahihirapan dito! Naiintindihan mo ba? Hindi lang ikaw ang nalulungkot dahil nawalan ka ng ama! Kuya…ako rin miss na miss ko na si Daddy! Anong gusto mong gawin ko buhayin sya? Kuya… pagod na pagod na rin ako! Ako yung bunso pero kayong mga kuya ko hindi pa mag ka sundo-sundo!"

Iyak ng iyak si Kelly gang sa lumuhod na rin si Flin at niyakap nya ang kapatid "tahan na…"

"Kuya…"

"Wag ka ng umiyak hindi ka na sasaktan ni kuya…"

"Kuya Flin…Boohooo…"

"Sorry…hindi ko naman talaga…"

Hindi naman na natapos ni Flin ang sinasabi nya dahil biglang may dumating at bungad nito ang mabagal na pag palakpak na para bang may ibang ibig sabihin "magaling, nakaka touch pwede na kayong gumawa ng dramarama sa hapon."

Pag lingon ni Flin gulat na gulat sya kaya napa tayo syang bigla at hinarangan si Kelly "Wi—William…anong ginagawa mo dito?"

Lumapit naman sa kaniya si William at may pag himas pa sa balikat at ang sama ng tingin pag tapos "alam mo ang ayaw ko…ang mga taong sinungaling!" sinikmuraan nya si Flin kaya nag panic naman si Kelly.

"Ku—Kuya…"

"Wag kang mag alala ayos lang ako."

"Ohhh…how sweet naman." ang nambubuyong sambit ni William at kinuha ang baril nya at itinutok kay Kelly.

"Wi—William, wag mo syang idamay wala syang kinalaman dito."

"Ohhh…sa tingin mo ba wala talaga akong alam?"

BANG…

Nag paputok si William pero hindi nya pinatamaan si Kelly pero sobrang lapit nun at kunting maling galaw talagang tatama ito kay Kelly.

Lumuhod naman si Flin kay William "parang awa mo na wag mong idamay ang kapatid ko pangako ibibigay ko ngayong gabi rin ang 50Million wag mo lang syang saktan."

Tinabig naman sya ni Willim at nilapitan nya si Kelly hinimas nya ang pisnge nito "pervert!!!" Ang sambit ni Kelly at kinagat ang kamay ni William.

"IKAW!!!!" ang galit na galit na sambit ni William at pinatamaan niya ang bahagi ng leeg ni Kelly kung saan pwede itong mawalan ng malay.

"KELLY!!!" Ang nag aalalang sambit ni Flin habang papalapit sya kay Kelly pero…hindi nya na ito na hawakan.

Sumenyas si William sa mga tauhan nya at yung isa dinakip si Kelly at binuhat "a—anong gagawin nyo sa kaniya!!! Buntis sya baka kung mapapaano sya."

"Buntis? Huh! Wag mo kong pinagloloko Flin dahil sakin na ang kapatid mo!"

BANG….BANG…

"BITAWAN NYO ANG ASAWA KO!!!" Ang galit na galit na sabi ni Patrick at si Julian ang nag paputok ng baril.

Dahil may bagong karakter ang dumating na bago rin ang plano nila Patrick kaya naman sama-sama na sila nila Kim na sumugod na pinangungunahan ni Julian.

"Ibaba nyo ang kapatid namin kung ayaw nyong sumabog ang buong lugar na ito." Ang sabi ni Julian kahit pekeng bomba ang sinasabi nya.

"Huh! Sino kayo sa tingin nyo?" Ang sabi ni William at di nga rin nag tagal nakita ng isa sa mga tauhan nya ang bombang naroroon at ilang munuto nalang ay sasabog na.

"BOSS!!! May bomba nga!!!"

"Bwiset!"

Unti-unti na rin naman pumasok ang mga pulis sa loob ng talyer "may mga parak!!!"

"Atras!!!"

Aatras na sana sila William pero hindi sya pinayagan ng mga kuya ni Kelly na makatakas.

"Oops… sana ka pupunta?" Ang sabi ni Keith na humarang sa may dala kay Kelly.

At nag simula na nga ang bakbakan sa pagitan ng mga kuya ni Kelly at ni Patrick laban kay William at sa mga tauhan nito.

"Anong gingawa mo? Kumilos ka na." Ang sabi ni Kim sa nakatulalang si Flin.

Barilan dito suntukan doon, sipaan at sapakan ang nangyare may nawalan ng buhay at may sugatan at ang pang huli na hostage ni William si Kelly na dapat tatakas na.

"Sige, subukan nyong lumapit kung ayaw nyong pasabugin ko ang ulo ng kapatid nyo!"

"William! Ibaba mo yang baril mo at sumuko ka nalang wala ka ng kakampi dito!" Ang sambit ni Flin.

"Walanghiya ka Flin! Tinuring kitang kapatid tapos gagaguhin mo ko?!"

Habang nag uusap naman sila Flin at William gumagawa na ng plano sila Patrick at ang iba pang kuya ni Kelly.

At kahit mismo si Kelly ay nakiki cooperate rin dahil nanatili lang syang kalmado.

Pero sa isip-isip ni Kelly "bwiset bakit nadadalas ang pagiging hostage ko sa eksenang ito? Pero kailangan kong gumawa ng paraan para makawala sa lintek na ito."

Inalala nya ang mga turo sa kaniya ng kuya Kian nung sya'y elementary student pa lamang…

"Talaga kuya? Muntik ka ng mabaril?"

"Oo nakikita mo ang sugat na ito?" Ipinakita nya ang sugat nya sa leeg.

"Hala, kuya Kim may sugat si kuya Kian."

"Don't worry malayo naman sa bituka."

Lumapit naman agad si Kim at nilinis ang sugat ni Kian "ano ba kasing nangyare kuya?"

"May isang lola kasi kanina nung nag aabang ako ng jeep pa uwi doon sa may waiting shed ng biglang may nang holdup na dalawang lalaki."

"Tapos? Anong nangyare kuya?"

"Tuh naman si Bunso patapusin mo muna si kuya kasi." Ang sabi naman ni Keith na kumuha pa ng makakain para makinig sa kwento ni Kian.

"Ehhh…"

"Sige kuya ituloy mo na." Ang sabi naman ni Kevin na nag huhubad ng kanyang sapatos at kararating lang galing school.

"Mag bihis ka nga muna."

"Mamaya na kuya mag kwento ka muna."

"Tsss…tung mga ire talaga…siya sige na…ganito na nga ang nangyare may ilang tao kasi sa waiting shed at yun ang mga holdup ng magnanakaw dahil nga estudyante ako hindi na nila ko pinansin kaya hindi nila ako ninakawan siguro mukha kasi akong walang pera. Tapos ayaw ibigay nung matandang babae yung bag nya dun sa isang mag nanakaw nag hilahan pa sila ng bag. Ang sabi nung matandang babae:

"Iho, maawa ka wala akong pera uuwi pa ako ng probinsya para mapagamot ko ang asawa kong may sakit."

"Wala akong paki alam ibigay mo sakin ang bag mo kung ayaw mong iputok ko sa ulo mo itong baril ko."

"Maawa ka… wag mong kunin ang bag ko…"

Lumuhod pa yung matandang babae dun sa mag nanakaw naawa na rin nga ang ibang taong nandoon ang sabi nila "maawa naman kayo sa matanda."

Pero hindi naawa yung mga mag nanakaw sinapak pa nung isang mag nanakaw yung matanda para bitawan nito ang bag nya.

"Maawa kayo…para sa asawa ko yan."

Nabitawan na nga nung matanda yung bag nya dahil naubos na rin ang lakas nya sa pakikpag agawan dun sa mag nanakaw tapos sinapak pa sya. Pero bumangon ito at hinila uli ang bag nya dun sa mag nanakaw kaya naman nainis sa kaniya yung mga mag nanakaw. Naging intense na ang mag sumunod na nangyare."

"Wala man lang tumawag ng pulis kuya?" Ang tanong ni Keith.

"Meron na pero alam nyo naman laging panghuli ang mga pulis."

"Ano pang nangyare kuya?" Ang sabi naman ni Kelly.

"Eto na nga nag ka gulo na marami ng naki usyoso kaya naman nag paputok ng baril yung isa sa mag nanakaw gang sa napaatras ang lahat sa takot pero yung matanda ayaw paring bitawan ang bag nya. Tapos ang sabi ng matanda…

"Iho, parang awa mo na wag mong kunin ang bag ko kung gusto mo ibibigay ko sayo ang kalhati ng pera ko pero wag mo namang kunin lahat kailangan ko pang ibili ng gamot ang asawa ko."

Marami ang naawa sa matanda kaya sabi nung karamihan maawa naman daw yung mga mag nanakaw dun sa matandang kailangan pang bumili ng gamot pero hindi naawa yung mga mag nanakaw nag paputok na naman ng baril yung isa at this time itinutok na nya ang baril nya dun sa matanda.

"Kapag hindi nyo binitawan ang bag na ito ipuputok ko talaga ito sa inyo!"

Pero dahil parang walang gustong mag ligtas dun sa matanda naisip kong ako nalang dahil may alam naman ako sa martial arts. Natatakot ang lahat sa baril nung magnanakaw kaya pinili nalang nilang maki usyoso kesa tumulong.

Lumapit na ko at sinabi kong "tigilan nyo na yan bakit hindi kayo mag banat ng buto para magka pera kayo? Para hindi kayo nag nanakaw pati ang kaawa awang matanda pinapatos nyo."

Marami ang sumangyon sakin pero ni isa sa kanila wala paring nag lakas loob na labanan yung dalawang mag nanakaw. Gang sa ako na ang tinutukan ng baril."

"Anong ginawa mo kuya?" Ang tanong ng mga kapatid nya.

"Sumenyas ako dun sa lalaking malapit sakin na ilayo yung matandang babae habang na sakin ang atensyon nung dalawang mag nanakaw. Pero bago pa man makalayo yung matanda napansin na yon nung isang magnanawak na walang dalang baril kaya yung lalaking naka senyasan ko sya na yung humarap dun sa isang mag nanakaw buti nalang at future policeman pala sya kaya marunong syang makipaglaban… Tapos ako naman bago pa man iputok nung isang magnanakaw yung baril nya sakin nilito ko muna ito binato ko sya ng bag ko tapos nag spin kick ako yun tumalsik ang baril nya."

"Nice!!! Ang angas mo talaga kuya." Ang sabi naman ni Keith.

"Eh san nanggaling ang sugat mo sa leeg tol?" Ang sabi ni Kim.

"Pagkabato ni kuya Kian ng bag nya hindi naman talaga nya nalito ang magnanakaw kaya ibinalik pa nung magnanakaw yung bag nya sakaniya at yung zipper ng bag ni kuya ang tumama sa leeg nya." Ang pag aanalayze ni Kelly.

"Eh?" Ang reaction ng mga kuya nya.

"Tapos pagkabato kay kuya Kian ng bag nya tsaka sya nag spin kick dahil hindi alam nung magnanakaw na ganun ang magiging move ni kuya. Tama ba ko kuya?"

"Aha… medyo ganun nga paano mo nalaman bunso?"

"Ehe…napanood ko lang po sa movie na pinapanood ni kuya Keith."

Napatingin naman sila Kian kay Keith "ah…hi—hindi naman ano yun mga kuy's yung alam nyo na…action lang talaga."

HEH!" Anila.

"Pero kuya may tanong po ako…" Ang sambit ni Kelly.

"Hmmm?"

"Paano kung ikaw naman ang hinostage anong gagawin mo?"

"Hmmm?"

"Yung gaya po sa napanood ko sa movie na pinapanood ni kuya Keith."

Napatingin na naman ng masama sila Kian kay Keith "oh…action lang talaga yon."

"Dun po kasi sa movie na hostage yung babae and she enveloped with her hostage taker's arm kaya hindi po sya makagalaw ending iyak lang sya ng iyak gang sa nabaril mga pulis yung hostage taker tapos tsaka lang nakawala ang kaawa awang babae."

"Ahhh…so gusto mong ilagay ang sarili mo dun shoes nung babae? Ganun ba bunso?"

"Um. Para po kung balang araw mangyare man sakin yon alam ko ang gagawin ko."

"Ohhh… okay pero hindi mangyayare yon sayo hangga't buhay kami ng mga kuya mo. Right mga tol?"

"Yeah!!!" Anila.

"Well, let see kung mangyare po yun mag bibigay ako ng senyas sa inyo kapag tinaas ko yung kamay ko ibigsabihin lang nun kaya ko ang situation pero pag hindi ibig sabihin lang non hindi ko po kontrolado ang situation gumawa na kayo ng paraan para mailigtas ako."

"Silly, hindi nga mangyayare yon hangga't kasama mo kami pero kung dumating ang araw na yon kagatin mo ang braso nya tsaka mo yapakan ang paa niya tapos sikuhin mo sya sa tagiliran para mawala sya sa focus tsaka mo hawakan ang kamay nya at ikutin mo ilagay mo ang kamay nya sa likuran nya. Then yun dun mo makukuha ang baril nya tabigin mo agad siguradhin mong malayo ang aabutin nito para hindi nya agad makuha kung sakaling maka kuha sya ng chance na maka wala sayo."

"Ohhhh… noted kuya."

Related Books

Popular novel hashtag