Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 338 - Kabanata 338

Chapter 338 - Kabanata 338

5pm sa bahay nila Jacob...

"Honey, mag gagabi na hindi ba parang ang tagal naman ata nila Mama at Ate Faith mamalengke?" Ang sabi ni Kelly na nakaupo sa sofa hanap binabantayan ang kaniyang mga pamangkin na tulog.

"Hindi ko alam pero sa tingin ko pumunta rin sila Mama kay kuya Kian kaya siguro gang ngayon wala pa."

"Ahh... Oo nga baka dumalaw muna sila pano yan wala pa tayong dinner mag order na ba ako?"

"Wag na, ako ng magluluto"

Nanlaki naman ang mga mata ni Patrick at sinabing "wa—wag na honey baka mapagod ka pa oorder nalang ako. Ha... Ha... Ha..."

"Heh! Wag ka nga diyan mag microwave lang ako may pagkain sa ref doon satin na iniluto si Mama kaya wag kang ano diyan."

"He... He... Sorry..."

"Tsss... Sige na kunin mo sa ref dun sa kabila at dito nalang natin i-microwave."

"Okay sige kukunin ko dito lang kayo."

"Yeah..."

Nang binuksan ni Patrick yung pinto bumungad sa kaniya ang isang babae kaya sabay pa silang napatili sa gulat "AHHHHH!!!"

Lumapit naman agad si Kelly at sinabing "anong mangyayare?"

"Kelly?"

"Hmm?"

"It's me, your are Yannah."

"Ate Yannah?"

Hindi nga nakilala agad ni Kelly si Yannah dahil babaeng babae na ang itsura nito at mahaba na din ang buhok di gaya ng dati na maiksi at baka pang lalaki pang damit.

Samantala, sa may convenience store kung nasan sila Kim at Keith...

"Bilisan mo naman dyan at pupunta pa tayo kay kuya." Ang sabi naman ni Kim kay Keith na nakain ng instant cup noodles.

"Oo ere na madaling madali?"

"Bilisan mo!"

Tinignan naman muna ni Kim ang phone nya para hindi mainip sa pag hihintay kay Keith.

Tinignan ni Kim ang kaniyang Instagram at bumungad agad sa kaniyang newsfeed ay si Yannah.

"Nakauwi na sya?"

"Hmm? Sino?" Ang sambit ni Keith na naki silip kay Kim at nakita nyang ang ganda na ni Yannah na may caption na "just got home."

"Woah! Si Yannah yan di ba bro?"

Binatukan naman sya ni Kim "Ate! Mas matanda sya sayo!"

"O— Oo na pero sya yan di ba? Iba na ang itsura nya."

"Oo hinding hindi ko maka kalimutan ang mukha nya."

"Syempre naman sya yung babaeng iniwan ka kaya paano mo naman sya maka kalimutan ." Ang pabulong bulong namang sambit ni Keith.

"Ang tagal nyang di nag post... ibang iba na talaga sya."

"Bro, baka naman umiyak ka pa."

"Baliw! Tara na!"

Paalis na sana sila sa may convenience store ng biglang may nag text kay Kim.

"Hmm? Si Kelly?"

"Bakit? Anong nangyare kay bunso?"

"Oa? Bubuksan ko pa lang yung message inutil."

"Ay, sorry naman."

"Tsss... kaya ka lagi na babanatan ni Faith eh."

"Di no!"

"Sus... Ewan ko sayo."

At binuksan na nga ni Kim ang message sa kaniya ni Kelly at nung nabasa nya ito natulala sya at natahimik.

"Huy! Ano na?" Sabi ni Keith na hindi naman naka tiis kaya kinuha ang phone ni Kim at binasa ang text ni Kelly. "ohhh... kaya naman pala natulala ang isang reh nasa bahay si ate Yannah."

"Br— Bro, umuwi na tayo."

"Tignan mo ang isang ito uunahain pa talaga ang ex sa kapatid nya kanina lang pinagmamadali ako kumain para puntahan si kuya Kian tas ngayon uwing uwi?"

"Bro! Si Yannah yon!"

"Alam ko nga nabasa ko kuya pero kumalma ka muna."

"Paano ko kakalma eh yun na yung babaeng matagal ko ng gustong makita."

"Oo alam ko naman bro pero chill lang wag kang masyadong excited dapat ipakita mo na naka move on ka na sa kaniya. Para naman si ka diyan kawawa."

"Pero... hindi pa naman talaga ako nakaka move on sa kaniya."

Keith made a facepalm "wala na to, kinain na ng karupukan nya." Pabulong bulong nyang sambit.

Samantala sa hospital,

"Oo kuya, uuwi na muna ko dumating na si Mommy." Ang sabi ni Julian kay Kian.

"Sige na baka gabihin ka pa sa daan di naman na ata pupunta dine sila Kim at Keith."

"Sige po una na ko.... Te, alis na po ko."

"Sige ingat ka."

Nang nakaalis na nga si Julian sa room ni Kian... nag usap yung mag asawa...

"Mukhang okay na sayo si Julian ah." Ang tanong ni Rica kay Kain habang nag tatalop ng mansanas.

"Wala naman akong galit kay Julian ang ayoko lang eh si Jules... noon pero tama si Kelly na magkakapatid kami at dapat di kami nagkakagulo dahil sa huli kami-kami rin ang mag tutulungan."

"Gaya ngayon?"

"Um. Di ko nga akalain na idodonate ko isa kong kidney para kay Jules."

"Sus... sweet ka naman kasi talaga ayaw mo lang ipakita kasi nahihiya ka na maging weak sa paningin ng mga kapatid mo."

"Hindi naman sa ganon ayoko lang isipin nila lalo na si Kelly na mahina ako bilang ako ang panganay kailangan kong maging responsable sa mga nakababata kong kapatid."

"Kaya ba nagiging parang si Lola Nidora ka na?"

"Ha? Sino yon?"

"Si Lola Nidora kasi sya yung sikat noon sa kalyeserye yung sa eatbulaga tapos napaka istrikto nya kay Maine Mendoza or "yaya dub" kung tawagin sya dati pinagbabawalan sya noon ni Lola Nidora na makipag kita kay Alden na nanunuyo kay Maine laging sinasabi ni Lola Nidora yung "sa tamang panahon" basta yon kaya inihalintulad kita sa kaniya kasi iniisip mo rin ang kinabukasan ng mga kapatid mo."

Ang hindi naman alam nung dalawa nakikinig sa labas si Julian na hindi isinaeanng mabuti ang pinto "tara na?" Ang sabi ni Wendy na nandun pa din sa hospital.

At tuluyan namang isinara ni Julian ang pintuan at umalis.

At habang naglalakad "you look happy... dahil ba yan sa narinig mo?" Ang tanong ni Wendy.

Pangiti ngiti naman si Julian "oo hindi ko kasi akalain na may ganoon palang pananaw si kuya para saming mga kapatid nya."

"Why not? After all he is responsible kuya para sainyo. How I wish may kuya rin ako."

"Hmm? Bakit ilan ba kayo magkakapatid?"

"Ahm... dalawa pang kami At ako ang panganay."

"Ohhh... siguro ganun talaga pag mayayaman laging isa o dalawa ang nagiging anak."

"Silly! Hindi naman ako mayaman nakiki yaman lang kay daddy. Hehe."

"At least daddy mo pero kung gusto mo talagang mag ka kuya call our kuya as your kuya."

"Hmm? What do you mean?"

Hinawakan ni Julian ang kamay ni Wendy "because from now on I will be your kapatid na."

"Ha?"

"Um. Kuya Kevin said na crush mo raw si Jules kaya kung nagkakatuluyan kayo you will be my sister in law na."

"What?"

"Hmm? Ayaw mo ba?"

"Ahm... I didn't say no naman but..." napatingin maya sa kamay nya na hawak ni Julian kaya huminto sya sa pag sasalita.

"But what?"

"But I must prefer to be your girl." hinalikan nya sa pisnge si Julian at mag tatakbo papalayo.

"He— Hey!!! Wait up!" Ang pahabol na sambit naman ni Julian.

"Ibang klase!" Ang sambit naman ni Kevin kay May dahil nakita nilang dalawa yung mga nangyare kila Wendy at Julian.

"No, don't look at me like that hi—hindi ako ganon."

"Pffft... Wala naman akong sinasabi ah makareact ka naman diyan."

"Humph! Bully! Sige na bumalik ka na sa station mo babalik na rin muna ako sa office ko."

"Okay."

At iniwan na nga ni Kevin si May "huh! He just left me here without..."

Napatigil naman sa pag sasalita si May dahil hinalikan ito ni Kevin sa pisnge "bye love you." Then like Wendy he runway.

"I... I love you too ..." Ang pautal utal pang sambit ni May at kulit na kilig ng makita sya ni Doc Enrile ang head doctor sa DLRH at ninong rin niya.

"May? You okay?"

Nagulat naman si May sa ninong Enrile nya "ni— ninong..."

"Ayos ka lang ba? Bakit parang namumula ng pisnge mo?"

Napahawak naman si May sa mukha nya "ha... ha... ha... I'm okay ninong masyado lang pong mainit dito sige po una na ko may kailangan pa po kasi akong tapusin" and she runaway too.

"How come na mainit dito eh vip area dito halos mag yelo na nga sa lamig ang kamay ko. Yung batang yon talaga." Sambit ni Doc Enrile.

Sa magkaparehong oras,

Kausap ni Patricia si Mr. Sensen sa isang café...

"Yes Madam makakaasa po kayong wala akong babanggitin kay Sir Chase about sa pag uwi nyo ng Pinas."

"Good. Kahit kay Kelly wag na wag mo ring mababanggit. Nagkakatindihan ba tayo?"

"Yes Madam."

"Nga pala, sabi sakin ni May na parati ka raw nauutusan ni Kelly for her brother's?"

"Yes Madam may gusto po ba kayong malaman?"

"Wala naman pero pwede bang mag talaga ka ng mga tauhan para may mag babantay sa mag asawa? Lalo na kay Kelly."

"Yes Madam, pero pwede ko po bang malaman ang dahilan nyo kung bakit nyo gustong pamanmanan sila ang anak nyo? Lalong lalo na si Kelly."

"Malalaman mo rin yan kapag nalaman mong lahat ang tungkol sa mga kuya ni Kelly kaya inuutusan kitang gawan mo ng background check ang lahat ng Dela Cruz brother's lalo na yang si Flin."

"Yes Madam actually may ilan na po akong alam kay Sir Flin bukod sa isa syang gambling master at ang apprentice nito ay si Sir Richmond."

"Hindi na ko magugulat pero isa lang ang hiling ko wag na wag mong sasabihin ang mga ito kay Patrick hindi nya alam na ipinalilipat ko si Richmond sa isang rehabilitation center. Dahil magagalit yon."

"Pero hindi po ata tama na doon nyo lang ipinalagy si Sir Richmond paano po kung isang araw gusto makita ni Sir ang kuya nya?"

"Planado ng lahat basta sundin mong labag ng sinabi ko at wala tayong magiging problema m."

"Opo Madam."

Related Books

Popular novel hashtag