Kinabukasan, hindi si Patrick lang ang umuwi sa bahay ng mga Dela Cruz para kumuha ng damit ni Kelly dahil maselan ang pag bubuntis nito kinailangan nyang ma confine sa DLRH kung nasan rin si Jules na wala pang malay matapos ang operasyon sa kaniya. Nag desisyon si Kian na sya na ang mag donate ng kidney kay Jules dahil silang dalawa ang match.
"Yes Ma, ayos lang naman po si Kelly kailangan nya lang po ng paginga masyado po kasi syang stress these past few days kaya na himatay sa kagabi. At okay na rin naman po ang pakiramdam ni kuya Kian kaso wala pa pong malay si kuya Jules."
"Sige mamaya pupunta kami doon ni Faith para dumalaw may niluto ako baunin mo para makain ni Kelly at Kian."
"Salamat po Ma. Sige po tataas na po ni a ko aayusin ko lang po ang damit ni Kelly."
"Sige na mamaya pag baba mo kumain ka muna bago ka umalis okay?"
"Opo Ma salamat po."
Pababa naman na si Faith ng hagdan ng makasalubong nya pataas si Patrick "oh, andito ka na nasan kamusta na ang magkakapatid?"
"Ayos naman na po si Kelly at si kuya Kian kaso wala pa rin pong malay si kuya Jules."
"Tsk... kawawa naman sana naman maging okay na si Jules. Sige na sabi sakin ni Keith uuwi ka nga daw para kumuha ng damit ni Kelly mamaya pupunta kami dun ni Mama para makapag pahinga na rin muna kayo."
"Salamat Ate pero ayos lang naman po ako ayoko rin po kasing iwan si Kelly.
Faith pat Patrick's head "ang sweet naman sana all sya sige na."
"Sige po."
Pagka baba naman ni Faith dumiretso sya sa kusina at nakita nyang naiyak si Keilla "Ma? Ayos lang po ba kayo?"
Pandalas naman nag pahid ng luha niya si Keilla "I'm okay nakakaiyak lang talaga ang nawa ng na ito."
Pabulong bulong naman itong si Faith "kala ko sibuyas lang ang nakakapag paiyak pati pala bawang?"
Hindi naman na napigilan ni Keilla ang pag luha nya "ma..."
"Nakakaiyak talaga ang bawang na ito."
"Ma wag nyo na pong pigilin alam ko po ang pakiramdam nyo nanay na rin po ako at masakit po talagang makitang nagkakaroon ng sakit ang anak natin."
"Hindi ko lang kasi mapigilan si Kelly nasa hospital rin dahil maselan ang pag bubuntis nya tapos si Kian nakaka proud kasi ibinigay nya ang isa niyang kidney kay Jules kahit hindi niya ito gusto."
"Opo nga Ma eh grabe si kuya Kian ang lakas ng loob nya. Nako, kung kay Keith yun baka..."
Huminto naman sa pag sasalita si Faith dahil na curious sya sa ginawa ng Mama Keilla niya "bento box po ba yan? Ang cute naman po."
"Ah... Oo hindi pa naman uso noon yung mga ganito ginagawan ko na sila Kian ng ganito at masaya sila kapag may ganito sila kaya sana kahit sa ganito man lang manumbalik ang sigla nilang magkakapatid."
"Ma gumawa rin po ako ng cake para sa kanila sandali lang po lalagyan ko muna ng design na inspired po kasi ako sa inyo."
Ngumiti naman si Keilla at nag pa salamat kay Faith "wala po yun para san pa at naging Dela Cruz ako? Di ba nga po sabi ni Kelly "Dela Cruz always be Dela Cruz." Right Ma?"
"Um."
Sa magkaparehong oras naman kausap ni Kim si Rica habang natutulog naman si Kian "oo Ate umuwi muna si Patrick para kumuha ng damit ni Kelly sabi ni Keith pupunta dito sila Mama mamaya kasama sila Faith kaya kung gusto mo pwede ka munang umuwi para makapag pahinga ka."
"Ayos lang sanay naman ako sa puyatan ano pa at call center agent ako di ba?"
"Ah... O— Oo nga pala sorry. Ahm... nga pala salamat sa pag tanggap sa desisyon ni kuya para kay Jules."
"Wala yon, kung ako rin naman si Kian gagawin ko rin yun sa kapatid ko kaya wag kayo mag worry sakin ako na rin mag papaliwanag kay Jacob kaso nga lang tatanungin kayo ng tatanungin nun kaya ako na ang humihingi ng pasensya para sa anak namin. Ehe..."
"Nako, ayos lang yon ate sanay naman na kami sa mga tanong ni Jacob matalino syang bata kaya maiitindihan nya ang sitwasyon ng daddy nya."
"Oo ako ng bahala sa kaniya nga pala, kamusta si Kelly? Ayos na ba sya? Nahimatay pala sya sabi sakin ni Kevin."
"Oo na over fatigue eh maselan kasi ang pag bubutis nya kaya kailangan nyang mag pahinga muna at maobserhan sabi ng OB nya."
"Kawawa naman si babysis mamaya pupuntahan ko sya kapag dumating na sila Mama."
"Ay, oo nga pala sandali lang muna ate babalik lang muna ako sa room ni Kelly may bibilhin kasi si Keith eh wala pa si Patrick."
"Ah.. oo sige na."
"Um. Balik nalang ako mamaya Ate."
"Sige salamat."
Sa kabilang room naman kung nasan si Kelly mag kausap sila Kevin at Keith "oo sabi ko lalabas ako eh wala pa gang ngayon."
"Eto na ko." Ang bungad naman ni Kim.
"San ka ba galing?"
"Kay kuya Kian kinamusta ko tulog pa pala."
"Gising siya kanina nung kinuhanan kong blood pressure." Ang sabi naman ni Kevin na mukhang inaantok na.
"Hoy ikaw, nakatulog ka na ba?" Ang tanong naman ni Kim kay Kevin.
"Oo nga tol wala ka pang tulog straight ka kahapon eh." Pag sangayon naman ni Keith.
"Ayos lang kailangan eh pamilya ko ang nandito kayo alangan naman ako eh wala dito eh ako ang nurse ng pamilya natin."
"Kuy's..." Ang sambit ni Kelly ng magising sya kaya lumapit naman ang mga kuya nya.
"Oh, kamusta ang pakiramdam mo?" Ang sabi ni Kevin.
"Ayos lang ako kuya pero nagugutom na ko pwede na ba akong kumain?"
"Ha? Pero kakain mo lang kanina bago ka matulog kanina." Ang sabi naman ni Keith.
"Kuya naman eh pasyente ako dito gusto kong kumain at gusto rin yun ng pamangkin nyo."
"Hayaan mo na nga pwede naman sya kumain di ba Keith?" Ang sambit naman ni Kim.
"Oo pede naman wag lang mga fatty foods may rasyon naman dito ng pagkain nasan?"
"Ah... eh... na gutom kasi ako tapos tulog pa si Kelly eh... kaya ano..."
"Kuya Keith naman eh!!!"
"Ah... eh sorry na bunso ere nga lalabas ako para bumili ng pagkain wala pa naman kasi ang asawa mo."
"Wait, kuya Kevin tumawag na ba si kuya Julian?"
"Ah, tinawagan niya ko kanina mapapaaga raw dating niya dine mamaya kaya baka after lunch andine na yon."
"Si kuya Flin?"
Napatingin naman si Kevin kay Kim "ah... eh... simula nung umalis sya satin wala na kong naging connection sa kaniya yung number na binigay nya parang di naman sa kaniya kasi iba ang sumagot."
"See, kaya wala akong tiwala sa isang yon."
"Kuya!" Ang sabay na sambit nila Kevin at Keith.
"It's okay di ko na i-istressin ang sarili ko para lang mabuo tayong magkakapatid kung ayaw satin ni kuya Flin bahala na sya ang importante okay na kayo kay kuya Jules at kuya Julian at talagang napasaya niyo ko mga kuy's. Salamat po..."
Nagka tinginan naman yung tatlo at niyakap si Kelly "aww... naiipit nyo na yung sa may dextrose ko."
"Ay sorry..." Ang sambit naman ni Keith na na nakakaipit sa kamay ni Kelly.
"Sorry yung pagkain ko!!!"
"O— Oo ere na nga sandali lang."
"."
Kasabay dumating ni Julian ang tropa nila Kelly at Patrick sila Vince, Dave, Harvey, Mimay at Aliyah para dumalaw.
"Babe, kapatid talaga yan ni Kelly?" Ang tanong naman ni Mimay kay Dave.
"Oo nga hindi mo ba nahalata? Kamukha sya ni nurse Kevin."
Tinitignan namang muli ni Mimay si Julian na kausap ni Vince habang nag lalakad papunta sa kwarto nila Kelly "hala, oo nga mag kakambal sila?"
Dave made a facepalm "haysss... kapatid lang pero hindi kambal ano bayan?!"
Bineltukan naman ni Minah si Dave "ahhh... anong gusto mong palabasinna slow ako?"
"Babe naman syempre hinde ang obvious lang kasi."
"Aba't gusto mong..."
"Itigil nyo na ngang dalawa yan andito na tayo ang daldal nyo pa." Ang hirit naman ni Harvey na hindi kasama ang asawang si Shai sa kadahilanang masama ang pakiramdam.
Napatingin naman si Mimay at Dave sa number ng room "wow, hotel ba ito? Ang bongga naman ng mga numbering dito at ang door ganun din ang syala." Sabi ni Dave.
"Malamang! VIP ROOM ito sa DLRH at ang ate ni Patrick ang director dine alangan namang sa low class lang ang room nila Kelly dito. Syempre yung bongga."
"Well, parang gusto ko na rin atang mag ka sakit."
Binatukan naman ni Mimay si Dave uli "tukmol ka! Gusto mong magkasakit para ano mapa admit dine? Eh kung ihulog nalang kita sa bangin para diretsong langit ka ng kupal ka!"
Bago naman pumasok si Harvey nakisawsaw pa sya sa usapan nung nag asawa "sino namang may sabi na sa langit ang punta ng lintek na yan?"
"Hoy Harvey!!!"
"Hahaha... just saying."
Nag madali namang pumasok na si Harvey at nag tago sa likod ni Vince "umayos ka wag ka ng epal diyan." Ang sambit naman ni Mimay at kinaladkad si Dave.
"Te— Teka lang..."
Yakap naman na ni Julian si Kelly na nag aalala ng sobra sa bunso nyang kapatid "ayos ka na ba? anong nararamdaman mo? uminom ka na ba ng gamot mo? Tignan mo na mamayat ka na."
Wala naman doon sa room ni Kelly sila Kim dahil lumabas ang mga ito para naman sunduin ang Nanay nila kasama si Faith at Jacob at si Patrick lang ang naiwan kay Kelly "ayos lang naman po ako kuya nga pala nakilala mo na sila Vince?"
"Oo pinakilala sila sakin ni Vince at Dave buti nga nakasabay ko sila papasok dine sa laki ng hospital na ito maliligaw talaga ako dito."
"Ahe... nga pala kuya dumalaw ka na kay kuya Jules? Sabi nila kuya Kim nagka malay na sya."
"Hindi pa... dito muna ako nag punta sayo..."
"Kuya, are you still mad at kuya Jules?"
Hindi naman naka kibo itong si Julian kaya nagtaka na naman itong si Mimay kaya tinanong nya si Patrick at hinayaan nilang mag usap ang magkapatid "hindi ba kakambal nung Julian yung Jules? Bakit parang nay problema? Ano ang nangyayar?"
"Bago pa man pumunta ng Manila si kuya Julian magka galit a sila."
"Eh?"
"Nga pala, buti pumayag si kuya Kian na i-donate ang isang kidney nya." Ang tanong naman ni Vince kay Patrick.
"Oo at talagang walang patumpik-tumpik nag oo na si kuya Kian."
"Ohhh... I see... Eh si kuya Flin nag Punta na ba dito?"
"Sa ngayon, wala kaming contact sa kaniya."
"Wait what did you say?" Ang tanong ni Aliyah.
Napatingin naman sa kaniya ang mga ito "Why darling? Kilala mo si kuya Flin?" Ang tanong ni Vince.
"May kakilala rin kasi akong Fliniel Dela Cruz then ganun...ganoong ganoon sya tinatawag as Flin ng mga tenant namin dun sa paupahang apartment ng Ate ko."
"Tapos?"
"Nalaman kong baguhan sya doon sa apartment tapos ang balita isa talaga itong drug lord kaya sa takot ng Ate ko pinaalis nya iyon."
"Drug Lord? Si kuya Flin?" Ang pa gulat na sambit nila Patrick at Vince.