"You mean may kakambal rin si kuya Flin?" Ang pagulat na sambit ni Kevin at kasalukuyang naroroon pa rin sila sa café and library.
"Oo kuya, sa kasawiang palad na aksidente ito sa trabaho." Ang sagot naman ni Julian.
"Sandali lang, ibig bang sabihin nito hindi rin alam ni Daddy na may kakambal si kuya Flin?" Ang tanong naman ni Kim.
"Alam ni Daddy." Ang sabi ni Kian na sobrang seryoso.
"Kuya?" Ang sabay sambit nila Kim at Kevin "alam mo ang tungkol dito?" dagdag pa nila.
"Hindi ko alam pero nahalata ko kay daddy noon sa tuwing aalis sya at uuwi ng Batangas may laging syang paboritong bilhin at parating dalawa iyon."
"Ano yon?" Anila.
"Gaya ni Kelly sa tingin ko mahilig rin sila kuya Flin sa eggpie at sa tingin ko rin sa ating magkakapatid sila lang ang walang allergy sa itlog. Tama ba ko Julian, Julio?"
"Um." Ang reaksyon naman nung dalawa.
"So, allergy din kayong dalawa sa itlog?" Ang sabi ni Keith na nasa video call.
"Oo may allergy rin kami sa peanut." Ang sagot ni Julio.
"Woah…mag kakapatid nga tayo." Ang sabi naman ni Kevin ang sama naman ng tingin sa kaniya ni Kim.
"Anyways, kung gusto nyo talagang makita at makausap si kuya Flin mahabang biyahe ang dapat niyong tahakin." Ang sabi ni Julian.
"Sandali lang pwede ba akong mag tanong?" Ang sabi ni Kian.
"Ano yon?"
"Kung itatanong mo kung bakit namatay si ate Helena wala na kayong pakialam doon."
"JULES!" Ang pagalit na sambit ni Julian.
"Anong problema mo? Si kuya Flin at si ate Helena lang ang tumanggap satin kaya bakit ka mag titiwala sa mga taong yan na hindi tayo tinuring na ka dugo noon pa man."
"Sabi ng…"
Hindi naman na ituloy ni Julian ang sanasabi nya dahil biglang nag salita si Kevin "bakit kayo, itinuring nyo rin naman kaming kaaway at hindi kapatid." At napatingin sa kaniya sila Kim at Kian dahil na gulat sila sa sinabing iyon ng kapatid.
"Hindi yan totoo kuya."
"Wag ka ngang mag pakumbaba sa kanila Julian hindi nila deserve dahil noon pa man talaga hindi na nila tayo tinuring na ka dugo. So what, kung kaaway ang tingin nyo samin? Bakit kasalanan ba namin na naging anak kami sa labas ng tatay na ni minsan hindi naman naging responsible!"
"Bawiin mo ang sinabi mo!!!" Ang pagalit na sambit ni Kim at kinuwelyuhan nya si Julio sa inis nya dito kaya naman agarang inawat sya nila Kevin at Kian.
"Tama na yan." Ang seryosong sambit ni Kian.
"Kuya kumalma ka nga muna." Ang sabi naman ni Kevin.
"Kanina pa ko nag titimpi sa isang ito eh…gusto atang…"
"Ano?! Sige ganyan naman kayo puro basag ulo ang gawain nyo palibhasa lumaki kayong nakukuha ang mga gusto nyo."
"Kuya Julio!!!" Ang pag awat na sambit naman ni Julian kaya napatigil naman si Julio dahil ang alam nito ay minsan lang syang tawaging kuya ng kakambal at yung minsan na yon nung sila ay noong maliliit pa.
"Ju—Julian…" Ang na uutal pang sambit ni Julio at nag taka naman bigla sila Kian dahil naging mahinahon ang kaninang pang asar na si Julio.
"Bata palang tayo gusto mo ikaw na ang laging na susunod! Kaya hindi ako sumama sa inyo ni Mommy parehas kasing kayong ma pride bumalik na nga kayo sa ibang bansa tutal hindi nyo naman kami kailangan ni nanay Wilma dahil mas mahalaga sa inyo ay ang pera." At nag walked out na nga si Julian.
Nag pumiglas naman si Julio sa pag kakahawak sa kaniya ni Kim at pinigilan si Julian "bro, wait…"
"Tumigil ka na nga! Hindi na ko yung dating Julian na lagi mong inuuto may rango na ko sa pag ka sundalo ko bro! Kaya tantanan mo ko kung ayaw mong ako mismo ang mag pa kulong sayo."
"Makinig ka naman muna sakin…"
"Ano pa bang gusto mo? Napahiya nako kila kuya Kian tatanggapin ko ng hindi nila ako matatanggap bilang kapatid kaya pwede ba umalis na kayo ng Pinas ni Mommy masaya na ko sa buhay ko dito!"
At tuluyan na ngang umalis si Julian "Bro!!!"
Hinabol naman ni Julio si Julian pero bago ito umalis ng café tinignan nya muna ng masama si Kian bago sya umalis "huh! makatingin kala mo naman ang laki ng mata nya dukitin ko yun eh! Bwiset sya!" Ang pagalit na sambit ni Kim.
"Anong nangyare umalis na sila?" Ang sabi ni Keith na nandoon pa rin sa video call.
"Mamaya ka na nga makisali." Ang sambit ni Kim at inoff niya yung phone.
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Ang nalulumbay na sambit ni Kevin.
"Ano pa? Edi bumalik na sa Manila dun na natin ipagamot si Babysis. Tawagan mo na ang DLRH para mabilis nating syang i-transfer doon."
"Ano? Nababaliw ka na ba? Maselan ang konsidyon ni Kelly. Kuya pag sabihan mo nag si kuya Kim hindi natin pwedeng ibyahe si Kelly ng hindi sya okay."
"Sa tingin mo ba hindi ko alam yon? Mayaman ang mag Santos kaya gagawan yan ni Patrick ng paraan."
"Pero tol! Narinig mo ba yung sabi ng doktora kanina? Maselan ang pag bubuntis ni Kelly kaya sobrang risky nun!"
"Tama na nga yan! Walang aalis ng Cebu hangga't wala akong nagiging desisyon." Ang nagagalit na sambit ni Kian.
"So—Sorry kuya ang akin lang naman kasi…"
"Manahimik ka na nga muna Kim hindi ba sabi ko sayo maging mahinahon lang anong ginawa mo kanina?"
"Pero kasi kuya…"
"Enough! Ikaw naman Kevin hindi ba at gusto mo na yung dalawa eh anong nangyare? Dahil sa sinabi mo nag away yung kambal."
"Eh…Kasi kuya…"
Kian sighed with disappointment "hindi ba kabilin bilinan satin ni Mama na parati tayong mag iisip muna bago bitawan ang ating mga sasabihin dahil baka mamaya maging problema ito sa huli."
"Kow! Sya rin naman." Ang pabulong na sambit nung dalawa at na rinig naman yun ni Kian kaya pinag untog nya yung dalawa.
"Aray!!!" Ang reaksyon nung dalawa.
"Yang mag inaasal nyo hindi kayo yan. Gaya mo Kim, hindi ba ikaw ang pinakamahinahon sa ating mag kakapatid pero anong ginawa mo kanina? Nag padalos dalos ka."
"Sorry kuya kasi naman…"
"Ikaw Kevin, sa ating lima ikaw ang laging nakakaintindi agad sa mga sitwasyon pero ano yung ginawa mo nanuhol ka pa sa galit ni Julio."
"Hindi ko naman yun sina.."
"Tama na, naiitindihan ko naman kayo pero isipin nyo nalang ang magiging impact nito kay Kelly kayo na mismo ang nakakita at nakarinig sa sinabi ng doktora maselan ang kayang pag bubuntis kaya kumalma kayo!"
"Kaya ba ganun ang ginagawa mo?" Ang sabi ni Kim.
"Oo, kahit na gustong gusto ko ng sapakin yung si Julio pero nag titimpi ako alang alang kay Kelly tsaka be considerate guys alam niyo na ngang mabigat ang pinagdadaanan ni Julian ano mang oras baka bawian na ng buhay ang nanay Wilma nya na nag aruga sa kaniya nung sya'y maliit pa lang. Kaya kayo kumalma baka mamaya lalong lumaki ang alitang ito."
Samantala,
Nakabalik naman na ng hospital si Julian at kasunod nya parin si Julio na kinukulit sya "lubayan mo na nga ko! at wag kang sasama sa loob ayokong makita ka ni nanay Wilma kapag na gising sya."
"Julian, makinig ka muna kasi sa akin ang doctor na rin mismo ang nag sabi hindi na mag tatagal si Auntie kaya sumama ka na samin ni Mommy sa England."
"England? Huh! Sundalo ako ng Pilipinas tapos sasabihin mo sumama ako sa inyo? At wala na ba talaga kayong pakialam ni Mommy kay nanay Wilma? Kung isasama nyo ko don paano na sya? Gusto nyong iwan ko sya gaya ng pag iwan ni mommy satin nung sanggol pa lang tayo? Baka nakakalimutan mo si nanay Wilma rin naman ang nag palaki sayo nung nilayasan tayo ni Mommy."
"Ano bang pinag puputok ng butse mo? Ang hindi pag pili sayo ni Mommy? Eto na nga kami binabalikan ka namin at isasama ka na rin namin pero ayaw mo!"
"Huh! Ayaw ko? Hindi ba noong mga elementary pa tayo ikaw mismo ang muhing muhi kay mommy pero ano? Binigyan ka lang nya ng pera ipinag palit mo na yang pride mo?!"
"PAK!"
Sinampal ni Julio si Julian "b—bro…so—sorry hindi ko sinasadya."
Itinulak ni Julian si Julio "umalis ka na! hindi ko kayo kailangan ni Mommy! Lalong lalo na ang pera nyo! Ako ang gagastos kay nanay Wilma kaya umalis na kayo at ayoko na kayong makita!"
"Bro…"
"Wag mo na rin akong ituring na kapatid dahil simula nung iniwan mo kong mag isa at sumama ka kay Mommy sa ibang bansa ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ko ang kakambal mong parati mong inuuto! Kung pwede nga lang mamili hindi ko gugustuhin na maging kakambal ang gaya mong mukhang pera!"
"Kuya, anong nangyayare dito?" Ang bungad ni Kelly na naka suot pa ng patient gown at tinulungan nyang tumayo si Julio pero hinila siya ni Julian sa likuran nito.
"Wag kang lalapit sa ganid na yan! Hindi natin sya kapatid."
"Ano? Nag aaway ba kayo?"
"Julian, mag usap tayo."
"Tumigil ka na! Ayoko ng makita ang pag mumukha mo dito! Wag mo na ring papupuntahin dito si Mommy ako ng bahala kay nanay Wilma. Hindi ko kayo kailangan!"
"Kuya…"
"Wag mo na kaming pansinin kailangan mong mag pahinga." Ang sabi naman ni Julio.
"Huh! Concern ka kay Kelly? Anong nakain mo pako? Mas matigas pa sa bato yang puso mo kaya wag kang umarte na parang nag aalala ka talaga."
"Julian, alam kong galit ka pero wag ka naman sanang ganyan. Kapatid ko parin naman si Kelly at sa tingin ko hindi naman sya gaya ng mga kuya niya."
"Wag mo ngang baliktarin hindi ka ganyan at alam kong may binabalak ka kaya lubayan mo si Kelly! Dahil ako mismo ang makakalaban mo kapag may ginawa kang masama sa kaniya hinding hindi kita mapapatawad, tandaan mo yan!"