Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 310 - Kabanata 310

Chapter 310 - Kabanata 310

Sabi nga hindi ka magiging mabuting magulang sa anak mo kung hindi ka naging mabuting anak sa magulang mo noon. Kaya para mabuo ni Mina ang pamilya niyang hindi naman talaga ni nais tinanggap nalang niya ang rapist niyang si Arnie para may kilala ung ama ang kaniyang anak. Noong gabi ring yun na nalaman ni Kevin ang katotohanang nangyare kay Mina kinabukasan nakipagkita sya rito hindi para suyuin ito kung hindi para kamustahin lamang ito.

"It's been a while nung last kitang nakita... Kamusta pala kayo ni May? Balita na mag papakasal na raw kayo?" Ang sabi ni Mina habang naka hawak sa tasa ng kaniyang kape at hindi makatingin ng diresto kay Kevin.

Nagkita ang dalawa sa isa sa mga cafe ng KelRick at si Patrick din mismo ang nag set ng place para dub sa dalawa. Pero hindi iyon alam nila Kelly at May.

"Ikaw, kamusta kayo ni Arnie?" Ang sagot ni Kevin at sa gulat ni Mina ang kaninang di na tingin sa kanya titig na titig ngayon sa mga mata nya. "Hindi ko akalain na kayo pala ang nagkatuluyan."

Balik sa pag himas ng kanyang tasa si Mina at yumukobg muli at umiwas ng tingin kay Kevin "hi— hindi ko rin ng akalain eh parang isang araw nalang kami na. He..."

"Kabang!"

Hindi naka pag timpi sa galit niya si Kevin kaya by using her hands he released it on the table kaya naka agaw sya ng atensyon ng ibang costumer pati na rin si Patrick.

"Ha... ha... sige lang po kumain lang kayo on the house po ang laht ng order n'yo just don't mind them." Ang nahihiyang sambit naman ni Patrick natuwa naman yung nga customer at di na nga pinansin yung dalawa.

Nag patuloy naman sa pag uusap yung dalawa sumenyas naman si Patrick kay Kevin na kumalma.

"So— Sorry hindi ko sinasadya... I... I..."

"No worries, I understand but ito lang ang gusto kong sabihin sayo Kevin sana lumigaya ka na sa piling ni May and sorry sa nagawa ko sayo noon. I gotta go!"

Tumayo na si Mina pero napatigil sya sa sinabi ni Kevin "minahal mo ba ako noon?"

"Past is past kung anong meron tayo noon totoong lahat yon. Pero iba na ang buhay natin kaya mag kanya-kanya nalang tayo. Bye."

At tuluyan na ngang umalis si Mina at na tulala nalang itong si Kevin kaya nilapitan sya ni Patrick at naupo "ayos ka lang kuya?"

"Akala ko...."

"Akala mo?"

"Akala ko nakalimutan ko na sya pero ang totoo namiss ko pala sya pero hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan dahil kailangan na naming mag move forward para na rin wala ng masaktan pang ibang damdamin."

Patrick patted Kevin's shoulder "ayos lang yan kuya at least nasabi mo na yung saloobin mo sa kaniya."

"Pero bakit di nya nagawang sabihin sakin ang ginawa sa kaniya ni Arnie?"

"Alam mo kuya... di naman lahat kailangan mong alamin dahil matagal naman na yon tsaka sure ako na gusto na lang nyang kalimutan para sa anak niya sa tingin ko naman masaya sya."

Tinapik ni Patrick si Kevin at sinabing tumingin sa bintana at nakita nila doon si Mina na masayang kinarga ang baby nila ni Arnie at sumakay ng kotse.

"Minsan ang nakaraan ay dapat ng kalimutan pero hindi lahat ng nakalipas na ay dapat nating kalimutan dahil may nakapaloob din dung masayang nangyari noon. Kaya kuya cheer up! Magiging okay ka rin andiyan naman si Ate."

"Yah... gusto ko lang naman malaman kung masaya ba talaga si Mina sa taong pinili nya. At mukhang tama naman sya sa pinili nya I just hope na maging masaya sya ng tuluyan hanggang sa huli."

"Tama na nga yan! San mo gustong pumunta?"

"Hmm?"

"Treat ko kuya samahan kita kahit san mo gusto."

"Wala naman akong gustong puntahan pero may isa akong naiisip."

"San?"

"Lemme be your driver today."

"O— Okay."

"."

Ilang oras na rin ang lumipas nung umalis sa hotel sila Kevin at Patrick para makipag kita kay Mina kaya nag iisip na sila May at Kelly kung san nag punta ang mag bayaw.

"Di ko alam ate ang sabi ni Patrick sakin mag papasama daw sya kay kuya para pumili ng susuot nya sa last event dito sa Cebu na dadaluhan namin." Ang sabi ni Kelly kay May habang nakaupo sa may sala at nanonood ng anime while eating apples.

"Hmmm... bakit si Kevin? Eh di ba andito rin si Mr. Sensen?"

"Oo ate, pero parang busy siya eh kasi di kami umattend ni Patrick ng interview."

"Aba oo nga pala bakit andito ka pa at wala si Patrick hindi ba nga at may interview kayo?"

"Okay na yun gumawa nalang kami ng video with Herald and Yumi tas si Mr. Sensen nalang inutusan namin umattend dun."

"Ohhh... ganun ba?"

"Um. Bakit ate may kailangan ka ba kay kuya?"

"Wala naman di lang kasi ako sanay na di kasama ni Patrick si Sensen tapos kuya ko pa kasama nya."

"Ate don't tell me wala kang tiwala kay kuya?"

Naupo naman si May sa tabi ni Kelly at nakikain pa ng apple "nako! kay Patrick kamo ako walang tiwala baka mamaya kung san nya dalhin ang kuya mo. Lam mo naman yun silly minsan."

"Di naman siguro ate maganda ng si Patrick kasama ni kuya kesa naman iba di ba?"

"Well, you're right naman pero I have a feeling kasi na parang may di tama."

"Hmmm?"

"Nabanggit mo kasi si Mina paano kung nagkita pala sila ng kuya mo?"

"Ahhh... yung about kagabi? Don't worry di na mahal ni kuya si Prof. Mina matagal na silang wala ate. May doubt ka pa ba kay kuya?"

"Di naman sa ganun babysis minsan kasi pakiramdam ko di parin open sakin si Kevin eh. Yung para may hindrance parin saming dalawa."

"Ohhh... alam ko kasi ate si kuya Kevin kasi di sya gaya ng iba naming kuya siya kasi yung tipo ng tao na malihim din kung minsan."

"What do you mean?"

"Listen to me ate, si kuya love na love ka nun kahit na si Prof. Mina ang first love nya iba ka naman dun eh. Actually, ngayon ko lang nakita si kuya na ganyan yung nanunuyo kahit di sya yung may kasalanan."

"Ha?"

"Alam ko na ate nag selos ka kay Ms. Wendy, right?"

"How did you know?"

"Instinct lang ate, nung na kwento kasi sakin ni Patrick na close sya kay Ms. Wendy may na buo na ko sa isipan ko kung bakit badtrip ka nung dumating ka dito kasi na banggit rin sakin ni Patrick na dun ka muna nag punta kila Ms. Wendy."

"Ahhh... galing mo talaga. Pero kasi bff ko si Wendy kaya ngayon di ko alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya kasi crush nya daw si Kevin."

Tumawa lang naman ng tumawa si Kelly "eh? Why are you laughing babysis? Is there something wrong?"

"Ahe... wala naman po natatawa lang ako kasi ngayon ko lang narinig na may nagka crush kay kuya."

"Hmm?"

"Haha... kasi po sa apat kong kuya si kuya Kevin ang hindi famous."

"Eh? Pero nabanggit nya sakin na sikat sya nung College days niya."

"Well, naging Mr. DLRU sya nung grade 8 po sya pero dahil yun kila kuya Kian, Kim at Keith."

"Bakit parang kampanteng kampante ka na di talaga famous ang kuya Kevin mo?"

"Di naman po sa ganun kasi parang boy version ko po kasi si kuya mahiyain din po kasi yun kahit si halata samin kasing lima sya na ang tumayong parang nanay lalo po sakin. Nung una akong nagkaroon ng menstruation sya po ang tumulong sakin kahit boy po sya sabi nya lang "normal lang yan bunso nurse si kuya, di ba?" kaya ayun simula po nun lagi na rin sya ang na bili ng nga pads ko."

"Talaga? Ang cool naman nya."

"Hehe... opo normal na yun sa kanya eh kahit minsan ako na po nahihiya kasi pinag titinginan sya pag nabili ng pads ko lam n'yo po ba sya din ang bumili nun ng mga undies ko."

"Wow! Grabe kung ako yun baka mahiya ako kasi syempre lalaki eh."

"Opo pero pag ano, online nalang po ako na bili nakakahiya din po kasi. Hehe... kaya naman sa apat na kuya ko si kuya Kevin ang favorite ko kasi sya talaga yung naging dahang dikit ko sya din ang sumadalo ng kasalanan ko sobrang bait po kasi talaga ni kuya Kevin kaya minsan kung napapansin n'yong may awkwardness sa inyong dalawa wag po kayong mag alala nangangapa pa po kasi sya pero pag nag tagal masasanay din po yun. At don't worry dahil sobrang loyal po ni kuya Kevin kaya di nya kayo ipagpapalit."

"Yah, pero ang problema ko kasi di ko alam kung paano ko sasabihin kay Wendy na bf ko si Kevin. Natatakot ako na baka mamaya hilingin nya sakin si Kevin."

"Po?"

"Malaki na kasi ang utang na loob ko kay Wendy kaya natatakot akong baka si Kevin ang gawin nyang kapalit. Kilala ko si Wendy hindi sya basta nagkakagusto sa mga lalaki dahil sobrang choosy nya kaya nga kahit 30 na sya nbsb pa rin sya."

"Eh, ang tanong ibibigay n'yo po ba si kuya sa bff niyo?"

Hindi naman nakasagot itong si May kaya napatayo si Kelly "whe— where are you going?"

"Di lang po ako ang aalis dahil kasama ko kayo pupunta tayo kay Ms. Wendy!"

"H— Ha?"

***

Sa bahay ng nga Dela Cruz...

"At baket raw gay'on yon?" Ang sabi ni Kian sa isang lalaking tauhan ni May.

"Kuya kumalma ka ayos naman na daw at okay lang daw si Kelly." Ang sabi naman ni Keith.

"Hindi ako mapapadali hangga't di ko nakikita si Kelly. Kim, tawagan mo si Patrick ngayon din."

"Oo kuya."

"No need to worry na Daddy nag vc na kami kanina ni tita Kelly." Bungad na sambit no Jacob.

"Anong vc?"

"Video call po yon Sir." Ang sabi nung lalaki na tauhan ni May at napatingin naman sa kaniya sila Kian "ah... ahm... sorry po nakasanayan ko na po kasi yung ganun na salita kila Ma'a.m Kelly."

"Close ka kay Kelly?" Ang sambit nila Kian.

"Daddy, Uncle! Don't mind then Sir masyado lang po kasi silang over protective sa tita Kelly ko pero okay naman po yang mga uan di po sila nangnaggat."

Tinaasan pa ni Jacob ng kila ang Daddy at ang nga Tito nya.

"Ahem... nabanggit mo sanay? Bakit close ba kayo ni Kelly namin? Hindi ba at tauhan ka ni May?" Ang sabi ni Kian.

"Ah... opo ahm... kasi po pinsan ako ni Johnsen."

"Ohhh! Mr. Sensen?" Ang sabi ni Keith.

"Opo Sir."

"What? PINSAN KA NI SENSEN?!" Ang pa sigaw na sambit nung tatlo nila Kian.

"Actually, napagkakamalan din po kaming mag kapatid mag kamukha po kasi kami."

Nagkatinginanan naman yung tatlong kuya ni Kelly at si Jacob dahil sobrang laki ng pag kakaiba ni Sensen sa tauhan ni May kaya di sila makapaniwala na mag kamag anak yung dalawa.

Tinitigan nung apat yung lalaking tauhan ni May "ah... eh... bakit po?"

"Paanong naging mag pinsan po kayo ni Mr. Sensen? Eh sya makinis kayo kasi..."

Pandalas namang tinakpan ni Keith ang bibig ni Jacob "ha... ha... wag mo sya pansinin matalas talaga ang dila ng pamangkin namin mana sa tatay nya. Ha... Ha..." napatingin naman yung lalaki kay Kian.

"Oh? Anong problema mo? Wala akong sinasabi." Ang pag dispensa ni Kian.

"Ahm... ako nga po pala si Alden." Ang sabi nung lalaki.

"ALDEN? RICHARDS?!" Anila.

"Ah... di po Alden Risard po pero sabi nila kamukha ko nga po yun maliban kay Sensen."

Nasusuka naman ang reaction nung apat "Ahm... okay lang po kayo?"

"Ewan!" Anila.