Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 305 - Kabanata 305

Chapter 305 - Kabanata 305

Sa hotel kung saan naka check in sila Herald at Yumi…

"Knock…Knock…"

"Herald! Aalis muna ko dadalawin ko si Kelly." Ang sabi ni Yumi pero walang na sagot sa kaniya "kung gusto mong sumama sumabay ka nalang sakin."

"Knock…Knock…"

"Herald!!! Kung ayaw mo bahala ka pero hindi na ko babalik dito sa hotel uuwi na ko sa Laguna nag pa book na ko ng ticket sorry kung hindi ko sinabi sayo pero hindi ko na kaya ang kahihiyan dito. Kung gusto mo ako na mag bo-book sayo ng ticket."

"Knock…Knock…"

"Herald!!!"

Pumasok na si Yumi sa kwarto ni Herald at nakita nya nasa isang sulok lang ito at nakaupo habang nakatulala kaya nilapitan nya ito "hey, you okay?"

Herald started to cry "bakit lahat nalang ng gusto ko iniiwan ako?"

Hindi naman alam ni Yumi ang sasabihin nya dahil first time nyang nakita ito na naiyak at kinausap sya ng malumanay "pero ako… hindi kita iiwan."

"Hindi ko kayang suklian ang pag mamahal mo hindi mo ko deserve nasaktan kita ng sobra kaya sige umalis ka na."

"Ayoko!"

Tinulak ni Herald si Yumi "UMALIS KA NA! Nag pa book ka na ng ticket right? So GO!!!"

"Sinabi ko lang yon para malaman ang reaction mo…"

"UMALIS KA NA!!!! Ayoko ng magkaroon ng kahit ano pang relasyon sayo! Wag kang mag alala ako na ang mag papaliwanag sa mga parents ko."

"NO!!! Hindi kita iiwan!!!" Ang sigaw ni Yumi at nag simula na rin syang umiyak "kahit saktan at sabihan mo ako ng kung anu-anong masasakit na salita hindi kita iiwan dahil…mahal kita dati pa."

"Yumi…"

"Kung mag sampa ng kaso sila Patrick laban sayo…"

Hindi naman napag patuloy ni Yumi ang sinasabi nya dahil bigla syang niyakap ni Herald.

"Sorry…"

***

Samantala sa Hospital,

"Wala pa bang resulta kuya? Anong lagay ni Kelly at nung anak namin?" Ang kinakabahang sambit ni Patrick kay Kevin pag pasok nito ng kwarto ng hospital kung san mahimbing na natutulog si Kelly.

"Kumalma ka, kaibigan ni Dra. Jinzel ang OB dine kaya sigurado akong magiging okay lang ang mag ina mo. Tsaka sa tingin ko isa lang palabas ang lahat ng ito."

"Ano?"

Hindi maintindihan ni Patrick kung bakit nasabi yun ni Kevin "isa akong nurse at naka experience na rin ako ng ganitong pangyayare at tinitiyak kong isa lang peke ang mga ito."

"Hi---Hindi ko maintindihan kuya."

"Tignan mo ha, saan ka nakakitang ang pasyente eh walang swero? Dinugo si Kelly di ba?"

Napatingin naman si Patrick kay Kelly "o—oo nga hindi ko na pansin aligaga kasi ako kanina."

"Ayos lang, tama lang ang naging reaksyon mo sa mga nangyare normal lang na kabahan ka at di mo malaan ang gagawin."

"O—Oo kuya."

"Pangawala, dumating ako dito mga ilang minuto lang ang nakalipas ng makarating kayo dito pero andito na agad sa kwarto si Kelly? It's about 5minutes lang ang diperensya kasi naka motor naman ako anyways, yung motor nga pala sa hotel yun hiniram ko pakisabi kay Mr. Sensen aregluhin nya muna na gasgasan ko kasi kakamadali."

"Sige kuya bilhin nalang natin."

"Ha? No! Luma na yung motor sayang ang pera. Tsaka bili agad? tumigil ka nga."

"So—Sorry kuya."

"Anyways, mabalik tayo sa case ni Kelly dahil hindi ako naniniwalang dinugo nga sya sure akong may plano yang kapatid kong yan na hindi natin alam."

At ni recall nga ni Patrick ang mga nangyare kanina kung ano ang mga sinabi ni Kelly at ang mga kakaiba nyang ginagawa bago nangyare ang isang insidente.

"Kung may masamang nangyare dyan kay Kelly dapat hindi sya pina diretso dito dapat sa Emergency Room. Kita mo sa VIP room pa sya inilagay agad? Ano hotel lang ang peg?"

"Pero…"

"Wag kang mag alala sigurado ako sa mga sinasabi ko kaya kumalma ka na."

"Sabagay, bago pa man mangyare ang photoshoot may mga kakaiba na syang sinsabi tapos parang may palagi syang ka text."

"Ohhh…I see, sure akong kasabwat nya si Mr. Sensen."

"Ahhh…oo kuya maaari nga dahil naging sobrang close sila lately."

"See! I told you planadong lahat ng ito. Kilala ko yang si Kelly hindi yan nag papatalo dahil kung pasaway ka mas pasaway sya."

"Pero, bakit hindi pa po sya nagigising hanggang ngayon?"

"Gising yan at nakikinig nag tutulog tulugan lang yan."

"Hmm?"

"Oo pero hayaan mo muna dahil ganyan na yan dati pa kapag may ginawa syang hindi sinasabi samin at pag guilty sya ganyan nag tutulog tulugan."

Sumenyas si Kevin kay Patrick at tinuro nito sa bayaw yung mata ni Kelly na nagalaw galaw pa.

"Silly!"

"Sige na Kellang bumangon ka na diyan buking ka na!"

At bumangon na nga si Kelly "AHHHHH…sorry na."

Kevin sighed "See, I told you bayaw."

"Haysss…I didn't know na magaling palang umarte ang asawa ko."

"Sorry na!!!"

"Sus! Ganyan ka eh pag na buking ka mag papacute ka "sorry na" wag nga ako."

"Kuya naman eh!!!"

"Sya sige na, lalabas na muna ako at mukhang mahaba pa ang ipapaliwanag mo kay bayaw."

"Kuya!!!"

"Bahala ka diyan aalis na ko nagugutom ako. Sige na bayaw ikaw na bahala sa kapatid ko."

"Ah…sige kuya."

"Kuya!!!"

"Adios mi hermana menor."

At lumabas na nga si Kevin habang nag talukbong naman si Kelly ng kumot "anong ginagawa mo?"

"Ehhhhh…"

"Ahahaha..anong ehhhh?"

"Sorry na nga!!!"

"Bakit? Hindi naman ako galit."

Bumangon naman si Kelly at tinanggal ang kumot nya "hindi ka galit?"

"Um. Sa katunayan masaya ko kasi sobrang galing pala ng asawa kong umarte siguro mag tayo ng workshop."

"Honey!!!"

"Ahahaha…bakit? Ayaw mo nun magagamit mo yung talent mo sa pag arte."

"Ginawa ko lang naman yun para maiganti ka kay Herald tsaka nalaman ko kagagawan nya kung bakit nag hiwalay sila kuya Kevin at Mina kaya dapat lang yun sa kanya."

"Ano? Si Herald ang may kagagawan ng hiwalayan nila kuya Kevin at Prof. Mina?"

"Mahirap paniwalaan pero mahabang kwento gusto lang talagang matuto ng leksyon nya si Herald para na rin makabawi sa mga babaeng sinaktan nya."

"Mukhang…nag research ka talaga."

"Um. Ayoko lang na may mga babaeng iiyak dahil lang sa iisang lalaki! At hindi deserve si Herald ang iyakan sya dapat ang pinaiiyak dahil ang sama ng ugali niya!"

"Clap! Clap! Clap!"

"Hmmm? Problema mo?"

"Hindi ko alam na di lang pala sa pag arte magaling ang asawa ko pwede rin siya maging defender."

"Sira!"

Niyakap naman ni Patrick si Kelly "but I'm so proud of you, salamat."

"Tsss…ano ka ba? para san pa at partners in crime tayo di ba?"

"Sus…partners in crime daw pero ang piniling partner eh si Mr. Sensen!"

"Ehhhh…"

"Yan ka na naman sa kaka ehhhhh…anyways, wag na wag mo ng gagawin yung ganun ha? Delikado yun wifey."

"Alam ko pero hindi naman talaga malakas pag kakatulak sakin ni Herald nag overreact lang ako para magawa ko yung plano ko."

"Oo nga paano mo nagawang may dugo talaga?"

"Dun sa suot ko kanina may fake na dugo sa binti kong naka tago."

"Eh?"

"Um…ganito kasi yon."

At sinimulan na nga ni Kelly ang kwento nya kung paano nya ginawa yung plano…OPLAN pabagsakin si Herald in a good way.

Kausap ni Kelly si Sensen over the phone nung nasa Manila pa sya "Yes, Madam gagawin ko po ang ipinag uutos nyo."

Kelly: Siguraduhin mo ring hindi makakahalata ang Sir Patrick mo ha?

Sensen: Opo Madam, nga po pala na send ko na po sa email nyo yung information tungkol kay Mr. Elmedez.

Kelly: Okay salamat.

Sensen: May nalaman rin po pala ako hawak nya sa leeg ang kasalukuyan nyang girlfriend na si Ms. Yumi.

Kelly: Sinong Yumi?

Sensen: Sya po yung second cousin ni Chairman.

Kelly: Ohhh…I get it did you check her background?

Sensen: Opo Madam na send ko na rin po sa email nyo.

Kelly: Very good! Babalitaan nalang kita kapag may na plano na akong gagawin mo basta siguraduhin mo lang na babantayan mong mabuti ang Chairman. At siguraduhin mo ring hindi nya malalaman ang mga ganitong ginagawa natin.

Sensen: Opo Madam wag kayong mag alala.

Kelly: Sige na bumalik ka na kay Chairman ako ng bahala sa iba.

Sensen: Yes Madam.

At doon na nga sinimulan ni Kelly ang plano nya nilihim nila ni Sensen ang lahat kay Patrick.

Nang makarating na sila Kelly at Kevin sa Cebu nag sisimula ang plano.

"Madam, na ayos ko na pong lahat may mga reporter na pong palaging susunod sa inyo ni Chairman." Ang pabulong ni Sensen kay Kelly habang sumimple silang dalawa sa kotse habang nasa labas pa sila Patrick at Kevin at namimili ng pagkain na delicacy ng Cebu.

That time kararating palang nila Kelly sa hotel na tinutuluyan ni Patrick.

"Mabuti kung ganon sinigurado mo bang aattend si Mr. Elmedez sa photoshoot?"

"Opo Madam dahil parehas po sila ni Chairman na nasa front page ng newspaper dito sa Cebu."

"Nice, yung number ni Yumi nakuha mo?"

"Opo sesend ko nalang po sa inyo ngayon."

"Sige, nga pala, wag na wag mo ring babanggitin kay kuya Kevin ang mga plano natin at lalo na yung nalaman natin kay Prof. Mina."

"Opo Madam makakaasa kayo."

"Basta yung mga simpleng detalye about sa photoshoot ayusin mo na ha? Wag mo rin kakalimutan na bumili ng mga itlog at harina okay? Siguraduhin mong magiging pancake yang si Herald."

Sensen laughed awkwardly towards Kelly "o---opo Madam."

"Okay then, pabalik na sila act naturally."

"Yes Madam."

At nung araw na ng photoshoot…

Bago magising si Patrick maagang na gising si Kelly at pinapunta na nyang agad si Sensen sa hotel room nila "go—good morning po Madam."

"Mukhang mas una ka pang na gising sakin."

"Ah…eh…hi—hindi naman po. Naka sanayan lang po."

"Ohh…halika pumasok ka."

"Salamat po."

Nang makapasok na Sensen sa hotel room nila Kelly nagulat itong may dugo sa sahig.

"Ma—Madam… ba—bakit po may dugo? Ayos lang po ba kayo?"

Napatingin naman si Kelly sa tinitignan ni Sensen "ahhh…yan ba? wala yan nagawa kasi ako ng pekeng dugo para sa gagawin kong pag arte mamaya mukha na bang makatotohanan?"

"O—Opo kinabahan po talaga ako."

"Tubig lang yan na may konting flour para medyo malapot tapos may food coloring na red."

"Ohhh…ang galing."

"Natapon kasi yan nagulat kasi ako nung nag doorbell ka."

"Ay, so—sorry po."

"Ayos lang pero pwede bang pakilinis? Medyo nahihirapan kasi ako sa pag tungo lam mo na medyo nataba na ko nahihirapan ako sa mga pag tutungong ganyan."

"Ahhh…nako, normal lang po yan kasi nalaki na ang tummy niyo."

"Talaga ba?"

"Ah…hindi pa naman po halata pero Madam sigurado po ba kayo sa gagawin natin? Ayos lang talaga sa inyo yung ganun?"

"Oo akong bahala na kuha mo na aba ako ng room sa hospital?"

"Opo na ayos ko na pong lahat ang tungkol dun."

"Eh yung mga reporters? Okay na ba?"

"Opo Madam mamaya lang may mga reporters na pong darating dito at sigurado akong magugulat si Chairman pero paano po kung magalit sya?"

"Wag kang mag alala ako ng bahala dun kailangan lang ng konting acting."

"Si—Sige po."

"Basta gawin mo yung part mo okay?"

"Opo Madam, meron na po akong prospect na pwedeng kausapin about sa identity reveal ni Mr. Herald."

"Dapat malapit yun kay Mr. Guievarra para makausap nya agad ito."

"Opo may secretary po syang ang pangalan ay Tinay ako na pong bahalang kumausap sa kanya mamaya."

"Good job! Basta siguraduhin mong maraming reporters ang darating, okay?"

"Yes Madam."

At doon na nga nag simula ang pag arte ni Kelly nung bumaba sila ni Patrick sa may lobby ng hotel kung saan nag iintay sa kanila sila Mr. Guievarra at yung iba pang staff at sila Herald at Yumi.

"Ibang klase ka talaga Kellang! Bakit hindi theater and arts ang kinuha mo?" Ang sabi ni Kevin habang kausap si Kelly doon parin sa hospital.

"Wag ka na ngang ano dyan kuya. Lolokohin na naman ako ni Patrick pag narinig nya yung mga pinag gagawa ko eh."

"Sus…san nga pala pupunta yon?"

"Tumawag kasi si ate May dumating raw dito sa Cebu yung bff ni daddy."

"Bff nung daddy nila? Sino?"

"Hindi ko rin kilala pero gusto raw kasi makita si Patrick kaya yun pumunta muna sya sa airport."

"Ohhh…kaya pala nag mamadali sya pero bakit kailangan sya pa? Bakit hindi nalang si Mr. Sensen ang sumundo?"

"Hindi raw kasi yun nag papa drive sa iba eh okay lang naman ako kaya pumayag na ko na umalis sya babalik naman syang agad eh."

"Ohhh…"

"."

Sa magkaparehong oras,

"My son!!!"

"Ninong!"

Niyakap naman agad nung lalaking tawag kay Patrick ay son "kamusta po?"

"Good…and I'm happy to see you."

"Wait po, hindi nyo kasama si ninang?"

"Ahhh…hindi sumama eh nag paiwan pa sila ni Meryll sa America."

"Ohhhh…eh kayo lang po ang bumiyahe pala?"

"Nope, ayun sya oh bumili na agad ng makakain.

"Hmmm?"

"Bunsoy!!!"

"Ikaw na ba yan Wendy?"