Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 299 - Kabanata 299

Chapter 299 - Kabanata 299

Isang araw bago dumating si Kelly sa Cebu…

"Sir, gumising na po kayo male-late nap o tayo sa event." Ang sabi ni Mr. Sensen kay Patrick na ayaw pang bumangon.

"Mamaya na…"

"Pero Sir…kapag hindi pa kayo bumangon dyan maabutan niyo na naman dun yung iniiwasan nyo."

"Sino?"

"Sino pa po? Edi sila Ms. Yumi at yung ayaw na ayaw nyong makita si Mr. Herald."

Bumangon namang agad si Patriick "okay then, start the car aalis na tayo."

Nagulat naman si Mr. Sensen dahil bihis na pala ang boss nthe zya "Si—Sir?"

"Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Bilis labas!!!"

"Ye—Yes Sir."

At nang makarating sila sa events place bumungad naman sa kanila si Herald "kala ko ba sabi mo kapag inagahan ko hindi ko makikita ang bwiset na yan?" Ang pabulong na sambit ni Patrick at marami ring press ang nandun para mainterview ang mga bigtime business man and woman.

"Si—Sir, hindi kop o talaga alam na sya ay naririto na."

"Humanda ka sakin mamaya!!!"

"Mr. Santos!" Ang bungad naman ni Herald pagkapasok na pag kapasok nila Patrick at Sensen.

"He—Hello Mr. Elmedez kamusta ka? Hindi mo ata kasama si Yumi?"

"Ahhh…masama ang pakiramdam niya but she's going to be okay don't worry."

"Mr. Santos and Mr. Emledez maaari ba kayong tumingin dito? Para sa picture taking." Ang sabi ng isang lalaki photographer.

"Of course, right Mr. Santos?"

"O—Okay."

At pumagilid naman si Sensen pero nakatingin sa kaniya si Patrick na parang sinasabi na "bakit umalis ka?"

"Kailangan ba naming mag post?" Ang sabi Herald.

"Ahm…ayos lang po Sir."

At nag simula na ngang umawra itong si Herald kaya naman nakaagaw sya ng atensyon ng karamihan dahil silang dala ni Patrick ang pinakabatang businessman na naroon dun sa event "Bro, sino kaya sa tingin mo ang makakakuha ng bagong invertors sating dalawa?" Ang pabulong na sambit ni Herald habang umaawra at marami namang mga photographer na ang nakuha sa kanila ng larawan ni Patrick.

"What do you mean?"

"You didn't know na pinag uusapan ka dito?"

"Hmm?"

"Smile, pakita mong iteresado ka sa summit na ito dahil kung hindi baka maungusan kita sa pag kuha ng mga investors."

"What?"

Umakbay naman si Herald kay Patrick at sinabing "baka nakakalimutan mo hindi lang ikaw ang heir ng pamilya at kung ano ang gusto ko nakukuha ko."

Ang sama naman ng tingin ni Patrick kay Herald "as if I care? Kahit wala akong makuhang investors from here hindi hamak na mas malaki parin ang profit ng company namin kesa sa inyo." Ang pambubuyo na sambit ni Patrick at nag simula na rin syang umawra para sa magandang larawan.

"Huh! I knew it. Palaban ang mga Santos pero tandaan mo hindi porket mas malaki ang hawak nyong business kesa sa pamilya ko hindi ibigsabihin non matatalo mo na ko pag dating sa pagiging popular."

"Ohh…then let see tomorrow's news."

"Fine, kapag ako ang nasa front page ng newspaper nila bukas I will date your wife without you interrupting us."

"What? No way!"

"So, that means your defeated."

"Huh! In your dreams mas di hamak na mas sikat ako sayo kaya wag ka ng mag ilusyon pa."

"Oh really, then prove it!"

"Sure, rookie!"

At nagkatinginan yung dalawa na para bang gustong mag sapakan pero biglang may nag sabing tingin po dito sa camera at sakto namang sabay lumingon yung dalawa at yun ang pinaka the best at maangas nilang kuha.

"Bakit parang naging photoshoot na ang events na ito? Anyare?" Ang pabulong bulong na sambit ni Mr. Sensen habang nakatingin dun sa dalawa na nakakairingan pa rin.

Samantala nag ayos naman na ng dadalhin nya itong si Kevin ng biglang pumasok sa kwarto nya si Kelly.

"Oh? May kailangan ka?"

Humiga naman sa kama si Kelly na parang walang ka energy-energy "ayos ka lang ba?"

"Yeah…I'm fine."

Hinipo naman ng Kevin ang noo ni Kelly "mukha namang okay ka nga pero bakit parang wala ka namang ka energy-energy dyan?"

Bumangon naman si Kelly "kuya, kung wag nalang kaya tayong umalis?"

"Ano?! Umayos ka nga bukas na ang flight natin at inaasahan ka ni Patrick dun at sure pati ng ibang mga business partners nyo."

Kelly sighed "ewan ko pero pakiramdam ko hindi na ako dapat pang mag punta sa Cebu."

"Ha? Bakit mo naman na sabi?"

"Ewan ko para kasing may mangyayareng kung ano."

Pinitik naman ni Kevin ang noo ni Kelly "sira! ano gang pinagsasabi mo? umayos ka nga!"

"I dunno but I feel they talking to me right now."

"Ha? Ano manghuhula ka na ngayon?"

"Ewan ko nga kuya!"

"Ewan ko sayong bata ka nakapag impake ka na ba ang mga gamot mo nailagay mo na bang lahat sa maleta mo?"

"Um."

"Mabuti kung ganun sige na lumabas ka na at pumunta ka ng kusina."

"Ha?"

"May binili akong eggpie para sayo lakad na kumain ka na."

"Actually naka kain na ko alam ko kasing sakin yun eh. Hahahaha…"

"Haysss…kahit kailan ka talaga."

"Anyways, pano pala si ate May? Hindi ba sya sasama?"

"Hindi may business trip kasi sya kaya hindi sya sasama satin papuntang Cebu."

"Ohhh…these past few days napaka busy ni ate May ang hirap talagang maging business woman."

"Wow! Nag salita ang hindi business woman."

"Hindi naman ako business woman si Patrick nga ang nagawa ng dapat kong gawin sa kumaonya eh kahit dun sa milktea business ko sya rin."

Naupo naman sa tabi niya si Kevin "so, nahihiya ka na ba?"

"Hmm?"

Niyakap naman ni Kevin si Kelly "Haysss…ang bilis talaga ng panahon ang mga ginagawa namin para sayo asawa mo na ang nagawa."

"Kuya naiyak ka ba?"

"Sira! Bakit naman ako iiyak?"

"Sus…kuya wag ako."

"Heh! Pero babysis dapat lang na suportahan mo talaga ang asawa mo kahit ano pang mangyare dahil malaki na ang sakripisyo nya para sayo."

"Na hindi ko namang hinihiling na gawin nya…simula ng namatay ang daddy nya wala na syang time para sa sarili nya kung hindi kumpanya ang inaasikaso nya kami namang dalawa ng magiging anak nya pakiramdam ko nga sobrang useless ko na para sa kanya."

"Wag kang mag salita ng ganyan sapat na kay Patrick na masaya ka at yang magiging anak mo ginagawa nyang lahat para sa kumportable nyong buhay kaya sapat ng magpakita ka ng suporta mo sa kanya kaya wag ka ng maging toyoin."

"Ano? Sinong toyoin?"

Bumalik naman na sa pag aayos ng bagahe nya si Kevin "gusto mo bang sagutin ko yang tanong mo?"

"Kuya!!!!"

"Ahahahahaha…lumabas ka na nga wag mo kong istorbohin dito."

"Tse!"

***

Gabi naman na natapos ang araw ni Patrick at pagod na pagod sya kaya dumretso agad sya sa kama.

"Sir, bukas po may meeting kayo kay Mr. Nuyles para sa arte and design ng bago nyong food business dito sa Cebu."

"Okay…" ang walang ganang sambit ni Patrick.

"Tapos po may food tasting pagkatapos nun."

"Okay…"

"Then may kailangan rin po kayong attendan ni Mr. Herald para bukas kinuha po kasi kayong model ng isang clothing brand dito sa Cebu."

"Okay…"

"Lastly, bukas na po ang dating ni Ma'am Kelly gusto nyo po bang ako nalang ang sumundo sa kanya sa airport?"

"Okay…"

"Sige po abangan nalang po natin ang newspaper bukas kung ano ang magiging resulta sa pustahan niyo ni Mr. Herald."

Napabangon namang agad si Patrick "no, ako ang susundo kay Kelly."

"Sir?"

"Mahirap nab aka kung ano pang gawin ng Herald na yon sa asawa ko. Siguraduhin mo ngang walang gagawing kung ano yung lintek na yun sa newspaper!"

"Yes Sir nagawan ko na po ng paraan."

"Naka pag pa reserve ka na ba ng resto?"

"Yes Sir, okay na po ang lahat pati po ang magiging room dito sa hotel ni Mr. Kevin."

"Okay then, yung schedule ko bukas with Herald cancel that thing."

"What? I…I mean bakit po? Nag yes na po kayo dun."

"I know, pero nag bago na ang isip ko kaya ikaw na ang bahala mag palusot."

"Pero Sir…"

"Sige na..pagod na ko gusto ko ng matulog."

"Pero kasi Sir…"

"Sige na gusto ko ng matulog."

"O—Okay po."

Paglabas ng kwarto nio Sensen "haysss…kahit kailan talaga ang hirao nyang kausap!"

"May sinasabi ka?" Ang sigaw ni Patrick mula sa kwarto nya.

"Narinig nya yun?"

"Sensen!"

"Si—Sir aalis na po ko."

"Goodnight!"

"O—Opo have a sweet dreams Sir."

Sa isip-isip ni Sensen "ibang klase ang pandinig nya."

Habang nakahiga naman si Patrick kinuha niya sa bulsa yung phone nya at tonawagan si Kelly via videocall "hello my dear wifey…"

Kelly: Oh? Bakit ganyan ang itsura mo?

Patricik: Ha? What do you mean? Di na ko pogi?

Kelly: Sira! Para kasing ang haggard mo ayos ka lang ba?

Patrick: Ohhh…inaatok na kasi ako eh baka ka ko hindi ka makatulog kapag hindi kita natawagan.

Kelly: Parang kang ewan mag kikita naman tayo bukas kaya sige na matulog ka na mukhang pagod na pagod ka.

Patrick: Yeah…pero okay na ko kasi nakausap at nakita na kita pero low energy pa rin ako kasi hindi kita mayakap.

Kelly: Ang arti! Bukas nalang susunduin mo ba kami ni kuya?

Patrick: Um. Syempre ako mismo ang susundo sa inyo ni kuya miss na miss na kita.

Kelly: Um. Ako rin.

Patrick: Sana mag umaga na agad para makita na kita.

Kelly: Um. I love you.

Patrick: I love you 3trillion.

Kelly: Naalala mo pa?

Patrick: Syempre naman yun ang sinabi mo nung kasal natin eh.

Kelly: Sus…love you more din time 3trillion.

Patrick: Ahhhh…gusto na talaga kita mayakap honey. Kung pwede lang lulusot na ko dito sa cellphone.

Kelly: Ako rin. Konting tiis nalang ilang oras nalang naman na mag kikita na ulit tayo.

Patrick: Um. Konting oras nalang.

Kelly: Sya sige na matulog ka na mukhang pagod na pagod na talaga yang mata mo eh.

Patrick: Okay, matulog ka na rin ha?

Kelly: Mamaya pa ko matutulog lam mo na hirap parin ako makatulog eh tsaka parang gusto kong kumain ng mangga at icecream.

Patrick: Cravings na naman?

Kelly: Oo eh lately kakaiba yung panlasa ko.

Patrick: Are you okay?

Kelly: Oo naman inaalagaan naman ako nila kuya at nila ate Faith at ate Rica nga pala pumunta dine si ate May kanina bago sya pumunta sa business trip nya.

Patrick: Ahhh…oo sabi nya nga hindi sya makakapunta dito sa Cebu ayos lang basta ikaw makapunta.

Kelly: Sus…sige na matulog ka na.

Patrick: Okay…goodnight wifey ko love you.

Kelly: Goodnight din love you more hubby, see you tomorrow.

Patrick: Um. Byie.