"Kakain na po…" Ang sambit ni Manang Tina at punong puno ng pagkain ang buong cottage nila.
"Wow…" Ang reaksyon ng lahat.
"Ibang klase talaga ang mga Santos mantakin mo puro mga seafood ang inihanda nila eh ang mamahal kaya ng lobster may crabs pa." Ang bulong na sabi ni Nico.
"Seafood platters nga bro bakit kailangan mo pang isa-isahin ?? Ungas ka rin eh." Ang sabi naman ni Eric.
"Hehe…para lang ma emphasize tignan mo naman yung lobster ang lalaki ang sugpo grabe."
"Wag ka na ngang maingay diyan bilis kumuha ka na."
"Honey glaced butter crabs ba ito?" Ang tanong naman ni Eric kay Wena na nag seserve.
"Ah..opo Sir original recipe po yan ng mga Santos kaya tiyak po kaming magugustuhan nyo ang lahat ng mga nakahain."
"Ah…sige hayaan mo at titikman kong lahat."
Siniko naman ni Nico si Eric "ang takaw mo talaga mahiya ka!"
"Ba, bakit ba minsan lang ito noh! Baka bukas may bayad na ito."
"Nako, wala po yang bayad hanggang andito po kayo Sir sagot po lahat yan ng buong Santos Resort." Ang paningit na sabi ni Wena.
"Ohhh…so bukas at mamaya may ganire pa rin?"
"Opo Sir may gusto po ba kayong ipa request?"
Siniko naman ni Nico si Eric muli "tumugil ka, nakakahiya kila Patrick."
"Bakit ba? Wala naman akong sasabihin eh."
"Baka po gusto niyong i-try ang kare-kare ala Ma'am Patricia." Ang sabi ni Wena.
"Oh…may ibang potahe rin pala kala ko puro seafoods lang."
"Edi hindi nakakain si Kelly alam mo namang di yun mahilig sa ganyan." Ang sabi naman ni Nico.
"Nako, paborito nya po yang honey butter glaced crabs sya po mismo ang nag pa request nyan kay Manang Tina."
"Ay, sa mani nga pala allergy si Kelly at ang mga kuya nya."
"Yes Sir, kaya po ang kare-kare na yan ay walang mani."
"Eh?" Ang reaction ng dalawa.
"Yes po, alam po kasi nila Sir Patrick na ayaw ng mani ng Dela Cruz siblings at tanging si Ma'am Kelly rin po ang hindi allergy sa kanila sa itlog."
Nagkatinginan naman sila Eric at Nico at animo'y humanga "kailan nyo pa yan nalaman?"
"Simula po ng naging kaibigan ni Sir Patrick si Ma'am Kelly."
"Ohhh…I see eh ikaw hindi ba at bisita ka rin bakit kayo ang nag seserve? Hindi naman kayo ang staff ng resort di ba?" Ang sabi naman ni Nico at sumenyas naman sa kanya si Eric na animo'y kanya itong inaasar.
"Ahhh…sanay na po kasi kami tsaka masaya po kaming nakikita naming si Ma'am Kelly na masaya kasama ang pamilya nya."
Napangiti naman si Nico "bigyan mo nga ako ng crabs…"
"Sige po Sir."
"Ahm…pwede bang malaman ang edad mo?"
"Po? Ako?"
"Wha—What I mean is parang mag kasing age lang naman tayo pero kung maka po at opo ka parang ang tanda ko na tuloy 26 lang naman ako."
"Ahhh…Ganun po ay....sorry 25 lang po ako…ay…sorry po na sanay na po kasi ako ng may po at opo."
"Pero pag ako kausap mo gusto ko maging chill lang."
"Ho? Ah…eh….sorry…"
"Ahem…sya sige maiwan ko muna kayo at ako eh mauupo na at ako eh gutom na." Ang sabi naman ni Eric at siniko si Nico at tinaas ang kilay na animo'y tinutukso kay Wena.
"Tumigil ka nga!" Ang mahinang sambit ni Nico pero may pang gigil ito.
"Ano po yon Sir?"
"Wa—Wala sige sunod na rin ako sa kanya."
"Sige po."
"Pagbalik ko…pwede ba wala ng po at Sir?"
"Ah…sige…"
At umalis si Nico na naka ngiti at ganoon rin naman itong si Wena "huy! Anong nginingiti ngiti mo dyan ha?" Ang sabi naman ni Elsie.
"Ha? Wa---Wala dun ka na nga sa pwesto mo."
"Sus…si Sir Nico yan noh?"
"Hindi! Wag ka nga ang issue mo."
"Sus…arti-arti ha. Sumbong kita kay Manang Tina."
"Bahala ka diyan dun ka na sa grilling station maraming nakapila oh!"
"Susss…."
"Heh!"
Samantala nakain naman na sila Kelly at ang mga kuya niya kasama pa ang mga hipag nito at syempre si Patrick at Jacob "nga pala, hindi nyo pala sinama si Tum-Tum at si baby Ellion?" Ang tanong ni Kelly na nakain ng crabs.
"Ahh…sabi kasi ni tita Vina iwan na daw at ganun rin si tita Ada giliw na giliw eh." Ang sabi ni Keith.
"Ohhh…buti hindi nyo iniwanan si Jacob."
"Syempre hindi po nung last kong punta dine eh ako lang po ang pinanggigilan nila buti nga po at may Tum-Tum at baby Ellion na sila tito Keith at Tita Faith eh."
Nag tawanan naman sila Kelly sa sinabing iyon ni Jacob "nga naman gigil na gigil sila sayo nun eh lalo na sila tita Vina. Ahahaha…"
"Kaya daddy, mommy gusto ko na po ng kapatid beke nemen."
Nagkatinginan naman yung parents nya at nagkaiwasan "hahaha…bakit gusto mo na ng kapatid?" Ang tanong ni Kevin.
"Opo para naman may mauutusan na rin po ako si mommy kasi utos nalang ng utos pag nasa bahay sya."
"Aba't itong batang ito! Honey pagsabihan mo nga yang anak mo."
"Mana lang naman sayo…tsss…"
"Haysss…kayo talagang mag ama!"
"Sus…si Daddy naman pag gabi gusto pa akong katabi ayaw tumabi kay mommy."
"Anak!!!" Ang sabay na sambit nila Kian at Rica.
"Hindi kayo nag tatabi?" Ang tanong nila Kelly.
"Ha? Ah…Ahm…" Ang reaction naman nung mag asawa.
"Kasi po ayaw ni daddy na katabi si mommy kapag red days nito ."
"Jacob!!!"
"Bakit totoo naman po eh pero pag hindi red days ni mommy sya mismo ang natabi kay daddy."
"Jacob!!!"
At natawanan na nga sila Kelly sa sinabing iyon ng pamangkin " ahahaha…mukhang marami ka na talagang nalalaman baby boy." Ang sabi ni Kelly.
At napatingin naman ang lahat kay Keith "oh, anong kinalaman ko dyan? Wala akong tinuturong kung ano sa bata ha."
Bineltukan naman sya ni Faith "ehhhh…bakit ang defensive mo dyan?"
"Babe naman!"
"Tse!"
"Oh, bakit hindi ka ata nag sasalita ha Patrick?" Ang sabi naman ni Kevin.
"Po? Ah…eh…wala naman po kasi akong masasabi usapang pamilya po iyan."
"Anong pinagsasabi mo? Asawa ka ni Kelly kaya kapamilya ka na rin namin tungek!" Ang sabi naman ni Keith.
Napatingin naman si Kelly sa asawa nya na parang bang may mali syang nararadar "sandali lang po mag papakuha lang po ako ng dessert para sa inyo.." Ang sabi naman ni Patrick na tumayo na sa kanyang kinauupuan.
"Wag na kami ng bahala maupo at kumain ka na lang." Ang sabi naman ni Kian.
"Hindi ayos lang po may kailangan rin po kasi akong sabihin kay Manang Tina."
"Ah…okay."
"Sige po…wifey gusto mo pa ba ng crabs?"
"Ha? Hindi na ayos na ko dito."
"Um. Sige sasabihan ko lang sila Wena na dalhan kayo dito ng dessert." Tumingin sya kila Kian at nag paalam at sinabi nyang babalik din syang agad.
"Ayos lang ba ang asawa mo?" Ang sabi ni Keith kay Kelly.
"Um. Bakit naman hindi?"
"Pero kanina ko pa nga sya napapansin parang wala na sya sa mood nung bumalik sya kanina nung kumuha sya ng inumin."
"Hmmm?"
"Baka naman may ginawa ka namang kung ano, bunso." Ang sabi naman ni Kevin.
"Aba! Wala kaya."
"Sus…baka naman kala mo lang wala pero meron! Meron!" Ang sabi naman ni Keith na animo'y kala mo nasa isang pelikula ng binitawan nya ang linyang iyon.
Bineltukan naman syang muli ng asawa nya "Ang oa mo na naman!"
"Hehe..syado kasi kayong serious."
Tumayo naman si Kelly "oh, saan ka pupunta?" Ang sabi ni Rica.
"Mag hihinaw lang ate ang lagkit na ng kamay ko busog na busog na rin kasi ako. Hehe."
"Mabuti pa nga mag lakad-lakad ka nga para matagtag yang mag kinain mo." Ang sabi naman ni Kevin.
"Oo na kuya! Parang ang taba-taba ko na ah! Maka ano naman ito wagas!"
"Heh! Mabuti nga na mag lakad ka para bumaba agad yang kinain mo ng hindi ka masyadong tumaba at hindi ka mahirapang manganak."
"Oo makinig ka sa kuya mo naranasan na namin yan ni ate Rica kaya makinig ka nalang babysis." Ang sabi naman ni Faith.
"Gusto mo bang samahan kita mag lakad? Tapos naman na ko kumain." Ang sabi ni Rica na salad lang ang kinain.
"Anong tapos na? Salad lang ang kinain mo tapos ka na agad? Tignan mo yang anak mo naka dalawang crabs na."
"Daddy naman pangalawa ko palang po ito!"
"Tsss…ganun na rin yon! Mag dahan-dahan ka lang baka mamaya ma high blood ka kabata bata mo pa!"
"Mommy si daddy oh!"
"Tumigil na nga kayong mag ama."
Umalis naman na si Kelly ng hindi nag papaalam sa kanila "san naman kaya nag punta si Patick? Sabi nya kukuha lang daw sya ng dessert eh." Ang pa linga-linga na sabi ni Kelly at matapos nyang mag linis ng kamay tinanong nya si Manang Tina kung nasan ba ang asawa niya " pumasok sa loob eh sabi nya may kukunin daw sya sa kwarto nyo."
"Ohh…sige po salamat. Kumain na rin po kayo."
"Sige, wag mo kaming alalahanin."
"Okay po basta kumain na po kayo ah wag kayong papagutom iinum pa kayo ng gamot si Manong Berto po tawagin nyo na sya baka gutom na rin yun."
"Sige ako ng bahala."
"Sige po pupuntahan ko lang po muna si Patrick."
"Sige, sige ako ng bahala dito."
"Okay po balik po ako agad."
"Um."
At nakita naman nila Vince na papaalis ng cottage si Kelly "san pupunta si kawsin?"
"Baka pupuntahan niya si Patrick. Nakita ko umalis eh." Ang sabi ni Mimay.
"Bakit kaya?"
"Liyah, natikman mo na ba yung kare-kare dito? Wala yung mani." Ang sabi naman ni Dave na busy na busy sa pagkain habang kausap si Aliyah.
"Oh? Totoo? Paano nangyareng walang mani ang kare-kare hindi ba yun ang main ingredients dun?"
" mOo pero may secret dun ang mama ni Master at tinuro kay tita Patricia yung nanay ni Patrick kilala mo na yun di ba?"
"Ahhh…oo alam mo kung ano yung secret?"
"Yun lang hindi ko alam ahahahah…"
"Silly…hahaha…"
Nagkatingin naman sila Vince at Mimay dun sa dalawa habang sala na yung pag subo nila kay Janil at Meinard "kailan pa naging close ang dalawang yan." Ang pabulong bulong na sambit nung dalawa habang patuloy nilang sinusubuan ng pagkain ang mga anak nila.
At nagkatinginan sila Mimay at Vince na para bang nagkakaintindihan "Ahem…ay baby hindi ba gusto mong si Mommy ang mag subo sayo?" Ang sabi ni Vince at ganon rin naman itong si Mimay kay Dave.
At sabay pa nilang binuhat yung mga anak nila papunta kila Aliyah at Dave.
"Ka—Kala ko ikaw mag papakain kay Meinard?" Ang sabi ni Dave.
"Anong tingin mo sakin robot hindi na kakain? Kain ka nga ng kain dyan kaya ikaw naman dyan Meinard ako naman ang kakain."
"Okay…okay…chill."
"Tsss…chill mo mukha mo!"
"Kukuha muna ako ng dessert nauumay na ko!"Ang pa galit na tono ni Vince at hindi nya inalok si Aliyah kung gusto ba nito mag pakuha ng dessert.
"Hmm? Galit ba sya?" Ang sa isip-isip ni Aliyah.
Samanatala nakarating naman na si Kelly sa kwarto nila at nakita niyang ang pula ng balat ni Patrick at kamot ito ng kamot "anong nangyare sayo?"
"Wi—Wifey? Bakit nandito ka?"
Tumayo naman sya agad at lumayo kay Kelly "Bakit ganyan ka?"
"A…Ano wala ito mamaya okay na rin ako lumabas ka na."
"Ayoko!"
Hinila niya si Patrick at hindi na nga ito nakapalag sa kanya "Ang init mo!"
"Ayos nga lang ako! Bumalik ka na kila kuya."
"Ano ka ba?! May sakit ka na nga eh gusto mo pa akong bumalik dun. Tumigil ka nga!"
"So—Sorry ayoko lang naman kasing makasagabal sayo at sa pamilya mo ang saya mo kapag kasama mo sila."
"Ano na naman ba yang sinasabi mo? Asawa na kita at mag kakanak na nga tayo bakit ba pinipilit mong hindi kita kapamilya?! Nakakainis na ha!"
"Ehh…kasi…"
"Haysss…nasan ang gamot mo? At bakit hindi mo sinabi sakin na inaatake ka na pala ng allergy mo?"
"Eh…kasi nga…"
"Haysss! Sabihin mo nalang nasan ang gamot!"
"Andun sa medicine kit natin."
"Ay, oo nga pala tignan mo nalimutan ko na tuloy bakit kasi kumain ka pa ng maanghang eh alam mo namang bawal sayo gusto mo bang mamatay?" Ang galit na galit na sambit ni Kelly habang kinukuha niya ang gamot ni Patrick at kumuha na rin sya ng tubig nito. "Oh, bilis uminom ka na baka lumala pa yan."
"Um. Salamat."
"Sandali lang mahiga ka muna alam ko may cold patch rin akong dinala para kay Jacob eh ikaw na muna ang gumamit."
"Wag na magiging okay rin ako mamaya."
"Heh! Wag ka na ngang mag salita dyan mahiga ka na at ako ng bahala."
"Ano bang gagawin bakit ako hihiga? Wifey tanghaling tapat pa mamaya nalang kayang gabi?"
Binato naman sya ni Kelly ng tsinelas "ano bang iniisip mo?! Bwiset ka! Nilalagnat ka nga kaya mahiga ka at lalagyan kita nireng cold patch."
"Ahhh…linawin mo kasi…"
"Ewan! Kung anu-ano ang pinag iisip mo!"
"Kiss mo nalang ako mawawala na ito."
"HEH!"