Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 283 - Kabanata 283

Chapter 283 - Kabanata 283

Ang alam ng magkakapatid ni Patrick ay umaayos na ang kalusugan ng kanilang daddy pero sa hindi inaasahang pangyayare nagkaroon ng kumplikasyon ang ginawang pag opera sa puso ni Mr. Santos kung saan sumama pa nga sa America itong si Patrick hanggang sa naaksidente pa ito at nagkaroon ng amnesia na hindi naman naglaon ay bumalik rin at naalala niya ng lahat ang nawala niyang ala-ala.

"Morning dad." Ang bungad ni Patrick sa nag kakapeng si Ricardo.

"Oh, maaga ka atang nagising balita ko nag punta kayo ni Kelly sa hardin sa des oras na ng gabi?"

Naupo naman si Patrick at kumuha na ng sandwitch at binigyan naman sya ng hot choco ng isa sa kanilang kasambahay "ahh…si Kelly po kasi naisipang mag lakad-lakad ayun gang ngayon tulog pa rin po na puyat po nahihirapan rin po kasi syang matulog simula ng nag buntis sya."

"Nag pa check up na ba kayo? Samahan mo sya."

"Okay na dad ganun daw po talaga pag buntis feeling ko nga rin po pati ako buntis na rin nahawa na po ata ko."

"Silly! Ahm…nga pala nabanggit sakin ng mom mo na bibili ka ng lupa?"

"Ah…opo dad kaya nga po rin ako maaga kasi yun po yung aaregluhin ko ngayong umaga makikipag meeting ako kay Mr. Curinay ibinebenta niya po kasi sakin yung lupain niya sa Cavite."

"Bakit hindi mo sinabi sakin? Edi sana nasabi ko kay Ben para nasabi na sa abogado natin."

"Don't worry dad ako ng bahala napag usapan na rin naming ni Kelly ang pagbili ko ng lupa at sumangayon naman po sya sakin good investment nga raw po."

"Napagusapan niyo na ba ang final amount? Sabihan mo ko para makagawa ako ng cheque."

"Hindi na dad gagamitin ko ang pera ko tsaka ang ipon naming ni Kelly para rin naman ito sa pamilya namin kaya we can handle naman po."

"Pero… mahal ang lupa sa Cavite baka kulangin kayo."

"It's okay dad payag naman si Mr. Curinay na hindi ko bayadan ng onetime payment lang eh."

"Sabi ko naman kasi sayo ako ng bahala."

"Hindi na nga po dad ako ng bahala nga pop ala bakit kayo lang mag isa ang nag be-breakfast? Where's mom and ate? Even kuya is not here."

"Ang mom mo may inaasikaso ang ate mo may meeting sa DLRH ang kuya mo natuloy na sa business trip."

"Ohhh…kaya pala paano po kayo? San kayo ngayon?"

"Dito lang ako sa bahay dayoff ko."

"Eh? Marunong palang mag dayoff ang chairman?"

"Oo naman tao rin naman ang chairman nakakaramdam ng pagod."

Napansin naman ni Patrick na namumutla ang daddy niya at parang nanipis rin nag buhok nito "dad…"

"Hmm?"

"Is there something wrong?"

Bigla naman nakaramdam ng kaba si Ricardo na tatakot sya na baka nakakahalata na ang anak niya "dad?"

"Ha? No---Nothing ayos lang ang daddy mo syempre ako pa ba?"

"Para po kasing namumutla kayo tapos yung buhok niyo para po atang nanipis ganyan po ba kapag magiging lolo na? Hehe…"

Tumawa naman si Ricardo ng bahagya "siguro nga, sige na baka malate ka pa sa meeting mo ubusin mo na yang breakfast mo early bird pa naman yung si Curinay."

"Hehe…napansin" niyo rin pala ang aga niya po parati."

"Oo…"

Habang nagmamadali namang kumain si Patrick pinagmamasdan lang sya ng daddy niya na nakangiti na para bang isang batang maliit si Patrick na bago palang nakain.

Nagising naman na noon si Kelly at bago sya lumapit sa mag ama nakaramdam sya ng awa dun sa dalawa dahil masayang pinagmamasdan ng ni Ricardo itong si Patrick habang nakain na para bang hindi maalis dito ang tingin niya sa anak.

"I need to think something happy para hindi malungkot si dad." Ang sabi ni Kelly sa sarili at lumapit sya sa mag ama na sobrang energetic.

"Good morning sa nag gugwapuhang nilalang na nasa hapagkainan."

"Oh? Bakit nagsing ka na? Hindi ba at puyat ka pa? Matulog ka na muna dun wifey."

Naupo si Kelly sa tabi ng asawa niya at kumuha ng pagkain "ayos na ko buti nga nakatulog eh kesa hindi mahirap yun di ba daddy?"

"Ha?"

"Nothing po bakit kape ang iniinum niyo? Dapat po hindi na kayo nag kakape sa kalagayan niyo."

Napatigil naman si Kelly dahil naisip niyang dapat hindi niya sinabi yung ganoong bagay sa harap ni Patrick "what do you mean? Dad, may sakit ka ba?"

"Ha? A—Ako?"

Sinubuan naman ng tinapay ni Kelly itong si Patrick "ano bang pinagsasabi mo?syempre walang sakit si dad. Bilisan mo na nga diyan at baka malate ka pa."

"Ay, oo nga pala."

"Yan, ang daldal kasi eh bilisan mo na."

Nakatitig lang naman si Ricardo kila Kelly samantalang itong si Patrick nag madali na at umakyat na sa kanilang kwarto "dad!"

Nagulat naman si Recardo sa bilang pagtawag sa kaniya ni Patrick habang nasa hagdan "mag bonding po kayo ng Kelly dito mamaya."

Nagkatinginan naman yung dalawa ni Kelly at ni Ricardo na para bang nahihiya sa isa't isa dahil out of nowhere bigla nalang yun sinabi ni Patrick "bilisan mo nab aka malate ka."

"Sige dad. Wifey, ikaw ng bahala kay daddy ha?"

"O—Oo sige."

Sa isip-isip ni Kelly "ungas talaga ang isang yon hindi nag iisip ng sasabihin!"

"Pag pasensyahan mo na sana yang asawa mo minsan kasi talaga kung anu-ano ang sinasabi niya mana kasi sya sa mommy nya."

"Mukha nga po pero ayos lang po sanay naman na ko."

"Humanda sya sakin mamaya." Pabulong bulong pang dagdag ni Kelly.

"Ano yon?"

"Wala po. Ahm…wala po ba kayong business meeting ngayon?"

"Ah…wa—wala dayoff ko ngayon."

"Ohhh…marunong rin po palang mag day off ang isang chairman."

"Hehe…alam mo bang ganyang ganyan rin ang sabi ng asawa mo sakin?"

"Eh? Talaga po?"

"Oo sa tingin ko talagang nagkakasundo kayo buti nalang at ikaw ang nakatuluyan niya dahil talagang binago mo ang Patrick naming."

"Nako, sorry po."

"Ah…hinde what I mean is ikaw nga yung good influence sa kaniya eh kasi simula nung nakilala ka niya hindi na siya naging pasaway marunong na rin syang makipag usap samin kasi nung wala ka pa matagal yung hind umuwi dito samin. Kasi sinisisi niya ang sarili niya kung bakit namatay si Paula."

"Ahm…pwede po bang mag tanong?"

"Oo naman, ano ba nag gusto mong malaman?"

Tumingin sa kanilang paligid si Kelly at nung nalaman niyang walang tao bumulong sya "pwede ko po bang itaas ang paa ko?"

"Ha?"

Nagulat si Ricardo sa tanong ni Kelly dahil kinabahan kasi rin sya sa gusto nitong itanong sa kaniya pero natawa nalang sya dahil sobrang babaw ng katanungan nito sa kanya "Hahaha… nakakatuwa ka talagang bata ka masaya akong binigyan mo ng kulay ang pamilyang ito."

"So, pwede ko na po bang itaas ang paa ko?"

"Hahaha…oo sige do what you want dahil bahay mo na rin naman ito."

"Salamat dad kanina ko pa po kasi talaga gusto itaas ang paa ko ewan ko po ba siguro dahil medyo nalaki na yung tyan ko parang gusto ko nalang parating nakataas ang paa."

"Hehe…nakakatuwa ka talaga sana mag mana sa sense of humor mo ang magiging apo ko."

"Hahaha…ay sorry po syempre po kahit isang traits ni Patrick walang makukuha itong baby naming."

Tawang tawa naman si Ricardo sa sinabing iyon ni Kelly at hindi alam nung mag biyenan na nakamasid sa kanila yung kanilang mga kasambahay "ngayon ko nalang ulit nakitang ganyan kasaya si Sir Ricardo." Ang sabi ni Tina ang asawa ni Mang Berto at mayordoma sa Santos Residence.

"Opo nga parati kasing tahimik ang bahay na ito nung wala pa si Ma'am Kelly sana parati nalang syang nandito." Ang opinion naman ni Dess na matagal na ring kasamabahay sa mga Santos.

","

Umalis na Patrick at yung mag biyenan nalang yung naiwan at ang mga kasambahay. Naisip ni Kelly na kailangan niyang maging productive ngayong araw para hindi maburyong ang biyenan nya at syempre para magiba na rin nag awkwardness sa kanilang dalawa. Dahil mas malapit naman kasi si Kelly sa babae niyang biyenan bilang kapwa niya ito babae.

"Dad, pwede po ba tayong mag laro?"

"Hmmm?"

"Ang boring po kasi eh wala naman akong gagawin ngayong araw tapos dayoff niyo rin naman kaya mag laro po tayo."

"A—Ayos lang naman pero anong laro? Board games lang kasi ang alam ko."

"Don't worry dad it's a tie. Ahahahaha…"

"Hehe…akala ko naman outdoor nako hindi pwede baka kung mapaano ka lagot ako sa mommy mo."

"Haha…para po pala kayong si Patrick takot sa asawa."

"Ha?"

"Ah…Eh…I mean ano po in a good way naman po like sobra niyo lang po mag alaga ganun di ba ganun po kayo kay mommy?"

"Ahhh…oo ayokong madadapuan ng kahit ano ang mommy niyo kahit lamok pa yan lagot sya sakin."

"Sa tingin ko without a doubt po sa inyo po talaga nag mana si Patick. Ganyang ganyan po kasi sya sakin eh."

"Oo siguro nga actually nung binata pa ako kamukhang kamukha ko si Patrick kaya sabi nga sa kanya nung habang lumalaki sya junior ko raw."

"Mahal na mahal niyo po si Patrick ano?"

"Oo naman silang tatlong magkakapatid mahal na mahal ko sila kaya nga sana makita ko pa ang mga magiging apo ko sa kanila bago pa man mahuli ang lahat."

"Daddy, sabihin niyo bakit inilihim niyo ang sakit niyo?"

Nagulat si Ricardo sa sinabing iyon sa kaniya ni Kelly dahil ang alam niya tanging ang doctor lang niya at ang asawang si Patricia ang nakakaalam ng sakit niya kaya taking taka sya kung paano nalaman ni Kelly ang tungkol sa kaniyang lihim.

"Bakit hindi po kayo mag salita? Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman isa lang po yung aksidente narinig ko kayo kahapon ni mommy na nag uusap sa kusina at nais ko po sanang tanungin kung totoo nga po ba yung mga narinig ko na may cancer kayo at stage 3 na ito?"

"Alam kong matalino kang bata kaya isa lang ang hiling ko maaari mo ba itong ilihim kila Patrick? Hindi ko gustong mag lihim sa mga anak ko pero ayoko ng maging pabigat pa sa kanila."

Hinawakan ni Kelly ang kamay ng biyenan niya at sinabing "wag po kayong magsalita ng ganyan hindi po kayo pabigat dahil mahal nila kayo kaya kung ano man ang mangyare mamahalin at mamahalin pa rin nila kayo dahil kayo ang daddy nila. Kaya labanan niyo po ang sakit niyo dahil andito lang po kami handang umagapay sa inyo. Wag niyo po sanang solohin ni mommy mas makakabuti po kung malalaman po nila para matulungan nila kayo."

"Mabait kang bata kaya talagang masayang masaya ako na ikaw ang naging asawa ng anak ko at alam ko rin na naiintindihan mo ako dahil nawalan ka na rin ng daddy kaya alam na alam mo kung gaano yun kasakit kaya ayoko na sanang dumagdag pa sa isipin ng mga anak ko."

"Pero paano naman kayo? Anong gagawin niyo kapag isang araw hindi na kayo makabangon? Itatago nalang ba namin kayo ni mommy? Tapos sasabihin namin kila Patrick na may business trip kayo? Ganun nalang po ba ang gusto nyong mangyare?"

Nakaramdam naman ng panghihina si Ricardo at inalalayan naman agad siya ni Kelly "sino pong nandiyan? Tulungan niyo po kami."

***

Nanatili pa ring lihim ang sakit ni Mr. Santos hanggang sa isang araw bigla nalang nahimatay ito sa gitna ng meeting.

"Daddy!!!" Ang sambit ng magkakapatid ni Patrick at ipinatigil ni Mrs. Santos ang nagaganap na meeting at pinalabas niya rin ang mga nandoon sa conference room pwera lang sa mag kakapatid at sa assistant ni Mr. Santos na si Ben.

"Ben, tawagan mo si Dr. Montoya." Ang kalmadong sambit ni Mrs. Santos.

"Yes Madam."

"Mom, anong nagyayare?" Ang nag aalalang sambit ni Patrick.

"Why you seem so relax? Hindi ka po ba nag aalala kay dad?" Ang nagagalit ng sambit ni Richmond samantala pinupulsohan naman ni May ang daddy nila bilang kahit papaano ay may alam sya sa ganoong bagay kahit isa lang syang dentist.

"Sa tingin nyo ba hindi ako nag aalala sa daddy nyo?! Pinipilit ko lang na mag pakatatag para sa kaniya at para sa inyo!"

"So—Sorry mom."

"Mamaya ko na ipapaliwanag ang nangyayare sa daddy niyo pagdating ni Dr. Montaya."

Related Books

Popular novel hashtag