Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 281 - Kabanata 281

Chapter 281 - Kabanata 281

Nag tungo agad sila Kelly at ang mga kuya niya sa DLRH para kamustahin si Faith at syempre kasama si Patrick na sobrang kung mag alala sa asawa niya.

"Oh, ingat ka baka matipalok ka."

"Tumigil ka nga paano ako matitipalok eh nasa loob na tayo ng hospital at tiles na itong tinatapakan natin."

"Ehhh…mabuti na yung sure wifey."

"Haysss…ewan."

Binilisan ni Kelly ang pag lalakad niya at iniwan si Patrick samantalang nasa likod naman sila Kian "wifey intay!!!"

"Aso ba sya?" Ang sabi ni Kian.

"Nag aalala lang si Patrick sa kapatid natin syempre buntis eh." Ang sabi naman ni Kevin.

"Nga pala, bakit hindi ka pumasok ngayong araw?" Ang sabi naman ni Kim.

"Night shift kasi ako mamaya pang 4pm ang pasok ko."

"Ahhh…kaya pala."

"Hoy Kevin." Ang sabi ni Kian.

"Ano yon kuya?"

"Siguraduhin mong magiging lalaki ang anak ni Kelly ha!"

"Ha?"

"Tol, paano naman ma cocontrol ni Kevin ang ganung pangyayare? Hindi naman sya si Lord."

"Ah basta! Gusto kong maging lalaki ang anak ni Kelly mahirap na mayaman ang pamilya ni Patrick baka itakwil nila kung magiging babae ang anak ng kapatid natin."

"Kuya, nahahawa ka na sa kakapanood nila ate Rica at ate Faith sa mga historical drama eh hindi na uso yung sinasabi mo. Syempre hinding hindi itatakwil ng mga magulang ni Patrick kung maging babae man ito kita mo nga mahal na mahal nila si Kelly syempre ganun rin ang magiging anak nila."

"May poin naman si Kevin, tol tsaka kung ano man ang maging gender ng magiging anak nila syempre andito tayo para mahalin ito."

"Ah basta sana lalaki ang maging anak ni Kelly."

"Ewan ko sayo kuya. Oh, andito na tayo." Ang sabi ni Kevin at pumasok na sila sa kwarto kung nasan si Faith na kasalukuyang tulog pa.

"Oh, andiyan na pala kayo mag tol." Ang bungad ni Keith na dala-dala ang bago nilang baby ni Faith na si Mark Ellion Jay.

"Aba, mukhang malusog si baby ah ilang kilo sya kuya?" Ang sabi ni Kevin.

"Almost 5kg ang laki nya nga kaya na CS si Faith hindi niya kinaya ng normal eh."

"Oh? CS?"

"Oo nawalan kasi siya ng malay nung nailabas na doc yung paa ni Ellion."

"Ohhh…kaya pala."

"Kamusta naman si Faith?" Ang sabi ni Kim.

"Ayo slang naman sya kuya kailangan lang na mag pahinga."

Napatingin naman si Kian kay Kelly na titig na titig kay Ellion "huy! baka matunaw yan."

"Kuya naman naaliw lang ako kay baby Elli."

"Elli?"

"Oo ang haba naman kasi ng name Mark Ellion Jay kuya Keith naman gusto mo bang pagudin ang anak nyo? Baka pag nag aral yan tapos nag exam yung mg kaklase niya nasa number 2 na si Elli nag susulat parin ng name niya."

"Kow! Hindi yan uso kaya yung pahabaan ng name kaya hindi nag iisa si Ellion."

"Sus… tignan mo nga ikaw mismong tatay ni Elli pero ang tawag mo lang sakanya Ellion sayang naman yung Mark at Jay sana kasi Ellion nalang pinahihirapan mo pa yung bata eh."

"Heh!"

"Bakit kayo ba ni Patrick may naisip ng pangalan?" Ang sabi naman ni Kevin.

"Opo meron na." Ang sagot agad ni Patrick na nag tatalop ng apple sa utos na rin ni Keith sa kanya.

"Me---Meron ka ng naisip?" Ang pagulat na sambit naman ni Kelly.

"Oh, bakit tila ata gulat na gulat ka naman diyan." Ang sabi naman ni Kim.

"Ehh…syempre naman kuya kahapon ko nga lang nalaman na buntis ako tapos may naisip na pala syang name para sa magiging baby namin? Kaya nakakagulat talaga."

"Advance lang syang magi sip ikaw kasi kung kalian oras na tsaka gumagana ang isip mo."Ang sabi ni Kian na bago umupo sa sofa ay kumuha muna ng apple na tinalupan ni Patrick.

"Tsss! Whatever kuya."

"Pwede ba naming malaman kung ano yung naisip mong name para sa magiging baby niyo Patrick?" Ang sabi ni Keith.

"Sige po."

"Sige nga ano naman ang naisip mo baka naman sobrang haba rin." Ang sabi ni Kelly.

"Hindi naman sakto lang kung babae sana gusto ko Princess tapos kung lalaki naman Prince."

"Ano? Yun na yon?"

"Um."

Nagtawanan naman ang mga kuya ni Kelly "shhhh…wga kayong maingay baka magising si ate Faith at yung baby!" Ang naiinis na sabi ni Kelly dahil hiyang hiya sa naisip ni Patrick na name na sobrang common.

"Pffft…hahaha…Kelly, mabuti pa kami nalang mag iisip ng name para naman hindi sobrang common at hindi mahirapan ang anak nyo sa pagkuha niya ng NBI baling araw." Ang sabi ni Keith.

"Ewan ko sayo kuya."

"Pero hindi po ba maganda yung naisip kong pangalan na Prince at Princess?"

"Manahimik ka na nga lang." Ang naiinis paring sambit ni Kelly.

"Sus, ito naman buti nga sya may naisip na name kahit sobrang common eh ikaw wala naman di ba?" Ang sabi ni Kian.

"Kuya naman kala ko ba kakampi kita."

"Pwes hindi tamang salungatin mo si Patrick sa harap namin para mo na ring ipinahiya ang asawa mo sa sinabing manahimik sya."

"Pero kuya…"

"Tama si kuya ganyan ba ang tinuro naming sayo? Kung nandito lang si daddy hindi sya matutuwa sa inasal mo." Angs abi naman ni Kim.

"Sorry na hindi ko naman sinasadya kasi naman kayo tinawanan niyo sya kaya nainis ako."

"Kahit na hindi parin tamang ipahiya mo sya samin kaya sa kanya ka mag sorry at hindi samin." Ang sabi naman ni Kevin.

"Nako, hindi naman na po kailangan ayos lang po ako." Ang sabi ni Patrick.

"Shhh…wag ka ng mag salita ganito kami kapag may nagkamali kahit sinoman samin kahit pa nakatatanda kailagan mag sorry kaya sige Kelly mag sorry ka na sa asawa mo." Ang sabi naman ni Keith.

"Haysss…ang aarte niyo kanyo hindi naman na tayo bata eh bakit kailangan pa nating gawin ang ganon?"

"Kelly!" Ang sabay-sabay sambit ng mga kuya nya.

"Kainis.... sya sorry na."

"Hindi sincere labas sa ilong." Ang sabi naman ni Kevin.

"Kuya naman!!!"

"Kelly!"

Kelly smirked "Okay fine…" lumapit siya kay Patrick at hinalikan ang pisnge nito at humingi ng tawad "promise hindi ko na uulitin."

Ngiting ngiti naman si Patrick samanatalang nagulat naman sila Kian sa ginawang iyon ni Kelly dahil hindi nila inaasahan na hahalikan nito ang asawa niya sa harapan nila "sabi ko naman sayo ayos lang sakin yon."

Naging clingy namang bigla yung dalawang mag asawa at naging awkward na yung atmosphere at hindi na kinaya pa ni Kian. "Haysss!!! I'm out hindi ko na kaya."

"Kuya san ka pupunta?" Ang sabi ni Kelly.

At bago naman lumabas sa pinto si Kian sumagot muna ito "kung san walang langgam. Tsss! Nakakaumay!"

"Ano daw? May langgam ba dito?"

"Wala pa pero mamaya meron na dahil sobrang sweet niyong dalawa. Makasunod na nga lang din kay kuya." Ang sabi ni Kim.

"Ano daw?"

***

Lumipas ang mga araw at patindi narin ng patindi ang cravings at ang emosyon ni Kelly kung dati mabilis ng uminit ang ulo niya ngayon mabilis pa sa alas quarto kung sya ang maging emosyonal. Nahihirapan na nga din si Patrick sa kaniya kung minsan pero dahil mahal sya nito hindi sya sinusukuan nito sinasabayan pa sya nito kung minsan sa pagiging toyoin niya.

"Gusto ko nga ng isaw."

"Pero sabi kasi ni doc hindi ka pwede ng ganun kasi may UTI ka."

"Ah basta kapag wala akong isaw ngayong araw aalis ako dito."

"Saan ka naman pupunta?"

"Uuwi ako samin!"

"Pero wifey busy sila kuya wala kang kasama dun busyrin si ate Faith sa new born baby nila ni kuya Keith."

"Basta! Uuwi ako kapag wala akong I...SAW!!!"

"Haysss…sya sige na bibili na ko ilan ba ang gusto? Tama na dalawa ha? Bawal kasi sayo yun eh."

"Hinde gusto ko ng sampu!"

"Ano?!"

"Bibili ka o uuwi ako!"

"Sya, sya, sya oo na bibili na po pero siguraduhin mo lang na last na yon!"

"Pinagtataasan mo ba ako ng boses?"

"Ha? Hi—Hindi naman wife yang sakin lang eh…"

"BUMILI KA NA!"

"O—Oo e—eto na."

Pandalas naman si Patrick ng labas ng kwarto nila at pabulong bulong pa ito pag labas niya "makapag utos kala mo naman kung sino!"

"Sino? Eh asawa mo yon." Ang sabi ni Richmond.

"Kuya? Akala ko nasa trip ka ngayon? Andito ka pala sa bahay?"

"Oo hindi na tuloy yung business trip eh nextweek na lang daw. Anyways, saan ka pupunta?"

"Ahh…mag hahanap ng pwedeng mabilan ng isaw si Kelly kasi nag lilihi dun."

"Eh? Pero di ba madumi yung ganun?"

"Well, hindi naman madumi siguro yung sa iba hindi ayos yung luto pero naalala ko may binilan kami noon ni Kelly na isang resto na may isaw dun malinis dun. Kaya dun pala ako bibili gusto mong sumama?"

"Okay lang naman pero ayos lang ba kay Kelly na sa isaw sya mag lihi?"

"Actually hindi naman sya dun nag lilihi cravings lang niya yun at katunayan araw-araw may iba't-iba syang cravings minsan nga hindi ko na alam kung saan ako kukuha."

"Ahhh…nakakaawa ka naman pala."

"Eh ikaw kuya kalian mo balak pakasalan si Ms. Maricar? Hindi ba matagal na kayong dating nun?"

"Oo pero ayaw niya pa eh."

"Oh? Nag propose ka?"

"Oo pero tinanggihan nya ko."

"Weh? Ikaw? Tinanggihan?"

"Tao rin naman ako baliw. Si Maricar kasi yung tipo ng babae na sobrang workaholic."

"Sabagay, ganun na sya dati pa mana kasi siya kila Manong Berto at Manangf Tina."

"Oo sinabi mo pa. Tama na nga yan bilisan na natin at baka mag alboroto na yung asawa mo kapag hindi ka pa makabili ng pinabibili niyang isaw."

"Ay, oo nga pala bilis kuya ikaw na mag drive."

"Sige."

Samantala,

Kausap naman ni Kelly si Mimay sa video call.

Mimay: Oh? Gusto mo ng isaw?

Kelly: Oo bigla kasi akong nag crave kaya ayun pinabili ko si Patrick kahit na bawal sakin yun may UTI kasi ako eh.

Mimay: Hala! Hoy buntis mag ingat ka sa kinakain mo ah kapag bawal mag tiis ka.

Kelly: Pero di ba kapag may cravings kailangan kainin para hindi maapektuhan si babay.

Mimay: Hoy! Modern na yung panahon na yon naniniwala ka pa sa mag ganung pamahiin?

Kelly: Oo naman yun ang sabi sakin nila mama at ng lola ko eh. Wala namang mawawala kapag naniwala sa mag ganung pamahiin.

MImay: Well, wala nga pero kawawa naman ang baby mo papakinin mo sya ng isaw? Grabe ka naman.

Kelly: Ehhh…kasi nga nag crave ako bigla may napanood kasi akong isang series tapos kumakain sila ng isaw kaya parang gusto ko rin.

Mimay: Ayyy…yun naman pala maipapayo ko lang sayo tigil-tigilan mo nga muna yang panonood mo ng mga movies.

Kelly: Series nga at hindi movies.

Mimay: Ah basta! Ganon na rin yon namimilosopa ka na naman ha! By the way sa Friday birthday ni Meinard pumunta kayo ni Patrick ha? Isama mo rin sila Jacob at Tum-Tum kiddie party naman eh.

Kelly: Oh? Birthday na pala ng inaanak ko? Ilang taon na sya?

Mimay: 3years old na sya nalimutan mo buntis na ko nung kinasal kayo ni Patrick.

Kelly: Ahhh…oo nga pala.

Mimay: Kaya kada mag cecelebrate kayo ng wedding anniversary ni Patrick kalapit na rin yon ng birthday ni Meinard.

Kelly: Oo nga pala, teka si Janil rin pala mag bi-birthday na rin ano?

Mimay: Oo nakakatuwa nag halos buwan lang pagitan ng anak naming nila Vince at Aliyah at ang tricky pa parehas hindi sinasadya yung mga nangyare.

Kelly: Hehe…pero tignan niyo naman ngayon masasaya naman kayong lahat. Ang bilis ng panahon noh? Dati college lang tayo ngayon may sari-sarili na tayong pamilya. Kayo may mga anak na si Harvey naman malapit na ring maging tatay sa anak nila ni Shai kami naman ni Patrick ngayon palang nag sisimula mag bloom.

Mimay: Nakakatuwa nga eh tropa lang natin yung mga nakatuluyan natin inisip ko nga paano kung hindi kayo nag away nun ni Patrick nung college tayo baka gang ngayon si Vince pa rin ang kasama mo.

Kelly: Oo nga ano…baka hanggang ngayon introvert parin ako.

Mimay: Oo nga hehe nakakamiss yung collge days.

Kelly: Wait lang may naisip ako.

Mimay: Hmm? Ano naman yon?

Kelly: Mag host tayo ng reunion sa klase natin matagal na rin na hindi nag kikita kita buong klase natin gusto ko na silang makita at makamusta.

Mimay: Eh? Pero baka hindi pumayag na sumama yung iba.

Kelly: Bakit naman nasa ibang bansa ba yung iba nating mga kaklase?

Mimay: Ahm…sa pagkakaalam ko naman nasa Pinas ang lahat friend ko kasi lahat sila sa fb. Hehe.

Kelly: Oh, mabuti yan ikaw ng bahala mag inivite sa kinila kapag nakagawa na ako ng ticket.

Mimay: Ticket? Para naman san?

Kelly: Ticket para sa reunion natin iisip ako ng mga prize na kahit sino ay hindi makakatanggi para lahat at sumama.

Mimay: Gaya naman ng ano? Lahat naman ngayon kaya ng mabili sa online eh.

Kelly: Eh di hindi yung mabibili sa online gaya ng franchise ng milktea shop ko.

Mimay: Ano? Yun ang prize? Woah! Bibili na ako ng sampung ticket agad.

Kelly: See, kahit ikaw maeenganyo na bumili ng maraming ticket. At yung mapagbibilan ng ticket yun naman ang i-dodonate natin sa ampunan na pinuntahan natin nun.

Mimay: Yung Angelic Orphanage ba yun?

Kelly: Oo gusto ko kasing bumalik ulit dun huling punta pa natin dun nung college tayo gusto ko sanang kamustahin si Mang Jose at bigyan sya ng konting tulong.

Mimay: Ikaw talaga sobrang bait mo kaya proud na proud ako na naging bestfriend kita.

Kelly: Proud rin naman ako sayo.

Mimay: Pero mas proud ako sayo kasi hindi mo nakakalimutang tumulong kahit nakakaangat ka na sa buhay. Hindi ka parin nag babago ikaw pa rin yung Kelly na kilala ko 7years ago. Love you babygirl.

Kelly: Salamat. Love rin kita Mims.