Dumating na sa Company ang KelRick at nag aalala pa rin itong si Patrick kay Kelly dahil bigla nalang sumama ang pakiramdam nito kanina ng maamoy ang bigay na chicken curry ng mommy niya samantalang wala namang mali doon sa ulam dahil hindi ito panis. Kaya sobrang worried sya kung ano ba ang nangyayari sa asawa niya.
"Wifey, ayos ka na ba? Andito na tayo."
"Oo okay na ko pero bago tayo pumasok sa Company pwede bang ibili mo ako ng icecream?"
"Icecream? Ngayon na?"
"Oo sana."
"O— Okay, ano bang flavor ang gusto mo?"
"Mmmm... eggpie flavor with bacon."
"Ano?! I... I mean icecream na eggpie ang flavor? Wifey yung totoo ayos ka lang ba talaga?"
"Oo nga pero gusto ko ng icecream eggpie and bacon flavor!!!"
"O— Okay, pero hindi ko alam kung may ganoong flavor dito sa Manila. San ka ba nakakita nun? Or do you even taste that kind of flavor of icecream?"
"Pag wala, kahit vanilla icecream tas eggpie then bacon that's it!"
"O— Oh sige mag papabili ako kay Johnsen pero ngayon pumasok na tayo dahil mag sisimula na daw ang meeting."
"Um."
Tinext nalang ni Patrick si Johnsen na bumili ng pabili ni Kelly na hindi niya maintindihan kung bakit ang weird ng cravings ng asawa niya. Icecream na eggpie flavor? The heck! May bacon pa?
At nang makapasok na ang KelRick sa conference room kung saan sila nalang ang inaantay.
"Bakit ngayon lang kayo?" Ang pabulong na sambit ni Richmond dun sa dalawa.
"Traffic kasi kuya." Ang sagot ni Patrick.
"Sya, sya, sige na maupo na kayo."
"Kuya, anong gamit mong pabango?" Ang tanong ni Kelly.
Nagkatinginan naman yung magkapatid "actually, wala akong gamit ngayong pabango kasi nag mamadali akong nag punta dito."
"Really? Bakit ang bango mo."
"Ha?"
"Ha... ha... wifey maupo na tayo mamaya ka na mag tanong ng magtanong kay kuya ha?"
"Pero ganun rin ang gusto kong amoy mo."
"Oo na mamaya na mag sisimula na ang meeting kailangan na nating gawin ang naayon sa plano."
"Um."
Bumulong naman si Richmond sa kapatid "anong nangyayare sa asawa mo?"
"I don't even know kuya she seem so weird today."
"Eh?"
Nag simula na nga ang meeting pagkarating ng KelRick at gaya ng inaasahan nag bida-bidahan si Mr. Tuazon gusto niya na agad mag botohan ng magiging bagong chairman kahit na hindi pa tapos sa presentation nitong si Patrick.
"What is the essence of your idea Mr. Patrick if we will vote for another chairman, right everyone?"
"Why not? Mr. Tuazon." Ang sabi ni Mr. Curinay.
"Oh really? We don't need your opinion here dahil 20% lang naman ang shares mo dito."
"So what? At least legal yung ginagawa niya at pera niya talaga ang ginamit niya. Bakit ikaw Mr. Tuazon sigurado ka bang sa malinis na paraan mo nakuha ang position mo ngayon? Lalong lalo na ang perang ginagamit mo." Ang opinion naman ni Richmond at nanatiling tahimik lang ang mga magulang nila gaya ng nasa plano.
"Wh— Why? Of course! All the money that I'm spending is mine and ako na ngayon ang pangalawa sa pinaka malaking shareholders dito kaya kung gusto kong paalisin ka sa pwesto mo kaya kong gawin, Richmond!"
"YOU!!!"
"Richmond!"
"Sorry dad."
"What can you say Mr. Chairman? Bakit di mo sabihin sa lahat kung magkano na ang shares ko dito sa kumpanya."
Nagka gulo na ang lahat ng malamang 45% na ng shares sa SM Corp. ay nabibilang lang sa iisang tao kay Mr. Tuazon.
"Let's go for Mr. Tuazon for our new chairman." Ang sabi ni Servy ang assistant ni Mr. Tuazon na palaging epal at loyal sa amo niya.
"Walang magagananap na botohan." Ang sabi ni Kelly.
Mr. Tuazon smirked "Huh! Anong alam ng isang milk tea shop owner dito?"
"What are you trying to say? She is my wife and she knows everything here!"
"Oh really? Do you know what is different of turtle to turquoise?"
"What?!"
"Ang maliit na negosyo ay hindi nababagay sa ganitong industriya!"
"You old freak!!!!"
Masasapak na sana ni Patrick itong si Mr. Tuazon pero pinigilan sya ni Kelly "Lemme handle this hubby."
"Hmm?"
"Let the battle begin."
"Um."
Bigla nalang pumalakpak si Kelly at sabay-sabay pumasok ang tropa sila Vince, Dave, Mimay, Aliyah, at si Harvey.
"Anong nangyayari?" Ang sabi ni Servy at ang iba ring board members maliban sa mga Santos.
"Guys, distribute all the papers na hawak niyo sa bawat isang nandito." Ang sabi ni Kelly habang nasa unahan samantala ipinamigay naman na nung lima ang mga papeles na ang mga nakasaad ay ang mga ilegal na gawain ni Mr. Tuazon.
"Kung makikita niyo po ang Mr. Tuazon na kilala natin ay si Amador Policarpio Dominguez also known as the drug lord of all places at hindi lang yan isa rin po syang smuggler."
"Ano ang ibig sabihin nito Mr. Tuazon?!" Ang galit na sambit ng daddy nila Patrick.
Kabado at namumutla na itong si Mr. Tuazon "Bakit hindi ka mag salita Mr. Dominguez?" Ang sabi ni Patrick na animo'y nang aasar.
"Hi— Hindi yan totoo! Servy, lets go it's a waste of time!"
"Ye— Yes Sir."
Bago pa man makalabas ng conference room si Mr. Tuazon sumenyas na si Kelly kila Dave at Harvey na harangan lahat ng pintuan na pwedeng daan.
Kumuha naman ng mic si Kelly at inihanda na rin ni Vince ang recording ng usapan ni Mr. Tuazon at ni Servy na balak pag dukot kay May para humingi ng malaking halaga ng pera sa mga Santos bilang ransom at para na din bumaba sa pwesto nito bilang chairman si Ricardo.
"Walanghiya ka!" Sinapak ni Chairman Mr. Dominguez a.k.a Mr. Garco Tuazon "pati ang anak ko idadamay mo pa sa kawalanghiyaan mo!"
"Honey, ang puso mo hayaan mo ng ang mga bata ang umaksyon at sinisigurado kong makukulong ang lahat ng kakampi ni Tauzon." Ang sabi ni Mrs. Santos.
"Tama si mom, dad kami na ang bahala dito maupo nalang kayo." Ang sabi ni Richmond at pagtapos niyang sabihin yon sinapak niya rin si Mr. Tuazon.
"Kuya, kalma. Nakakahiya sa other board members." Ang sabi ni Patrick.
"Hindi okay lang gusto rin talaga naming sapakin ang isang yan eh." Ang sabi ni Mr. Curinay na muntik ng ibigay ang shares kay Mr. Tuazon buti nalang at nakausap niya agad ang KelRick.
"Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyong pamamahiya sakin!" Ang galit na galit na sambit ni Mr. Tuazon.
"Huh! Ano yon? Mag babayad?" Lumapit si Patrick kay Mr. Tuazon na noon ay katatayo lang dahil sa sobrang lakas ng suntok sa kaniya ni Richmond "alam mo bang kulang pa yang mga nakulimbat mong pera sa mga ilegal mong gawain para bayaran ang lahat ng utang mo?" Dagdag pa ni Patrick at sinapak niya rin ito.
"Sir, ayos lang ba kayo?" Ang nag aalalang sabi ni Servy pero tinulak lang sya ni Tuazon ng walang pakundangan.
"Umalis ka nga diyan!"
"Pero Sir...."
Nag banta pa itong si Mr. Tuazon kay Patrick "tandaan mo bata hinding hindi ako papayag na mapunta lang sa isang bagitong tulad mo ang kumpanya na ilang taon ko ring pinaghirapan."
"Huh! Ungas ka pala'y samin ang kumpanyang ito at hinding hindi ito ma pupunta sayo kailanman, tanda!"
Susuntukin na sana ni Patrick si Mr. Tuazon pero pinigilan sya ni Kelly "wifey?"
"Pwede bang ako naman? Kanina parin talaga ako nang gigil sa isang ito eh."
"Pe— Pero wifey..."
Nag stretching pa itong si Kelly ng kaniyang mga kamay at binti na para bang naghahanda sa isang battle "sabi ng daddy ko wag na wag sasagot o lalaban sa naka tatanga este nakakatanda dahil bad raw yon alam mo ba yon Mr. Tuazon? Ay hinde Mr. Dominguez." Ang sabi ni Kelly habang ang sama ng tingin kay Mr. Tuazon at ini-stretched ang kaniyang mga daliri.
"Sino ka sa inaakala mo?!" Ang galit na galit na tugon ni Mr. Tuazon.
"Ako? Ako lang naman si KELLY...ANN...MARIE...DELA...CRUZ...SANTOS!" Habang sinasabi niya ang mga linyang yon sumusugod na sya kay Mr. Tauzon at bumwelo pa sya at tumalon at sinapak sa mukha ng sobrang lakas si Tauzon hanggang sa dumugo ang ilong nito at lumapagi sa sahig at nawalan ng malay pero na hinga pa at hindi pa patay ang lintek.
"Ang owner ng coffee and teanapay na may 14branches kaya wag na wag mo akong mamaliitin, tanda!" Dagdag pa ni Kelly and she smirked, pinalakpakan naman sya agad ni Patrick sa sobrang proud sa kaniya at gaya nito naki palakpak na rin ang iba. But something is wrong with Kelly at bigla nalang itong nahimatay without further ado.
"KELLY!!!" Ang pag aalalang sigaw ni Patrick.
","
Nangmahimatay si Kelly dinala agad sya ni Patrick sa hospital sumunod rin naman agad doon sila Kian at gayon din sila Vince. Sakto namang on duty doon si Kevin sa DLRH kaya sya na mismo ang umasikaso sa kapatid.
At pag pasok nga nito sa kwarto kung nasan si Kelly na wala pang malay dali-dali agad siyang tinatanong nila Kian at syempre ni Patrick kung ano ang lagay ni Kelly "papunta na dito si Dra. Jinzel sya nalang ang mag sasabi sa inyo pero mga tol wag kayong mabibigla."
"Ano?!" Ang sagot naman nila Kian.
"Basta! Ikaw naman Patrick pwede bang mag tago ka na muna kung saan hindi ka makikita nila kuya."
"Ho?"
"Kevin, ano ba yang pinagsasabi mo? Ano ang meron kay Kelly? At bakit ba di pa sya nagkakaroon ng malay?" Ang galit ng sambit ni Kian.
Samantala ito namang sila Vince ay nasa isang gilid lang at nakaupo sa sofa at nag bubulungan "sa tingin ko alam ko na kung ano ang nangyari kay Kelly." Ang sabi ni Mimay.
"Hmm? Bakit doctor ka na ba ngayon mahal ko?" Ang sagot ni Dave at seryoso talaga ito sa pagkakabitaw niya ng linyang iyon. Kaya nabeltukan na naman sya ni Mimay.
"Aray naman baby."
"Sumagot ka pa ng pa buang-buang matutulog ka sa labas mamaya."
"Mims naman!"
"Mims mo mukha mo!"
"Tigilan niyo na nga yan andyan na yung doctor." Ang sabi ni Vince at gaya nga ng sinabi niya dumating na si Dra. Jinzel.
"ANO?! BUNTIS SI KELLY?!!!" Ang pagulat na sagot ni Patrick, mga kuya ni Kelly maliban lang sa isa na si Kevin dahil una niya pa itong nalaman sa kanila kanina. Ganoon rin namang kagulat sila Vince sa malaking announcement patungkol kay Kelly na 2weeks ng nag dadalang tao.
At dahil nga nagulat ang lahat nahimatay naman itong si Patrick at Kian at nakatulala lang si Kim at Keith samantala tuwang tuwa naman itong sila Vince "I knew it! Sabi ko na buntis talaga sya medyo kasi nagkakalaman si Kelly." Ang masayang masaya namang sambit ni Mimay.
"Yun nga rin ang napansin ko." Ang pag sang ayon naman ni Aliyah.
At habang nagkakagulo na ang lahat sinamahan na ni Kevin si Dra.Jinzel sa labas "what just happened?"
"Pasensya na po kayo medyo naging malaki ang reaction nila pero wag kayo mag alala ayos lang po sila. Lalo na yung kuya at bayaw kong nahimatay."