Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 274 - Kabanata 274

Chapter 274 - Kabanata 274

Ginabi na ng uwi ang mag asawa at dahil malapit naman ang condo ni Patrick sa mall doon nalang sila nag palipas ng gabi.

"Anong gusto mong kainin?" Ang tanong ni Patrick kay Kelly na low energy at nakaupo na sa sofa.

"Nothing, gusto ko ng matulog."

Lumapit si Patrick sa asawa niya and he bends down "pasensya ka na kanina hindi tuloy tayo naka pag "we time" bawi ako sa ibang araw."

"Nah, its okay, ilang oras rin kasi tayong nakipag laro dun sa bata. Bakit kasi anak ng anak yung mga ganun tapos kakalimutan nila na may anak pala sila. Kung busy silang tao dapat alam nila ang responsibility nila bilang magulang."

"Kung ikaw ba kapag binigyan ka ng pagkakataon maging magulang magiging responsible ka ba? What I mean is kapag balang araw maging magulang tayong dalawa ano kaya ang gagawin natin?"

"As for now, hindi ko alam pero siguro kapag andiyan na syempre gagawin kong lahat para alagaan at mahalin ang magiging anak natin at syempre ganoon rin ako bilang ikaw ang magiging padre de pamilya satin."

Nangiti naman si Patrick sa sinabing iyon ni Kelly kaya tumabi sya dito and he kissed her wifey's forehead "I love you."

"Love you more. Can we sleep now?"

"Um. Gusto mo ba buhatin kita?"

"Yeah... I can't feel my feet."

"Hmm? Bakit?"

Bineltukan naman siya ni Kelly "malamang lakad tayo ng lakad kanina pagod na ko."

"Ahhh... akala ko kasi kung ano na."

"Okay, bubuhatin na kita gusto mo ba ako na rin mag paligo sayo?"

Ang sama naman ng tingin sa kaniya ni Kelly bigla nung bubuhatin niya na ito "ah... eh... walang malisya naman yun mahal ko."

"Gusto mong masapak?"

"Wifey naman."

"Tumigil ka!"

"Opo."

At binuhat na nga ni Patrick si Kelly sa kwarto nila at iniupo sa kama "May kailangan ka pa ba?"

"Wala na sige na mauna ka ng maligo gusto ko lang muna mahiga sandali."

"Gusto mo ba samahan kita?"

"Gusto mo talagang makatikim ng lumilipad na sapatos?"

"O— Oo eto na nga aalis na."

"Shoo!"

"Tsss! Nag lalambing lang eh."

"Aalis ka ba o tatampalin ko yang bibig mo?"

"Eto na nga aalis na po mahal kong reyna."

Then after 5minutes natapos ng maligo si Patrick agad dahil ayaw niyang pinag iintay ng matagal si Kelly "wifey I'm done ikaw na ang mali...go."

Nakita niyang nakatulog na si Kelly sa sobrang pagod "nakatulog na sya."

Muli hinalikan niya si Kelly sa forehead tapos inihiga niya ito ng ayos "bukas ka nalang maligo mahal ko mabango ka parin naman para sakin kahit isang taon ka pang di maligo."

Iniwan niya muna si Kelly para mag blower ng buhok para makatulog na rin sya dahil kahit siya ay na pagod rin sa pag babantay dun kay Dawin na nakilala nila kanina.

Kinaumagahan,

Naunang nagising si Kelly "Hmm? Nakatulog na pala ako ng di nag papalit?"

Dahan-dahan siyang bumangon para di niya magising si Patrick at dali-dali siyang nag tungo sa cr para maligo "haysss... Bakit kasi di niya man lang ako ginising kagabi alam naman niyang ayaw kong natutulog ng hindi naliligo eh. Kainis talaga sya."

At nag simula na ngang maligo si Kelly samantala isang minuto palang ang nakalilipas nagising naman itong si Patrick "good morning wi..." hinanap niya ang asawa pero wala na ito sa kaniyang tabi "Hmm? Nasan na yon?"

Pandalas na syang bumangon at hinanap si Kelly inuna niya sa balcony pero wala ito roon kaya nag tungo agad sya sa cr at doon niya narinig na naliligo pala ito "Wifey? Ang aga mo namang maligo." Pumasok sya ng walang paalam dahil alam naman niyang laging nag sasara si Kelly ng pintuan dun sa shower area kaya inisip niyang maaari siyang umihi pero laking gulat niya na di pala sarado "Hoy!!!! You want do die?!!!" Ang sigaw ni Kelly at dali-dali namang lumabas si Patrick.

"So— Sorry hindi ko naman alam na..."

"Shut up!"

Pabulong bulong si Patrick habang nanenermon itong si Kelly "asawa ko naman sya bakit ba galit na galit sya eh nakita ko naman na yon."

"Hoy!!!"

"Wi— Wifey?"

"Hindi ako binge! Naririnig kita!"

"So— Sorry. Ang akin lang naman kasi mag asawa naman tayo kaya dapat di ka na mahiya sakin."

"Manahimik ka!"

"Sorry na gusto ko lang namang umihi."

Lumabas na si Kelly ng cr na naka suot ng bathrobe at naka pugong ng towel ang kaniyang buhok "may cr sa labas dun ka umihi!"

"Ye— Yes Ma'am."

"Labas!"

"Bakit pa ako lalabas eh tapos ka na maligo?!"

"Mag bibihis ako!"

"Wifey naman!"

"Wifey mo mukha mo! Labas!"

"Tsss! Akala mo naman ibang tao ako sa kaniya." Ang pabulong bulong niyang sambit.

"Lalabas ka ba o ako ang lalabas ng ganire ang suot?"

"A— Ako na ang lalabas wag ng mainit ang ulo mo."

Bago sya lumabas ninakawan niya pa ng halik sa pisnge si Kelly and he even tapped her wifey's butt.

"PATRICK!!!!"

"Love you!"

"Manyak ka talaga!!!"

Tawa ng tawa si Patrick pag labas niya ng kwarto nila at nagulat siyang andoon pala ang kuya Richmond niya "ay kabayo!"

"Sinong kabayo? Ako? Ang gwapong kabayo naman kung ganon."

"Ba— Bakit ka nandito? At kailan ka pa nagkaroon ng access sa condo namin?"

Piningot ni Richmond ang tenga ng kapatid niya at hinila sa sala "aray kuya naman!"

"Tinatanong mo kung bakit ako may access dito? Hindi ba at sakin na ang condong ito?"

"Ha? Sayo? Bakit? At paano?"

Bineltukan siya ng kuya niya "ungas ka talaga! Hindi ba at sinabi mo, akin na ang condo na ito nung isang buwan mo nga lang sinabi kasi nga dun na kayo kamo ni Kelly sa secret unit dito sa condominium kaya anong ginagawa niyo ditong mag asawa ngayon? Bayad ko na ang condong ito sayo ah."

"Ahhhh... Oo nga pala sorry naman bakit kasi ganito pa din mga ayos dito pati ung code ng pinto yung iba naming damit andito pa rin."

"Ehhh... hindi ko pa nga naasikaso at busy ako!"

"Ohhh... sorry naman siguro sa sobrang pagod na rin namin ni Kelly di na namin na alala na ibinigay na namin ito sayo."

"Alam mo bang balak ko ng tumawag ng pulis? Lintek ka kala ko may mag nanakaw na dito!"

"Hehe... sorry na nga."

"Anyways, may board meeting aattend ka ba o si Johnsen na naman ang uutusan mong umattend?"

"Sabi ni daddy importante daw yun bakit ano bang nangyayari?"

"Si Mr. Tuazon gustong palitan ang chairman."

"Ano? Papalitan si daddy?"

"Oo matagal na naming pinamamanmanan ang ibang shareholders at bumuo sila ng samahan laban kay daddy at ang namumuno nga dito ay si Mr. Tuazon at gusto ng mga ito na palitan si daddy as chairman ng SM Corp."

"Ha? Bakit? Satin parin naman ang SM Corp. di ba?"

"Lingid sa kaalaman ng chairman binili ni Mr. Tuazon ang shares ng ibang shareholders para umangat ang position niya at siya na nga ngayon ang vice chairman."

"ANO? Bakit di niyo sinabi sakin?"

"Ayaw pasabi sayo nila daddy."

"Bakit? May shares pa rin naman ako sa kumpanya kaya dapat alam ko!"

"Kaya nga umattend ka ng meeting mamaya para malaman mo ang lahat. Ibinigay na nga rin pala namin ni May ang shares namin kay daddy para tayo parin ang dominant sa kumpanya."

"Magkano na ang shares ni Mr. Tuazon?"

"Bali 55 kay daddy at 35 na ang kay Mr. Tuazon at kahit ibigay mo ang shares mo kay daddy di pa rin tayo makaka siguro kung sa atin parin papanig ang ibang shareholders dahil ang sabi sakin ni Miller may ibang ginagawa itong si Mr. Tuazon na under the table."

"So you mean kuya may pag babantang nagaganap?"

"Parang ganun na nga and we still finding a proof laban sa mga tumutuligsa kay daddy lalong lalo na nga yang si Mr. Tuazon na gabbie sa pera."

"What if may mag invest na bagong shareholder?"

Sabay na lumingon yung mag kapatid sa sinabing iyon ni Kelly "good morning kuya."

"Oh, go— good morning din little sis."

"Bakit lumabas ka dito? I-boblower ko pa yang buhok mo."

Richmond chuckled "blower? Ikaw?"

"Oo naman ang saya kayang mag blower lalo na ng buhok ng asawa ko."

"Manahimik ka nga! Nakakahiya kay kuya. Anyways, kailan pa po nagkaroon ng problema ang kumpanya?"

"Nito lang namin nalaman dahil biglang bumaba ang sales ng mall at we found out na may kinalaman dito si Mr. Tuazon kaya nabili niya ang ibang shares ng ating mga business partners."

"Ano? Grabe! Bakit di ko yan alam kuya?"

"Alam nga kasi namin na busy kayong mag asawa sa business niyo kaya ayaw ni dad at mom na mag alala pa kayo tsaka ginagawan naman namin na ng paraan para muling makabawi sa mga nawalang pera sa kumpanya."

"We will help kuya!" Ang seryosong sabi ni Kelly.

"Wifey?"

"Trust my clan this time."

Nagkatinginan ang mag kapatid at sinabi nilang "kayong Dela Cruz?"

"Yep! We will arrest the culprit! Wag kayong mag alala gawin niyo lang ang mga dati niyong ginagawa at pakisabi rin kay daddy na he will be the chairman of SM Corp. forever."

Ang angas ni Kelly sa mga binitiwan niyang mga salita kaya naman itong si Patrick ay lalo pang humanga sa asawa niyang pinakamamahal.

"Wifey..."

Napapalakpak pa si Patrick sa paghanga kay Kelly samantala napangiti rin naman itong si Richmond na animo'y nag titiwala ng sobrang sa kaniyang sister in-law. Dahil alam niyang matalino at alam talaga ni Kelly ang mga bawat binibitawan nitong mga salita. Kaya nga botong boto rin sya kay Kelly para kay Patrick noon pa man.