Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 272 - Kabanata 272

Chapter 272 - Kabanata 272

Kinagabihan,

Tahimik lang si Patrick at di na kibo kay Kelly "inaantok na ko mauna na akong maligo sayo ha?"

"Um... ako na mag aayos ng mga gamit mo." Ang sagot ni Patrick na para bang walang ka energy-energy.

"Ayos ka lang ba?"

"Ha? O— Oo ayos lang gusto mo bang ipag init kita ng tubig mo pampaligo?"

"Are you jealous?"

Lumapit si Kelly kay Patrick "Je— Jealous? Why?"

Napansin ni Kelly na hinawakan ni Patrick ang tenga nito at alam niya kapag ganun na ito nag sisinungaling o kinakabahan ang kaniyang asawa "tsss! Don't me nga! Manirism mo na ang pag hawak mo sa tenga mo kapag na tetense ka o kaya naman nag sisinungaling ka."

"Ha? Hi— Hindi nangangati lang ang tenga ko maligo ka na nga!"

"Sus! Nag seselos ka kay Taquer no?"

"Ano?! Bakit Taquer lang ang tawag mo sakaniya? Close na ba kayo agad? Porket ba na kasama natin sila mag dinner?!"

"Pffft... hahahahaha... see, nagseselos ka nga!"

"Hindi nga!"

"Okay, sabi mo eh. Sige diyan ka na at maliligo na ko."

At iniwan na nga ni Kelly si Patrick "Tignan mo yon ni hindi niya man lang ako sinuyo? Alam na nga niyang nag seselos ako eh iniwan niya lang akong basta dito? Kapag sya naman!"

"May sinasabi ka?" Ang sabi ni Kelly habang naka dungaw sa may hagdanan.

"Sabi ko baka may gusto kang kainin ipag luluto kita."

"Sus! Parang labas sa ilong. Pero sige kung merong ramen luto ka ha? Tas kain tayo pagka ligo ko."

"Masusunod po aking reyna."

"Tigilan mo nga yan! Sige na diyan ka na maligo ka na rin ha?"

"O— Oo gusto mo ba sabay tayo?"

"Sapak gusto mo?"

"Wifey naman."

"HEH!"

***

Sa bahay ng mga Santos,

Nag babalak na bumisita sila Mr. and Mrs Santos kila Kelly at ang daming mga regalo ang inihahanda ni Mrs. Santos para sa kanilang pag bisita "Mom! Bibisita lang kayo kila Patrick hindi kayo mag tatayo ng mall. Bakit sobrang dami naman ng regalo niyo? May ref naman sa kanila aanhin nila yan?" Ang sabi ni Richmond.

"Minsan lang naman kami dadalaw ng daddy mo sa kapatid mo gusto ko lang na isipin nila na di natin sila nakakalimutan."

"Mom, paano naman kayo maka kalimutan nung dalawa eh parati kayong nag bibigay ng luto niyong ulam kay Manong Berto para dun sa dalawa. Daddy sabihan niyo nga yang misis niyo."

"Kung ikaw nga walang magawa sa tingin mo ako meron? Hayaan mo na kasiyahan na niya yan."

"Pero Dad, alam niyo namang ayaw nung mag asawa ng mga ganyang mga regalo panigurado ibabalik lang nila yan dito."

"Hayaan mo, sa mall lang naman natin yan kinuha ng Mommy mo kaya pwede pa yang ibalik."

Richmond sighed "bahala na nga kayo. Matutulog na po ako maaga pa ako bukas."

"Um... sasama ka ba bukas sa kapatid mo?"

"Susunod nalang po ako dad may meeting pa po ako kay Mr. Villamor para sa engineering natin."

"Oh... nga pala kausapin mo rin si Mr. Tianco para sa bagong construction sa Pampanga."

"Okay dad ako ng bahala. Goodnight po sa inyo ni Mom."

"Um. Goodnight rin."

Busy naman sa pagaasikaso ng regalo itong si Mrs. Santos but she still kissed her son sa pisnge as a goodnight kiss "mom, tama na yan late na rin matulog na kayo ni dad."

"Yes my son. Have a good night."

"You too mom." Ani Richmond habang nataas ng hagdan bigla namang may nag text sa kaniya "Hmm? Si May?"

Text message from May:

"Kuya, nandito ako ngayon sa Batangas sabihin mo kila mom and dad di ako uuwi ngayon dahil na kila Kevin ako.

Hep! Don't get mad or even tells to dad and mom that I'm here kila Kevin just say I stayed at hotel ang lakas kasi ng ulan tapos sabi ng Mommy ni Kevin dito na daw ako mag palipas ng gabi.

Another hep! Wag kang OA dahil may guest room sila dito kaya di ako tatabi kay Kevin. Wag ka nga! Anyways, ikaw nalang sumama kila Mom and Dad sa pag punta nila kila Patrick at Kelly ha?

Wag ng hinde kung ayaw mong isumbong kita kay Ate Maricar! Bye my sweet big brother. Love you."

~End of Messages from May to Richmond~

"Huh! Lukaret talaga ang isang ito. Bahala na sya sa buhay niya matanda na sya alam na niya ang tama sa mali. Makatulog na nga at sobrang daming nangyari ngayong araw."

***

Kinaumagahan,

"Ding... Dong..."

"Hmmm... yung pinto buksan mo." Ang inaantok na sabi ni Kelly na nakayakap pa kay Patrick.

"Okay, ako na."

"Um."

Nag good morning kiss muna sa forehead si Patrick kay Kelly bago sya bumangon "Sino ba kasi yon? Ang aga-aga pa." Tumingin sya sa wall clock at nakita niyang 6am palang tapos inayos niya ang kumot kay Kelly at bumaba na sya.

"Sino ba naman kasing epal itong Agang aga eh maka doorbell wagas?"

At pag bukas niya nga ng gate nagulat syang mga magulang niya pala ang bisita nila ni Kelly ng ganoon ka aga "Mom? Dad? Why..."

Hindi pa na tapos ni Patrick ang sinasabi niya dahil nagulat syang may truck sa likod ng kotse ng mga magulang niya "What the? Ano na naman po ba ang dinala niyo?"

"Mamaya na tayo mag usap anak nasan si Kelly?"

At pumasok na nga ang Nanay niya kahit di niya pa ito sinasabihang pumasok "Mom!!!"

"Let her be son kagabi pa yan excited na pumunta dito sa bahay niyo yung regalo namin pwede mo namang ipabalik sa mall tapos sabihin mo nalang kay Maricar and she knows how to do and she will give you money to exchange to that things your mom bought for you and Kelly."

"What? Daddy naman! Hindi po ba sinabi ko na sa inyo ayaw naming mag asawa ng mga ganyang bagay. At higit sa lahat hindi namin kailangan ng pera niyo mag sisimula na naman po ba tayo mag paliwanagan dito?"

"My son, we know and we understand but your mom misses you and Kelly hindi kasi kayo na bisita sa bahay."

Patrick sighed "tsk! pumasok na nga po muna kayo baka pag ka guluhan pa kayo dito sa labas pag nalaman nilang andito kayo ni Mommy."

"Okay."

Masayang masaya ang daddy niya na pumasok sa bahay nila samantalang naaburido naman itong si Patrick "hayyyssss... si Mommy talaga."

"AHHHHHH...."

"Kelly?"

Pandalas namang pumasok si Patrick sa loob ng marinig niya ang sigaw ni Kelly "mo— mom?"

"Yes its me wag kang matakot."

"Ba— Bakit po kayo nandito?"

"Anong nangyare? Bakit ka sumigaw?" Ang alalang alala na sambit ni Patrick.

Lumapit naman sa kaniya agad itong si Kelly "Nothing my son nagulat lang sya nung ginising ko sya."

"Hayyyyssss... mommy naman!"

"Sorry na namiss ko lang naman kayong dalawa eh. Hindi kasi kayo na bisita sa bahay."

"Sorry po. Medyo busy lang po." Ang nahihiyang sambit ni Kelly.

Hinawakan naman ni Mrs. Santos ang kamay ni Kelly at sinabing "Ah... no, its okay we understand."

"Sus, kaya pala sandamakmak na naman ang pinadala nilang mga gamit dito." Ang pabulong bulong na sambit ni Patrick.

"Honey, bakit naman bigla ka nalang tumaas dito? Tinakot mo pa si Kelly."

"Dad? Andito rin kayo?"

"Hello my daughter in law."

"He— Hello po?"

Patrick made a facepalm "pwede po bang sa baba nalang tayo mag usap-usap? Hayaan niyo na munang mag bihis ang asawa ko parehas pa kaming naka pajama."

"Patrick! Watch your words! Nakakahiya kila Mom and Dad!"

Nagkatinginan ang mga magulang ni Patrick "sorry..."

"Why your saying sorry to me? Kila mom and dad ka ang sorry at hindi sakin sila ang pinag taasan no ng boses."

"O— Oo sige, wag ka ng magalit."

"Gawin mo na."

"Mom, Dad sorry po. Kayo naman kasi bakit di man lang kayo nag sabi na bibisita kayo dito samin?"

"Patrick!"

"Wifey naman."

Natatawa ang mga magulang ni Patrick sa dalawa "okay bababa na kami wag mo ng pagalitan si Patrick my daughter... Pfft..."

"Daddy!"

"Nakakatuwa naman at nakikita namin ng daddy niyo na close na kayo ngayon."

"Mommy! Pati ba naman kayo."

"Sige na bababa na kami ng Mommy niyo mag hihintay kami sa bababa."

At pag lalabas nga ng mga magulang ni Patrick "Bakit di mo sinabi na pupunta sila?"

"Di ko rin alam hindi naman kasi sila nag text o tumawag sakin."

"Hayyysss... Sige na mag bihis ka na ako na ang bababa muna don para mabigyan ko sila ng kape."

"Ha? No wifey ako na baka kasi..."

"Wag kang mag alala hindi na asin ang ilalagay ko."

"O— Okay."

"Um. Sige na bababa na ko."

"Hindi ka na muna mag bibihis?"

"Mamaya na. Baka mainip na sila Mommy dun. Sige na sumunod ka agad ha?"

"Um."

Pangiti-ngiti naman itong si Patrick habang pinagmamasdan si Kelly na palabas "wifey!"

"Ano na naman?"

"Yung asukal nakalagay sa may cabinet ng mga condiments sa taas ng lababo."

"Oo na."

"Love you."

"Humph! Love you more."

Pagkasara ni Kelly ng pintuan ng kwarto nila nag gugulong si Patrick sa kama nila dahil kilig na kilig ito sa sinabi ng kaniyang asawa "Eiii... nag I love you sya sakin."

Samantala pagkababa ni Kelly nakita niyang nag aayos na ng breakfast nila si Mrs. Santos "Mom, ano po ang ginagawa niyo?"

"Nag cook kasi ako sa bahay ng paborito niyong mag asawa para sabay-sabay tayo mag breakfast."

"Pero... nakakahiya naman po bisita namain kayo dito."

"It's okay I like it naman na pag silbihan kayo."

"Pero po kasi..."

"Let her be my daughter hindi mo yan mapipigilan halika maupo ka nalang."

"Si— Sige po Dad..."

"What do you want milk or coffee?"

"Ah... Eh... ako na po mom hindi po kasi ako..."

"Hot choco lang ang gusto niya Mom ako ng bahala." Ang pag sulpot na sambit ni Patrick na nakapag palit na agad ng damit na t-shirt na may hoodie na kulay blue at short na pambahay na kulay black.

"Ohhh... I see sige ako ng mag aayos dito ipagtimpla mo na si Kelly."

"Ah.. Eh..."

"Maupo ka nalang dyan ako ng bahala dito my wifey."

Pabulong bulong naman si Kelly sa kaniya at sinabing "itigil mo nga yan nakakahiya."

"It's okay babygirl ganyang ganyan din ang daddy niyo sakin nung kabataan namin."

"Dad?"

"Wag mon kong tignan na parang may ginawa akong masama bilisan mo gumawa ka na ng hot choco ni Kelly!

"Hayysss... eto na po."

Pagkaalis ni Patrick napansin ng daddy nito na walang tao sa kanila kung hindi sila lang "Opo wala po ngayon dito sila kuya kaya solong solo po namin ni Patrick ang bahay pero medyo busy rin po kaya pasensya na po di pa kami nakaka dalaw sa inyo."

"Ayos lang iha basta ba yang pinag kakabusyha niyo ay pag bigay samin ng apo."

"Mom!!!"

"Oh? Narinig mo pa talaga yon? Nasan na ang hot choco ni Kelly?"

"Mommy naman kung ano-ano naman kasi sinasabi niyo ni daddy eh. Maupo na nga po kayo at ako ng bahala diyan."

"No, just get my Kelly he hot choco."

"Basta ipangako niyo na wala kayong sasabihin na labas sa rights namin."

"Oo na ang oa mo na ha! Para ka ng kuya mo."

Bigla namang may nag door doorbell "May inaantay ba kayong bisita?"

Nagkatinginan ang KelRick at sumagot kay Mr. Santos ng "Wala po Dad."

"Ako na ang mag bubukas baka ang kuya Richmond niyo yan."

"Si kuya pupunta dito?"

"Oo son sabi niya kasi samin ng Mommy nyo susunod sya eh."

Pero pag bukas ng gate ng daddy niya hindi si Richmond ang tumamban sa kaniya "Who are you?"

"Hello po kayo po ang daddy ni Kelly?"

"Ye— Yes? And you? Who are you?"

"Ako po si...."

"Taquer?" Ang sambit naman ni Kelly dahil sinundan niya agad ang tatay ni Patrick.

"Do you know him?"

"Yes po Dad bago po namin syang business partner."

"Ohhh..."

"Why are you here Mr. Quixote? Do you need something?"

"Ah— Ahm... I just went here for...."

"For?"

"Hmmm... exercise yes for exercise."

Pero sa totoo lang hindi talaga pag exercise ang pinunta ni Taquer sa bahay ng mga Dela Cruz kung hindi si Kelly mismo.