Kinagabihan,
"Andito na po ako." Ang sabi ni Kelly na wala ng energy.
"Oh bunso, kumain ka na ba?" Ang sabi ni Keith habang iniisprayan niya ng alcohol ang kapatid.
"Oo kuya kanina kumain kami ni Vince sa kanila maliligo na muna ako at magpapalit ng damit hindi na ako bababa dahil pagod na pagod na ko gusto ko nalang matulog."
"O— Okay?"
"Pakisabi nalang kila kuya Kian."
Tumaas na si Kelly at hindi na nga nag pakita kila Kian "Si Kelly ba ang dumating?" Ang sabi ni Faith.
"Oo mukhang pagod na pagod ang dalaga natin hindi na daw sya bababa dine dahil gusto na daw niyang matulog."
"Kawawang bata napaka workaholic."
"Mana kay mama ganyang ganyan si ma eh. Pero sa tingin ko may ibang problema si Kellang pero wag mong sasabihin kila kuya hayaan na muna nating makapaghinga si bunso."
"Ahhh... babe malaki na ang pinagbago mo simula nung na quarantine tayo di ka na bungol."
"Babe naman!"
"Pero nabalitaan mo na ba bumalik na ang mga Santos dito so, andito na din si Patrick sa Pinas."
"Ano? No! Wag na wag mo yang sasabihin kila kuya malilintikan talaga tayo."
"Ha? Bakit?"
"Basta! Mamaya ko nalang ikukwento sayo kapag nasa room na tayo mahirap na kapag narinig nila magkakagulo."
"Anong magkakagulo?" Ang sambit nila Kian at Kim pag kagaling nila sa underground.
"Ha? Wa— Wala naman yon kuya." Ang sambit ni Keith at sumenyas kay Faith.
"Si Kelly ba ay dumating na?" Ang sabi ni Kian.
"Oo tol kararating lang niya pero mukhang pagod kaya hinayaan ko na."
"Hinatid ba sya ni Vince?" Ang sabi ni Kim.
"O— Oo raw pero di na pumasok."
At habang nag uusap usap naman ang mga kuya ni Kelly ito naman ay nakatulala lang sa harap ng kaniyang salamin "Ano na? Ang taong pinilit mong kinalimutan ay nagbalik na ano na ang gagawin mo Kelly?"
Tumayo na si Kelly at nagtungo sa kaniyang cr at nag hilamos ng mukha niya "kinakausap ko na naman ang sarili ko nababaliw na talaga ako bwiset kasi bakit naman kasi bumalik pa ang tukmol na yon ang tahimik na ng buhay ko guguluhin na naman niya."
"Ring... Ring..."
"Hmm? Sino naman kaya yung natawag?"
Kinuha ni Kelly yung phone niya sa bag niya at nakita niyang si Vince ito "Si Vince? Ano naman kayang problema nito? Magkasama lang kami kanina may pag tawag na agad?"
Vince: Pis!!!!
Napahawak sa tenga niya si Kelly dahil sa pag sigaw na ginawa ni Vince "Bwiset ka!!! Hindi ako binge!"
Vince: Urgent lang kasi Pis may nalaman ako.
Kelly: Alam mo nahawa ka na kay Dave kalalaki niyong tao napaka tsitsismoso niyo.
Vince: Speaking of Dave sya yung nag banggit sakin nito.
Kelly: Ang ano na naman ba?
Vince: May amnesia si Patrick kaya hindi niya tayo nakilala kanina.
Nabagsak ni Kelly ang phone niya at hindi na nakasagot kay Vince "Kelly? Pis! Ano andyan ka pa ba?"
Napaupo nalang ng di oras si Kelly sa gulat niya "A— Amnesia?"
Vince: Oo dapat kasi nung last month pa ata uuwi si Patrick kasi yung kotse na sinasakyan nya naaksidente raw at yung ulo niya ang napuruhan kaya ayun nagkaroon sya ng amnesia pero may iba daw na naaalala si Patrick pero sumasakit raw ang ulo kapag may bigla syang naalala pero sabi naman daw temporary lang yun kaya wag kang mag alala dahil maaalala ka pa niya at syempre tayong lahat na tropa niya."
Kinuha ni Kelly ang nahulog niyang phone at binabaan si Vince "A— Amnesia? May amnesia si Patrick?"
At simula nga ng nalaman ni Kelly na nagkaroon ng amnesia si Patrick parati na niyang tinatanong ito kay Johnsen at nalaman niya rin na bago ang aksidente sya raw talaga ang gusto nitong makita dahil may mahalaga itong sasabihin sa kaniya.
"Ms. Kelly?"
Busy si Kelly na mag ayos ng mga stock niya para sa mga tea dun sa pangalawa nilang franchise ng Coffe and Teanapay.
"Yes? Ako nga po si Kelly sino po sila?"
Hinubad nung lalaki yung mask niya at nakilala siya ni Kelly "Mr. Eugene?"
Pero napaatras si Kelly dahil sa takot na baka may something si Eugene "Ah... Eh... social distancing kasi sorry. Pwede bang ibalik mo na yung mask?"
"Ah... Ye— Yes Miss sorry."
"It's okay mabuti na rin kasi na nag iingat tayo para sa mga kasama natin sa bahay."
"Yes Miss."
"By the way why are you here? Hindi pa naman bukas ang shop bali bukas pa nag aayos lang ako dito ng mga stock."
"Ah... hindi po ako nag punta dito para umorder nais po sana kayong imbitahan ni Madam May sa kanila."
Naubong bigla si Kelly sa gulat niya "Ahem... sa kanila? As in sa bahay ng mga Santos?"
"Yes Miss at ako po mismo maghahatid sa inyo doon."
"Pe— Pero kasi..."
"Hindi po kayo pwedeng tumanggi dahil nasa contract po yun."
"Contract?"
"Opo dahil bukod kay Johnsen na bagong secretary ni Madam May sila ang business partners niyo."
"Wha—- What?"
"Sorry Miss kung ngayon lang nila sinabi dahil alam po nilang di kayo papayag kapag nalaman niyong sila ang mag franchise ng milk tea business niyo. Pero bago po kayo mag tanong ng kung anu-ano labas po dito si Sir Patrick. Dahil sila Sir Richmond at Madam May ang nag plano ng lahat."
"Okay then. Let's go."
"Hmm?"
"Sandali lang at ibibilin ko lang ang mga ito kay Vince."
Lumapit si Kelly kay Vince na naka headset pa at busy sa kaniyang paglalaro sa phone "Pis, I'm going ikaw na munang bahala dito."
"Ano? Saan ka pupunta?"
"May meeting ako with my business partners at wag ka ng sumama dahil walang maiiwan dito. Ilista mo yung mga kailangan ha?"
"Ha? Wa— Wait lang Kelly."
Papalabas na sila Kelly at Eugene ng shop at di na nila pinansin si Vince "Kelly!!!"
At nang makarating si Kelly sa bahay ng mga Santos namangha sya dahil lalo pa itong lumaki kumpara nung huling nag punta sya roon nung College sila.
"Ms. Kelly dito po tayo." Ang sabi ni Eugene at sinundan nga siya ni Kelly.
"Grabe bahay ba ito o palasyo? Maliligaw ako dito kapag di ako nag ingat." Ang pabulong na sambit ni Kelly at ng makarating siya sa dining area nagulat syang present ang lahat at ang daming nakahain sa lamesa na kung anu-anong pagkain.
"Kelly!!!" Ang bungad naman ni May at niyakap sya.
Bumulong si Patrick kay Eugene na nakatayo sa likuran niya "Sino sya? Parang pamilyaar sya sakin."
"Sya po si Ms. Kelly ang dati niyong kaklase, kaibigan at higit sa lahat ang dati niyong ex."
"Ano? Ex?"
"Yes Sir."
Lumapit naman si Kelly sa mga magulang nila Patrick at niyakap rin siya ng mga ito "close ba sya kila mom and dad?" Dagdag pa na pa bulong ni Patrick kay Eugene.
"Yes Sir sobrang close."
"What the? Bakit ba wala akong maalala?"
Niyakap rin naman ni Richmond si Kelly at kinamusta rin sya nito "Maraming salamat po sa pag invite niyo sakin dito. Ay sorry rin po kung hindi ko agad nalaman na kayo po pala talaga ang totoong business partners ko. Patawarin niyo po sana ako."
Nagkatinginan sila Kelly at Patrick pero sabay rin silang nagka iwasan ng tingin "Wala yon iha maupo ka na at saluhan mo kaming maghapunan." Ang sabi ni Mrs. Santos.
"Nako, hindi na po nakakahiya naman. Busog pa naman po ako gusto ko lang po talagang humingi ng dispensa dahil sa inasal ko bilang business partner niyo."
"Don't worry Kelly dear kami talaga ni kuya Richmond ang may kasalanan kasi ginamit pa namin si Johnsen para kausapin ka at bumili ng franchise sayo."
"Tama si May kaya kami talaga ang dapat humingi ng tawad sayo at hindi ikaw." Ang pag sang ayonn naman ni Richmond kay May.
"That's enough mamaya na natin pagusapan ang business kumain na muna tayo Kelly maupo ka na baka lumamig ang pagkain para pa namang sayong lahat ng ito."
"Para sa kaniya dad? Bakit sino ba sya? Bakit parang giliw na giliw kayong lahat sa kaniya."
"Patrick! Tumigil ka!"
"Why should I dad? Samantalang isa lang naman syang pangkaraniwan baka nga mamaya may covid na sya dapat pina swab test niyo muna sya bago niyo pinalapit satin."
"Are you done talking?" Ang pa galit na sambit ni Kelly at binuhusan niya ng tubig si Patrick.
Napatayo naman si Patrick sa galit "What the heck? Bakit mo ginawa yon?"
Tinanggal ni Kelly ang mask nya at itinapon kay Patrick "Ayan sayo na nakakahiya naman kasi sayo ang linis-linis mo pero mas ikaw ata ang may kailangan niyan dahil ang daldal mo!"
Humingi sya ng tawad sa mga magulang at kapatid Patrick bago sya umalis "Kelly!!!" Anila.
Sinabunutan naman ni May si Patrick sa inis niya "Aray ko naman ate."
"Aray, aray ka ngayon diyan bilisan mo! Sundan mo sya delikado ang lumabas ng walang mask kapag nagkasakit si Kelly ikaw talaga ang malilintikan sakin."
"Ano? Ako pa ngayon ang may kasalanan? Sya nga itong binastos ako tapos sya pa ang kakampihan nyo? Pati ikaw mom?"
"Sorry son, pero mas kakampihan ko ang daughter-in-law ko kesa sayo."
"What? Daughter-in-law? Mom what are you trying to say?"
"Eugene, bring out the documents ipakita sa baliw na yan." Ang sabi ni May.
"Yes Madam."
Ibinigay ni Eugene kay Patrick ang mga documents na nag sasabihing kasal na sya kay Kelly "What the? Ano ang ibigsabihin nito?"
Richmond bonked him "Hindi mo nga matatandaan dahil may amnesia ka pero ikaw ang nag insist niyan at hindi alam ni Kelly na kasal na sya sayo. Jusme Patrick! Napaka lupet mo talaga."
"Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayare mom, dad..."
"No! Problema mo yan kaya lusutan mo yan at kapag hindi ka pa tumayo sa kinauupuan mo ngayon at hindi sinundo si Kelly sa may guard house mata mo lang talaga ang walang latay samin." Ang sabi ni May.
"Pe— Pero kasi..."
"Aalis ka ba o ipapatapon kita sa labas?" Ang gigil na gigil na sambit ni May at dali-dali namang kumaripas ng takbo si Patrick na iniisip nya paring mabuti kung anu-ano ba ang ginawa niya pero ni isa ay wala syang maalala.
Sumakay si Patrick ng kaniyang red sports car at binuhat at isinakay si Kelly sa loob nito "lemme go!"
Patrick enclosed Kelly to his arm at seryosong sinabi "Kapag hindi ka tumigil diyan hahalikan kita."