Matapos ang isang araw at isang gabi na pag ulan nakauwi rin sila Kelly At Jacob sa bahay nila,
"Kevin!" Ang sabi ni Kian habang pinag mamasdan nila si Kelly habang natutulog sa kwarto nito.
"Kuya?"
"May nabanggit ba si Kelly sayo?"
"Nabanggit na ano kuya? Ka babalik palang nila ni Siopao at di ko pa nakakausap si Kellang."
"Bakit kuya? May problema ba?" Ang sabi ni Kim.
"Oo nga kuya anong meron?" Ang sabi rin ni Keith.
"Wala naman may napansin lang kasi ako medyo maputla sya."
"Ahh... eh baka naman kasi nga walang tulog kuya syempre di naman yan sanay makatulog sa ibang bahay." Ang sabi ni Keith.
"Oo kuya kahit nga sa bahay natin sa Batangas di yan masyado nakakatulog dun." Ang sabi ni Kim.
"Ewan lang din ganadong ganado naman si Jacob nung umuwi sya napansin niyo naman pero sya hindi eh. Baka lang ka ko may nangyari na di natin alam."
"Pero andun naman si Vince sa condo ni Patrick tsaka matitino naman ang mga kasama nila. Sabi naman satin ni Vince bukod ang tulugan ni Kelly sa kanila tsaka hahayaan ba naman ni Vince na May kung anong mangyari sa pinsan niya?" Ang sabi ni Kevin.
"Akin lang eh parang may problema si Kelly. Yang lintek na si Patrick hindi man lang sya mag text o tumawag!"
"Sa pag kakaalam ko kuya aalis si Patrick papuntang America pag ka graduate baka busy lang kuya yun rin ang sabi ni Vince kaya wala ito sa sarili niya mismong condo."
"Ah basta! May pakiramdam akong di tama eh."
Nagkatinginan yung tatlo at sinabing "Parang wala naman Bro."
"Anyways, bukas na ang dating ni Mom naayos niyo na ba ang kwarto niya?"
"Oo kuya naayos na namin ni Kevin." Ang sabi ni Kim.
"Ayos yan Keith kayo ni Faith ang naiwan sa bahay ha? At wag na wag sasabihin kay Kelly na uuwi na si mama naiintindihan?"
"Oo kuya gaya ng dati."
"Sya magsi labas na tayo at baka magising pa si Kelly."
"Daddy!!!" Ang bungad naman ni Jacob.
"Shhhh..." Ang reaction nung apat.
"Ay, sorry po."
"Dun sa labas baby natutulog ang tita mo."
"Opo daddy."
Samantala sa condo ni Patrick,
"Sir, okay na po ang lahat makukuha ko po ang mga papeles next week." Ang sabi ni Eugene.
Nasa balkunahe at nakatulala lang si Patrick "Sir?" Hindi nakibo si Patrick at hindi sya nito pinapansin kaya inulit niya ang pag tawag sa boss niya "SIR PATRICK!!!" sa mismong tenga niya ito sinigawan.
"Anong problema mo!"
"So— Sorry Sir... kanina ko pa po kasi kayo kinakausap at hindi nyo ako pinapansin."
Ang sama ng tingin sa kaniya ni Patrick na para bang gusto sya nitong balatan ng buhay.
"Naka buntis ka na ba?"
"Si— Sir?"
"Yung girlfriend mo May something n ba sa inyo?"
"Po?"
"Haysss!!! Alam mo mas okay pa sayong kausap si Miller ipalit kaya kita don."
"Sir naman! Yung nga tanong niyo kasi nakakabigla 25years old palang po ako at virgin kaya wala pa akong experience sa ganyan kaya talagang nabigla po ako sa mga sinabi niyo."
"Ikaw virgin? Asa naman!"
"Ay Sir, kahit ako ngayon eh mag pa test para maniwala kayo na ako eh virgin pa rin ay sigurado akong kakainin niyo mga sinabi niyo."
Patrick smirked "Bakit ga naitanong niyo naman yang ganyan? Don't tell me..."
"Heh! Wag mo ng ituloy dahil wala pa sa isip ko ang ganoon."
"Ohhh... eh bakit nyo naman biglang naitanong?"
"Sigurado naman akong binasa mo ang nasa loob ng envelope bago mo ibigay kay Atty. Anarna kaya bakit nagtatanong ka pa diyan?"
"Hehe... na curious lang po Sir."
"Sa tingin mo ayos lang ba kay Kelly yung ginawa ko sa kaniya?"
"Mmmm... kung ako rin naman kayo baka gawin ko rin sa gf ko yung pinagbabawal na justsu."
"Ano?"
"Hehe... nanonood po kasi ako ng naruto kaya nasabi ko yung jutsu that means technique."
"Alam ko anong tingin mo sakin di naging fan ng anime?"
"Hehe... Hindi naman po sa ganon Sir. Pero may binabalak po ba kayo na against sa will niyo?"
"Sa totoo lang nung gabi na lasing si Kelly gusto ko ng alam na..."
"Alin po ang alam ko na?"
"Ewan! Si Miller nalang talaga ipapalit ko sayo."
"Hahaha... Joke lang Sir kayo naman syempre alam ko na nag init ba ang inyong damdamin?" Ang sambit ni Eugene na parang nanunukso.
"Actually I did..."
"Na ano po? Ginalaw niyo na si Ms.
Kinaumagahan sa mga Dela Cruz,
"Morning Bunso." Ang bungad ni Faith.
Nagtataka naman si Kelly dahil sila lang ng Ate Faith niya sa may dining area "Eh? Nasan po sila kuya?"
"Ahhh... yung kuya Keith mo puyat ayun tulog kasama ni baby Tum-Tum. Sya kasi pinagbantay ko mag damag. Hehe...
Tapos, sila kuya Kian at kuya Kim maagang umalis para ipagawa yung generator natin."
"Ohhh... bakit di na muna nila sinabi sakin bago nila ipagawa?"
"Ha?"
"Ahhh... baka di mo pa alam Ate sa bahay kasing ito ako ang Electrician."
"Oo alam ko na yan napag kwentuhan ka kasi namin nung nag bagyuhan kasi sira yung generator tas sabi nga ng mga kuya mo mahilig ka mag butingting."
"He... He... mukhang na ibenta na pala nila ako sa inyo."
"Hahaha... Oo na miss ka kasi talaga nila lalo na ang kuya Kian mo alalang alala yun sa inyo ni Jacob alam mo ba gusto niya kayong sunduin nung araw ng bagyo din mismo. Pinigilan lang namin kasi syempre delikado."
"Nako, salamat naman po at napigilan si kuya po kasi talaga eh ganoon bata pa lang po ako pero ganun din naman po sya kahit kanino saming magkakapatid. Iniisip niya kasi na responsibility nya kaming lahat bilang sya ang panganay sya ang kailangang tumayong magulang samin dahil wala na si Daddy at OFW naman si Mommy."
"Oo nga eh kuya goals nga ang mga kuya mo sobrang protective nila sayo."
"Kayo din naman po di ba sa nga kuya niyo."
"Oo, pero iba talaga ang mga kuya mo well mannered at sobrang ma marespeto at syempre sanggang dikit ng kahit sino lalo na sa pamilya niyo."
"Pamilya natin dahil you and baby Tum-Tum is part na ng fam."
"Hehe... Salamat. Oh sya tama na nga yan kumain ka na ng agahan si Kevin nalang daw mag hahatid sayo sa school."
"Nasan nga po pala si kuya Kevin?"
"Nasa garahe naglilinis ng motor yun kasi gagamitin niyo."
"Eh? Talaga po?"
"Um. Bakit?"
"Wait lang ate ah."
Pandalas na ng karipas si Kelly ng takbo papalabas "Ba— Babysis... Anong problema non? Tuwang tuwa ata sya sa motor."
"Gustong gusto niya kasi mag aral mag motor." Ang sabi ni Keith na ang laki-laki ng eyebags habang bitbit si baby Tum-Tum
"Oh? Nagising na sya?"
"Oo babe ikaw naman antok pa ko eh."
"Maupo ka na muna at kumain na."
"Mamaya na antok pa ko. Oh! Sayo muna si baby."
"Ay! Naalala ko pala may nakasalang pa ko diyan ka muna ha?"
"Ha? Ba— Babe!!!"