Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 237 - Kabanata 237

Chapter 237 - Kabanata 237

Kinagabihan,

"Dito nalang kaming boys sa sala tapos dun nalang kayo ni Jacob sa kwarto ko." Ang sabi ni Patrick.

"O— Okay, salamat."

"Baby, inaantok ka na ba?"

Kinukusot na ni Jacob ang mga mata niya "Opo antok na po ako."

"Sige baby matulog na kayo ng tita mo."

"Um... goodnight po."

Jacob kissed Patrick's cheek at nagulat ito sa ginawa sa kaniya nung bata. "Go— Goodnight rin."

At pumasok na sa kwarto si Jacob at hinila na rin nito si Kelly "Tita Kelly let's sleep na po."

"O— Oo sige..."

Nag wave nalang ng kamay si Patrick kay Kelly "Goodnight."

"Yeah... nighty night." At sinarado na ni Kelly ang pinto at nilocked.

Ngiting ngiti naman si Patrick habang papalapit siya dun kila Dave na kumakain na naman. "Tignan niyo ngiting tagumpay ang isa oh." Ang sabi ni Harvey.

"Dude, tara shot?" Ang sabi ni Dave.

"Hoy! Bawal." Ang sambit ni Vince.

"Eto naman KJ! Konti lang naman eh boring eh para makatulog agad."

"Sakin ayos lang minsan lang naman eh." Ang sabi naman ni Harvey.

"Well, ayos lang naman pero baka kasi magalit si Kelly."

"Nilock niya yung pinto." Ang sabi ni Patrick at naupo sa sofa.

"Hahaha... mabuti na nga naman na safe sila ni Jacob." Ang sabi ni Harvey.

"Yun naman pala eh di naman tayo gaya ng iba kapag nainum eh walwalan na konti lang pampatulog lang di ako makakatulog kapag di sa kama." Ang sabi ni Dave.

"Nga pala Rick, totoo bang pupunta kana ng America pagka graduate natin?" Ang sabi ni Vince.

"Ilan gusto niyo? Meron ako diyan sa ref kay kuya Richmond yun eh pwede naman nating bawasan." Ang sabi ni Patrick na iniba agad ang usapan nagkatinginan naman yung tatlo at naki ride on nalang kay Patrick na wari'y nakikisimpatya.

","

Sa hindi inaasahan nalimutan nila na mabilis malasing si Patrick kaya habang tulog ito ipinagpatuloy lang nila Dave ang pag inum nila hanggang sa nakatulog narin sila sa may sala at kung saang parte sa loob ng condo.

Samantala sa bahay nila Kelly,

Nakaupo lang sa may kusina sila Kian at nainum ng kape...

"Kabata bata pa ni Kelly napaka makakalimutin na niya paano niya nagawang maiwan ang cellphone niya?" Ang sabi ni Keith.

"Tamad din naman kasi yun sumagot sa mga tawag o text natin. Kaya nalimutan na niya na mag dala ng cp." Ang sabi ni Kim.

"Dati pa naman di talaga madalas gumamit yun ng cp ginagamit niya lang yun pang kuha ng picture." Ang sabi naman ni Kevin.

"Sige na matulog na kayo mukhang hanggang bukas pa ang brown out na ito. Sighhhh...Kim bukas na bukas ipaayos agad ang generator ha? Mahirap gumalaw lalo't may baby tayo sa bahay."

"Oo kuya."

"Keith, kamusta si Tum-Tum?"

"Ayos naman na kuya nakatulog na sila ni Faith.

"Mabuti kung ganun. Sige na matulog na kayo ako na ang magsasara ng kandila."

"Hindi naman ako makakatulog di ako sanay ng wala dito si Kelly." Ang sabi ni Kevin.

"Yeah..." Ang reaksyon nila Kim at Keith.

"Ayos lang kaya si Kelly at Jacob?" Ang sabi ni Kim.

"Sabi naman ni Vince ayos lang sila dahil nasa condo sila ng kaklase nila." Ang sabi ni Kevin.

"Di mo na ba natawagan si Vince kuya?" Ang sabi ni Keith.

"Natawagan ko at nasa condo sila ni Patrick."

"Ano?" Ang pagulat na tugon nung tatlo kay Kian.

"As in Patrick Santos?" Anila.

"Oo nga! Wala naman tayong magagawa talagang baha sa daan at ang mga puno ay nag tumbahan pero wag kayong mag alala sinigurado ko namang safe sila Kelly at Jacob."

"Kanino mo binilin kay Vince?" Ang sabi ni Kim.

"Kay Patrick."

"Kinausap mo?" Sabay-sabay na sagot nila Kim.

"Oo at mukhang nagkakaintindihan naman kami. Dahil kung hindi alam niyo na lintek lang ang walang ganti."

"Yeah!"

","

11pm na at lumabas si Kelly ng kwarto dahil hindi siya makatulog at nauuhaw rin sya "Hmm? Nasan ang mga tukmol na yon?"

Hindi na napansin ni Kelly na nayapakan niya na si Harvey na nasa ilalim ng mesa "Lumabas siguro ang mga yon."

Binuksan ni Kelly ang ref at kumuha ng akala niya ay tubig at nung isinara niya nagulat siya sa biglang bumungad sa kaniya na si Dave "Ay palaka! Ano ba Dave!"

Ipinatong muna ni Kelly ang baso na may lamang akala niya ay tubig "Master!!!"

Yayakapin sana sya ni Dave pero nakaiwas siya kaya lumagapak ito "Hoy!!! Ayos ka lang ba?"

Hindi na sumagot si Dave sa kaniya dahil nakatulog na pala ito at na hagok pa. "Hokkk... Hokkkk..."

"Hmmm... ang baho nag inuman ba sila? Hoy! Gumising ka diyan Dave!!!" Sinampal sampal niya ito pero di talaga magising gising kaya hinila niya nalang ito sa may sala at napatid siya sa na hagok na si Vince "Ay putek!"

"Mmm...mmm..."

"Buset pati ba naman ikaw Vince?"

Kelly sighed and pulled Dave itinabi niya ito kay Vince "Mga buset na ito! Nag inum nga kaya pala mga lungangey." Nag palinga linga naman si Kelly at nakita niya si Harvey sa ilalim ng mesa.

"Anak ng! Ano bang ginagawa niyo? Kung san-san nalang kayo talaga nahihiga eh." Hinila na rin niya si Harvey sa tabi nung dalawa at nilagyan niya pa ang mga ito ng kumot.

"Hayyyy... pinagod niyo ko mga buset kayo."

Kinuha na niya yung akala niyang baso ng tubig na kinuha niya kanina sa ref "Ha! Nauhaw talaga ako sa ginawa ko sa mga tukmol na ito. Pero bakit ganun may after taste ata yung tubig parang napaka pait ata."

Bigla namang na out of balance si Kelly "Sandali lang bakit parang na ikot ang paligid sobrang na pagod ata talaga ako sa pag hila sa mga tukmol na yon."

Kumuha na naman ng maiinom si Kelly pero kaparehas ulit ito ng kinuha niya sa ref dahil pakiramdam niya may mali sa katawan niya at dahil hilo na wala na syang pakialam sa dami ng iniinom niya. "Glug... Glug... Glug..." Naubos ni Kelly yung laman ng pitchel na medyo may karamihan rin.

"Bakit ba parang ang pait talaga ng tubig dito? Naiinis na ako ha!"

Dahil gustong mawala ang pait sa kaniyang panlasa kumuha na naman sha ng maiinom sa ref at sa pagkakataong iyon hard alcohol na ang nakuha niya .

Hilong hilo na at di na makalakad ng ayos si Kelly ng nakita siya ni Patrick na galing pala sa labas para bumili ng mineral water "Kelly?"

Ibinaba niyang agad yung mga mineral water niyang mga binili at sinalo agad si Kelly na muntik ng tumama ang ulo sa lamisita yung maliit na lamesa na malapit sa kaniyang kwarto "Kelly! Ayos ka lang ba?"

"Shino ka?"

"Teka lasing ka ba?"

Tinutulak ni Kelly ang mukha ni Patrick "Shinong lashing ang shinashabi mo? Batangueña ata ito at malakas kami sa inuman."

"Ohhh... kaya pala hindi na sya makatayo ng ayos. Sighhhh..."

"Bitawan mo nga ko! Shino ka ba?"

"Ang kulit niya... paano nalang pala kung hindi ako nagising kanina? Sigh...panigurado dito matutulog ito sa labas ng kwarto."

"Lemme go!!! Bitawan mo ko baka makita ka ng boyfriend ko mag selos pa yun sayo napaka emosyonal pa naman nun."

"Bakit sino ba ang boyfriend mo?"

"Shi Patricio yung tukmol na yon bushet di niya talaga ako kinausap sinabi ko lang na layuan na ako eh tiniis niya talaga ako? Grabe sha!"

"Mas okay pala pag lasing ka eh nagsasabi ka ng katotohanan."

Binuhat na niya si Kelly at dinala sa kwarto at inilapag niya ng dahan-dahan sa kama katabi ni Jacob "Sweet dreams my love."

Hinalikan niya sa noo si Kelly at laking gulat niya na gising pa pala ito "Anong ginagawa mo?"

Napaatras si Patrick sa gulat sa sinabing iyon sa kaniya ni Kelly "I... I... Just want to say..." hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil bigla nalang itong lumapit ng sobrang lapit sa kaniya "Wag kang pumunta ng America!!!"

"Pa... Paano mo nalaman?"

Hahalikan sana sya ni Kelly kaso bigla naman itong nakatulog uli "Kelly!!! Gumising ka!!!"

"Ummm... mahal parin kita wag mo kong iwan mag pakasal na tayo."

"Kelly?"

Habang nakapatong sa kaniya si Kelly niyakap siya nito ng napakahigpit kaya hindi siya makaalis sa kaniyang pagkakahiga dahil tulog na tulog na si Kelly "Itong babaeng ito talaga!!! Hindi ba sya natatakot sa ginagawa niya lalaki ako at baka hindi ako makapagpigil! Jusmiyo Kelly!!! Bakit diyan mo pa talaga na piling matulog!!!"