Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 226 - Kabanata 226

Chapter 226 - Kabanata 226

Kinabukasan,

"Morning kawsin." Ang bungad ni Vince na ang aga eh energetic na energetic na.

"Mornin'" Ang low energy namang sagot ni Kelly at naupo na rin sya at the same time.

"Ayos ka lang ba? Bakit ang putla mo at ang laki rin ng eyebags mo hindi ka ba nakatulog?"

"Sa tabi ko kasi natulog si Jacob kaya di talaga ako makaka tulog sa likot ng batang yon maka hilik wagas parang sila kuya rin."

"Ohhh...kaya pala ganyan ka mukha kang panda."

"Yeah..." nag palinga linga si Kelly "Nasan sila Harvey?"

"Si Harvey ba talaga?"

Kelly smirked and she bonked Vince too "Issue ka!"

"Hahaha... nasa guidance sila."

"Guidance? Bakit?"

"Nag pa tulong kasi si Harvey."

"Para san at bakit di ka kasama?"

"Yeah... pinatawag kasi ako ni Prof. Arnie eh kaya di ako nakasama dun sa tatlo."

"Ahhh..."

"Nga pala sasama ka sa fieldtrip?"

"Tinatamad ako."

"Ano? Baliw ka last trip na natin yun bilang college student eh sumama ka na sasama naman ako eh sure din naman akong kasama si kuya Kevin syempre nurse siya ng DLRU."

"Yeah... ewan ko basta tinatamad ako di naman talaga ako nasama sa ganyan."

"Oo nga pero last na natin ito sa pagiging college student kaya sumama kana. Ikaw lang hindi sasama sa klase natin wag kang ganyan."

Iniubob ni Kelly ang mukha niya sa kaniyang desk "Wala akong pake gusto ko lang matulog."

Vince sighed "Ikaw bahala balita ko sasama daw si Aliyah."

"So?"

"Sumama kana kasi!!!"

"Tsk... ikaw lang makikinabang kaya wag ako."

"Okay sige pag sumama ka mag dadala ako ng egg pie."

"Pake ko? Kaya kong bumili tsaka meron pa sa ref namin."

"Eh pano kung sabihin ko sayo na pupunta tayo sa ocean park?"

Tumunghay ka agad si Kelly "Sa ocean park?"

"Um... Hindi ba at gusto mong mag punta don? Balita ko rin na pupunta tayo dun sa sweet museum."

"Talaga?"

"Oo nga!"

Sa isip-isip ni Vince "Dalaga na sya pero gusto niya pa ding nag pupunta sa mga ganung lugar."

"Pero bakit dun ang venue? Hindi naman na tayo mga bata."

Pabulong bulong si Vince "Nag salita ang hindi isip bata."

"Ano yon?"

"Ahhh... Wala ang sabi ko ang tema kasi ng field trip natin ay para ma relax tayo yun kasi sabi nila Prof. Arnie naging mahirap ang pag aaral natin sa kolehiyo kaya gusto nila na mag chill tayo."

"Ohhh... pero walang nabanggit sakin si kuya Kevin about sa venue nabanggit na ba ni Prof. Mina ang tungkol dun?"

"Hindi pa, ngayon palang sasabihin narinig ko lang sa usapan nila Prof. Arnie kanina nung nasa teachers office ako."

"Ahhh...umiral na naman pala ang pagka tsismoso mo."

"Baliw! So, ano? Sasama ka na?"

"Hindi pa rin."

"Ano? Pero hindi ba gusto mo na pumupunta sa ocean park?"

Umubob ulit si Kelly sa kaniyang desk "Oo pero pwede naman akong pumunta dun kahit wala ako sa field trip."

Sa isip-isip ni Vince "Sadyang matalino talaga ang lukang ito pero di ako susuko sisiguraduhin kong sasama siya."

Dumating naman na sila Patrick "Kaya ayoko maging student council eh ang daming ginagawa." Ang sabi ni Dave habang papasok ng kanilang room.

"Tamad ka namang talaga." Ang sabi ni Patrick.

"Kaya nga makapag reklamo ka kala mo naman ikaw lang yung nag ayos ng mga libro." Ang sabi naman ni Harvey.

Napalingon naman si Vince dun sa tatlo habang minamasahe niya ang ulo ni Kelly "Yow!!! Andiyan na pala kayo."

Napahinto naman si Patrick at napatingin sa naka ubob na si Kelly "Dude?" Ang sabi ni Dave.

"Labas lang ako."

"Ha? Pero mag start na ang klase pre." Ang sabi ni Harvey.

"Oo nga Dude."

"Sige diyan na kayo." Pandalas ng lumabas si Patrick ng kanilang classroom.

"Dude!!!"

"Hayaan mo na sa tingin ko naiwas siya kay Kelly."

"Pero wala syang nabanggit na galit sya kay Master."

"Hoy! Anong pinag usapan niyo diyan? San pupunta si Patrick?" Ang sabi ni Vince.

Napatunghay naman si Kelly at lumapit na sa kanila sila Dave at Harvey "Lalabas daw muna sya yun ang sabi niya eh diba Dave?" Sumenyas si Harvey kay Dave para umayon ito sa kaniyang nais ipahiwatig kila Kelly at Vince.

"Ah... O— Oo babalik din naman yun agad."

"Mag start na ang class lumabas pa talaga sya?" Ang naiinis na sambit ni Kelly at napatingin sa kaniya yung tatlo nila Vince.

"Wh— Why? Nasabi ko lang yun dahil honor student sya kaya dapat umayos sya."

Napa taas ang kilay nung tatlo habang nakatitig sa kaniya na parang di na niniwala sa sinabi niya "Talaga lang." Anila.

"Ewan ko sa inyo!"

Tumayo si Kelly at nagulat yung tatlo "Oh? Lalabas ka rin?" Ang sabi ni Vince.

"Bibili lang ako ng tubig."

Nagkatinginan muli yung tatlo "Weh?" Anila.

"Heh! Bahala nga kayo diyan."

At tuluyan na ngang umalis si Kelly "Hays... halata naman sa kaniya na nag aalala siya kay Patrick." Ang sabi ni Vince.

"Yeah." Tugon nung dalawa.

"Nga pala ano sasama ba si Kelly sa field trip?" Ang sabi ni Harvey.

"Di ko pa na pipilit eh sabi niya kasi tinatamad sya."

"Di kaya nag iiwasan yung dalawa?" Ang sambit naman ni Dave.

"Nag iiwasan?" Ang tugon ni Vince.

"Oo yun ang napansin namin kanina ni Harvey di ba pre?"

"Oo pre mukhang naiwas si Patrick kay Kelly."

"Eh? Bakit?"

"Yun din ang gusto naming alamin pero sa tingin ko gusto lang bigyan ni Patrick ng extra time si Kelly."

Sa magkaparehong oras,

May bumaba na isang babae sa isang itim na kotse at nakapukaw ito ng atensyon sa mga estudyanteng nasa labas ng DLRU "Wow, artista ba sya?"

"Ang ganda naman niya."

"Baka modelo sya."

"Ang kinis at ang puti niya naman."

Lumapit yung isang lalaki na naka pormal na kasuotan "Ms. Jena nasa kanilang cafeteria po si Master Patrick."

"Okay lead me the way."

"Sige po."

At pumasok na nga sa loob ng DLRU ang babaeng akala ng iba ay artista o modelo na si Jena dali-dali namang lumapit yung mga estudyante dun sa dalawang guwardiya "Manong sino yon? Estudyante ba sya dito?"

"Oo nga pero ngayon ko pa lang sya nakita dito."

"Inaanak siya ni Dean Guillermo." Ang sagot nung isang guard.

"Inaanak sya ni Dean?" Anila.

"Aha, at galing pa sya sa ibang bansa." Ang sagot naman nung isang guard.

Napa wow naman ang mga estudyante sa sinabing iyon ng guwardiya.

"Miss, andito na po tayo."

"Okay, where's Patrick?"

"Ayun po sya sa may gilid at nakaupo."

Dali-dali namang nag tungo doon si Jena at sinurpresa niya pa si Patrick sa pamamagitan ng pag takip nito ng kamay niya sa mata ni Patrick "Hulaan mo kung sino ako."

"Kelly?"

Dismayado at tinanggal agad ni Jena ang kamay niya kay Patrick "Jena?"

"Yah, parehas na ba kami ng voice ni Kelly?"

"Ha? Ah... eh... I just..."

Tinakpan ni Jena ng isang daliri niya ang bibig ni Patrick "Don't talk I came here to see you kaya I don't want to here any name."

At sa hindi inaasahan nakita iyon ni Kelly.