Kinagabihan,
Doon na sa may resort natulog si Kelly at ang mga kuya niya kasama rin si Jacob dahil binigyan sila ni Jena ng libreng VIP room "Wow!!! Ang ganda naman po dito may ganito po palang kalaking kwarto? Parang dalawang kwarto na ito sa bahay natin kasama noh Daddy?" Ang sabi ni Jacob na talon ng talon sa kama.
"Baby, pwede bang umupo ka na nahihilo ang Daddy sayo."
"So— sorry po..."
Naupo naman at nag behave si Jacob "Did you call your Mom na ba?"
"Yes po daddy kanina naubos lang po ang load niyo kaya di ko na sya nakausap ng matagal."
"Ahahaha...kuripot kasi yang daddy mo dapat kasi sa akin ka nalang nakitawag." Ang panunuksong sambit ni Keith binato naman siya ni Kian ng unan.
"Ulupong! Eh ikaw tumawag ka na ba kay Faye? Bago ka diyan magtatawa!"
"Hala! Nalimutan ko baka inaantay ako nun." Pandalas naman ng labas si Keith at nag tungo sa balkunahe ng kanilang kwarto.
"Sandali nga lang nasan si Kelly at Kevin?"
"Di ko rin po alam Daddy."
"Kim!"
Busy naman na naglalaro sa kaniyang cp si Kim at hindi pinapansin si Kian kaya binato sya nito ng tsinelas "Anak ng! Ano ba Keith?"
"Ako yung bumato sayo!"
"Ay... sorry kuya... pero bakit ba?"
"Nasan sila Kelly at Kevin?"
"Ahh... nasa labas sabi daw kasi ni Bunso wala na syang pads kaya sinamahan siya ni Kevin."
"Ohhhh... Okay."
"Daddy ano po yung pads?"
"Ha? Ah... eh... ano..."
"Tinapay yon hahaha..." Ang sabi naman ni Keith habang papasok ng kwarto galing balkunahe.
"Siraulo! Wag kang makinig sa Tito mong yan."
"Pero ano po ba kasi yun yon daddy? Yun po ba yung nilalagay sa sapatos?"
"Hindi yun ganun baby mahirap ipaliwanag kasi girls thingy yun. Di ba mga tol?" Sumenyas si Kian para sumangayon yung dalawa sa kaniya.
"Yeah..."
Sa magkaparehong oras,
Habang naglalakad sila Kevin at Kelly tumigil muna sila sa isang convenience store "Kuya!!! Nakakahiya nakatingin na sila sayo oh! Sabi ko naman kasi ako na ang bibili ng pads ko!"
"Wala akong pakialam kapatid kita at isa akong nurse normal lang ito sakin."
Pabulong bulong si Kelly "Normal nga abnormal naman ang tingin nila sa ginagaw mo."
"Ano yon?"
"Wala kuya..."
"Ganito ba yung ginagamit mo? Gusto mo bang palitan natin? Para kasing di maganda parang mas okay pa ang walang wings kesa may wings. Ganun kasi yung ginagamit ng ate Mina mo."
Napakamot ng ulo si Kelly "Kuya!"
"Bakit ba? Halika na nga at pumila na tayo para mabayaran na natin ito baka hinahanap na tayo nila kuya Kian."
Sa isip-isip ni Kelly "Jusmiyo! Kaya ayokong kasama si kuya Kevin bibili ng ganire eh kulang nalang kasi pakyawin na niyang lahat ng uri ng sanitary napkin sa tindahan. Nakakaloka pinagtitinginan na tuloy kami."
"Huy Kelly!"
"Hmm?"
"Ano ba kasi yang iniisip mo? Si Patrick na naman ba? Malilintikan na talaga yan samin eh!"
"Kumalma ka nga muna diyan kuya walang ginagawang masama si Patrick ako lang talaga itong lukaret."
"Ano? Bilisan na nga natin at magbayad na tayo para makatulog ka na din kung ano-ano na ang sinasabi mo diyan."
"Pero kuya..."
"Mag tigil ka na!"
"Humph!"
Matapos nilang magbayad ng mga binili naupo si Kelly sa labas ng store "Oh? Bakit na upo ka pa diyan? Halika na!"
"Kuya... May tanong ako."
"Ha? Kelly ano na naman ba yang pinagtotoyo mo? Kanina ka pa!"
Napaluha si Kelly bigla at nag panic naman si Kevin "Bu— Bunso? Why are you crying? Sorry hindi naman ako galit sayo wag ka ng umiyak."
Niyakap syang bigla ni Kelly at umiyak ng umiyak "Kuya!!! Anong gagawin ko?"
"Ha? Ano ba kasi yon? Tsaka tumigil ka na nga sa kakaiyak mo baka isipin nila pina iyak pa kita."
Dahan-dahan namang kumakalma si Kelly "Sorry kuya..."
"Um... Tahan na sige pagusapan natin yang problema mo mamaya na tayo bumalik ng resort."
"Salamat kuya..."
"Sige na punasan mo na yang luha mo pati yang sipon mo kalat na rin oh." Binigyan niya si Kelly ng panyo.
"Kuya naman eh!!!"
"Haha... pinapatawa lang kita pero tungkol ba ito kay Patrick kaya maghapon ka ng wala sa mood?"
"Um... naiinis po kasi ako sa kaniya."
"I knew it! Kanina pa nga din nanggagalaiti sa galit sila kuya Kian kaya nga ayaw namin na mag stay sa resort kasi alam namin na dun sa babae ni Patrick yung resort."
"Sorry kuya kung napilitan kayo pero mabait naman si Jena tsaka mag bff sila ni Patrick."
"Tsss... bff raw pero ayos lang na mag stay sa resort minsan lang din naman ito tska libre lang naman kaya okay na rin wag ng mag alala pa diyan."
"Kuya nung mga panahon na nililigawan mo si Prof. Mina sumagi ba sa isip mo na sumuko nalang kasi una palang alam mo ng iba ang gusto niya at kaibigan lang ang tingin niya sayo pero bakit pinagpatuloy mo pa rin?"
"Ha? Bakit naman biglang ako na ang iyong topic?"
"Sagutin mo nalang kasi!"
"Well, nung una oo gusto ko ng sumuko pero sa huli naman ako pa din ang nag wagi sa puso niya kasi alam niyang mas kilala ko sya dahil bestfriend niya ko tsaka na realize niya rin na mas kumportable sya sakin kaysa kay Arnie."
"Anong meron sayo at ikaw ang pinili ni Prof. Mina?"
"Gaya ng sabi ko sa kanina bff kami kaya mas nagpapakatotoo sya kapag kasama niya ako at masaya sya ron dahil hindi na niya kailangan pang mag panggap at makisama sa ugali ni Arnie."
"Ohhh... I see so I better let go."
"Let go of what?"
"Nothing kuya tara na bumalik na tayo."
"Ha? Pero..."
"Halika na kuya!!!"
"Sa— Sandali lang."
Samantala sa kwarto ni Patrick,
"Jena ano bang trip mo? Lasing ka ba? Anong ginagawa mo dito? Gabi na at magpapahinga na ako."
"Papasukin mo ako manood tayo ng movie maaga pa mamaya ka na matulog!"
Wala ng nagawa si Patrick kung hindi papasukin ang lasing na si Jena sa kaniyang kwarto "Jena? Dude anong ginagawa niyan dine?" Ang sambit ni Dave na nakikinain.
"Tulungan mo na nga lang ako kain ka diyan ng kain."
"Teka lang mahuhugas muna ako ng kamay."
"Bilisan mo! Ang bigat nireng si Jena."
Alalay- alalay ni Patrick si Jena na bigla nalang natumba papasok ng kaniyang kwarto "Dave!"
"Oo sandali lang."
Binuhat ni Dave si Jena at inihiga sa sofa "Ano ba kasing nangyare dito sa babaeng ito?"
"Aba anong malay ko? Nakikita mo ngang andito lang ako kanina pa eh malamang hindi ko alam!"
"Pero dude kailan pa natutong uminom ng alak si Jena?"
"Aba anong malay ko? Diyan ka na nga muna kukuhanin ko lang ang cellphone ko para mapasundo na ang babaeng yan dito ayokong makita yan ni Kelly na nandirito baka iba pa isipin niya."
"Yeah... sigurado akong iba nga ang iisipin ni Master."
"Kaya nga dito ka lang at wag kang aalis baka kasi mali ang isipin niya lalo na ng mga kuya niya napaka conservative pa naman ng pamilya nila."
"Nga pala, kanina iba ang iniaasal ni Master towards you nagkaroon ba kayo ng alitan before the wedding of ate May?"
"Wala naman nagulat nga ako nung di niya ako pinapansin bigla tapos di rin siya nag rereply sa chat ko gang ngayon di niya pa ako kinakausap."
"Napansin ko nga rin na sya dapat makakasambot ng bouquet kanina pero gumawa sya ng paraan para mapunta yon kay Jena."
"Nakita ko nga rin yun naging parang bola ng basketball pa nga yung bouquet ang bilis ng pangyayare at bigla nalang si Jena ang naka sambot."
"Hindi kaya akala ni Master may something sa inyo ni Jena?"
"Sinabi ko na yun sa kaniya sa chat kaso di man lang niya ako i- seen zone."
"Tsk... dalawa lang yan dude eh it's either nag seselos si Master or ibang nasa isip niya."
"Ha?"
"Kilala natin si Jena mahilig yan humingi ng pabor out of nowhere tapos kilala rin natin si Kelly na matulungin siya sa iba."
"Oo pero... hindi rin naman ganoon kabilis magtiwala si Kelly sa iba."
"Pero Dude tandaan mo hindi basta iba yang si Jena magaling ang convincing power niyan at tandaan mo rin na nagkausap na sila kanina."