Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 219 - Kabanata 219

Chapter 219 - Kabanata 219

Makalipas ang 30minutes,

"Kelly! Andito na tayo." Ang sabi ni Kevin.

"Um..."

Bababa na sana ang lahat sa sasakyan ng biglang "Sandale!" Ang sabi ni Kian.

"Hmm?" Ang reaksyon ng lahat.

"Kelly, kung ayaw mong bumaba ayos lang umuwi nalang tayo."

Napatingin sila kay Kian at sabay din silang tumingin sa walang energy na si Kelly "A— Ayos lang ako kuya wag niyo kong alalahanin bumaba na tayo gutom na rin kasi ako eh." At binuksan niya ang pinto ng sasakyan at bumaba kasabay ni Jacob napabuntong hininga nalang ang mga kuya niya at nagsilabasan na rin.

"Wow!!!" Ang reaksyon ni Jacob "Dito po talaga ang reception? Sa Beach?" Dagdag pa ni Jacob.

Sa isang beach resort ang reception ng kasalang May at Lester kung saan malapit rin iyon sa simbahan kung saan sila ikinasal na pag mamayari ng pamilya Francisco.

"Ang ganda naman dito para tayong nasa Batangas." Ang sabi ni Keith.

"Namiss ko nga rin bigla ang probinsiya may ganitong lugar din pala dito sa Quezon?" Ang sabi ni Kevin.

"Marami rin naman talagang resort ang CALABARZON kaya wag na kayong magulat diyan." Ani Kim sa kanila.

Lumapit naman si Kian kay Kelly na nakatulala lang habang nag uusap usap yung tatlo kasama si Jacob "Bunso..."

"Hmm?"

"Gusto mo na bang mag palit ng damit?"

"Ha?"

"Baka lang ka ko gusto mo ng magpalit para di ka masyado mabigatan diyan sa suot mo."

"Pero paano? Wala akong baong damit kuya."

Iniabot ni Kian ang isang paper bag "Here, sige na magpalit ka na."

"Eh? May dala kang damit ko kuya?"

"Alam ko kasing di ka kumportable sa kasuotan mo kaya eto isuot mo ang bigay sayo ng ate Rica mo nalilimutan ko kasi itong ibigay sayo buti nalang nasa van. Sige na nagpalit ka na."

"O— Okay, salamat kuya chat ko na din si ate Rica mamaya para makapagpa salamat." Kinuha ni Kelly yung paper bag at pandalas ng bumalik sa van para magpalit.

"Bakit po bumalik sa van si tita Kelly, Daddy?"

"Para magpalit ng kaniyang kasuotan masyado kasing mabigat ang gown niya tsaka di yun kumportable eh."

Narinig naman iyon nila Kim kaya na patanong sila "Ano? Magpapalit na si Kelly?"

"May dala akong damit niya ibinili yun sa kaniya ni Rica at buti nalang di ko pa naibibigay at nasa van pa kaya yun magagamit na niya yon ngayon."

"Ohhh..." Ang reaksyon nila.

Pero sa isip-isip ni Jacob "Kung si Mommy ang nagbigay nun panigurado napaka girly-girly nun."

"Daddy..."

"Bakit anak?"

"Tinignan niyo po ba yung damit bago niyo ipinasuot kay tita Kelly?"

Napatingin si Kian sa mga utol niya "Ha? Ay hindi ko na tinignan yung nasa loob eh sabi kasi ng Mommy mo ay dress daw iyon na para kay Kelly."

"I knew it!"

"Ha?"

"For us to find out po."

"A— Ano ang ibig mong sabihin anak?"

"Kilala mo po si Mommy at sobrang girly-girly niya kaya sure akong ganun din ang dress na ibinigay niya kay tita Kelly."

At bigla namang lumabas si Kelly ng van at nagulat sila sa pag labas nito na naka suot ng white off shoulder na may belt na black at pa balloon na white na palda "Ayos lang ba ang suot ko mga kuy's? Ikaw Siopao ano sa tingin mo? Para kasing masyadong maiksi yung palda naasiwa ako sa suot ko."

Napa nganga at nakatulala lang yung lima "Guys? Ayos lang ba kayo?"

"Para kang isang anghel tita Kelly."

"Anghel? Di ah! Itong batang ire talaga."

"Pero totoo nga po tita tingnan niyo di na makapag salita sila Daddy."

"He... He... pero parang hindi naman ang dami ng nakatingin sakin at parang nakakahiya na."

Bigla namang nakaramdam ng awkward moment si Kelly at bumalik naman na sa ulirat ang mga kuya niya at pinaligiran siya "Wag kang mag alala babysis we got your back." Ang sabi ni Kevin.

"Yeah!" Ang tugon naman nila Kian at napangiti naman si Jacob at naki sali rin sa kanila naki gaya rin sa Daddy at nga Tito niya na pinaliligiran si Kelly.

Samantala nasa mismong reception sa loob na sila Patrick katabi sila Dave at Jena at nakaupo na rin naman ang iba pang nga imbitado at nga abay at ang ikinasal.

"Sino ang hinahanap mo?" Ang sabi ni Jena.

"For sure si Master." Ang sabi naman ni Dave.

"Master? Who's your master?"

"Si Kelly mahabang kwento kaya ko sya naging Master."

"Ohhh..."

"Pero wag no ng itanong kung bakit alam ko namang tamad kang makinig."

"Tsss... Whatever!"

"Nauna pang umalis sila Kelly at ang mga kuya niya sa may simbahan bakit wala pa rin sila dito hanggang ngayon?"

"Chill Dude, baka naman na traffic baka iba yung dinaanan nila."

"Pero isa lang ang daanan papunta dine."

"Baka nag shortcut?"

"Duh!!! Are you binge Dave? Isa nga lang ang daan here then you make sabi na baka nag shortcut? One lang talaga ang daan papunta dine from simbahan to here kaya imposible na iba ang maging way nila. Sira!"

"Ay, oo nga noh? Bakit mo alam you been here na ba? Pwe! Pati tuloy ako nahahawa na sa pagsasalita mo."

"Tse! Samin ang resort na ito kaya alam ko! Baliw!"

"What? Kaya pala Francisco yung name ng resort. Sorry nalimutan ko."

"You ain't change Dave jung gong ka parin."

"Lalo ka na spokeneng dollars ka parin it's gung gong not jung gong! Luka!"

"Whatever and I'm not spokeneng dollars noh! Dollars ain't talk."

"Tsss... it's idiomatic expression lang like that, like that."

"Manahimik nga kayo ang iingay niyong dalawa." Ang sambit ni Patrick.

"Si Jenang kasi."

"Hey! Stop calling me Jenang it's Jena without "NG" hmph!"

Napatayo naman si Patrick "Where are you going?"

"Mag cr ano sasama karin?"

"Iwww... no way."

Paalis na sana si Patrick ng biglang dumating naman na ang magkakapatid nila Kelly kasama si Jacob "Du— Dude!!!"

"Ano?!" Ang pagalit na sambit ni Patrick kay Dave na papaalis na sana.

"Si— Si... Ano..."

"Bakit ba?! Kung sasama ka bilisan ni diyan! Bakit ba nauutal ka diyan?"

Tiningnan naman ni Jena yung tinitignan ni Dave at nakita niyang dumating na sila Kelly "Is she your girlfriend?"

"Girlfriend?"

At pag tingin ni Patrick "Ke— Kelly?"

"Oo dude si Master nga! Ang ganda niya grabe. Tignan mo yung mga bisita niyo halos lahat nakatingin sa kanilang magkakapatid lalo na kay Master."

Kinusot ni Patrick ang kaniyang mga mata at inulit niya ulit ang kaniyang sinabi "Kelly? Si Kelly ba talaga yon?"

Tumayo si Jena at lumapit kay Patrick at piningot niya ang kanang tenga nito "Aray!!!"

"Now, tell us kung nanaginip ka?"

"Grabe pwedeng maging model talaga si Master mantakin mo kanina naka gown sya at sobrang ganda na niya tapos ngayon simple lang pero sobrang elegante at... basta ang ganda niya..."

Bineltukan naman siya ni Jena " Ang OA mo na paulit ulit? Hindi kami binge at lalong hindi kami bulag."

"Humph! Anyways, Dude bakit di mo sya lapitan?"

Napatingin si Jena kay Patrick "O— Oo nga why don't you approach them? Especially Kelly, magkagalit ba kayo?"

"Hindi naman nahihiya lang ako."

"Nahihiya? Ikaw?" Anila.

"Ano namang tingin niyo sakin walang hiya?"

"Minsan..."

"HEH!"

Related Books

Popular novel hashtag