Kinahapunan,
Sa kotse...
Nakatulala lang si Kelly habang nakatingin sa bintana ng kotse "Anong problema ng isang yan?" Ang pabulong na sambit ni Kim kay Kevin habang nasa unahan at katabi si Kian na nag dadrive.
"Di ko rin alam diyan walang kibo pero nung lunch ayos naman sya."
"Baka di nakasagot sa exam? O baka as in zero ang nakuha niya? Sabi ko naman sayo tingnan mong mabuti Yang si Kellang."
"Ayos naman sya eh hindi naman bokya ang nakuha niya sa exam tinext ko si Mina eh sabi niya ang mali nga lang ni Kelly na tatlo sure nga daw sya may award kapatid natin sa graduation."
"Eh anong problema niyan? Bakit Wala sa mood? Inaway mo ba?"
"Aba'y hinde! Kayo nga ang nangaaway diyan kay bunso ako eh tahimik lang."
"Alam niyo para kayong mga bubuyog dalawa ka ko ba eh tanungin..." Ang sabi naman ni Kian at tinanong na nga niya si Kelly ng walang pag aalinlangan.
"Ahem... babysis, ayos ka lang ba? Meron ka ba? Masakit ba ang piano mo?"
Pero hindi siya narinig ni Kelly "Kellang!!!" Ang sabay sabay sambit nung tatlo.
"Ay kalabaw! Ano ba mga kuy's? Makasaigaw kayo parang ang layo ko andito lang ako sa kotse wagas!"
"Tinatanong ka nga ni kuya Kian kung ano problema mo eh di mo na dinig kaya sumigaw na kami." Ang sabi ni Kevin.
"Oo nga ano bang problema ha?" Ang sabi no Kian.
"Meron ka ba ngayon? Kaya wala ka sa mood?" Ang sabi naman ni Kim.
"Pero alam ko kada end of the month yan nagkakaroon eh kaya sure ako wala yan ngayon." Ang sabi naman ni Kevin na parang proud na proud pa na alam niya ang schedule ng menstruation ni Kelly.
"Enough! Tumigil na nga kayo! Wala akong problema at higit sa lahat mga kuy's naman kalalaki niyong tao menstruation ko talaga pinag uusapan niyo?" Napabuntong hininga nalang si Kelly sa galit sa mga kuya niya at nag lagay ng headset sa kaniyang tenga.
"Hayaan niyo na nga baka nabago ang schedule ng menstruation niya." Ang pabulong na sambit ni Kevin.
"Oo nga." Ang sagot naman ning dalawa.
Napatingin naman ng masama si Kelly din sa tatlo at dali-dali silang kumuha ng pwede gawin para maiiwasan ang tingin sa bunsong kapatid.
***
Sa bahay nila Patrick,
"Andito na po ako." Ang sambit ni Patrick at sumalubong sa kaniya ang maraming gowns na pinag pipiliin ng ate May niya.
"What the? Ate binili mo na ba ang lahat ng laman ng wedding gown boutique?"
Habang busy mag sukat ng gowns si May kasama ang kaniyang mga stylist ah si Maricar "May paparating pa nga baby bro."
"Honk... Honk..."
"And yan na ata madam yung iba." Ang sambit nung isang stylist na babae.
"Okay, Ms. Maricar ikaw na ang bahala."
"Yes Madam."
Samantala dahan-dahan namang bayad ng hagdan si Patrick "Hey... Bro!"
"Ha?"
"Nasabi mo na ba mag Kelly ang sinabi ko?"
"Ah... eh... Oo ate."
"Ano ang sabi?"
"Ah... Ahm... hindi pa na sagot eh."
"Sinabi mo ba talaga?"
"Oo nga! Sige na may gagawin panakong assignment."
"Siguraduhin mo lang talaga na sinabi mo yun kay Kelly kung ayaw kong ako mismo ang pumunta sa bahay nila."
"WAG!!!" Ang sigaw ni Patrick "Ah... Ahm... I mean wag kang mag alala ate sasabihan naman agad kita kapag pumayag na si Kelly pero syempre sa ngayon mag isip pa yon... O— Oo ganun nga kasasabi ko palang naman sakaniya kanina eh kaya wait ka lang kasi ate."
Tinaasan sya ng kilay ni May "Siguraduhin mo lang talaga!!!"
"Oo nga ate promise bigyan mo ko ng two..."
"Okay two day!"
"Ano? Pero... ate naman sa ikatlong linggo pa naman ang kasal niyo di ba?"
"Basta! I want Kelly's answer within two days and that's final!"
"Pero Ate naman..."
"Alis na! May gagawin ka pa di ba?"
"Ate!!!"
"Manang... Pakisabi kay manong averti pakihanda ang kotse at may pupuntahan ako..."
"Ate naman!!!"
"Papasok ka ba sa kwarto mo o pupunta ako ngayon mismo na suot ang gown na ito sa bahay nila Kelly?"
"Tsk... Oo na!"
Pabulong bulong pa si Patrick habang pataas "Kala naman niya talagang makaka alis siya ng ganun ang suot di nga niya masara yung zipper ng gown."
"Patrick!!!"
Kinagabihan matapos kumain ng hapunan ng pamilya Dela Cruz,
"Siopao..."
"Tita Kelly?"
"Pwede bang mauna ka na sa kwarto? Sunod nalang ako play mo na yung gusto mong panoorin sunod nalang ako."
"Po? Kala ko ba sabay tayo manonood po sa kwarto niyo?"
Bumulong si Kelly kay Jacob "May importante kasi akong misyon."
"Misyon? Gaya po nung kay Naruto?"
"Oo kaya kailangan ko kausapin ang aktsuki."
"Nani?"
"Sila kuya yon."
"Ahhh... okay po una na ko."
"Sige baby sunod nalang ako sayo."
"Um... aja fighting!"
Nang matapos mag usap nung mag tita kinausap na ni Kelly ang mga kuya niya habang nasa sala ang nga ito at nainum ng tsaa habang nanonood ng balita.
"Ano? Gusto ng ate ni Patrick na naging abay ka sa kasal niya?" Ang sambit ng mga kuya ni Kelly Habang naka video call naman si Keith na nasa hospital.
"Oo kaya nga sinabi ko sa inyo pero wag kayo mag alala nasabi ko na kay Mama at pumayag naman sya pero sabi niya kayo pa din daw mag dedesisyon."
"Mabuti naman at ganoon ang sinabi ni Mama. Kaya sabihin mo sa aye ni Patrick na hindi kami na payag." Ang sabi ni Kian.
"Okay."
Nagulat naman sila Kian sa sagot ni Kelly na yon ay para bang hindi siya nalungkot "Ayos lang sayo?" Anila.
"Um... ayoko naman kasi mag gown kaya ngayon may rason na ako para di umattend sasabihin ko di kayo pumayag."
Nagkatinginan yung mga kuya ni Kelly at di makapaniwala sa mga sinasabi nito "Sige matutulog na ako good night sa inyo."
"O— okay." Anila.
Habang naglalakad si Kelly papaalis ng sala nag uusap usap ang mga kuya niya "3... 2..." Ang pabulong na sambit ni Kelly.
"Kellang!!!" Ang sabay sabay namang tawag ng mga kuya niya at patagong ngumiti si Kelly pagkalingon niya "Ano yon mga kuya ko?" Ang sagot ni Kelly na para bang nag papa cute pa.
"May kailangan pa kayo sakin?"
"Ahem... anong date at oras ba ang kasal?" Ang sambit ng kuya Kian niya.