Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 211 - Kabanata 211

Chapter 211 - Kabanata 211

"Kelly??? Tulog ka na ba?"

"Bye na andiyan si kuya Kevin."

"Teka lang pwede ba tayong magkita bukas?"

"Hindi pwede Sunday bukas at fam day yon."

"Kelly!!!"

"Sige na bye na."

Pandalas naman si Kelly na itinapon sa kama niya ang kaniyang cellphone at binuksan ka agad ang kaniyang pintuan "Kuya!!!"

"Ano bang ginagawa mo? Kanina pa ako natawag ah."

"Ah... Eh... nasa cr kasi ako."

"Tumabi ka nga diyan ako nanonood sa kwarto mo."

Pumasok ng basta si Kevin sa kwarto ni Kelly "Ku— Kuya!!!"

Binuksan ni Kevin ang tv ni Kelly at naupo sa kama "Kumuha ka nga ng makakain sa ref alam ko may icecream pa don eh. Bilis kumuha ka para may makain tayo habang nanood ."

"Anong problema?"

"Problema?"

"Naupo si Kelly sa tabi ng kuya niya ay sinabing "Natatandaan mo ba kapag na papagalitan ka nila kuya Kian at Mama dito ka lagi nagtatago kaya sigurado akong may problema ka. Maaga pa naman at Sunday bukas handa akong makinig sa drama mo kuya."

Pinisil ni Kevin ang pisnge ni Kelly "Kahit kailan talaga walang pwedeng uli hom sayo pero pag ikaw naman marunong ka ng magl lihim sakin nagtatampo na ko."

Dumantay sa balikat ni Kevin si Kelly "Kuya hindi itong tungkol sakin kung hindi sayo may problema kayo ni Prof. Mina?"

"Wala, isa lang na pasyenteng batang babae ang naging malapit sakin."

"Eh? Tapos? Anong nangyari sakaniya?"

"Namatay siya kanina bago ako umuwi."

Nagulat si Kelly na biglang naramdaman siyang basa sa kaniyang pisnge at nakita niyang naiyak ang kaniyang kuya Kevin "Kuya?"

"Sorry, naging emosyonal lang na isip ko kasi si Gellai yun yung pangalan ng batang naging malapit sakin."

"Anong naging sakit niya?"

"Mag lilimang taon na sana sya bukas pero dahil sa sakit niya sa puso hindi na niya nakayanan kanina."

Lalong naiyak si Kevin at niyakap naman sya ni Kelly para i-comfort "Sige lang kuya iiyak mo yan walang masama kung naiyak ang isang lalaki tao lang din kayo na May puso at damdamin."

"Salamat."

"Nung bata ako gusto kong maging ka gaya mo ang naging nurse kaso takot ako sa dugo at alam niyo yon at higit sa lahat takot rin akong may makikitang mamatay. Kaya saludo ako sayo kuya dahil sa pinili mong propesyon at talagang pinagtutuunan non ng pansin kaya sige umiyak ka lang siguro nga hindi niyo nailigtas si Gellai pero tao lang kayo at hindi diyos."

"Pero hindi ko man lang naibigay ang kahilingan niyang lollipop bago sya nawala."

"Hindi na importante ang hindi mo naibigay kuya ang mahalaga naiparamdam mo sa bata na may kuya siyang nurse na kahit di niya ka dugo ay nag mamalasakit sa kaniya kaya wag ka ng malungkot. Sigurado naman akong kung nasan man ngayon si Gellai masaya na sya at wala na siyang sakit na nararamdaman. Isipin mo nalang ang mga masasayang oras na kasama ni sya At sigurado rin akong thankful at grateful si Gellai na may isang nurse Kevin syang na kilala nung sya ay nabubuhay."

Habang nakikisimpatya si Kelly sa kuya Kevin niya hindi napansin nung dalawa na bukas pala yung pinto at nakita sila nila Kian at Kim "Dalaga na talaga ang bunso nating kapatid marunong na rin syang mag payo ngayon." Ang sambit ni Kim habang nakasandal sa pader.

"Mukhang naging maayos naman tayong guardian ni Kelly, ano sa tingin mo?" Ang sambit naman ni Kian na nakasandal na rin sa pader sa labas ng kwarto ni Kelly.

"Hindi naman siguro tayo mapapahiya kay Daddy kung nabubuhay sya ngayon sana nga kang andito sya para nakikita niya ang mahal niyang prinsesa ay handa ng maging reyna."

"Yeah..."

Kinaumagahan,

Ang daming pagkain sa hapagkainan ng nga Santos "A— Anong meron? Umaga palang sobrang dami ng nakahain."Ang sabi ni Patrick.

Habang nakaupo ang parents niya at ang kuya Richmond niya bigla namang dumating si May at ang soon to be husband nitong si Lester na may dala pang ibang dishes "Good Morning baby Bro." Ang masayang masaya na sabi ni May at naupo na sila ni Lester.

"Go— Good... sandali kang don't tell ikaw ang nagluto ng lahat ng ito ate?"

Napansin rin niyang may kumikinang sa kanang palasingsingan ng kaniyang ate May "Wa— Wait! Sing sing ba yan?"

Proud na proud naman si May na itinaas ang kanyang kamay at sinabing "Engaged na kami ng kuya Lester mo."

Gulat na gulat ang reaction ni Patrick at napatingin rin siya sa parents nila at para bang sinasabi rin ng mga ito sa kaniya na totoong engaged na nga ang ate niya at ganoon rin naman ang kuya Richmond niya. "Pe— Pero paanong?? Kuya I Richmond..."

"Tsk! Oo na mauunahannna nga aking Ate May mo masaya ka na?" Ang sambit ni Richmond at nagtawanan ang lahat.

"Wow! Congratulations ate May and kuya Lester."

"Salamat baby bro." Ang sambit ni May nag pasalamat rin naman si Lester.

"Kailan ang kasal?" Ang sambit ni Patrick.

" Sa December." Ang sabi nung dalawang engaged taliwas naman sa sinabi ng mga magulang nila dahil gusto nilang ikasal silang agad sa lalong madaling panahon.

"Next month! Ang kasalanan." Ang sabi ng daddy nila.

"Ano? Pero Daddy..." Ang nadidismayang sambit ni May.

"Honey, parang masyado naman syang mabilis kahit next, next month nalang kaya?" Ang sambit naman ng mommy nila.

"Enough! December ang kasal at that's final." Ang galit na sambit ni May at nag walked out ito.

"May!!!" Ang pahabol na sambit ng mga magulang nila.

"Ako na pong bahala sa anak niyo." Ang sambit ni Lester at hinabol niya si May.

"Ano ba namang problema kung Malaga ang kasal? Mas okay nga yon at least..."

"Dad enough!" Ang galit na ring sambit ni Patrick.

"Hindi kayo ang ikakasla si Ate May at mahalaga sa babae ang kasal at alam kong alam niyo yon mommy." Dagdag pa ni Patrick.

"Ah... eh... ang samin lang kasi ng daddy niyo."

"Mom, tumigil na kayo tama si Patrick kasal ni May ang pinag usapan at alam niyo namang matagal hinintay ng kapatid namin ang araw na nag propose sa kaniya si Lester." Ang sabi naman ni Richmond.

Tumayo si Patrick at umalis rin " Patrick!!! Saan ka pupunta?" Ang sambit ng Daddy nila.

"Hayaan niyo na muna mabuti pang kumain nalang tayo lalong magagalit si May kapag hindi natin kinain ang mga ito." Ang sabi ni Richmond.

Habang naglalakad palabas si Patrick ng kanilang bahay tumawag naman siya kay Kelly "Good morning nagising ba kita?"

Kelly: Morning, oo buset ka alam mo bang 8am lang???

"So— Sorry kala ko kasi gising ka na ng gabi re ng oras."

Kelly: Ano ba ng kailangan mo? Bilis inaantok pa ako.

"Paano kapag sinabi kong ikaw?"

"Toot... toot..."

"Kelly? Are you still there? Kelly?"

Binabaan na siya ni Kelly at hindi na rin niya ito macontact "Hays... ang hirap niya talagang lambingin."

Kaya tinawagan nalang si Dave "Dude, nasan ka? Magkita tayo sa tambayan ngayon na! Kapag hindi ka dumating alam mo na ang consequences."

Dave: A— Ano? Dude sandali lang...

"Bilisan mo!"