"Ano? Andine rin sila Master?" Ang sabi ni Dave habang kausap si Vince at nagising naman na si Patrick.
"Anong nangyayare? Nasan ako?"
"Oh dude! Gising ka na sandali lang tatawag lang ako ng doctor." Ang sabi ni Dave at pandalas na ng labas ng room.
"Doctor? So nasa hospital ako?"
"Oo."
"Pe— Pero paano? Hindi ba at..."
Napa hinto sya sa pagsasalita at naalala ang mga nangyare "Ano? Naalala mo na? Huh! Ikaw lang yung nakita kong nag bike ng wala lang 1km nahimatay na wagas daig ka pa pala ni Jacob."
"Ah... Eh... ano kasi..."
"Wag ka ng magpaliwanag alam ko ng hindi ka marunong mag bike kaya nga tignan mo yang ka itsurahan mo mangako ka na bugbog ng kung sino. Mag aalala pa sayo si Kelly at baka ako pa ang masisisi niya."
"Hindi pa rin ba kayo nagbabati ni Kelly?"
"Wag mo nang alalahanin yon ang importante ayos ka lang sa susunod wag mong pipilitin ang sarili mo kung hindi mo naman kaya. Baliw!"
"Sorry, nung bata kasi ako nagkaroon na ako ng trauma sa bike kaya di ko na uli sinubukang mag bike."
Pabulong bulong si Vince "So, mas takot pa pala sya sa bike kesa sa kabayo pambihira."
"Ano yon?"
"Ahhh... wala sabi ko sige mukhang okay ka naman na pupuntahan ko na muna yung asawa ni kuya Keith."
"Sino?"
"Si ate Faith yung asawa ng kapatid ni Kelly andito kasi rin sa hospital dadalaw na rin sana ako para isahan nalang andine na rin naman ako eh."
"Pwede ba akong sumama?"
"Ano? Hindi pwede diyan ka nalang baka hindi ka pa okay hayaan mo na munang matignan ka ng doctor."
"Oo andito na ang doctor." Ang sabi ni Dave na kasama na nga ang doctor at ang isang nurse na si Kevin.
"Patrick?" Ang pagulat na sabi ni Kevin.
"He— Hello po nurse Kevin.
Sa magkaparehong oras,
"Lalabas muna ko mga kuy's walang signal dine sa loob ng kwarto ni ate Faith may isesend kasi ako kay Mimay." Ang sabi ni Kelly.
"Ah... oo mahina ang signal dito sa kwarto sa labas meron naman." Ang sabi ni Faith.
"Oo nga eh."
"Sama ako tita Kelly."
"No! Hindi pwede baby mahirap na hospital ito hayaan mo na muna ang tita Kelly mo."
"Pero Daddy..."
"Babalik rin naman akong agad baby tama ang Daddy mo nasa hospital kaso tayo baka mahawa ka ng kung anong sakit bata ka pa naman."
"Dito ka nalang kay Tito Keith bilis kakain tayo ng apple."
"Kuya kay ate Fiath yan!"
"Isa kang naman grabe ka."
"Haha... hayaan mo na ang kuya mo baby girl nag babantay yan sakin dito gang gabi kaya kailangan niya rin ng sustansya."
"Pero ate... sige isa lang ha!"
"Tsss... oo na!"
"Sige lalabas na muna ako."
"Sama na ko." Ang sabi ni Kim.
"Kararating mo lang kuya aalis ka na?"
"Tungek! Inaantok kasi ako bibili muna akonng kape kayo nga tol gusto niyo?"
"Sige isang black coffee lang sakin." Ang sabi ni Kian.
"Ako hot choco nalang kuya." Ang sabi naman ni Keith.
"Okay sige, ikaw Faith wala ka bang ipapabili?"
"Wala naman kuya salamat nalang."
"Tito Kim ako po di mo tatanungin?"
"Hahaha... manang mana ka talaga sa tita Kelly mo."
"Oh? Bakit pati ako eh nadamay?"
"Hahaha... wala, ano ba ang ipabibili mo baby?"
"Pede po ba bubble gum? Para cool."
"Ano?"
"Hahaha... halika na nga kuya alam ko na yung gusto ng bagang yan."
"O— okay? Sige alis na muna kami."
"Bye."
Habang naglalakad yung dalawa busy naman si Kelly sa kaniyang cellphone "Ayos na send ko na rin sa wakas."
"Ano ba yang sine-send mo kay Mimay?"
"Ahhh... nagpatulong kasi sya na gumawa ng collage para sa project nila."
"Ohhh..."
"Ang ganda ganda ng ng hospital na ire wala man lang wifi? Wagas mahal mahal ng bayad eh."
"Ano namang tingin mo dine mall? Aba iha nasa hospital po tayo at wala sa kung saan na may wifi zones."
"Ehhh... ang akin lang naman eh dapat wifi man lang sana dine di lang naman patients ang nandirine eh may mga bantay rin kaya."
"May WiFi dito pero para sa personnel only." Ang sabi nung isang lalaking nurse at sabay na napalingon yung magkapatid.
"Pasensya na hindi ko sinasadyang makinig sa usapan niyo pero nakisingit na ako para alam niyo kung bakit walang free WiFi dito."
"So— sorry hindi sinasadya ng kapatid ko ang mga sinasabi niya." Ang sabi ni Kim ay sumenyas sya kay Kelly na mag sorry rin ito.
"Ha?"
Pinuwersa ni Kim si Kelly na tumungo at humingi ng tawad "Aray!!!"
"Pffft... hindi niyo naman na kailangang humingi ng tawad marami rin talagang gustong magkaroon ng WiFi dito pero hindi talaga pwede dahil isa itong pribadong lugar at para ito sa may mga sakit at hindi para gawing tambayan ng kung sino lang na gusto ng free WiFi."
"Huh! Pinariringgan mo ba ako?"
Inawat naman ni Kim si Kelly "Kelly! Tumigil ka."
"Hindi kuya nakakauma eh parang pinariringgan ata ako nire."
"Hindi naman ako nag paparinig ang akin lang naman eh kung gusto niyo mag wifi dun kayo sa mall tumambay."
"Aba't!!!" Ang gigil na gigil na sabi ni Kelly at sinapak niya yung lalaking nurse.
"Kelly!!!" Ang pagulat na sabi ni Kim at nakita rin naman sila ni Kevin kaya pandalas itong lumapit sa kanila.
"Wag mo kong ginagalit hindi mo ko kilala." Ang sabi ni Kelly.
"Kelly! Ano bang ginagawa mo?" Ang sabi ko Kevin at tinulungan niya yung lalaking co nurse niya "Eric, ayos ka lang ba?"
"Kilala mo sila?"
"Kilala mo yang mayabang na yan kuya?"
"Kuya?"
"Oo kapatid ko sila sya si Kelly ang bunso naming kapatid at yon naman si kuya Kim ang pangalawa sa panganay."
Nakatayo naman na noon si Eric "Nako, pasensya na masyado kasing mainitin ang ulo ng kapatid naming ito." Ang sabi ni Kim at kinurot niya sa braso si Kelly.
"Awww..."
"Mag sorry ka sa kaibigan ng ni Kevin."
"Bakit ako mag sosorry ang yabang niya no way!" At umalis na papalayo si Kelly.
"Kelly!!!" Ang sigaw ni Kim.
"Hayaan mo na kuya at kami ng nahingi ng sorry sa kapatid naming yon napaka pasaway kasi." Ang sabi no Kevin.
"Masakit ba pag kakasapak niya sayo?" Ang sabi naman ni Kim.
"Ah...hindi naman pero ang angas ng kapatid niyo ilan taon na sya?"
Nagkatinginan sila Kim at Kevin "20, bakit?" Anila.
"Sa tingin ko tinamaan na ako sa kaniya pwede ko ba syang ligawan?"
"A— ANO?" ang pagulat na sambit nung dalawa.