Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 202 - Kabanata 202

Chapter 202 - Kabanata 202

"Good Morning Classmates." Ang masayang masaya na bungad ni Dave.

"Oh? Ang aga ah..." Ang sabi ni Vince.

"Um... maaga ako ginising ni Precious."

"Tapos?"

"Eh bakit ganyan naman yang kasama mo? Ayos lang ba si Patrick? Bakit ganyan ang itsura niyan?" Ang sabi ni Harvey.

Naupo lang si Patrick sa kaniyang upuan habang patuloy na nag uusap yung tatlo "Bakit parang hindi nakatulog yan ang lalaki ng eyebags eh." Ang sabi ni Vince.

"Nako, wag niyo nalang pansinin mga brad excited kasi yan pumasok ngayon ayan walang tulog kaya wala ng energy." Ang sabi ni Dave.

"Eh? Bakit naman may long test nga tayo eh. Ano namang nakaka excite dun?"

"Oo tama si Vince ano namang nakaka excite sa pag kuha ng exam ka badtrip nga kamo."

"Pero kasi iba ngayon may inspiration na sya."

Nagkatinginan sila Vince at Harvey at sabay nilang sinabi "Inspiration?"

Hinila ni Dave yung dalawa sa labas ng classroom nila at sinabing "Sila na kasi ni Master."

"Ano? Sila na ni Kelly?" Ang pa sigaw na sabi nung dalawa.

"Shhh... wag kayong maingay!!! Baka marinig kayo ng iba! Sikreto lang kasi yon!"

"Aba teka! Ako yung pinsan dito hindi ko alam?"

"Eh? Hindi pa sinabi sayo ni Master?"

"Magugulat ba ako kung alam ko? Sapakin mo nga ng isa yan Harvey."

"Oh, easy... baka nahihiya pa si Master na sabihin sayo."

"Oo nga naman pre baka mamaya palang pero kilala naman natin si Kelly di sya clingy at showy na tao."

"Sabagay pero pinsan niya ako! Kailangan alam ko ang lahat sa kaniya, putek tapos ako pa pala ang di nakakalam? Sandali nga at matawagan sila kuya Kian."

Kukuhanin na sana ni Vince ang cellphone niya ng bigla syang pinigilan ni Dave "No Pre! Hindi pa din alam ng mga kuya ni Master."

"Ano?"

"Oo hindi pa nila alam kasi baka magalit ang mga ito."

"Pero pumayag naman na sila na manligaw si Patrick kay Kelly di ba Vince?"

"Oo pero may usapan kasi na pag ka graduate pa natin sila pwede mag ligawan tapos sila na pala?"

"Yun na nga mga pre kaya wag muna kayo maingay ha? Suportahan nalang natin yung dalawa."

"Pero mali ang mag lihim yun pa naman ang ayaw na ayaw nila kuya Kian kapag nalaman nilang nag lilihim si Kelly sa kanila baka ipadala yun sa Batangas para di na sila magkita ni Patrick."

"Pero Vince alam mo namang mabait si dude kaya wag ka ng mag alala tsaka andito naman tayo eh walang mangyayari kung ano. Tsaka alam naman nila yung tama o mali."

"Tama si Dave pre kaya kumalma ka lang tapos tayong tatlo manahimik nalang muna si Mimay kaya alam na?"

"Ka Ching." Sabay sabay tumunog ang cellphone nung tatlo at nakita nilang nag text sa kanila si Mimay.

"Eh? Group message?" Ang sabi ni Dave.

"I think alam na ni Mims." Ang sabi ni Harvey.

"Yeah..." Ang sabay na tugon nung dalawa.

Samantala,

Kararating lang nila Kelly sakay ng kotse ni Kian "Sige kuya mauna na kami sa inyo ni Kelly ingat kayo." Ang sabi ni Kevin

"Sige, ikaw ng bahala sa babaitang yan Kelly umayos ka ha!" Ang sabi ni Kian.

"Oo na kuya ang ayos na ayos ko eh. Humph!"

"Namimilosopa ka na naman!"

"Haha... kalma bro hayaan mo na sige na Kevin pumasok na kayo, Kelly yung bilin namin umayos ka!" Ang sabi ni Kim.

"Tsss... ewan ko sa inyo!" At na una ng pumasok si Kelly sinundan naman ka agad siya ni Kevin "Sige na mga bro mauna na ko mag ingat kayo."

"Ikaw ng bahala sa isang yan." Ang sabay sambit nila Kian at Kim.

"Oo."

"Sigh...ang hirap ng may kapatid na babae ang hirap bantayan." Ang sabi ni Kian.

"Kuya kung gusto mo ngayon pa lang i- train na natin siya mag sundalo."

"Gusto mong masapak?"

"Oh, kalma masyado ka kasing nag aalala kay bunso malaki na sya at matalino alam na nya ang ginagawa niya."

"Sana lang, kung ayaw niyang sa Batangas na manirahan."

Habang naglalakad ang magkapatid "Ano kayo na ba ni Patrick?"

"Kuya?"

"Bunso ka at mas malapit ka sakin kaya alam na alam ko kung may nililihim ka samin o wala."

"Pero kuya..."

"Sige di ko pipilitin na umamin ka pero tandaan mo ang usapan natin nila kuya pag ka graduate mo pa pwede pumuntahin satin si Patrick kaya mag ingat ka kilala mo sila kuya Kian kung papaano magalit hindi kita mapagtatakpan sakanila kapag may ginawa kayong di dapat."

"Um... pangako kuya."

"Sige na kita nalang tayo sa lunch pumunta ka sa clinic."

"Um..."

At naghiwalay na nga yung dalawa ni Kelly at habang naglalakad sya papuntang classroom nakasalubong niya si Daniel "Kelly?"

"Daniel?"

"Yow, di kita nakilala ah di ka kasi naka pam P.E."

"Ahhh.. yun ba wala ka pa bang klase? Nagmamadali kasi ako sige ha? Mauna na ko sayo malelate na ko eh. Regards nalang kila Chollo."

"Oo sige."

At nagtatakbo na si Kelly papunta ng kanilang classroom at nung nakarating sya nagulat siyang sinalubong agad siya nila Vince, Dave ay Harvey sa may pintuan "Morning? Anong meron bakit kayong tatlo eh naririne?" At napatingin sya kay Patrick na noon ay nakaubob lang sa kaniyang desk.

"Inaabangan ka talaga namin kanina pa." Ang sabi ni Vince at tinignan niya si Kelly mula ulo hanggang pa. "Ey, ganyan ba kapag inspired nagiging babae bigla?" Dagdag pa niya.

"A— Ano?" Pandalas na syang naupo sa kaniyang upuan at hindi niya na pinansin o ginising si Patrick sinundan naman siya nung tatlo na parang gusto syang i-interrogate.

"Ba— Bakit ba ako eh sinusundan niyo? Magsisimula na ang klase kaya bumalik na kayo sa upuan niyo."

"May 15mins pa Master bago mag simula." Ang sabi nk Dave.

"Oo kaya mag kwento ka muna." Ang sabi ni Harvey.

"A— Ano naman ang ikukwento ko sa inyo?"

"Tsss... kunwari ka pa alam na namin. Humph! Pinsan eh huli pa nakaalam." Ang sabi ni Vince na medyo galit.

"A—Ano ba kasi ang mga sinasabi niyo?"

Bigla namang sumulpot si Patrick na medyo wala sa mood " Magsi upo na nga kayo."

"Dude! Gising ka na pala andito na si Kelly mo."

"Ano?" Ang pagulat na sambit ni Kelly.

Ang sama naman ng tingin ni Patrick kay Dave "Uupo ka ba o gusto mong kaladkadin pa kita?"

"Ah... eh... eto na uupo na."

Pandalas naman si Dave at hinila na rin niya si Harvey "Sandali lang!!!" Sabi naman nito.

"Oh? Bakit ang sama din ng tingin mo sakin katabi ko si Kelly kaya ikaw ang umupo!"

Wala namang kibo si Patrick at bumalik sa kaniyang upuan na hindi man lang kinakausap si Kelly.

"Anong problema non? Bakit hindi ka pinansin?"

"Ha? Ma— Malay ko."