Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 199 - Kabanata 199

Chapter 199 - Kabanata 199

Sa likod ng DLRU,

Nagsimula na ring umaksyon ang mga pulis at ang mga kapatid ni Kelly at sila Vince para mailigatas yung dalawa. Pero dahil palaban sila Patrick at Kelly hindi rin sila nag patalo ang mga ito sa mga goons ni Honeygrace. "Honey, kaya mo pa ba?" Ang sabi ni Patrick kay Kelly na noon sila ay animo mga bida sa isang action movie na magkatalikuran pa.

"Anong honey ang pinagsasabi mong gung gong ka?!!!"Ang sagot ni Kelly na may sinasapak na isang goon.

Habang sumisipa naman si Patrick "Para kasing magandang tawagan ang honey eh." At sinuntok niya ang mukha nung isang goon rin at nakita niyang may susugod kay kay Kelly kaya binuhat niya ito "Sipain mo honey!!!"

"Tigilan mo na yang kaka honey mo!!!" Sinipa niya ng pagkalakas yung goon at binitawan siya ni Patrick nagkaliwaan sila ng suntok sa mga lumalapit sa kanila pagkatapos niyang sumipa.

At nag patuloy sila sa pagsagupa sa mga tauhan ni Honeygrace habang nakikipag laban na rin naman noon ang mga kuya ni Kelly at sila Vince "Ahhhhh..." Ang pa sugod na sambit ni Dave pero naunahan na sya ni Vince sa pag sapak doon sa goon at pinag papalo gamit ang kahoy niyang dala at nag yabang pa. "Pre, bilis bilisan mo ang kilos."

"Huh! Talaga ha!! Sa likod mo!!!"

Lumingon namang bigla si Vince at binato ni Dave ka agad ng kahoy niya ring dala yung goon at saktong tumama sa ulo nito kaya bumagsak ka agad "Ano ka nga yon pre?"

"Humph...sandali lang asan si Harvey?"

"Aba oo nga."

At nakita nilang may ginugulpe na ring isang goon "Hoy!!! Tama na yan wala ng malay o baka matuluyan mo ang isang yan makulong ka pa." Ang sabi ni Vince at lumapit sila ni Dave kay Harvey.

"Para sure na hindi na makakatayo nanggigil ako'y."

"Tama na yan."

"Ah---ahm...guys yung mga kuya ba ni Kelly mga master talaga?" Ang sabi ni Dave na animo'y manghang-manghang sa kaniyang nakita.

"Ano?" Ang sagot naman nung dalawa na nagtataka kung ano yung pinagsasabi ni Dave kung kaya't tumingin sila sa tinitignan nito at nakita rin nila ang galing makipag laban ng mga kuya ni Kelly dahil ang dami nilang napatumbang goons.

"Wow...ang gagaling nila..."

"Bata pa lang sila tinuruan na sila ni Tito Kemwell ng mga martial art kaya talagang mga master sila tumingin kayo sa bandang iyon mukhang hindi na kailangan ng mag pulis ano?"

Tumingin naman yung dalawa sa bandang kaliwa at doon nakita nila Dave at Harvey na nakamasid lang ang mga pulis na animo'y manghang-mangha sa karate at taekwondo skills ng mga kuya ni Kelly at para bang wala ng balak tumulong at ang gusto nalang ay ang manood.

"Woah...hindi na nga ata talaga kailangang tumawag pa ng mga pulis sa mga kuya pa lang ni Master solve na solve na taob na mga kalaban."

"Eh tignan niyo naman yon ang ganda ng team up nila Kelly at Patrick yung totoo kailangan pa ba tayo dito?" Ang sabi naman ni Harvey.

"Oo kailangan pa tayo dito nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Ang sabi ni Vince na nakatingin sa pasimpleng tumatakas na si Honeygrace at nakita rin iyon nila Dave at Harvey.

"Aba! Mukhang may gustong tumakas na warka ng walang paalam."

"Warka?" Ang sabay na tugon nila Vince at Harvey kay Dave.

"Bruha ang ibigsabihin nun hindi ba kayo nanonood ng Encantadia?"

"Kalalaki mong tao nanonood ka ng ganun? Kala ko ba'y tigasin ka?" Ang sabi ni Havey.

"Eh ano naman kahit sino pwede manood nun."

"Sus...ang akin lang hindi bagay sayo ang ganoong palabas baliw."

"Magsitahimik na nga kayo!!! Bilisan niyo at sundan natin ang warkang yon." At nagmadali siyang tumakbo at kinuha yung box na may lamang bubuyog nakatinginan naman sila Dave at Harvey "See, kahit si Vince gusto yung ganung palabas."

"Tsss..."

Huminto naman si Vince at lumingon at sinabing "Ano pa bang tinutunganga tunganga niyo dyan??? Bilisan niyo at baka makatakas yon!!!"

"Yes Sir..."Sumunod naman ka agad yung dalawa.

Samantala,

Sa bahay ng mga Tuazon may mga pulis sa labas kasama ang lawyer ng mga Santos "Sir, Madam may mga pulis po sa labas at gusto po nila kayong makausap." Ang sabi ng kasamabahay na si Nora kila Mr. and Mrs. Tauzon na noon ay nanood ng tv pababa naman na ng hagdan noon si Vivian.

"Why they want to see us?"

"Hindi ko po alam pero sabi po may warrant of arrest daw po silang dala para sa inyo."

Kinagulat naman iyon nung tatlo "Mom, Dad what is the meaning of this? Bakit nila kayo bibigyan ng warrant of arrest?"

"We don't even know dear."

"Daddy, tell me do you still talking to the business tycoon Mr. Generoso?"

Nagkatinginan ang mga magulang niya "Daddy!!!!"

"Ah---ahm...I just want to expand our business kaya nakipag business partners kami ng mommy mo sa kaniya."

"Ano? Dad!!!! Hindi ba sinabi ko sa inyo na wag niyo ng ituloy dahil illegal ang mga papeles nila bakit hindi kayo nakinig sakin lawyer ako ng pamilya natin hindi ba? Sigh...mom bakit hindi nyo naman pinigilan si dad?"

"A---ano kasi eh...""

"Sigh...hindi ko na po alam kung paano kayo tutulungan ang laking problema ng pinasok niyo drug dealers ang mga Generoso at sa tigin ko may nakita na ang mga pulis na matibay na ebidensya kaya ngayon pati kayo dawit!!!"

"Tsk...paano anong gagawin namin ng daddy mo?"

"Isa akong public lawyer mom at hindi ako napanig sa mga alam kong salungat sa katotohanan. Kaya mabuti pang sumuko na lang kayo at harapin ang mga pulis sa labas kung ayaw niyong mapahiyang lalo ang pangalan natin dahil ano mang oras baka may dumating ng mga media dito."

"Hinde!!! Hindi kami mahuhuli ng mommy mo kung tutulungan mo kaming tumakas."

"No dad!!! Hindi ako papayag na tumakas kayo."

Lumapit naman kay Vivian ang nanay niya "Pero Vivs, were your parents kaya tulungan mo kami."

"I said no mommy lalo lang lalaki ang magiging parusa sa inyo kung tatakas kayo."

At sumugod na nga ang mga pulis at nag panic na ang mag asawang Tuazon at dinakip ang mga ito " Vivian!!! Tulungan mo kami!!!" ang sabi ng mga ito habang papalabas ng kanilang bahay kasama ang mga pulis na dumakip sa kanila.

"Maaari kang maging abogado ng mga magulang mo Atty. Tuazon pero alam kong nasa pananig ka ng tama at ng katotohanan kaya sana gawin mo ang nararapat." Ang sabi ni Atty. Jhonny Santos na pinsan nila Patrick na kaklase rin ni Vivian sa law school.

Naka poker face lang si Vivian na para bang walang nangyare pagdakip sa kanyang mga magulang. "I know...at alam ko ang gagawin ko hindi mo na kailangan pang i-remind sakin kahit na mga magulang ko pa sila sisiguraduhin kong mabubulok sa bilangguan ang mga may sala."

"Wala tayong magagawa dahil ito ang pinili nating propesyon kaya gampanan natin ng tama."